Chapter 4

[Garden]

"Tae ang init.", reklamo ni Aldrin.

Nakahiga kasi kaming tatlo dito sa malinis at berdeng damo. Eh wala. Boring eh. Tambay tambay din pag may time.

"Ay mainit ba?", tanong ni Jacob. "Sorry pare.", sabay ngising ulol.

Nasira naman ang mukha ni Aldrin sa sinabi ni Jacob. "Feeling mo uy. Pangit ka kaya.", sabi ni Aldrin tsaka inirapan si Jacob.

"Aba hoy wag kang ganyan. Maraming mga babae ang pumila sa'kin para matikman lang ako.", nakangising sabi ni Jacob.

"Ew. Ang baduy mo naman. Tsaka hoy mga baklita yun!", Aldrin.

"Mama mo bakla. Babae yun.", Jacob.

"Ikaw din naman ang mama ko.", Aldrin.

Taenang to parang mga bata.

"Pag kayo di tumahimik diyan, papakainin ko talaga kayo ng damo.", walang ekspresyon na sabi ko.

"Okay lang naman sa'kin. As long as ikaw yung damo.", Aldrin sabay ngising manyakis sa'kin.

Inis ko naman siyang tiningnan tsaka kinurot ang gilid. Syempre napaaray siya sa kasakit. Swerte siya tropa ko to at tamang kurot lamang ang magagawa ko.

"Yucks Aldrin, ang landi mo.", sabat ni Jacob.

"Aba't nagsalita!", Aldrin.

"Papakainin kita ng damo diyan eh.", Jacob sabay pikit sa kaniyang mata.

"Tsaka na ako kakain ng damo pag si Kai na yung maging damo.", sabi ni Aldrin tsaka ako kinindatan.

Landi nito. Mukha namang impakto.

"Ako na naman? Inaano ko ba kayo diyan? Kitang nananahimik ang gwapo dito.", sabat ko na medyo naiinis. Ay hindi, naiinis na talaga ako.

Eh pano ba? Daldal ng daldal eh. Tsaka ang corny ng putek.

"Achooo!"

"Cute mo naman uma-choo.", sabi ni Aldrin sa'kin na ikinakunot-noo ko lamang.

"Gago hindi ako 'yon.", irap ko lamang.

"Eh sino? Alangan namang si Jacob diba?", Aldrin.

"Aba't malay ko ba diyan. Tsaka tumahimik ka nga! Di ako makakatulog sa kadaldalan mo eh.", reklamo ko.

Eh syempre kanina pa ako pikit ng pikit dito para makatulog tas tong si buang Aldrin naman ay daldal lamang ng daldal.

"Halikan kita diyan eh.", Aldrin.

"Mananahimik ka o sisipain ko iyang saging mo?", seryosong sambit ko na. Nakakabanas na eh! Letsugas na Aldrin to.

"Eto na mananahimik na.", Aldrin tsaka ito nagpout. Ulol. Mukha siyang pato na ewan.

Akmang ipipikit ko na sana ang aking mga mata kaso hindi ito natuloy nung biglang tumunog lamang ang bell.

"Peste. Di pa ako nakatulog.", sabat ni Jacob.

"Ako nga din eh. Ang bilis namang nag-bell.", Aldrin.

Tss. Nagrereklamo pa ang mga hindi nakatulog ng dahil sa madaling nag bell.

Samantalang ako hindi makatulog ng dahil sa kadaldalan ng dalawa. Parang mga megaphone na kulang sa mga aruga. Leche.

Pumasok na lamang kami sa room dahil wala din naman kaming mga choice. Ng nakapasok na kami sa room ay agad na kaming umupo sa upuan namin at naguusap lamang habang hinihintay ang aming guro.

"Putek nagugutom na ako.", nakasimangot na sabi ni Jacob sabay pout.

Ba't ba ang hilig nilang mag pout?

"Edi kumain ka diyan. Kailangan pa ba talagang i-share pag gutom?", sarkastikong sabi ni Aldrin.

"Syempre! Baka kasi bibigyan niyo ako ng pagkain.", kibit-balikat na sabi ni Jacob tsaka kami ningisihan. "O kundi, bigyan niyo nalang ako ng chix. Paniguradong busog na busog na ako nun.", dagdag nito.

Inis naman naming binatukan si Jacob dahil isa din tong kulang sa aruga. Kagandang hapon tas nagiging manyak na? Putchi.

Sarap scatch-tapin ang bibig nitong walang preno-preno.

Agad naman kaming napa-ayos ng upo nung dumating na si sir habang dala-dala ang kaniyang laptop.

"Okay so get 1/4 sheet of paper. Mag qu-quiz tayo—

"HA!?", sabay na sabay naming sabi.

Takte anong quiz? Hindi nga nagdidiscuss eh!

"Pero sir! Wala ka namang tinuro na leksyon ah?", angal ng isang kaklase namin.

"Oo nga sir!"

"Sir naman dahan-dahan lang po!"

"Ah sus. Mas maganda kaya pag mabilisan"

"Hoy bastos mo amp"

"Sino may wamport?"

"Sino may ballpen?"

"Sino may jowa?"

"Pahingi wamport!"

"Ang manghingi magiging jowa ko na forever"

"Ay may extra pa pala ako. Hehe wag nalang."

Buset ang ingay ng mga palaka.

Agad namang nagsingtahimik ang lahat nung biglang hinampas ni sir ang lamesa. Malamang lamesa. Alangan namang sahig diba?

"Can you all shut your fucking mouths up and let me finish my fucking sentence?", sabi ni sir na ikinagulat naman naming lahat.

"S-sir...you said a...b-bad word!", gulat na tanong ni Jacob sabay turo pa talaga in slow motion sa kay sir. Adik to.

"I know and I'm aware of it.", sabi ni sir tsaka inirapan si Jacob. "Now, as you can see mag qu-quiz tayo tungkol sa mga buhay niyo. 5 questions only lamang ito.", pag-eexplain ni sir tsaka kami tiningnan ng maiigi. "Oh ano? Aangal pa kayo?"

Astig naman 'tong sir namin. Parang hindi guro ah hahahaha.

"Hindi na po, sir! Sorry!", sabi nilang lahat.

Oo. 'Nilang lahat'. Di kami kasali kasi lumalamon kami ng palihim dito. Eh sa nagutom din ako eh. Jacob kasi! Ang hilig manukso.

"Okay, good. So, number one—teka..ba't parang may naamoy yata akong pagkain?", tanong ni sir na ikinahinto naman namin.

Ah pakshet! Nakaamoy siya! Tae naman!

"Sino ang kumakain?", tanong ni sir ulit.

Huhubels nakakatakot mukha. Parang owl, char.

Natahimik muna kami ng mga ilang segundo ng biglang tinaas ni Aldrin ang mga kamay niya.

Ay putek to. Sabing wag sasabihin eh. Letse.

Oh well, R.I.P self.

"Ako sir.", Aldrin.

Napataas naman ng kilay si Sir at talagang tiningnan pa si Aldrin mula ulo hanggang paa. "Hmm, Mr. Romo. Anong kinakain mo?", tanong nito.

Shit! Nakakatakot ang boses yawa!

"O-onion rings po.", nanginginig na sagot ni Aldrin. Kitang-kita ko ang kaniyang panginginig at takot habang nilunok niya ang kaniyang laway.

Hahahahah bwesit di ko alam kung maaawa ba ako o matatawa. Mukha kasi siyang nakatae eh.

"Okay Mr. Romo, I understand. But please, kung kakain ka, mamigay ka naman. Gutom din eh.", sabat ni sir na ikinagulat lamang namin at humagalpak naman ng tawa ang lahat.

Angas na sagot yan sir! HAHAHA the best teacher in the whole wide world!

Nag-iingayan naman ang aming mga kaklase ng dahil sa katarantaduhang nagawa ni Sir.

"Putek akala ko sasabihin niya 'next time, kung kakain ka, doon sa labas' pero putchi ang angas nun HAHAHAHAH",

"Oo nga eh! Kundi 'kung kakain ka, wag dito' HAHAHAH!"

"Putek akala ko pagbabawalan si Aldrin HAHAHAH"

"Di! Gwapo kasi ang kumakain kaya syempre excempted na yun sa paningin ni sir HAHAHAH"

"Putek makikain nga din. Baka maging excempted HAHAHHA"

"Di ka kasali uy! HAHAHAHA"

"Crush yata ni sir si Aldrin yieeeee omg"

"Ikaw sir ah! Ayieeee!"

Ay putek nanukso pa nga HAHAHAHA abnormal na classmate 'tong mga 'to.

And again, napahinto na naman ang lahat ng biglang hinampas ni sir ang whiteboard.

Oo. Whiteboard na ngayon. Hindi lamesa, hindi upuan, but whiteboard.

"Mga letsugas na anak kayo. Number one na nga tayo!", halatang pikon na sabi ni sir na ikinapigil lamang ng tawa namin. "Number one, write your name.",

Ay putcha ang galing. Naglagay na nga ako ng pangalan sa unang linya eh.

"Sir! Paano kung nakalagay na ako ng pangalan?"

"O edi maglagay ka ulit. Problema ba yun?", pilosopong sagot ni sir.

"Name lang po ba sir? O full name?"

"Kung ano ang sinabi ko, yun ang susundin niyo. Okay, number three!"

"NUMBER TWO PA PO SIR!", Angal ng lahat.

"—three minus one equals two! Ano ba naman kayo di pa nga ako tapos eh!", Sir.

"HAHAHAHAHAHA PALUSOT!", sabat ng lahat.

Juskodae ang ingay sa classroom HAHAHA pero paniguradong masaya to. Andaming nakatakas sa mental eh.

"Geh number two, write the name of your crush.", sabi ni Sir tsaka kami ningisihan lahat. "Hindi pwede ang anime, kpop, artista, vlogger, idol, sa ml, dota, whatsoever basta ang crush mo talaga.", dagdag nito.

Ay pota. Ilalagay ko na sana si Sarah Geronimo eh. Nakakabanas naman!

"Hala sir! Paano kung walang crush? Ano ilalagay namin?"

"Lagay niyo diyan, 'Abnormal'.", simpleng sagot ni sir.

Aba'y niloloko mo ba kami sir?

"P-pero sir—

"Ang aangal, zero. Okay, number three—

At ayun, nagpatuloy lamang kami sa pagqu-quiz hanggang sa natapos na. At para sa akin, isa itong napakatarantadong quiz na nabungad sa buong buhay ko.

"Salamat sa cooperation guys! Tomorrow ulit! Pag mag-ring na ang bell, uwi na kayo ah? Sige Godbless! Mwuah! Love you all", sabi ni sir atsaka ito lumabas.

Kalokohang buhay talaga.

Maya-maya pa lamang ay tumayo sina Gracel at ang kaniyang dalawang alipores sabay irap sa'kin at lumabas na ang mga ito.

Saan kaya pupunta ang mga yun? Bat parang may naamoy akong di maganda?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top