Chapter 32
Hailey's P.O.V
Napangisi ako nung gumana ang nagawa kong lason sa tubig. I made it!
"A-aldrin, are you ok---
Di ako natapos sa pagsasalita ko nung bigla lamang tumayo si Aldrin at tumakbo papuntang ewan. Pero isa lamang ang alam ko, gumana yung lason.
"Teka, susundin ko lang baka mapaano pa 'yun.", kaagad na sabi ko at tumakbo din kung saan tumakbo si Aldrin. Maya-maya pa lamang ay nakita ko siya sa garden. Doon sumuka ng sumuka. Napangisi lamang ako at inihanda ang aking sasabihin.
"A-are you okay, babe?", sinunod ko ang boses ni Kai Duazo. Tumingin naman si Aldrin sa'kin at talagang niliitan pa niya ng kaniyang mga mata. Paniguradong blurred na ang paningin nito.
"S-sino ka?", tanong nito at sumuka ulit. Nilapitan ko naman siya at hinihimas-himas ang kaniyang likod.
"Ako 'to, ang girlfriend mo. Si Kai Duazo.", malambing na sabi ko sa kaniya at ngitian siya.
"K-kai..", ang tanging lumabas lamang sa bibig niya at nawalan na siya ng malay. Mas napangisi ako lalo.
Dinala ko si Aldrin sa kwarto ko at doon ni-lock ang lahat ng pintuan. Even the windows are locked. Agad ko naman siyang hinubaran ng damit at kinuha na ang lipstick ko.
Nag lipstick ako at hinalik-halikan siya sa leeg, mukha, at noo para magmukhang kissmark. Naglagay din ako ng fake hickey dito sa leeg ko para mukhang totoo talaga ang nangyari.
I even put perfume on Aldrin's clothes and body. At syempre nagperfume na din ako. At pagkatapos niyan ay tumingin ako sa salamin at napangisi lamang sa nagawa ko. Mission accomplished.
Pagkatapos niyan ay hinubad ko na ang aking mga damit at kinalat ko 'yun sa sahig. Yung tipong bra lamang at panty shorts ang naiwan sa katawnan ko. Napangisi naman akong lumakad sa tabi ni Aldrin at humiga na sa tabi niya.
Bukas na bukas, magiging sa'kin ka na, Aldrin. Bukas na bukas, pag-aari na talaga kita.
MORNING CAME
Kai's P.O.V
Nagising ako nung tumama ang araw sa mukha ko. Today is Tuesday at parang nabo-bored na talaga ako.
Pansin ko na maingay sa labas kaya sinuklay ko muna ang buhok ko at saktong pagkakalabas ko sa kwarto ay nilapitan kaagad ako kay Samantha.
"Kai Duazo.", sabi nito na kung saan, seryosong-seryoso talaga siyang tumingin sa'kin.
"B-bakit ka ganiyan makatingin sa'kin?", nauutal kong tanong dahil nakakatakot talaga siya. "Good morning nga pala.", bati ko tsaka ngitian siya.
Napansin ko na maraming tao ang nasa labas kaya di ko napigilan ang kyuryusidad ko at lumabas talaga ako.
Saktong paglabas ko ay napansin ko ang mga ibang estudyante na nagdadala pa talaga ng cellphone at parang may vinideohan at pinicturan ang mga ito.
Nakakunot naman ang noo ko habang sumisikip sa maraming estudyante. Napahinto ako sa pagbiglang hila ni Samanta sa mga kamay ko.
"W-wag kang manood diyan, Kai.", sabi nito sa'kin na ikinakunot naman sa noo ko.
"B-bakit? May patay ba?", tanong ko muli ngunit umiiling-iling naman ito.
"Wala naman pero mas worse pa sa patay ang meron.", biglang dating ni Jacob na ngayon ay hindi na maipinta ang kaniyang mukha.
"Teka, ano ba kasi ang nangyari? Bitaw nga!", sabi ko at inis na inalis ang mga kamay ni Samantha at dumiretso patungo sa pinagkaguluhan nila na room.
"Kai Duazo!", tawag ni Samantha sa'kin ngunit di ako nakinig. Sumilip naman ako sa nangyari doon sa kwarto at laking gulat ko na nakita ko si Aldrin doon na kasama si Hailey. Nasa kama ang dalawa. Clothes on the floor, amoy perfume silang dalawa, may kissmark si Aldrin sa katawan, and Hailey got hickey on the neck.
Ng nagtama ang paningin namin ni Aldrin ay parang tinusok-tusok ng karayom ang puso ko sa sakit at hapdi ng nakita ko sina Aldrin at Hailey sa iisang kama.
"K-Kai Duaz--
"Ano ang nangyari--what the!?", biglang dating ni sir na ikinagulat din niya. Nakatulala pa din ako sa kay Aldrin na kung saan, hinding-hindi ko talaga matanggal sa isip ko ang nangyari sa kanila ni Hailey.
H-he cheated...on me..
"N-no..", bulong ko lamang at umalis palayo sa kanila. Agad naman akong pumunta sa room ko at doon kinuha lahat ng mga gamit ko at nilagay ito sa malaking bag.
"Kai! Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Magcamping pa tayo!", gulat na tanong ni Samantha sabay lapit sa'kin. Kaagad naman niya akong pinigilan sa pinanggawa ko pero wala sa sarili akong natulak siya at nagpatuloy na lamang ako sa pag-iimpake.
"K-kai--
Inis ko namang sinara ang bag ko at dinala ito palabas sa dorm. Agad kong hinanap si sir at ng nahanap ko siya ay yumuko ako as respect.
"Kai Duazo? Bakit ka--
"Sir, I wanna go home.", pinutol ko kaagad ang sinabi niya at tiningnan siya kahit punong-puno na ng luha ang mata ko. "S-sir please, ayoko na dito. A-ang sakit na po. Hindi ko na po makaya.", nauutal kong sabi habang hinabol ko ang aking hininga dahil ng makita ko ng dalawang 'yun, parang naputulan ako ng hininga. Baka nga makalimutan ko na ngang huminga mamaya eh.
"I-I understand you, Kai.", sabi nito na ikinatulala ko lamang sa kay sir. Dumating naman sina Jacob at Samanta at bigla-bigla na lamang akong niyakap ng mahigpit.
"Ilabas mo lahat ang sakit, Kai. Iiyak mo 'yan lahat.", sabi ni Samantha habang niyakap nila akong dalawa.
As what they said, I commanded. Humahagulhol lamang ako sa pag-iyak dito lalong-lalo na't hinding-hindi ko maalis sa utak ko ang mukha sa dalawang 'yon.
Sabi ko na nga ba, may relasyon ang dalawang 'yon eh. Ewan pero gusto ko na lamunin ako sa lupa. Gusto kong magwala. Gusto ko ng umalis at hindi na babalik pa. At ayoko na. Ayoko ng pumasok sa relasyon ulit. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng maiwan. Ayoko na!
Pero ba't ganon? Kahit anong gawin kong tanggalin ang nakita ko kanina ay hindi ko ito matanggal sa utak ko. Mas lalo pa itong mag-s-sync. Mas lalo pa itong magf-flashback. At mas lalo pa akong masasaktan. Tuwing maalala ko 'yun, ay gusto ko ng magwala dito sa mundo at hinding-hindi na muling magpapakita pa.
Ang sakit lang talagang isipin, knowing na minahal mo siya, ngunit niloko ka lang pala. Tang-ina, ayoko na! Peste siya! Sabi ko na nga ba! Pinaglaruan lang ako eh!
Ayoko ng makita siya ulit. Ayoko na ng connection sa kaniya. Ayoko na sa lahat. Buburahin ko na siya kahit na mahal ko pa iyon. Ngunit ito lamang ang paraan upang mahanap ko na ang totoo kong sarili.
Kailangan ko ng magbago, kailangan ko ng mag move on. Pero paano? Eh taga segundo maiisip ko na naman ang tang-inang 'yon? Ang sakit talaga eh! Mahal ko siya tang-ina may ka relasyon palang iba!
Sana nama'y sinabihan niya ako na ayaw na niya. Sana nama'y sinabihan niya ako na hindi na niya kaya. Sana nama'y sinabihn niya ako na sawa na siya! Hindi yung biglaan at gugulatin ka! Na yung tipong sa isang kurap mo lang sa mata, kasama na niya ang iba niya! Mahirap ba gawin 'yon? Mahirap bang magpaalam? Puta naman o!
Move on. anim na letra, dalawang salita. Madaling sabihin, ngunit napakahirap gawin. Pero kailangang sundin, upang nakaraan ay di na dapat iisipin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top