Chapter 9
Kai's P.O.V
Umuwi na kami diretso ni Kuya pagkatapos sa klase at dumiretso na din ako sa kwarto ko para matulog. Nakakapagod kasi eh.
Nagtiklob na ako ng kumot at matutulog na sana kaso biglang bumukas ang pintuan at isang tikbalang kaagad ang bumugad sakin
"Umalis ka nga diyan kuya! Ang baho mo promise!", pagtataboy ko sa kaniya pero inismiran lang ako sa loko.
'Nah, dito lang muna ako", sabi niya at talagang humiga pa sa kama ko. Aish! Tigas talaga ng ulo sa lalakeng 'to. Kung hindi ko palang to Kuya malamang kanina ko pa to na bugbog sarado.
"May sarili kang kwarto kaya doon ka. Labas ka nga!", inis na sabi ko pero still, hindi pa din siya lumabas.
"Dito nga lang muna ako kasi malamig yung aircon mo", sabi ni Kuya at talagang kinuha pa niya ang unan ko. Aba! Malamig kaya ang lahat ng aircon. May aircon ba na mainit? Ulol.
"Eh ano ba yung aircon sa kwarto mo? Mainit? Tss. Matutulog na kasi ako eh! Shoo!", sabi ko pero inismiran na naman niya ako. Bushet.
"Dito lang muna ako. Ay teka, pahiram nga ng laptop", sabi niya na ikinakunot lang sa noo ko.
"You have your own laptop. Use yours and not mine", walang gana kong sabi at nagtiklob na ng kumot kaso kinuha niya yun kaya inis akong tumingin sa kaniya.
"Sige na! Sandali lang naman eh. Mag fe-facebook lang naman ako and then yun lang!", sabi niya pero hindi ako nakinig sa kaniya. Mag facebook? Utot niya! May sariling laptop naman yun tapos hindi lang pala niya gagamitin? Tss.
"Bakit sa laptop pa eh may cellphone ka naman diyan? Tss", sabi ko pero nag-pout lang siya na ikinaismid ko lang. Wag mo akong ma pout-pout diyan. Ang pangit mo.
"Sige na o. Please!", sabi niya at talagang kinalabit pa niya ako.
"Ayoko", sabi ko pero bigla siyang pumatong sa kama ko at nagtalon-talon doon. Aba! Naging unggoy na ba tong kuya ko?
"Sige na, please! Please, please!", sabi naman habang nagtalon-talon pa din sa kama ko. Bahala ka diyan basta ayoko.
"Ayoko nga!", inis kong sabi pero hindi pa din siya huminto sa pagtalon-talon. Kapag masira talaga tong kama ko, goodbye Philippines talaga siya.
"Sige na. Sige na. Sige naaa please!", sabi niya habang kinalabit ako. Kainis talaga to eh.
"No", simpleng sabi ko at tinalikuran siya.
"Edi wag!", sabi ni Kuya at huminto na sa pagtalon-talon. Good. Para makatulog na din ako ng maayos.
Pero bat ganun? Parang nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Pisteng yawa.
"Pota. Kunin mo nalang diyan sa desk ko pero dito ka mismo sa tabi ko mag la-laptop. Gusto kong manood kung ano yang gagawin mo baka manonood ka pa ng porn diyan, nako! Ihampas ko talaga sa'yo yang gitara mo", sabi ko na ikina'yes' niya lang. Kinuha naman niya yung laptop at umupo na sa tabi ko. Naglog-in na siya sa facebook at nagsearch ng pangalan. May is-stalk yata.
Sinearch nya yung pangalan na PERLEY TUAZON at lumabas kaagad ang mukha na parang impakta. Girlfriend niya yata.
But suddenly, natawa ako sa profile pic nung pinag-stalk-kan niya.
"O? Ano tinatawa-tawa mo diyan?", tanong ni kuya sa'kin.
"Clown ba yang girlfriend mo? Ang kapal kasi ng make-up eh at talagang kulot pa yung buhok niya. Kita mo yung statue sa Mcdo? Oo. Konti nalang, siya na yun", sabi ko sabay hagalpak ng tawa. Napatigil naman ako nung biglang binatukan ni Kuya yung ulo ko kaya agad naman akong tumingin ng masama sa kaniya.
"Excuse me! Ang ganda kaya ng girlfriend ko. Tsaka, may nalalaman ka pang clown diyan eh mas clown pa nga yang mukha mo keysa sa kaniya eh", sabi niya na ikinasama ko lang ng tingin sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.
Aba. Walang clown mismo kung ganito ako kagwapo uy. Ulol.
Sa kalagitnaan ng pag-stalk niya, biglang may nag pop-up na message galing sa kaniyang girlfriend kaya umusog ako ng konti para makabasa ako.
Aba'y syempre mangchichismis ako. Baka makakita ako dito ng nudes.
Perley: Evening Babe! <3
Tss. Kadiri naman ng call sign. Kasing kadiri din nila.
Kuya: Hi din babe kuh! <3
Babe kuh? Babe kuh-gmo?
Perley: Kumusta kana babe?
Okay lang naman si Kuya. Eto as always malandi pa din. Tsaka, ang baho niya.
Kuya: Okay lang still gwapo pa din. Hehe. How bout you?
Luh, Gwapo? Kapal ng pwet. Di niya alam na sa akin nagmana ang kaniyang kagwapuhan? Shar. Ahahaha feeler much eh.
Perley: Still okay lang din, as usual, maganda pa din. Hihi!
Hindi yan! Dapat 'as usual, malandi pa din'. Aba! Eh maganda ka ba? Lul. Ang hangin naman sa babaitang to. Mas malakas pa yata sa bagyo.
Kuya: Haha oh good! You're always pretty my babe. :'>
Always pretty? Pwe! Mahiya siya sana.
Perley: Awee <3 ang sweet mo talaga babe. By the way, sabay tayong maglunch bukas ah. Hihi
Edi sabay kayo! Mga depungal. Walang kayo uy! Oo! Bitter ako so wag kayong aangal dahil alam kong mga bitter din ang iba dito. Diba? Apir tayo!
Kuya: Yah of course! Doon tayo sa secret place natin okay?
Aba wow. May secret-secret place pa silang nalalaman. Well, sad to say, hindi na 'yan secret dahil nalaman ko na. Bwuaha mga bobits.
Perley: Sure! Hahahaha. Sige na babe! Chat ya later. Mwuah! :'> Love you babe! <3
Kuya: I love you too my babe! <3.
At pagkatapos niyan ay nag out na si Perley. Tumingin si Kuya sa'kin at ngumisi lamang pero napangiwi lang ako sa kanilang convo.
"Sweet ko sa girlfriend ko noh?", tanong ni Kuya at nilagay na niya yung laptop sa gilid ko.
"Sweet? Sweet ang tawag mo sa convong yun? Kasi para sa'kin, naglalandian lang kayong mga depungal", sabi ko pero tinawanan lang ako sa kwanggol. Hala sige, tumawa ka diyan. Mabulunan ka sana.
"Ulol mo! Ge, salamat sa laptop ah. Bye! Tsaka matulog kana din dahil alas 11 na sa gabi", sabi ni Kuya at lumabas na sa kwarto ko.
Hay salamat! Lumabas na talaga ang tukmol dito. Makakatulog na talaga ako ng maayos.
*Ting*
May message na naman? Letse. Istorbo talaga.
Tiningnan ko ang laptop ko at ayun, may nag message nga. At ang girlfriend pa talaga ni Kuya.
Perley: Hi babe! Gising pa u? :'>
Aba! Conyo girl.
Nakalimutan kasi ni Kuya na i-log out ang facebook niya eh. Kaya it is the perfect time to make some kalokohan.
Rereplyin ko na sana yung isdang girlfriend niya kaso nagulat ako nung bigla itong nag-reply mag-isa. Baka si kuya yung nag-reply.
Reply: Yes babe! Super duper awake! Hihi..;)
ANG JEJE NILA PROMISE!
At dahil hindi pa ako inaantok, pinanood ko nalang yung mga convo nila.
Perley: Babe, can I ask you some favor? Hihi. I mean, di pa naman natin nagawa to but hihi..
Ewan ko ba pero nandidiri ako sa 'hihi' na yan.
Reply: Sure! Anything for my baby. Anong favor ba yan? Chocolate o Strawberry?
Naknang teteng! Anong chocolate? Anong strawberry? Di niya alam ang kaibahan ng favor at fLavor? Ampota!
Nakakaminus ng points. Pogi sana pero pinagkamalan ng flavor ang favor. Amporkchop.
Perley: Babe, FAVOR is somelike an act of kindness beyond what is due or usual. At ang FLAVOR naman ay distinctive taste over some foods and drinks.
Ay bongga. May utak naman din pala ang babaitang 'to. Pero puta ang landi talaga ng convo eh. Tss.
Reply: Oooh ganun ba yun? Kaya mahal kita eh dahil ang talino mo hehe. Tsaka anong favor ba yan, hm?
Tang-ina. Minahal dahil matalino? Iba din.
Perley: Ahm, you know, hehe, send-send tayo ng nudes ganun!
Hala dufuck. Nudes? As in sapnu puas? Wahahahaa puchaaa ang landi!
Reply: Haha babe, if only I could do it. Pero hindi muna sa ngayon ah? Busy pa kasi ako tsaka mas maganda nga kung personal eh keysa sa pic wahaha.
Buti nalang may utak din 'tong Kuya ko at ginagamit niya. Tsaka for sure busy nyan kakanood ng porn. Tss.
Perley: Awttss sige na babe, one pic lang. Hihi :')
Ampucha sabing busy eh. Tigas ng tubol.
Pag ako makareply sa convong ito, GG talaga ang dalawang 'to.
Reply: Bukas na babe. I need to finish this papers. Okay? Wag ka na malungkot. Sige na byebye.
Pagkatapos niyan ay sineen lang ito ni Perley at nireplyan ng 'like'. Amputek, for sure nagtatampo 'yun. Bwahaha nudes lover ang buang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top