Chapter 25
Kai's P.O.V
Pagkatapos akong ginising ni Aldrin ay naglakbay kaagad kami papuntang clinic para alamin ang lagay nina Jacob at Samantha.
"Anong nangyari sa kay Samantha?", agad kong tanong sa kay Aldrin.
"Sumakit daw ang tiyan niya.", sagot naman niya na ikinatango ko lang.
Ng nasa harap na kami sa clinic ay kaagad naman kaming pumasok at nakita naman din namin si Jacob na nakatulala lamang sa kay Samantha.
"Pare!", sigaw ni Aldrin na ikinalingon naman din ni Jacob sa'min. "Kumusta na siya?", dagdag na tanong ni Aldrin.
Nilapitan ko naman si Samantha at niyakap siya. Ng humiwalay kami sa yakap ay ngumiti lamang ito.
"Okay ka na ba?", kaagad kong tanong sa kaniya na ikinakibit-balikat niya lang.
"Ewan. Sasakit lang ng biglaan ang tiyan ko eh. Taeng sabaw 'yon.", sabi ni Samantha na ikinakunot-noo lang namin.
"Sabaw?", sabay naming tanong.
"Oo sabaw. Yung sabaw sa canteen. Pangit kasi ng lasa eh. Ack!", sabi ni Samantha. Sabaw? Eh yan ang ulam namin ni Aldrin nung lunch ah?
"Wala naman yatang masama sa sabaw eh. Kasi yan din ang ulam namin ni Kai kanina.", sabi ni Aldrin. Tumango naman ako na kung saan, sumang-ayon ako sa sinabi ni Aldrin. Kunot-noo naman si Samantha.
"Tae ba't sa'kin ang pangit? Amp. Wag niyong sabihin favoritism yung canteen?", tanong nito.
"Ano ba kasi ang nangyari?", sabat ni Jacob.
"Oo nga. I-detailed mo ganun!", dagdag naman ni Aldrin na ikinatawa lang namin.
"Okay. Kasi naman nung lunch hinanap ko si Jacob para sabay kaming mag-lunch kaso di ko siya nakita.", pag-uumpisa ni Samantha.
"Nag text naman ako sa'yo eh na lalabas ako para bibili ng barbeque.", sabat naman ni Jacob.
"Eh kasalanan ko bang hindi ko na receive ang mga messages mo?"
"Syempre!", sabi ni Jacob na ikinataas naman sa kilay ni Samantha. "I mean, syempre kasalanan ng cellphone!", kaagad na dagdag nito na ikinatawa lang namin.
"Gago ka talaga. So 'yun nga di ko siya nahanap kaya bumili nalang ako ng kanin at sabaw at umupo sa pinakadulo. Kasi naman nagkaguluhan yung canteen eh. Andaming tao.", sabi ni Samantha. Tumatango-tango lamang kami dito ng nabanggit niya ang magulong canteen. Alam kasi namin ang rason kung bakit magulo eh.
"So ayun umupo ako sa dulo para malayo sa gulo. Kaso nakaramdam ako ng ihi kaya kinalabit ko ang kaklase nating si Jane na kumakain ding mag-isa na pakibantayan ang sabaw ko.", sabi nito.
"Peste baka si Jane ang rason kung bakit sumakit tiyan mo!", kaagad na sabi ni Jacob ngunit kaagad naman siyang pinatahimik ni Samantha.
"Shh. Di pa ako tapos. And also, Jane wouldn't do that kind of shit. Ang bait kaya niya sa'kin! Pinagkatitiwalaan ko 'yun.", sabi naman ni Samantha.
"Who knows. Even the trusted man on earth knows how to betrayed others.", sabat ko na ikinatingin naman nila sa'kin. "Continue please.", sabi ko sa kay Samantha.
"So yun nga, umihi ako tas pagbalik ko tinanong ko kaagad si Jane kung ano ang ganap nung umihi ako. Tas sabi niya okay lang daw dahil binabantayan naman niya ng maigi ang sabaw ko.", pag-patuloy ni Samantha.
"Tae ba't parang natatakot na akong magtiwala sa ibang tao.", sabat ni Aldrin na ikinasama ko lang ng tingin sa kaniya. "Joke lang. Tapos? Ano nangyari?"
"Ayon, kumain na ako. Tas maya-maya pa ay nakaramdam ako ng sakit sa tiyan. Siguro nawalan ako ng malay dun dahil paggising ko, nandito na ako sa clinic kasama si Jacob.", sabi ni Samantha sabay turo pa talaga sa kay Jacob.
"Tsk. Next time, huwag ka ng kakain pag wala ako. Ayoko ng maulit ang nangyari sa'yo.", seryosong sabi ni Jacob na ikinatango lamang ni Samantha.
"Y'know what? Simula noon hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano talaga iyang si Jane.", sabi ni Aldrin. "Ang weird niya. Yun lang alam ko.", dagdag niya na ikinahampas ko naman sa kaniya.
"Ang sama mo namang mag-describe. Di mo pa kilala ang tao eh.",kaagad na sabi ko.
"Eh yun nakita ko sa kaniya eh! Ikaw? Ano ang masasabi mo sa kay Jane?", tanong nito sa'kin. Napatahimik naman ako sa kaniyang tanong at nag-isip. Oo nga, ano ang masasabi ko sa kay Jane.
"Well, mabait naman siya. Tsaka di ko pa siya nakita na nagagalit. Hahaha!", sabi ko sabay tawa. Pero ako lang yung tumawa. Mga letche to.
"Bakit mo naman nasabi na mabait siya?", tanong ni Aldrin.
"Kasi tinulungan niya ako noon sa library na maglilinis. Eh basta mabait siya!", sabi ko ikinatango lamang ni Aldrin.
"Hmm, ako. Di ko pa kilala ang Jane na iyan. But I know na she won't do that kind of thing naman dahil as far as I know, marami ding tao ang humahanga sa kaniya and she's also trusted din naman.", sabi ni Jacob na ikinatawa lang namin. "Ba't tumawa kayo?"
"Ba't ka nagcoconyo? Tae ka dre kaboses mo si Kris Aquino.", sabat ni Aldrin na ikinahagalpak naman sa tawa namin.
"Darla! Eat na!", sabat ni Jacob at talagang ginaya niya pa ang boses ni Kris Aquino. Ampopo magkaboses nga!
"Seryoso. Baka si Jane ang gumawa nun? I mean, an act of kindness can also lead us to dangers y'know.", sabi ni Aldrin. Napatango naman kami dahil may point din naman siya.
"Oo nga. Tsaka siya din naman kasi ang huling kasama mo sa pag kain. Unless kung may kasama siya but you've said na mag-isa lang din siya.", sabat naman ni Jacob. "Hayop ka kasi eh! Sa susunod, huwag ka ng kakain na mag-isa. Dapat magkasama na tayo at kainin natin mismo ang isa't-isa", dagdag nito kaya nakatanggap naman siya ng napakalakas na batok na galing kay Samantha.
"Ikaw talagang unanong ka napakabastos mo!", sabi ni Samantha sabay irap. "Pero sige.", dagdag nito na ikinahagalpak lang namin ng tawa. Kaya pala destined ang dalawang 'to dahil pareho naman palang mga bugok.
"Okay, we need proofs kung sino ba talaga ang gumawa sa'yo iyan. Kasi naman sa sitwasyon mo, napakadelikado dahil puwede namang mamatay ang tao lalong-lalo na't sensitive ang tiyan nito. Atsaka we cannot just blame Jane on what happened. What if inosente talaga siya diba? Tas sinabi natin na siya ang gumawa. Edi tayo ang mapapatay dahil dinamay natin ang inosente. ", sabi ko na. Tumatango-tango naman sila sa sinabi ko. Kasi naman kawawa ang tao eh dahil pinagtulungan.
"Okay, to fix this problem, kailangan tayong makipag-usap sa kay Jane.", sabi ni Aldrin.
"Paano? Kasi sa pagkakaalam ko, mahiyain ang babaitang yon.", sabi naman ni Jacob.
"Ako bahala.", sabat naman ni Samantha na ikinatingin namin sa kaniya.
"At ano ang balak mong gawin?", tanong ni Jacob.
"Basta ako bahala. I'll talk to her.", sabi nito na ikinatango lang namin.
"Oo nga pala. Ano ang ganap kanina sa classroom?", agad na tanong ni Jacob.
"Ah, eto kasi 'yon...", pagsisimula ni Aldrin at nakinig naman sina Samantha at Jacob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top