Chapter 23
Kai's P.O.V
Time flew so fast and it's already freaking monday. And I hate that day. Napakaputragis.
Nakaupo lamang ako ngayon sa aking upuan habang hinihintay ko ang aking napakamatagaling jowa. Talo pa yata ang babae dun eh.
Suddenly, nakaramdam ako ng antok. Akmang matutulog na sana ako sa desk ko kaso nainip ako ng dahil sa ingay sa labas.
Nakita ko din ang mga estudyanteng nagsing-takbuhan sa hallway na parang may hinabol. Ano kaya ang meron?
Aba't tingnan mo! Paano mo malalaman kung nakatunganga ka lang diyan? Bobohan lang, Kai?
Napahawak na lamang ako sa batok at lumabas na din. Ng nakalabas na ako ay nagulat ako sa karaming estudyante na nasa hallway. Parang may artista yatang paparating ah? Teka, sino ba kasi iyan?
"Tae pre ang ganda niya talaga!"
"Putchi inlove na ako."
"Waaah how to be her?"
"Sana all maganda!"
"Inggit ako huhu!"
Napakunot lamang ang noo ko sa mga pinagchichismis nila. Maganda? Babae? Sino ba iyan? Puta.
"Ayan na siya! Aaaah!"
Ay hayop tong babaeng nasa likod ko ah. Lakas makatili ampopo. Batukan kita diyan eh.
"Hailey Morgan! WE LOVE YOU!", sigaw ng katabi ko. Humarap naman kaagad ako sa harapan para hanapin ang pesteng Hailey na 'yan. Letse ah! Sino ba kasi iyan!
Ayun! May nakita akong magandang babae na lumingon sa kinatatayuan namin. Ngumiti lamang ito sabay kindat at dinagdagan pa ng flying kiss.
Kaya ayun, sapol ang mga estudyanteng humahanga sa kaniya. Lalong-lalo na 'yung mga lalake. Infairness ang ganda niya ah? Sino ba ang chix na yon?
"Jusmiyo marimar nandiyan ka lang pala! Ano ang ganap doon? Ba't nagkagulo? Ano ang pinagkaguluhan nila?", tadtad ni Aldrin ng tanong sa'kin. Uy gago teka lang mahina kalaban.
"Aba'y ewan ko. Pinagkaguluhan kasi nila yung babaeng nagngangalang Hailey Morgan. Bagong estudyante yata dito.", sabi ko tsaka ngisihan si Aldrin. "Chix pala 'yon.", dagdag ko na ikinakunot lamang ng noo niya.
"So what kung chix? Mas chix ka pa yata doon eh.", sabi nito sabay lagay sa kaniyang bag sa upuan. "Tsaka di ko kilala ang organ na iyan. Tara na sa canteen.",dagdag nito sabay hila sa'kin. Ay putchi to. Naging organ pa nga ang Morgan.
Ng nakarating na kami sa canteen ay as always, nagkaguluhan pa din. Pinalibutan pa nga ang babae. Kawawa.
"Oy pare! Good morning!", biglang dating ni Jacob na ikinalingon naman kaagad namin sa kaniya.
"Walang good sa morning.", sabi ni Aldrin na ikinahagalpak lamang ng tawa sa unano. Aba'y gago.
"Kaaga-aga badmood ka na? Tsk.", sabi nito sabay hampas sa balikat ni Aldrin. "Halina kayo at kakain na tayo ng merienda.", dagdat nito. Merienda? Seryoso?
Agad namang hinawig ni Aldrin ang mga kamay ni Jacob at talagang sinamaan pa niya ito ng tingin. "Huwag mo nga akong itukso sa mga kain-kain mo diyan. Tataba yata ang tao pag sumama sa'yo eh.", sabi nito na ikinalaki lamang sa mata ni Jacob.
"Ang harsh mo naman, babe.", sabi ni Jacob na ikinatawa ko lamang. Akmang magsasalita na sana ako kaso biglang sumigaw yung mga estudyante at nagtilian pa talaga ang iba. Amputek! Sarap tanggalin yang mga anit niyo ah!
"Oo nga pala pare, sino ba yang pinagkaguluhan diyan?", agad na tanong ni Aldrin.
"Si Hailey Morgan. Yung magandang babaeng famous sa tiktok!", sabi ni Jacob na ikinakunot lamang sa mga noo namin. Tiktok? Ano na naman ang pesteng tiktok na iyan?
"Sino ba yang putragis na iyan?", tanong ni Aldrin. Napatawa naman ako sa 'putragis' na sinabi niya. Eh ba't ba? Nakakatawa eh.
"Seryoso di mo siya kilala?", gulat na tanong ni Jacob na ikinailing-iling lamang ni Aldrin. "Oh my gosh. Ikaw lang yata ang hindi nakakilala kay Hailey Morgan.", sabi ni Jacob.
"Uh, excuse me? Ako din.", kaagad na sabat ko na mas ikinalaki pa sa mata ni Jacob.
"Seryoso?!", gulat na tanong nito. Ay putek, teka nga! Sino ba kasi yan? Tae hindi na talaga ako nau-update sa mundo.
"Pake namin sa babaeng yan! Ba't parang big deal niyo yata ang kurikong na yan? Millionaire ba yan? Billionaire? Artista?", tanong ni Aldrin.
"Famous tiktoker nga! Tigas ng tae, amp.", sagot nito.
"Ano ba 'yang tiktok?", tanong naman ni Aldrin na ikinaface-palm lamang ni Jacob. Pati nga ako di alam ang tiktok na yan eh.
"Seryoso ka talaga dre? San ka ba napadpad? Ba't parang ang lutang mo ata ngayon? Ba't hindi ka na updated? Okay ka lang?", tadtad ni Jacob ng tanong sa kay Aldrin.
"Eh pake ko ba sa hayop na tiktok at Harley na yan!", sagot naman ni Aldrin.
"Hoy! Excuse me it's Hailey not Harley.", pag correction ni Jacob na ikinataas lamang sa kilay ni Aldrin. Aba't attitude!
"Hailey, Harley, Hayle, Harry potter-tanginang pangalan kung ano ba ang tama. I mean, bakit pala yan nandito?", tanong ni Aldrin.
"Dito kasi siya mag-aaral. And guess what? Kaklase natin siya!", excited na sagot ni Jacob na ikinakunot lamang sa noo ko.
"Eh ba't parang excited ka yata? Nasan pala girlfriend mong si Samantha? Isusumbong talaga kita.", sabi ko na ikinagulat naman ni Jacob.
"Tae may girlfriend na pala ako.", sabi nito na ikinahagalpak lamang ng tawa namin. Seryoso nakalimutan niya? "Talk tayo mamaya. Kailangan ko munang puntahan si Samantha. Babooh!", dagdag nito atsaka nauna ng umalis.
Napailing-iling na lamang kami dito ni Aldrin atsaka nagkatinginan sa isa't-isa.
"Oo nga pala, ano ang gusto mo? Lilibrehan kita.", nakangiting tanong ni Aldrin. Hmm, mapagtripan nga.
"Sinabi ko na sa'yo, wag mo akong tanungin kung ano ang gusto ko baka ikaw talaga masagot ko.", banat ko na ikinangiti naman ni Aldrin. Taktee ang gwapo ng jowa ko!
"Oh babe, you can claim me later on. But for now, kailangan nating kumain ng totoong pagkain para may energy tayo. Okay?", sabi nito sabay ngiting makakahulog ng panty. Hayop ka Aldrin, kahit ano ang gawin mo, ikaw lang talaga ang makakagawa sa pagpintig ng puso ko ng napakalakas.
"I-ikaw bahala..Kakain lang naman ako ng kahit ano eh.", sabi ko ngunit ngisi lamang ang pinakita nito.
"Eh kung i-order ko kaya 'tong sarili ko? Mauubos mo ba?", tanong nito na ikinalaki sa mata ko and at the same time, ikinapula din sa pisngi ko.
"A-Aldrin naman! Parang tanga 'to! Bilisan mo ngang bumili diyan! Batukan kita eh.", sabi ko atsaka inirapan na. Pero tang-ina deep inside gusto kong sumigaw.
"Hahaha okay, okay. Chill lang. Ito na, oorder na. Hentai--este, hintayin mo lang ako.", sabi nito. Ayan gago talaga. Na-hentai pa nga.
Inirapan ko lamang siya tsaka tumalikod muna. At nakita ko mismo ang mga mata sa Hailey na yon na nakatitig na pala sa'min.
Ay teka, I don't know kung sa AMIN ba talaga siya nakatitig o sa kay ALDRIN.
Hmm, something suspicious.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top