Chapter 2
Nag snack na kami nina Jacob at Aldrin at doon kami sa garden tumambay. Kakagatin ko na sana yung sandwich na binili ko kaso may narinig na naman akong chismis sa mga babae.
"Oh look girls!"
"Bakit anong meron?"
"Is that Kai Duazo? The malanding tomboy?"
"Ay gago tomboy 'yan?"
"Ang ganda naman niya yata para maging tomboy."
"I agree."
"Uy gago alis na tayo. Baka mamaya magrambulan pa tayo dito."
Gagong mga 'yun. Hampas ko sa kanila ang makapal kong kamay eh. Sa gwapo kong 'to pinagkamalan akong malandi? Mahiya naman ang makapal nilang make-up!
Tsaka what the eff? Anong maganda? HOY GAGO! GWAPO AKO! Bwesit 'tong mga 'to. Magcocompliment na nga lamang mali-mali pa. tss.
"Aba't nakatulala ka pa diyan. Kainin mo na iyang sandwich mo! Nilalangaw na o.", sabi nung Aldrin na ikinabuhay ko naman kaagad.
Tumango na lamang ako at pinagpatuloy na ang pag-kain ngunit napatigil na naman ako sa pagbiglang may nag 'hi chics' sa likod namin. Letse. Ang disturbo naman! Kitang kumakain ang tao dito. Tsk.
Inis ko namang tiningnan iyon at may nakita kaming dalawang lalake na papalapit sa kinauupuan namin. Sino ba 'to?
"Pare tingnan mo, may papalapit na impakto.", Aldrin.
"Ano gagawin natin? Tatakbo? Tatalon? Sisigaw ang pangalan mo?", Jacob.
"Iisipin na lang panaginip lahat ng itooo~", Jacob.
Akmang kakantahin na sana nila ang lyrics kaso agad ko na silang tinapunan ng tissue napkin upang tumigil sila sa kanilang kalokohan.
Maya-maya pa lamang ay dumating na yung dalawang lalake at nasa harap na namin ito.
Pweee! Ang baho! Halatang di naliligo. Yaks!
"Is it hot here? Or is it just you babe?", sabi nung lalakeng mukhang crescent moon ng dahil sa katulin ng baba niya.
"Pangit ng banat mo uy. Ito o..ehem---Baril ka ba? Patira naman kahit isang putok lang.", sabi naman nung isang lalakeng mukhang palaka.
"Ew. Pangit naman ng mga banat niyo.", sabi ni Aldrin sabay tawang praning.
"Hindi, hindi. Mas pangit ang mga nag banat.", sabi naman ni Jacob.
Napangisi na lamang ako. May back-up pala ako bwuahaha.
"Ano kailangan niyo sa'min?", malamig na tugon ko sa kanila. Nainis naman ako lalo nung nakita ko ang mapang-asar na ngiti nung crescent moon. tss.
"Oh babe, alam mo namang ikaw ang kinailangan namin dito eh.", sabi naman nung mukhang palaka.
Seryoso, ayaw nila talaga akong tatantanan? Pwes, then get ready to meet hell, suckers.
"Tss. People like you are the reasons why we have middle fingers. So get lost already.", sabi ko tsaka nag-umpisa ng kumain.
"Ooooh! Bwuahahah! Burn baby!", Aldrin.
"O ano? Wala ba kayong masabi mga polokoy? HAHA!", Jacob.
Napangisi ako nung nakita kong naiinis na ang dalawang polokoy. It seems na bumukal na ang kanilang mga dugo ng dahil sa'kin. And I kinda love this feeling.
"Tang-ina mo.", sabi ni Mr. Crescent Moon tsaka ako nilapitan pa ng maigi.
"You talking to yourself?", sabi ko lamang na mas ikina-inis niya lalo.
"Pare mukhang uusok na ang apoy sa kaniyang ilong HAHAHA!", hagalpak ni Aldrin.
"Di. Mas maganda iyan pag nasa pwet bwuahaha!", Jacob.
Kainis tong dalawang 'to hahaha.
"Manahimik kayong dalawa!", sigaw nung mukhang palaka.
"Eh pano kung ayaw namin?", Aldrin.
"Oo nga! Binigyan nga kami ng bibig para makapagsalita eh.", Jacob.
"Sino ka ba para pag-utusan kami?", Aldrin.
"Nanay? Tatay? Gusto kong tinapay?", Jacob
Tingnan mo na. Mga baliw talaga eh.
"Ate? Kuya? Gusto kong kape hahahaha!", Aldrin.
Putek 'to hahaha.
Hinarap ko ang dalawang lalakeng polokoy at nilapitan. Ngumisi naman ako nung nakita kong napalunok lamang sila. Tss, halatang natakot naman eh.
"Kung wala kayong kailangan sa'min, umalis na kayo bago pa umusok 'tong mga kamay kong kating-kati ng sumuntok sa mga pangit na mukhang kagaya niyo.", nakangisi kong sambit na ikina-ngisi lamang din nila.
"Psh try me", nakangising sagot nung crescent moon.
At dahil inutusan niya ako, sinunod ko din naman. Syempre wala ng tumpik tumpik pa, boom kara-karaka na. Mabait akong bata eh tsaka masunurin din. May problema ba don? tss.
"Bwesit ka.", sabi nung crescent moon at akmang susuntukin sana ako kaso sorry siya dahil mabilis ang mga galaw ko at agad kong nakuha ang kamao niya na mas mabilis pa sa alas kwatro at tinulak ko iyon papunta sa kinatatayuan nung mukhang palaka.
At dahil tanga-tanga din tong si kuyang palaka, natamaan naman ito at na knockdown lamang. 1 down, 1 more left.
Mabilis ko namang sinipa ng malakas ang tuhod nung crescent moon at napatumba naman ito. Agad ko naman siyang nilapitan at kinuha ang kwelyo niya.
"Disturb us again or I'll make your life miserable as living hell.", mahinang sambit ko para maiintindihan niya. "Leave, now."
I glared daggers at him kaya napalunok na lamang siya at tinaas ang kaniyang dalawang kamay meaning he surrendered.
"If you want to flirt and mess with some other girls, then sorry pal, guess you've just messed the wrong person.", sabi ko tsaka siya kinindatan.
Sinamaan na lamang ako ng tingin sa crescent moon na iyon at umalis na din. Napa-irap na lamang ako at bumalik na sa pwesto kung saan sina Aldrin at Jacob.
Grabe, first day of school ko pa ito at nakipag-away na ako. Ganyan talaga kapag gwapo at astig ta'yo no? Pag-aawayan. Tsk. Ang hirap maging gwapo.
"Grabe ka pare, ang astig naman ng galaw mo! At dahil diyan ay may prize ka sa'kin.", sabi ni Aldrin at akmang hahalikan sana ako kaso agad ko naman siyang sinuntok sa balikat
Isa pa ito, buang talaga. Tss.
*Bell rings*
Pumasok na ulit kami sa room at umupo, maya-maya pa lamang ay nandito na si Sir na may dala-dalang fishbowl na walang tubig at isda.
"Now, may mga roll papers sa loob ng fishbowl na ito at gusto ko na kukuha lamang kayo ng isa. Isa lang ah? Hindi dalawa, hindi tatlo, kundi isa. But first, make a straight line. One for girls and one for boys. Start!", sabi ni Sir.
Wala bang one line for tomboys?
Syempre sa girls na ako pumila, kung pwede lang sana sa mga lalake kaso baka malintikan ako ni Sir. Tsk.
Pumila na kami at kumuha ng isang papel sa fishbowl at bumalik ulit sa upuan.
"Okay so as you can see na may number ang binunot niyong papel. So ang number na yan ay ang magiging sitting arrangment niyo until the end of the school year", utos ni Sir.
Nag okay sign lang kaming lahat as response.
Agad naman akong nilapitan nina Aldrin at Jacob sabay tanong kung anong number ang nabunot ko.
"Number 11 sa'kin."Ako.
"Ah..12 sakin eh, sayo pre?"Jacob.
"Number 10 ang nabunot ko"Aldrin.
"10, 11, 12? What a coincidence!", sabi ni Aldrin.
Ayos! Tabi kaming tatlo! Bwuahaha!
"Okay class, so once nalaman nyo na kung anong number ang nabunot nyo, You all may now start moving to your new sitting arrangements", utos ni Sir na ikinasunod naman din naming lahat.
Kaya agad kaming kumilos patungo sa assigned numbers namin.
Umupo na ako sa chair 11 at sina Jacob at Aldrin ay chair 10 at 12. So bale ganito ang arrangements namin..
Aldrin--Me--Jacob
Astig no?
"Are you happy with your new arrangements and your new seatmates?"tanong ni Sir.
"Sir! Gusto ko babae ang katabi ko!"
"Sir, gusto ko crush ko ang katabi ko!"
"Putek naman o bakit bakla ang katabi ko sir?"
"Sino matalino dito? Dali! Tabi tayo!"
"Tae ang malas ko naman sa katabi ko. Mukha pa naman itong manyak."
"Hoy hindi ako manyak aba!"
"Eww! Stay away from me!"
Daming arte naman dito. Pasalamat nga sila may mauupuan eh.
"Alright so since it is our Free Time today until 5:00P.M, you can do whatever you want and let's just start our 1st topic by tomorrow. Okay?"Sir.
Aba'y astig chilling time! I love you na talaga sir.
"SIR YES SIR!"kaming lahat.
"Okay, just do what you wanna do right now, lalabas muna ako saglit and when the bell rang, you can now take your lunch", Sir at lumabas.
I'm so lucky sa classroom nato dahil hindi strict ang adviser namin. Wahaha iwas gulo.
Suddenly, sa gitna ng paguusap naming tatlo dito, may sumingit na dalawang babae.
"U-uhm..H-hello po, ako nga pala si Sharon", sabi ng unang babae. Sharon? Cuneta?
"And I'm Robin"sabi nung pangalawang babae. Teka, Robin? Padilla? Weh?
Nandito ba sila para lumandi? Buset. Pigilan niyo ko guys. Baka lalabas na naman tong demonyo na nakapagsaloob sakin.
I mean, naiinggit lang naman ako dahil wala ding lumandi sa'kin. Hayop.
"Hi din!"Jacob sabay kindat sa dalawang babae.
Sus, isa pa to. Ang chi-chixboy masyado.
"Hi!"Aldrin at nag flying kiss pa. Tch. Ito din!
Pero wag kayong ano ah! Walang malisya to. Sadyang na O.OP lang talaga ako sa mga hinayupak na'to.
"G-grabe! Ang pogi niyo naman! Tsaka aamin po kami na nagkacrush po kami sa inyo. Gusto sana n-naming magpa s-selfie kasama kayo. O-okay lang ba?", tanong nung Sharon.
Eh gwapo naman ako ah? Wala bang nag ka-crush sa'kin diyan? O edi kaya'y magpapicture man lang? Malas ko naman.
"Sure! 1 shot lang!", sabi ni Jacob. Lul. 1 shot daw o.
"Waaah! Okeh okeh eto na..say CHEESE!", Sharon.
"Isa pa! Isa pa! Say LOVEEEE!", Robin.
Sa totoo lang, Seriously? Sharon at Robin? Mabubuang ako dito. Ang lalandi masyado eh.
Nakaakbay pa talaga ang Robin na yan sa kay Jacob then si Sharon naman sa kay Aldrin. Sus, gumawa lang ng paraan para makachansing eh. Mga ulol. Style niyo bulok.
"Ohmygee! Thank you so much boys! Love you!", Sharon sabay flying kiss. Tss.
Flying kick ko mukha niyang mabantot eh.
"Welcome pero sorry, I'm already taken", Jacob. Ay huta ano daw? Teken? Watdapak?
"Ayy..ganun? Sayang, dream boy pa naman kita"sabi nung Robin sabay pout pero mukha namang kalapati.
"Eeh ikaw Bebe Aldrin? Are you single?"tanong nung malandi na Robin Hood.
"No. I'm Aldrin."Aldrin.
Corny ng gago ampucha.
"Nakakatawa ka talaga bebe Aldrin!", sabi nung Robin sabay pabebeng hampas naman kay Aldrin.
Hambalusin ko ng lunch box iyang mukha na yan eh. Nakakasira ng araw, bwesit.
"Kidding aside. Seriously, I'm already taken.", Aldrin.
Uy. Taken na pala ang mga to? so it means, ako nalang pala ang nagiisa dito? Hayop na buhay to.
O edi taken na lang din ako hahaha. Sabay-sabay din sa trip mga tol.
"Ouch sayang naman. Then sino yung girlfriend mo?"Tanong nung Robin ulit.
"Uhhmm...si...ano...uhm...", Aldrin sabay tingin sa'kin. Nagtaka naman ako nung bigla niya lamang akong ningisihan at inakbayan. "Eto."
Teka, ano?!
Lumaki naman ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Pero mas nagulat ako nung nakaramdam ako ng pang-iinit sa mukha ko. Amputek. Ang bakla naman nito! Not cool dude!
Tiningnan ko si Aldrin na nakakunot ang noo ko pero tiningnan niya lang din ako na parang 'sumabay-ka-na-lang-sa-tang-inang-trip-ko' look.
At dahil diyan ay mukhang alam ko na kung ano ang ipinahihiwatig niya. And I can't help but to smirk.
"O-oh, ikaw pala.", Sabi nung Robin sabay taas ng kilay pa talaga sa'kin. "Well, sorry kung nilandi ko boyfriend mo ah? it's just...nakakagigil kasi eh and he's so gwapo!", tili nung Robin.
Girlfriend pala ah. Pwes, sasabayan ko kayo sa mga letseng trip niyo. Dinamay pa ako mga bibwit.
"I understand, miss. I know na gwapo talaga ang jowa ko. But can you please avoid holding and touching him? Hindi ka naman siguro tuko diyan eh no? Or in other words, stay away from him.", sabi ko.
Well duh marunong din kaya akong mag girl talk. Medyo nakakadiri lang talaga putek to.
I looked at Jacob and Aldrin na lumaki lamang ang kanilang mga mata. Mga ulol. First time? Pathetic.
Halatang nagulat naman din ang Robin na yun dahil bigla niya lamang inalis ang mga kamay neto na nakakapit sa balikat ni Aldrin. Sus. Nahiya pa eh.
Halata din namang nagulat si Aldrin sa pageemphasize ko ng "BOYFRIEND". Pati nga ako nagulat sa mga pinagsasabi ko eh pero walang basagan ng trip to mga tol. Dinamay niyo ako eh mga letse kayo.
"A-ayy s-sorry, ehehe sige, a-alis na kami ah? Bye!"sabi nung Robin at hinila na si Sharon palayo.
Tiningnan naman ako ni Aldrin tsaka ako ningisihan ng nakakaloko.
"Ang ganda mo umacting ah? Pero mas magiging maganda talaga pag totoohanin natin.", sabi ni Aldrin habang nakataas-baba naman ang kaniyang kilay.
Inis ko lamang kinuha ang ballpen ko at hinampas sa kaniyang ulo. Napa'aray' din naman siya. Tsk. Bakla.
*Bell rings*
Lunch. Favorite subject ko na 'to!
"Okay class, You may now take your lunch. Eat well! Pagpapakabusog kayo ah! Mwuah!", Sabi ni sir sabay alis.
Aba't may mwuah pa nga.
Anyways, kinuha na namin ang aming lunch at dumiretso na kaagad sa garden. Syempre tambay kami dito.
"Ano ulam nyo?"Tanong ni Aldrin.
"Manok sakin"Ako.
"Manok din sakin, ikaw drin? Ano ulam mo?"Jacob.
"Manok din. Ahahahaha!"Aldrin.
Aba't manok goals.
"Wow ha! Anong meron at talagang manoksary pa natin ngayon?", tanong ni Jacob na ikinatawa naman namin. Eh sa nakakatawa eh.
*Phone buzzing*
"Tumunog yata phone mo dre?", tanong ni Aldrin sa kay Jacob.
"Naiwan ko nga phone ko sa'min eh.", Jacob sabay nguya.
Tiningnan ko naman ang phone ko at ayun si kuya lang pala ang nag text.
"Ay, akin pala.", sabi ko tsaka kinuha ang phone ko sa bulsa atsaka tiningnan kung sino tong depungal na'to.
[Kuya: Hoy! Nasan ka na ba napadpad ha? Hanap ako ng hanap sa'yo kanina pero hindi kita nakita. Na-rape ka na ba? Reply ASAP!], text nito.
Sweet niya sa'kin no? Ang sarap i-untog.
Rape ka diyan. Sa mukhang to? May gustong mang rape sa mukhang ito? Aba'y kadiri.
Mas gusto ko pa nga na ako mismo ang mangre-rape eh.
Char lungs.
[Ako: Hoy din tanda! Baka ikaw nga ang marape diyan ng dahil sa kalandian mo eh. Nandito lang ako sa garden! Nakipag sabay ng kain sa mga barkada ko. Tae mo! Wag istorbo please. Ngumunguya pa ako. Byers], reply ko.
Message sent.
Akmang isusubo ko na sana ang kutsara sa bibig ko kasi madali namang tumunog ulit ang cellphone ko.
Putek. Ang bilis makakareply ng tipaklong! Kakatext ko lang na wag istorbo eh.
[Kuya: Barkada kaagad? Ang bilis ah! Hehe, by the way, sige. Kain ka dyan ah? Sabay lang kami sa girlfriend ko tsaka punta ka sa parking lot mamaya para sabay tayo]
Kita niyo na? Nagka GIRLFRIEND na nga siya eh. Tss. Ka-lalakeng dating, pero ang landi-landi masyado.
O edi sana all may jowa.
Di ko nalang nireplyan yun para makatipid ako ng load. Nakakabanas eh.
"Sino pala yun?"tanong ni Aldrin.
"Kuya ko"Ako.
"Ahh ok. Sige, kain na tayo"Jacob.
At kumain na kami then pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa canteen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top