Chapter 5
[Sa Bahay]
Dumiretso kaagad ako sa kwarto ko pagkarating namin sa bahay upang magbibihis sana ng biglang bumukas ang pinto at nasalubong ko ang pangit na mukha ni kuya.
"Ayos ka din, ah? Nagiging gurang ka na nga pero hindi ka pa din marunong kumatok ng pintuan?", sarkastikong tanong ko sa kaniya na ikina-taas niya lamang sa kaniyang kilay.
"Pake ko? Akin na kasi ang charger ng cellphone ko.", sabi niya at mata ko naman ang lumaki ngayon. At talagang ako pa ang sinisisi ah?
"May sarili naman akong charger kuya. Ano tingin mo sa'kin? Magnanakaw ng charger? Tsaka ayoko din namang pakialaman ang mga pangit na bagay kagaya ng 'charger' mo.", walang gana kong sabi tsaka hinubad na ang aking uniform. Bahala na't makakita siya diyan. Kuya ko din naman 'yan eh tsaka may tube pa din naman so no worries.
"Aba'y kupal ka. Wala naman akong sinasabing ninakaw mo charger ko eh. Ang akin lang is akin na ang charger ng cellphone ko dahil nagkapalit tayo ng charger kanina. Shonga ka ba?", sabi niya na ikinahinto ko sa mga galaw ko.
Tiningnan ko si kuya na nakatingin din sa'kin tsaka ko nilapitan ang aking mesa kung saan ko nilagay charger at vwoala! Tama nga ang halimparot.
Pinakalma ko lamang ang sarili ko upang mawala ang aking hiya sa mga pinagsasabi ko kanina. Eh sa naiinis ako eh! Kasalanan kasi din naman 'yun ni Kuya dahil hindi siya kumatok. Kung kumatok palang sana siya edi hindi ako maba-bad mood! Putragis.
"Oh eto. Bwesit ka. Kumatok ka na nga sa susunod!", inis kong sabi tsaka binigay sa kaniya ang charger. Ngumisi naman ang buang at alam ko mismo ang ngisi na 'yan.
"At ako pa talaga ang bwesit ngayon? Eh ikaw 'tong ratatat ng ratatat ng dahil lamang sa charger--
"Umalis ka na!", pagputol ko sa sinabi niya tsaka siya tinulak palabas. Ayoko kasing inuulit yung thought na nakakapagbigay inis sa'kin eh lalong-lalo na't grabe ang hiya ko dun kanina.
Inalis ko na lamang yun sa utak ko at pinagpatuloy ang pagbibihis. Maya-maya pa lamang ay biglang tumunog ang cellphone ko at nabasa ko ang message ng kurikong kong kaibigan.
Aldrin tubol:
[Hoy chix. May assignment ba?]
Aba'y kahit kailan gago talaga ang tubol na'to. Tsaka naiinis na ako sa'chix' na'yan ah. Mukha ba akong chix ha mga ulol talaga eh.
[Pag di mo'ko titigilan sa tawag na'yan ikaw talaga tatadtarin ko]
Nakakainis ang gaga.
Aldrin tubol:
[Eh chix ka naman talaga eh! Ayaw mo nga lang maniwala :( }
Tubol talaga eh. May pa sad-face2 pang nalalaman eh bugok naman amp. Aahitin ko ng ubos kilay niya eh letse ah.
[Ewan ko sa'yo. Tanungin mo yung abnormal na kambal mong halimparot tutal parehas lang kayong mga ugok. Bahala ka na nga diyan]
Hindi ko na lamang hinintay ang reply niya dahil tinawag na din ako ni mama sa kusina. Mukhang kakain na yata. Tsaka gutom na din ako huehue.
Pagkababa ko palang sa hagdanan ay nasalubong ko kaagad si kuya na naglalaro ng mobile legends sa sala. Gusto ko sana siyang pagtripan kaso wag nalang. Gusto ko pa ding mabuhay eh.
"Anak, tulungan mo nga ako dito.", tawag ni mama sa'kin. Agad naman akong sumunod dahil isa pa din 'tong abnormal ang utak. Babatukan ka kaagad kapag ma delay ng ilang segundo ang mga galaw mo. Gusto kasi ni mama na gagalaw kaagad pagkatapos niyang umutos. O diba? Queen lang ang peg.
Pero wag kayong ano diyan. Mahal na mahal ko ang mama ko kahit utak abnormal man ito minsan palagi. Charot.
"Nasan kuya mo?", tanong ni mama.
"Nasa sala po. Naglalaro ng mobile legends.", sagot ko naman.
"Gago talaga ang lalakeng 'yun. Di man lang ako hinintay.", sabi ni mama na ikinatingin ko naman kaagad sa kaniya.
"Ha? Ano po ibig niyong sabihin?"
"Eh kasi anak, sabay talaga kaming maglaro ng mobile legends. Tuturuan niya kasi ako eh paano laruin para may lalaruin din ako dito sa bahay. Nakakabanas kayang magbabasa ng wattpad sa cellphone.", sagot nito.
Holy--mama ko ba talaga 'to?
"MVP ka ma!", rinig naming sigaw ni Kuya sa sala.
"Mamaya ka na maglaro nak ng sabay tayo!", sabi din ni mama na ikinaginhawa ko lamang ng malalim.
Opo. Mama ko po siya. Di nga lang katiwa-tiwalaan.
Nilagay ko na ang mga plato, kutsara't-tinidor at baso sa mesa at naghain na din ng kanin at ulam. Ng matapos na ay kaagad na akong umupo sa upuan at hinintay lamang sina mama at kuya na ngayon ay nag-uusap sa sala. At talagang rinig na rinig ko pa ang pinag-uusapan nila.
"Diba sabi ko mamaya ka na maglaro? Sabay nga tayo eh! Anak naman."
"Eh account mo naman din ang nilaro ko eh."
"Ah. Account ko pala 'yan?"
"Oo. Account mo ito. Tingnan mo username. 'Marivicskie'. Diba?"
"Ah. Akin pala 'yan. Akala ko sa'yo eh. Babatukan na sana kita."
"Hindi no! Pina-level up ko lang ang account mo upang makakalaro na tayo sa rank! Tsaka tingnan mo ma o, may bagong hero ka na. Eudora!"
"Yun ba 'yung may lightning ang powers?",
"Oo. Yun nga!"
"Sige, sige! Gg nak! Pero bago 'yan, kain muna tayo ah?"
"Sige arat"
At masaya naman silang pumunta dito sa kusina ng magkasabay. Tiningnan ko lamang si Kuya pero inirapan lamang ako sa monggol.
Tsk. Di ba 'to alam ni mama na ang isang junakis na anak niya ay isa palang prinsesa? Ulol. Charot lang.
Kaagad naman silang umupo sa mesa at nagsimula ng kumain. Tahimik lamang kaming kumain dito ng biglang nabilaukan si kuya kaya tawang-tawa naman ang demonyo kong spirito hanggang sa nabilaukan din ako.
"Ano ba naman kayo!", inis na sambit ni mama tsaka niya kami binigyan ng tubig.
Sabay naman naming ininom ni kuya ang baso na punong-puno ng tubig tsaka tiningnan namin ang isa't-isa at umirap.
Tss. Gaya-gaya.
"O, bakit kayo ganyan? Nag-aaway ba kayo?", tanong ni mama.
"Eh wala namang araw na bati kami eh.", Kuya.
Aba't sampalin ko siya left and right eh. Ay teka—pambakla lang yun.
Bubugbugin ko siya ng walang oras eh. Hayop to.
"Totoo ba?", Mama.
"Totoo talaga. Ayoko din namang makipag-usap sa unggoy. Di ko siya maiintindihan eh.", sabi ko na ikinasama naman ng tingin ni Kuya sa'kin.
"Hoy! Putulin ko 'yang buhok mo eh. Kagwapo-gwapo kong nilalang tas tatawagin mo lang ng unggoy? Ulol!", Kuya.
Hangin ng putcha.
"Ano? Di kita naiintindihan. Puro lang "u-u-a-a" narinig ko. Pag mga unggoy nga naman magsalita o.", sabi ko sabay iling-iling.
"Tarantado ka pala eh.", pikon na sabi ni kuya tsaka siya tumayo para sugurin ako kaso kaagad din naman siyang napigilan ni mama.
"Kyle, tumigil ka. Babae yang kapatid mo.", sabi naman ni mama na ikinahinto din naman ni kuya.
"Babae ba yan? Kilos lalake eh. Parang barako.", singit ni kuya.
"Ayos ka din ah? Nagrereklamo ka pa sa kilos ko eh di naman ako nagrereklamo sa mga kilos mong pang bakla.", sabat ko din. Aba'y syempre di ako magpapatalo! Ang gwapo ko naman masyado kung papabayaan ko lang ang baklang 'to.
"Pigilan mo'ko ma. Pag ako di makatiis, sisipain ko talaga 'tong tboom na'to papuntang mars kahit walang ticket.", sabi ni Kuya na ikinairap ko lang.
Di nga lang pala unggoy ang baklang 'to. Kundi maypagka halong kabayo din.
"Suntukin ko kayong dalawa eh. 2v1 ano? Mga letsugas kayong dalawa nasa harap tayo ng pagkain. Jusmiyo marimar.", angal ni mama na ikinahinto din naman naming magkakapatid.
Nakita ko na inirapan lamang ako ni kuya tsaka siya nagpatuloy sa pagkain. Sus pangit ng mukha. Kalbuhin ko siya eh hayop siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top