Chapter 3

Nandito na kami sa canteen at bumili lamang ng juice. Babalik na sana kami ngunit may nabangga akong lalake at di sinadyang natapunan ko ng juice ang kanyang damit.

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. He's the crescent moon guy.

Napangisi na lamang ako nung bigla na lamang siyang tumakbo ng napakabilis. Ang galing naman. Wala naman akong ginawa sa kaniya eh.

Maya-maya pa lamang ay nandito na kami sa room at umupo na. Syempre umupo. Alangan namang tatayo.

"Grabe ka Kai ah! I didn't expect na yun pala ang dating mo sa lalakeng yun! Super shockable!", sabi ni Jacob.

Shockable? Anong klaseng salita yan?

"Oo nga tsaka na speechless nga sya sa kaka english speaking ni Kai eh! Ahahaha!", sabi ni Aldrin sabay hagalpak ng tawa.

"For sure dudugo na yung ilong niya mamaya. Ahahaha", sabi ni Jacob sabay tawang praning.

"Tahimik na nga kayo diyan", sabi ko na lamang. Parating na yata si sir eh.

Hindi nagtagal ay nandito na talaga si Sir na may dalang bagong estudyante. Let's just say a transferee student. Syempre student. Alangan namang transferee teacher.

"Okay class, We have a new student"Sabi ni Sir sabay hawak ng balikat sa transferee.

"Kyaaaahhh!! Ang cuteeee!"

"Oh my gaaash!! Akin ka na please!"

"My long lost boyfriend! Nakita ko na!"

"Hoy shattap akin yan!"

"Akin yan eh! Ako una nakakita!"

"O sige, sa'yo yan tsaka akin si Aldrin? Hahaha"

"Ulol. Akin din naman si Jacob."

"Ewww. Akin ang dalawa. Kasali nalang din ang transferee para magiging tatlo na. Hehe."

Putang-inang mga chismis na yan.

"Okay girls manahimik muna kayo. Sarap stapleran niyang bibig niyo eh ang lalandi masyado.", sabi ni Sir na ikinahagalpak naman ng tawa sa lahat. "Can you please introduce your self mister?", sabi nito sa bagong estudyante.

Pumunta naman sa harapan ang lalake sabay ngiting makakahulog ng panty sa mga babaeng kaklase namin.

Di ako kasali ah. Syempre ang astig ko kaya.

"Hi everyone! Jerome Maglasang nga pala. Your future husband", sabi nung bagong estudyante. At ayun, sa sinabi niya, nagtilian naman ang mga babae na parang sinabugan ng obarya ang mga ulol.

Maypa-'future husband' pang nalalaman eh ang mukha para namang rubber band.

"Batiin nyo din sya guys para goodvibes!", sabat ni Sir.

"Hi Jerome! Welcome to our campus!", sabi ng lahat. I mean, sila lang pala, di ako kasali. Aba kumakain kasi ako ng pagkain. Ninja moves kumbaga.

"Thanks you!", sabi ni Jerome. Thanks? Kailangan may 's'? Iba den.

"Okay Jerome, you can now sit at the back of Kai Duazo"Sabi ni Sir at agad namang itong sinunod ni Jerome.

Ay bushet. Ba't sa likod ko pa eh pwede namang sa ibang upuan?

Umupo na lamang si Jerome sa likod ko sabay tingin sa aming tatlo at ngumiti ng napakamatamis.

"Hi sa inyo!", masayang bati nito

"Hi din", sabi nina Aldrin at Jacob habang ako naman dito ay tinanguan lamang siya.

Nakakatamad kayang makikipag-usap.

"Okay class, we'll be having our groupings today so Kai Duazo, Aldrin Romo, Jacob Quiros, and Jerome Maglasang will be group 1 and--

[Announcement: To all advisers, you'll be having an important meeting today. Your attendance is a must. Thank you]

Oy putchi sana ma cancel yung groupings namin!

Wala. Ayoko lang talagang mag groupings. Nakakatamad eh tsaka ewan hahahaa problema ba yun?

"I'll be right back, I have a meeting to attend first and please, class officers! Discipline your classmates!", Sir at lumabas na. Saktong pagkalabas ni sir ay nag-umpisa na ding nagingay ang mga kaklase namin.

"Sana all balikan!", sabi naman ng kaklase namin na ikinatawa lamang ng lahat.

"Uyy guys! Keep quiet!", sabi ng President namin.

Tumayo muna ako para lalabas at mag C.R ngunit may babaeng biglaang hinampas lamang ang mesa dahilan para manahimik ang lahat.

Tiningnan ko naman ito at nakita ang babaeng nakangisi lamang. Sino ba itong mukhang itlog na'to?

"Jerome my babe! Well, I just want to inform you na uso din ang pag-lipat ng upuan. Dito ka umupo sa tabi namin o! Wag ka diyan sa mga feeling rebellious.", sabi ng isang babaeng estudyante.

"Sinong rebellious ba?", tanong din ng isang babae.

"Ugh, girls. Di na kailangang tanungin pa. Obvious namang sa harapan niya diba? Duh?", sagot ng babae at talagang tumawa pa kahit wala namang nakakatawa.

Naalala ko na kami pala ang harapan ni Jerome. So, kami pala ang sinabihan ng feeling rebellious? Pwes, I'll show you being rebellious at all. She wants a taste? Then I dare her.

Imbis na lalabas ako papuntang banyo, sinara ko na lamang ang pintuan at agad kong hinampas yung lamesa para manahimik naman din silang lahat. Nag-iingay na kasi eh. Mga chukchakera kasi. Tss.

"Manahimik kayong lahat!", sigaw ko na ikinatahimik din naman nila. Of course dapat lang akong masunod. Binoto nila ako as 'prefect' kanina eh mga tukmol.

Tiningnan ko naman yung babaeng nagfefeeling maganda tsaka siya tiningnan ng walang ekspresyon. "Hoy babaeng mukhang itlog. Manahimik ka diyan kung ayaw mong stapleran ko yang bibig mo na wala pang segundo. Ganyan ka na ba talaga kakating-kati lumandi?", sabi ko na ikinatahimik lamang nilang lahat. Ngumisi lang yung babae at talagang pumalakpak pa.

"Of course the hero is in! And who are you para patahimikin ako? Are you the boss of me? My mom? Lola? Hindi diba? So don't ever command me lalong-lalo na't hindi mo pa alam ang tao.", Sabi niya. Napa'oooh' naman ang lahat. Pake ko bang kilalanin siya? As far as I know..char english! Seryoso, siya din naman ang nagpasimuno sa lahat ng 'to eh. Ulol.

May nalalaman pa siyang 'hindi mo pa alam ang tao' eh tao ba siya? Ulol. Mukha namang paa sa animal yan eh.

Before I took the initiative to talk, tiningnan ko ang I.D nya. Her name is Gracel. Psh. Tanginang pangalan yan. Napakakumon. Tsaka napakapangit, gaya ng may ari.

"Sino ako para patahimikin ka? Okay then, guess It's time for you to know my role. I'm Kai Duazo, certified P.O.D officer in this classroom. And you don't have the rights to talk back me dahil estudyante ka lang dito sa room. Kaya manahimik ka diyan kung ayaw mong ma confiscate ko yang I.D mo. Nagkaintindihan tayo?", sabi ko without any expression.

Lahat sila mismo napanganga, except Gracel and her alipores yata na umiirap lang. Sus, tanggalin ko yang mata mo eh. Buset ka.

"Share mo lang? Actually, no one asked you. Too much information Ms. Bonehead. Mas malandi ka pa yata sa'kin eh dahil you've been saving someone you don't know. Crush mo si Jerome no? Yuck! Malandi!", sabi nya at nag hair flip pa. Aba't ako pa ang malandi dito? Eh siya nga yung tumawag ng BABE sa kay Jerome eh.

May nalalaman pa siyang 'no one asked you' eh rinig na rinig nga namin ang tanong niyang 'who are you' eh. Bobohan lang?

Tsaka hoy! Kung malandi man ako, mas maganda pa ako sa mukhang itlog na yan no!

But syempre I don't take 'maganda' as an answer noh.

Swerte sya naiwan ko yung martilyo at pako sa bahay. Ipako ko talaga to sa bubong na wala pang segundo.

"I am Jerome's COUSIN, you eggface. So you better be 50 inches away from him, and don't you dare flirt him. Kung gusto mong lumandi, doon ka sa bar at akitin mo mga tigulang doon.", sabi ko.

Ayan. Naligaw pa nga sa 'cousin' na salita eh hindi ko naman talaga pinsan ang tipaklong na to.

Pinagtanggol ko lang naman si Jerome dahil halatang yung mukha niyang natatakot kay Gracel eh.

And I don't even know kung bakit natakot siya. Bakla yata to? Tss. Halata din naman eh.

"Paano kung ayaw ko? Eh gusto ko si Jerome eh! He's different than the other boys I've met.", sabi ni Gracel at talagang nag lipbite pa ang abnuy. Panu kung ayaw mo? Edi wag! Problema ba yun? Tss.

"Gusto mo nga siya. Pero ikaw? Gusto ka ba? Pfft. Frankly said to you Ms. 'Malandi', sa tingin mo maganda ka na sa ugali mong 'yan? Tsaka For your information, don't be such a feeling campus crush if you, yourself indeed were one of those trash. ", sabi ko na ikinahiyaw naman nilang lahat.

Lumaki ang mata nilang lahat sa sinabi ko. Especially Gracel and her alipores. Dapat lang! Peste siya eh.

"A-and? Sa tingin mo feeling cool ka na diyan? You've been feeling rebellious pero y'know what? Not bagay to you. Atsaka akala ko ba respect begets respect policy ang classroom na ito, but even officer LIKE YOU, di marunong rumespeto?", sabi niya at inemphasize pa talaga ang LIKE YOU.

Tinitrigerred niya talaga ang laway ko eh. Gusto niya yatang masunog.

"Yes, it is a respect begets respect policy. But do you ever think that I'll respect you just like what you deserved if ikaw mismo ang nagpasimuno sa lahat ng 'to?", I fired back which it makes her eyes very big.

Mas big pa sa tarsier.

Mas lalong uminit ang laban, at uminit na din ang ulo ni Gracel. Ahaha. Kulang nalang pipicturan ko siya at gawing memes na parang takure.

Tas i-popost sa facebook. O diba? Bongga!

"I-I hate you! Hindi ka nga bagay maging officer dahil sa attitude mo eh!", inis na sabi ni Gracel.

Nauutal pa nga.

"You hate me? I don't care. The feeling is mutual so what? The more you hate, the more you love diba? Hindi ka din bagay sa campus na'to dahil din sa attitude mong ganyan. Atsaka alam mo, mahilig talaga akong sumuntok ng mga magandang babae.", sabi ko at ningisihan siya.

"Okay go on! Punch me then. I don't effin care.", sabi niya with high confidence.

Uminit na ang ulo niya. Nakakaka-good vibes to eh. Sarap mang-asar.

"Seriously? Bingihan lang? Di mo nilinis tenga mo? Ang sabi ko, mahilig ako sumuntok ng mga MAGANDANG babae. Eh bakit? Maganda ka ba? Saan banda? Feel mo teh? Ganda ka? Mahiya ka sana!", sabi ko, emphasizing the MAGANDA.

Syempre feeler eh. Bagay kasi ganyanin ang mga feeler.

"BUUURN!", sabi ng mga kaklase ko.

Yep. Burn talaga. That goes for her attitude. Bantot ng mukha eh. Wahahaha.

"Y-you monster! Alam mo!? Pinapahiya mo na ako dito eh!"Gracel na malapit ng umiyak.

Tch. Pinapahiya? Marunong ba tong mahiya?

"Alam mo? Hindi kana dapat mahiya eh! Ang kapal nga ng mukha mo! Let's say, makapal pa sa libro. Kung gusto mong manggulo dito, wag ako. Kaya don't you ever underestimate me if you don't want to see Satan infront of you, killing your soul infront of everybody.",sabi ko. Ayan nadamay pa si Satan.

Nakita ko na tumulo na yung luha niya pero agad niya itong pinahiran. Tss.

Nubayan! Nagpasimuno ng away tas iiyak lang naman pala. Loser.

"Oh by the way, sa pagkakaalam ko, mahilig ka sa mga make-up diba? Halata sa mukha mo eh, mukhang coloring book. Advice ko lang ah? Mas mabuting kumain ka ng make-up para magiging maganda din yang ugali mo. Wag puro mukha dahil nakakabantot yan.", sabi ko sabay matching ngisi.

Hahaha ayos ba kaastigan ko?

"Ooooh! SAVAGE!", sabi ng mga kaklase ko. Ngisihan ko lang siya nung nakita ko na tumulo na talaga yung luha niya.

"Whatever! Soon, makakarevenge din ako sa'yo! Humanda ka! Seryoso ako! I hate you! F*ck you! Die you piece of sh1t!", inis na sabi ni Gracel pero tinawanan ko lang siya.

"Y'know dear, throwing me such insulting words doesn't make me scared at all. Alam mo ang mas nakakatakot?", sabi ko sabay lapit sa kaniya. Syempre pa cool-cool effect muna tayo. Gwapo ako eh. "Ang mukha mong mabantot.", kaagad na dagdag ko na ikinahagalpak naman ng tawa sa lahat.

At dahil hindi na niya talaga napigilan ang kaniyang kaduwagan, lumabas na lamang ito ng biglaan.

Astig ah? Kala ko matapang, nagtapang-tapangan lang pala.

"Ahm...salamat sa pagtanggol sakin ah? At talagang nadulas kapa sa cousin kahit hindi naman. Salamat talaga ng marami beshy.", sabi ni Jerome.

Pota. Bakla nga talaga ang animal.

"Ah sus. Wala yon oy. Trabaho ko din naman yun.", sabi ko sabay ngiti ng napakalapad.

Eh sa maputi ngipin ko eh.

"Ano nga name mo ulit sis?", tanong ni Jerome.

I smirked.

"Nice to meet you. I'm Kai Duazo."ako

*Bell rings*

Ayan bell na! Buti hindi natuloy ang groupings. What a relief!

Char. English!

Napatahimik naman ang lahat nung biglang pumasok si Sir.

"Ohmygee! I'm sorry class kung hindi natuloy yung groupings ah? Natagalan kami sa meeting namin eh. I'm sorry talaga. Siguro mga next week nalang tayo mag groupings. So now, Since you've heard the bell already, pwede na kayong umuwi. Babye!", sabi ni Sir sabay pakita ng matamis na ngiti samin.

"Oy tol! Bukas ulit ah?", siglang sabi ni Jacob samin sabay salute pa talaga.

"Geh. Take care babe! Love you! Text mo kaagad ako pag nakauwi ka na ah?", sabi ni Aldrin.

"Sige babe! Pero sisipain ko talaga iyang pwet mo kung hindi ka titigil sa kakabakla diyan. Bwesit ka.", Jacob sabay irap pa talaga samin.

Nang-irap pa nga!

"O pano ba tol? Una na ako!", siglang sabi naman ni Aldrin sabay ngisi sa'kin.

"O sige. Sana'y makagat ng aso iyang paa mo.", nakangisi kong sabi.

"Sweet mo ah? Lika nga dito. Babatukan lang kita.", Aldrin.

Napahagalpak na lamang ako sa pagtawa sabay iling-iling na lamang. Agad ko namang kinuha ang bag ko at dumiretso na sa parking lot at sakto din na nakita ko kaagad si kuya na nakasandal sa kaniyang kotse.

"Kuya!", nakangiting tawag ko tsaka siya nilapitan.

"Oh? Ganda ng ngiti mo ah? Anyare? Nagkaboyfriend ka no?", nakangising tanong niya.

Nawala naman ang mga ngiti ko at kaagad siyang binatukan.

"Alam mo? Peste ka. Umuwi na nga tayo! Nagugutom na ako eh.", sabi ko at talagang nauna pang sumakay sa kotse.

Napairap na lamang siya at sumakay na din. Hahahaha wala siyang magawa sakin eh.

Maya-maya pa lamang ay nandito na kami sa bahay at dumiretso naman kaagad ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kong nag bihis ay bumaba na ako at kaagad na nakita si Mama na nanonood ng T.V

"Mano po mama!", sabay pa talaga kami ni kuya diyan.

"Oy! Hello mga darlings! Kumusta school?", masayang tanong ni mama.

"Eto, maganda. Nakasagot kaagad sa klase.", mayabang na sabi ni Kuya.

"Aba'y magaling! Ano naman ang tanong?", mama.

"5+5.", simpleng sagot ni Kuya na ikinahagalpak naman namin ng tawa.

Agad ko naman siyang binatukan ng dahil sa kasiyahan ko habang inis na inis naman siyang tumingin sakin.

"Aray ha! Para saan yun?", Kuya.

"Para sa ka letchehan mo kuya.", sarkastikong sabi ko. "Seryoso ka? 5+5? Balik grade one ka?", natatawa ko pa ding sabi sa kay Kuya.

Tawang-tawa naman samin si mama at bigla na lamang kaming pinaghampas sa balikat ni kuya.

"Alam niyo? Ang leche niyo. Kumain na nga tayo para makakapagpahinga na din!", natatawang sabi ni mama at nauna ng pumunta sa kusina.

Sumunod naman kami at tinulungan ko si mama maghain ng mga pagkain habang si kuya ay nagaantay lamang sa upuan habang bitbit niya ang kaniyang kutsara't tinidor. Patay gutom talaga ang gurang na ito.

Ng matapos na kaming naghain ay syempre kumain na kami diba? Alangan namang mandidilig kami ng halaman dito. Sige corny mo Kai.

Pagkatapos kong kumain ay nilagay ko na yun sa lababo at uminom ng tubig para ma digest kaagad.

Pumasok na kaagad ako sa kwarto at hinablot ang cellphone ko na kanina pa tumutunog. Nagtatakang tiningnan ko naman yun at ang dalawang notifications lamang ang bumungad sakin.

Jacob Quiros sent you a friend request. Accept or Deny?

Aldrin Romo sent you a friend request. Accept or Deny?

Aba'y syempre accept! Wag ng magpatumpik-tumpik pa basta boom karakaraka na!

Okay. Ang bakla ko. Eww!

Ay putek medyo girly lang.

Aish! Bahala na nga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top