AGKWC 10 - THE TWO F4s
ZELO ANGELO
Argh! Hindi ko mapigilang sabunutan ang sarili ko sa sobrang prustasyon.
Bakit ko ba kasi naisipang ihatid si Divina?!
Bakit?!
Baka makahalata na iyon sa akin. At hindi pwede! Argh!
"Brader easy lang. Kalma." Yeah. It's Vendric.
And yes, unfortunately, kasama ko nanaman siya ngayon at nandito kami sa bahay ng isa pa naming kaibigan. Si Sky. Sky Lawrence.
Apat kaming magkakaibigan. Ako, si Vendric Silva, Blue Collins at si Sky Lawrence.
Si Blue Collins ay half blooded filipino at half blooded american. Ang nanay nya kasi ay nakapangasawa ng Amerikano nung nagtrabaho siya abroad. At ang amo ng kanyang ina noon ay siya na ngayong ama niya. Pero ngayon ay nasa States pa din si Blue. Siya ang kaisa isang kaibigan ko when I was still in States. Dahil nung mga panahong masamang masama ang loob ko kay dad, wala akong ibang kinakausap kundi ang kapatid ko lang na si Briana. But not till I met Blue.
Okay bakit parang ang awkward nung last sentence ko. Tss.
Naging kaklase ko siya sa States way back highschool.
May pagkaweird nga lang din si Blue dahil ayaw nito sa babae. No Girlfriend Since Birth ang mokong na ito. At ang idinadahilan nito ay dahil sa ayaw daw niya sa maaarte. Dahil lahat daw ng babae ay may taglay na kaartehan. Yeah, nilahat niya. Woman hater it is.
Sky Lawrence. Siya naman ang una kong naging kaibigan dito sa Pilipinas nung hindi pa namin napagdesisyunang manirahan sa States. Nauna ko syang naging kaibigan kesa kay Vendric na nakilala ko lang nung ako'y mag college. He is my first bestfriend before that punk Vendric. Dahil magkababata kami. My parents and his parents used to be friends in their college years kaya hanggang sa magkaanak sila ay namana na din namin ang pagkakaibigan nila.
Kung si Blue ay NGSB, kabaliktaran naman nito si Sky. Dahil si Sky ang tinaguriang playboy sa grupo. Wala yatang gabi na hindi mo makikita ang isang Sky Lawrence sa bar. At lagi itong may kasamang babae pero wala namang nagtatangkang pigilan siya sa pambababae niya dahil ang lagi nyang katwiran ay gwapo naman daw siya and freakin single so wala naman daw mali sa ginagawa niya. Tsk.
Pero sa ibang University nag-aaral si Sky kaya hindi namin siya nakakasama lagi. Tuwing weekend lang at kung mamalasin ay baka hindi pa.
And lastly, Vendric Silva. Wait, do I really need to introduce him? I think you already know him.
But I can sum it into TWO WORDS. He is GAY and IDIOT at some time. Oh let me rephrase it. ALL THE TIME!
So maybe you were wondering, paano naman sila nagkakilala? Well, of course. It's because of me.
Nakilala ni Sky at Vendric ang isa't isa dahil si Vendric ang kasama kong pumunta sa bar para sagipin si Sky sa pagkakabugbog sa kanya. Lintek kasi eh. Iinom inom tapos mangchachansing ng babaeng may boypren. Ayun, nabugbog tuloy. Tsk. Mabuti na lang at nagtext sa akin ang may-ari ng bar kung hindi ay baka namatay na ang ugok na yun.
Well. Lagi lagi kasi kami dati doon ni Sky kaya kilala na rin kami nung may-ari. But don't get me wrong, dati yun. Hindi na ako pumupunta ng bar ngayon unless pag gusto ko talagang uminom.
Si Blue naman ay nakilala nila Sky at Vendric dahil sa kakulitan na meron si Dric. Nasa apartment ko non si Sky at Dric when Blue called me para kamustahin. At ang gag*ng Dric ay inatake nanaman ng kanyang pagkaseloso na kesyo may bago daw ba akong kaibigan aside sa kanya. Kaya I am left with no choice but ipakilala sa kanila si Blue.
Sa totoo lang maging si Sky ay kinaselosan na rin niya. Dahil daw akala niya ay siya lang ang kaibigan ko. Yun daw pala may nag-eexist nang Sky sa buhay ko. Parang tanga talaga.
So yun. But hindi pa nila nakikita si Blue ng personal dahil hindi pa naman ito bumibisita sa Pilipinas. Kaya hanggang sa Facebook at Video chats lang kami nagkakausap.
"Ano bang problema mo tol? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" Tanong ni Sky na ngayon ay binubuksan ang mga alak na binili niya.
Mabuti na nga lang at napilit namin siya na wag kami sa bar magkita kita kundi sa bahay nalang niya. Pero ang kondisyon naman ay iinom daw kami ngayon and we can't say no.
"Eh paano naman kasi. Yang si Zelo, totorpe torpe!" Sagot naman ni Vendric kay Sky na prenteng nakaupo sa couch. Feel at home eh?
Wow! Siya ba tinatanong?! Ugh -___-
"Bakit? Si Zelo may chicks? Haha! Grabe ka tol! Sexy ba sexy?" Sky na lumalapit na papunta dito sa salas dala ang mga alak tsaka tumabi sa akin. Wengyang lalaki, kamanyak talaga.
"Cut it off Sky. She's not a chick. At hindi rin ako torpe!" Bulyaw ko sa kanilang dalawa ni Vendric. Itong dalawa talagang to pag nagsama, ako ang laging pinupunterya. Tsk.
"Ay oo nga naman. Hindi siya torpe Sky. Naihatid pa nga niya kahapon eh." At nang-aasar na titig ang binunton sa akin ni Vendric.
Nak ng!
"Aba! Nagbibinata na talaga tong bespren ko ah. Yan ang dapat! Mabilis kumilos. Hindi totorpe torpe!" Turan sa akin ni Sky at inakbayan pa ako sabay pag tapik sa balikat ko.
Nakita ko naman si Vendric na masama na ang tingin sa amin. Or should I say kay Sky.
Uh-oh, he's jealous again.
Napansin naman ito ni Sky kaya agad din itong bumitaw sa pagkaka-akbay sa'kin at tumawa nalang ito.
"Di ka pa rin nagbabago Vendric. Seloso ang p*ta! Bakla ka ba tol? Haha!" Pang-aasar ni Sky kay Vendric.
Nakita ko namang kinusilapan lang ni Vendric si Sky sabay pagkuha ng alak na nasa mesa.
"So mabalik sa usapan. Who's the lucky girl?" Tanong sa akin ni Sky na kumuha na rin ng kanyang alak.
"Wala. I'm not into girls. You know that." Pagsagot ko naman sa kanya at kumuha nalang din ng alak.
"Huy Brader! Hindi ikaw si Blue kaya wag kang mag-kaila. Ang sabihin mo, hindi ka pa ready na manligaw. Sus." Pagsalungat nanaman sa akin ni Vendric.
"Bakit naman? Kung ako siguro nasa posisyon mo Zelo, malamang ex ko na yun. Alam mo naman ang isang Sky Lawrence, hindi nababakante, hindi nakukuntento sa isang putahe. Hahaha!" Sabay paglagok niya sa kanyang alak.
Yeah. Ganyan talaga mag-isip ang isang Sky Lawrence. Playboy na playboy. At ang iba pa ay tinatawag pa syang fckboy. And take note, he's proud of it!
"Unfortunately, hindi ako ikaw. At hindi ako tulad mo na sabik na sabik sa babae. Tsk" I coldly said.
Hindi ako sabik sa babae.
Dalawa lang ang babaeng naging mahalaga sa akin at minahal ko.
At yun ay ang ex ko at si Divina.
Tumawa na lamang ito at hindi na ako sinagot pa. Hindi ko rin alam kung anong nangyari dito sa kababata kong ito.
Dahil dati naman, makikitaan mo ito ng respeto sa mga babae.
Sobrang marespeto ito sa mga babae at nang minsan ko nang itanong kung bakit, yun ay dahil daw sa iniisip niya na lahat ng babae ay ang kanyang ina. Na kung babastusin niya ang mga babae, para na rin daw niyang binastos ang ina niya.
Pero nagbago ang lahat sa isang iglap. Sa hindi ko rin malaman na dahilan ay biglang nagbago ang Sky Lawrence na kilala ko.
Wala naman itong naikwekwento sa akin noon kaya magpahanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan ng pagbabago niya.
Pero kahit tinaguriang playboy/fckboy na siya ngayon, I never saw him hit a woman. He may have sex with multiple women but never kong nakitang may pinabuhatan ito ng kamay.
At yun ang nagpapatunay na may kakaunting porsyento pa rin sa loob ni Sky na respeto sa mga babae.
"Maiba nga tayo tol. Kumusta naman sila tito at tita? Si Briana?" Pagtatanong muli ni Sky sa akin.
Napayuko na lamang ako at tinitigan ang bote ng alak na ngayo'y malapit ko nang maubos.
"They called me yesterday. Kinumusta lang ako." I lied.
Sana nga kinamusta lang ako. Pero hindi eh.
Sana hindi nalang sila tumawag.
Tang*na.
-----
Flashback
Pagkahatid ko kay Divina sa kanilang bahay ay nagring ang aking Iphone X.
'Oo nga pala. Tatawag nga pala sila ulit.' Sabi ko sa isip ko.
Agad ko naman itong kinuha sa bulsa ko at tinanggal muna ang helmet sa aking ulo.
"Yes bri" paunang bungad ko sa aking kapatid.
"Zelo." Makatindig balahibong boses ng taong kinamumuhian ko ang ngayo'y nasa telepono.
The fck.
"Y-yes dad." I replied.
Fck. Why am I stuttering.
"I heard you're doing well there huh." Yes dad. I do.
Nanatili lamang akong tikom ang bibig at hinihintay ang kung ano pang sasabihin nito sa akin.
"And since you're doing well, I have a surprise for you."
Surprise? Ano nanaman ba ito dad?!
"What is it dad" malamig ko lang na tugon sa kaniya.
Pero isang mahina ngunit nakakakilabot na tawa lamang ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Don't worry my son. Soon. You will know it soon." At muli ay tumawa nanaman ito na dahilan upang maikuyom ko nanaman ang kamay ko.
Hindi maganda ang kutob ko.
Sa pagkakakilala ko kay Dad, alam kong may mali.
Alam kong may ideya nanaman siyang hindi ko magugustuhan.
"Dad just tel--" napahinto ako sa pagsasalita dahil pinatay na niya ang tawag.
Fck!
I'm telling you dad. Whatever your surprise is, I won't let it ruin my life.
Never dad. Never.
-----
"M-mishh k-koh na shiii Bri tol. Haha!" Lasing na sabi ni Sky.
Oh crap!
Nakaka-tatlong bote na siya ng alak! Tae, ang lakas talaga netong uminom!
Nilingon ko naman sa pwesto niya si Vendric at nakita kong tulog na siya. Saaming apat kasi, si Vendric ang pinaka mahinang uminom. Good boy daw sya. Dapak!
"I already told you before right? Ako lang ang pwedeng tumawag sa kapatid ko ng Bri. Call her in her full name. Tol." Seloso na kung seloso but madamot ako pagdating sa kapatid ko.
Mahal na mahal ko ito at ayoko nang may ibang nagtatawag sa kanya the way I call her. Naiirita ako.
"R-relakshh k-ka lang. Hahaha! Yung p-pusho m-mo" ngawa ni Sky na muntik ko nang hindi maintindihan.
Tangina kasi neto, lagi lagi namang umiinom pero napakadali paring malasing.
Akmang kukunin pa nya ung bote ng alak ng ilayo ko na ito sa kanya.
"Enough Sky. You're drunk already." Sabi ko sa kanya pero parang hangin lang ako sa kanya at patuloy pa ring inaabot ang alak hanggang sa nawalan na ito ng malay.
Tsk.
Sa aming apat, ako ang bihirang uminom pero hindi ako nalalasing agad. Kahit bigyan nyo ako ng limang bote ng malalakas na alak, hindi ako tumutumba agad.
Why? It's because I'm Zelo Angelo. Tsk.
----
KRYSTAL FORTALEJO
Nakaka-limang chapters pa lang ako sa EWIH ay agad na akong lumabas ng kwarto ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay kitang kita ko ang itchura ng tatlo na parang nakakita ng multo.
"Ayan sa wakas! Nandito ka na. Kumpleto na ang F4!" Tuwang tuwang sabi ni Alexa.
"F4?" Sabay sabay naming tanong na tatlo kay Alexa.
"O bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng maging F4? Aba, siyempre pati babae pwede! At tayo yun!" Alexa. Oh geez. So childish.
Kinusilapan ko nalang siya at umupo na lang sa tabi ni Roxie.
Ang totoo niyan, lumabas ako ng kwarto dahil naiinis ako. Naiinis ako kasi ayoko talaga sa inaalok ni Divina.
Kahit na five chapters pa lang nababasa ko, nararamdaman kong hindi ko magagaya ang character nya. Like WE'RE COMPLETE OPPOSITES!
Maingay ang babaeng yun at ako? The hell. Ayoko ng maiingay!
Tapos sasabihin niyang 'kasi ikaw ang nakikita kong fit sa role ni Kyra'?!
I tell you, it's not gonna work.
Tinignan ko naman si Divina na busy sa kanyang laptop at pangiti ngiti pa ito.
"You look like an idiot." Hindi ko namalayan na nasabi ko pala ng malakas ang dapat sana'y sa isip ko lang.
"Who? Me?" Sabay sabay naman nilang tanong sa akin.
Roxie playing that ML thing on her phone
Alexa who's also holding her phone.
"You look like an idiot, ngiti ngiti ka pa dyan." I repeatedly said and this time mukhang alam na niya na siya ang tinutukoy ko.
"Haha! I'm sorry. Tapos ko na kasi yung chapter 11. Magpopost na ako. Para mai-announce ko na rin yung about sa operators." Tumingin naman si Divina sa akin pagkasabi niya ng salitang 'operators'.
Ugh. I freakin' hate it!
Why did I make a deal. Why didn't I just refuse it in the first place?! Shit.
I just rolled my eyes.
"Excited na ako girl! Hihihi" bunganga ni Alexa.
Excited my ass.
Kyra Devon. Kahit kailan, hindi ako magiging ikaw.
Hindi ako papayag.
Hinding-hindi.
Because like what I've said... we're opposites.
And opposites don't work.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top