AGKWC 11 - BLACK ENVELOPE

A/N: I dedicate this chapter to LiiviingPotato. Salamat sa paggawa ng cover ng story ko! Huhu. Gamitin ko yun soon. :)

-----

Chapter 11

Kyra Devon's POV

Hindi....

H-hindi pwede!

B-bakit ganito....

Hindi ko na napigilang mag-unahan ang aking mga luha sa pag-agos mula sa aking mga mata

Hindi ko matanggap....

Bakit?!

"Bakit mo tinago sa amin ito Zaki. B-bakit!!" Patuloy lang sa pag-agos ang aking luha na hindi ko alam kung bakit hindi maubos ubos.

Nalukot ko na rin ang papel na hawak ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon.

Nakatingin lang ako sa walang malay na si Zaki at patuloy siyang sinisigawan. I can't help but to shout. Dahil masyadong masakit.

"Oo alam ko. Alam kong hindi pa ganun ka-haba ang pagkakaibigan natin pero utang na loob naman!! Umayos ka!" Sigaw ko pa din sa kanya sa pag-asang sasagutin niya ako.

It hurts....

It hurts like hell!

Hindi ko alam kung bakit sobra ang nararamdaman kong sakit ngayon.

Mag-tatatlong buwan pa lang mula ng makilala namin ni Mia ang magkakaibigan na sila Zaki, Luigi at Clyde.

Pero gayunpaman ay napalapit na rin ito agad saamin.

Hindi naman pala kasi ganun kahirap pakisamahan ang grupo ni Zaki. Mabait ang mga ito sa kabila ng kamanyakan at kapilyuhan na taglay ng dalawa niyang kaibigan.

At maging si Zaki, hindi ko alam kung bakit ang inis na nararamdaman ko sa kanya ay unti unting nawawala habang tumatagal.

Ngunit hindi ko pa rin pinapahalata sa kanya na nagugustuhan ko na siya bilang kaibigan at patuloy ko pa rin siyang sinusungitan everytime na makakausap ko siya.

Pero ngayon na nakita ko siya sa lagay na ito at makita ang nilalaman ng envelope na ito?!

Sobrang sakit

Sobrang sakit na parang pinipiga ang puso ko.

Bakit hindi mo sinabi sa amin Zaki?

Bakit mo sinasarili ang katotohanang ito?!

"Zaki. Alam kong wala akong karapatang hilingin ito... but please...please be okay. For us.... For me."

Tanging nasabi ko kay Zaki at kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Luigi.

"Oh Kyra!" Masayang bungad sa akin ni Luigi.

"M-magkita tayo. Sa coffee shop na malapit sa apartment ni Zaki. Bring Clyde with you." Sunud-sunod kong sabi sa kanya habang humihikbi hikbi.

"T-teka lang Kyra, gabi na. Tsaka kalalabas lang natin kanina ah? Tapos magkikita tayo ulit? Tsaka, umiiyak ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?" Tuloy tuloy na tanong sa akin ni Luigi na lalong nagpalabas ng luha ko.

"Wag nang maraming tanong Luigi please. Basta pumunta na kayo ngayon. May importante akong sasabihin." Bakas pa rin sa boses ko ang pagod dahil sa pag-iyak.

"Pakisabi na rin kay Mia. Hihintayin ko kayo." Huling sinabi ko sa kanya bago ko patayin ang tawag.

Muli kong sinulyapan si Zaki na walang malay pero kung titignan mo ito ay para lamang siyang natutulog.

"Aalis muna ako. Sasabihin ko na rin ito sa kanila. Karapatan din nilang malaman dahil kaibigan mo sila. At karapatan mo ding lumaban kasama kami." Hinaplos ko ang kanyang dilaw na buhok at nagsalitang muli

"Dahil katulad ko, alam kong hindi rin sila papayag na labanan mo ito ng mag-isa." At pagkasabi ko noon ay kinuha ko na ang envelope at inayos ang lukot lukot na papel tsaka kinuha ang bag ko at dalidaling umalis ng apartment niya.

Halong inis, sakit, takot at kaba ang nararamdaman ko sa bawat paghakbang ko papunta sa coffee shop.

Inis, dahil nagawa niyang paglihiman kaming mga kaibigan niya.

Sakit, dahil kahit na konting panahon pa lang mula ng mapasama kami sa grupo nilang magkakaibigan, napamahal na rin ako sa kanila. At dahil sa rebelasyon na nalaman ko ngayon, hindi ko maiwasang magtanim ng sama ng loob dahil kung hindi ko pa siguro siya pinuntahan sa apartment niya ay hindi ko pa malalaman at mukhang wala siyang balak sabihin sa amin ito.

Takot, dahil takot akong tanggapin ang katotohanang nakaloob sa papel na hawak ko ngayon. Natatakot ako sa posibilidad na pwedeng mangyari at sa magiging reaksyon din ng mga kaibigan niya pag nalaman din nila ito.

At kaba... kaba sa maaaring mangyari pagkatapos nito. Kinakabahan ako na baka huli na sa amin ang lahat.

Pero hinde! Umayos ka nga Kyra! Wag kang mag-isip ng ganyan!

Hindi pa huli ang lahat....

Hindi pwedeng huli na ang lahat....

Nakarating na ako sa napag-usapang coffee shop at gaya ng inaasahan ko ay wala na itong mga customer.

Time Check: 11:48pm

Kaya naman pala.. mag-aalas dose na. Mabuti na lang at 24 hours itong coffee shop na ito.

Pumasok na ako sa coffee shop at nakita kong tinitigan ako ng isa sa mga crew ng coffee shop na ito nang may pagtatakha.

Marahil ay nagtataka ito dahil sa maga ng mata ko. Kaya nginitian ko lamang ito. Isang mapait na ngiti. Walang kabuhay buhay na ngiti.

Umorder na lang ako ng apat na tsaa dahil alam kong pagkatapos ng rebelasyong ito ay wala na sa amin ang makakakain pa ng maayos.

Dumeretcho na ako sa may dulong pwesto kung saan magkakasya kaming apat at nilagay na rin ng crew yung mga tsaa sa table.

'Salamat' i mouthed him.

At pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin sila.

Napangiti si Mia sa akin ng makita na niya ako pero napalitan ito ng pag-alala.

"Kyra!" Sigaw nito sa akin at walang pasabing nagmadaling pumunta sa pwesto ko.

Nakita ko rin naman na nagsunuran na rin si Clyde at Luigi.

"What happened?! Bakit mo kami pinatawag? At... bakit namamaga ang mata mo? Tell me. Who made you cry?!!" Ramdam ko ang galit sa tono palang ng boses niya at nang titigan ko ang mga mata niya ay nakita ko ang galit mula dito.

Umupo siya sa tabi ko at ang dalawang lalaki naman ay umupo sa tapat namin at ngayon ay nanatili pa ring tahimik pero bakas ang pagtataka sa kanilang mukha.

"M-mia" At muli ay trinaydor nanaman ako ng mga mata ko at nilabas muli ang mga luhang dala dala ang sakit na nararamdaman ko.

Niyakap ako ni Mia at patuloy lang ako sa pag iyak dahil umaasa akong mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero hinde.

Ilang sandali pa ay bumitaw na mula sa pagkakayakap si Mia at tumigil na rin ako sa pag iyak.

"Kyra. What is it?" Mahinahong tanong ni Mia.

Agad ko namang tinignan ang dalawang lalaking katapat namin.

"May alam ba kayo sa nangyayari sa kaibigan ninyo?" Deretchahan kong tanong sa kanilang dalawa.

Ngunit nagkatinginan lang sila at binalik ang tingin sa akin ng may pagtataka.

"Kyra, ano bang sinasabi mo?" Clyde

"Oo nga. Pinapakaba mo kami eh. Anong nangyayari ba ang sinasabi mo?" Luigi.

Tama nga.

Wala nga silang alam.

Hinayaan mong lamunin ka ng pag iisa mo.

At gusto kitang balian ng buto ngayon dahil sa desisyon mo!

Imbes na sagutin ang tanong nila ay kinuha ko na lamang ang envelope at nilagay ito sa gitna ng lamesa.

Tinignan naman nila ito na hindi pa rin maalis ang pagtataka sa mga kinikilos ko ngayon.

"The answers to your questions are inside." Malamig na pagkasabi ko.

Nagkatinginan nanaman silang tatlo na parang nag-uusap usap ang mga mata nila na kung sino ang magbabasa nito.

Di nagtagal ay si Mia na ang kumuha ng envelope at binasa ito.

"L-leukemia?!" Gulat na gulat na pagbasa nito sa nakasulat sa papel.

Mariin akong napapikit matapos niyang sabihin ang hindi ko matanggap na salita.

Kaya pala....

Kaya pala hindi pangkaraniwan ang putla ng katawan niya...

Kaya pala parang matamlay siya nitong mga nakaraang araw...

Agad namang inagaw ni Luigi ang papel mula kay Mia at binasa ito na para bang hindi naniniwala sa sinabi ni Mia.

"Fuck!" At pagkasabing pagkasabi ni Luigi niyon ay sinabunutan niya ang sarili niya at halata sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala sa nabasa niya.

Maging si Clyde ay tulala ngayon at hindi nagsasalita. Tanging ang blankong mata lang niya ang nakikita namin ngayon at isa lang ang alam ko ngayon.

Tulad ko... nasasaktan sila.

"Kailan pa. Kailan mo pa to alam?!" Biglaang pagtaas ng boses sa akin ni Luigi na labis kong ikinabigla.

At nagsisimula nanamang sumikip ang dibdib ko.

"K-kanina lang." Pagkasabi ko nito ay narinig ko pa ang malalakas ngunit malalim nilang buntong hininga

"P-pagkatapos kasi ng dinner natin, t-tinext ko siya kung nakauwi na ba siya hanggang sa hiniling niya na tumawag siya sa akin pero nung tumawag siya ay hindi siya nagsasalita hanggang sa nabitawan niya yung telepono niya." Saglitan akong tumigil para pigilan ang sarili kong umiyak.

"K-kinabahan ako kaya agad akong pumunta sa apartment niya at nakita ko siya doon na walang malay at ng hawakan ko ang noo at leeg niya, nilalagnat siya." Tumigil akong muli upang tignan ang kanilang reaksyon ngunit nakita kong nakatingin pa rin sila sa akin kaya't pinagpatuloy ko ang pagkwento.

"Sa una inakala ko na simpleng lagnat lang ito. Kaya naman binanyusan ko na lang siya. Pero hindi talaga maganda ang kytob ko sa hindi ko malaman na dahilan. Hanggang sa nakita ko na nga yang envelope ng hindi sinasadya at wala sa sariling binuksan ko.... at.....at.....tuluyan na akong nanghina"

Nakita ko naman si Mia na lumuluha na rin habang hinihimas pa rin ang likod ko.

Maging si Luigi at Clyde ay tumulo na rin ang mga luha.

"Tang*na naman Clint!" Sigaw ni Clyde na kanina ay tulala lang.

"Bakit hindi manlang niya sinabi sa atin?! O wala siyang balak sabihin?!" Nilingon ko naman si Mia na bakas na sa kanya ngayon ang pagkainis

"Nasaan na siya ngayon?!" Tarantang tanong sa akin ni Luigi.

"N-nasa apartment niya. W-wala pa ring malay." Sagot ko naman sa tanong niya.

Nakita ko namang napasapo ng mukha si Luigi

"Iniwan mo?!" Sigaw nanaman sa akin ni Luigi na ikinatulo nanaman ng aking luha.

"S-sorry. P-pero maayos ko naman siyang iniwan. Naisip ko kasi na kailangan nyo ring malaman ang bagay na ito." Paumanhin ko sa kanilang lahat.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong sa amin ni Mia.

"Sasamahan natin siya." Sabi ko ng may pagdiin na agad naman nilang ikinatingin sa akin.

"Hindi natin siya hahayaang mag-isa. Hindi ako papayag na sarilinin lang niya itong kondisyon nya." Patuloy kong sabi.

"Ipagpaliban muna natin ang inis natin sa kanya na pinaglihiman niya tayo. Ang mahalaga ngayon ay nalaman natin ito at tutulungan natin siyang gumaling hangga't di pa huli ang lahat." At kita ko naman sa kanilang mukha ang pagsang-ayon sa sinasabi ko

"Hindi pwedeng mahuli ang lahat. Kaya sa ayaw at sa gusto ni Zaki, hindi siya maaaring sumuko. Hindi natin siya hahayaang sumuko." Narinig kong sabi ni Luigi na ikinangiti ko naman.

Kahit pala maypagka loko loko ito ay mahalaga pa rin sa kanya ang kanyang kaibigan.

"Tama. At dahil parte na rin kayo ng pagkakaibigan, tutulungan nyo kami ni Luigi sa pagpapalakas ng loob niya." Dugtong naman ni Clyde.

Nginitaan naman namin siya ni Mia.

"Tara na sa apartment niya. Baka gising na yun. Kailangan nyang matikman ang suntok ko." Luigi.

Tumawa naman kaming lahat dahil sa kabaliwan ni Luigi

At tama nga ako... hindi namin nagalaw ang tsaang inorder ko.

Bwisit. Sayang pera ko.

Tumayo na kaming lahat at dumeretcho sa apartment ni Zaki.

Pero nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin mula sa aking likuran.

Nilingon ko ito at yung crew pala ito.

"Ah Mam, yung order nyo po sayang."  Nginitian ko naman sya

Pati pala siya, nanghinayang.

"Sige, paki-take out nalang. Tapos inyo na." Balik kong sagot sa kanya.

"S-salamat po Mam!" Masiglang sabi nito at tsaka ko na siya tinalikuran.

Sinundan ko nang muli sila papunta sa apartment ni Zaki.

Sana may malay na siya.

Babatukan ko pa siya dahil napakatanga niya.

Bakit niya kailangang sarilinin. Hindi ba kami mahalaga sa kanya?

Ganunpaman, hindi ito ang kailangan niya. Hindi ang galit namin. Kundi ang presensya namin.

Ang pagpalakas ng loob niya at hindi siya iiwang mag isa.

Ganun naman ang pagkakaibigan diba?

Sa hirap at ginhawa.

Salamat.

Salamat dahil parte na kami ng buhay ninyong magkakaibigan.

Kahit sa kakaunting sandali pa lang.

At oo. Wag kayong mag-alala.

We will always be here for you

For Zaki.

For my Mr. Hepa.

----

A/N: Baka nalilito kayo, itong chapter na ito ang update ni Divina sa story niyang EWIH. Hihihi.

OA ba ni Kyra? Hahahaha! Iyak siya wagas ih.

La eh. KAIBIGAN daw niya eh. Hahahaha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top