Chapter 18
Kai's P.O.V
"Sir!", tawag ko sa adviser namin na ngayon ay nagdadala ng bag. Halatang uuwi na. "Oy sir! Teka lang!", tang-ina naman ayokong tumakbo. "Sir! Yuhooo!"
"Oy Ms, Duazo! Anong nangyari? Bakit ka nandito eh wala namang pasok?", sabi ni sir. Anong walang pasok? Balita ko nga magq-quiz ngayon sa math eh.
"Ha?"
"Mama mo ha", sir at umalis.
Tang-ina ano daw?
"Ay sir! Bakit walang pasok? Kakasabi nga lang din ni Jacob kanina na may program na magaganap daw", sabi ko. Hinarap ako ni sir pero binigyan niya lamang ako ng ngiti.
"Teka, tatae muna ako ah? Di ko na kere", sabi ni sir at nauna ng umalis. Giatay najud.
Umalis nalang din ako. Bumaba na ako sa hagdanan at saktong pagliko ko ay may nakita akong isang wallet. Kulay pink. Yak.
Kinuha ko yung wallet at binuksan ito.
May note na nahulog kaya kinuha ko 'yun at nakasabi dito na...
"Kung nakita mo ito, nasa room 12 lang ako. Please return it to me and luck will come to your way"
Ayos ah? Manghuhula ba ang may-ari sa wallet nato?
Pinuntahan ko nalang yung room 12. Well, malas ako noong unang araw eh so baka naman s-swertehen ako mamaya kung isasauli ko 'to.
Nang makarating sa room 12 ay binuksan ko na yung pinto.
Walang tao.
Tang-ina uto-uto na ba ako neto? Maki-alis na nga lang.
Akmang aalis na sana ako kaso napansin ko 'yung note na nasa white board. Binasa ko na naman 'iyon.
"Joke lang, nasa room 10 talaga ako. Puntahan mo na, dali!"
Peste.
Inis kong iniwan 'yung wallet at lalabas na sana sa pintuan kaso nagulat ako nung bigla itong sumara ng mag-isa.
"Kai Duazo"
Agad akong lumingon sa likod at nakita ko ang isang lalake na nakamaskara.
Tang-ina wala akong gamit para makapaglaban sa tsonggo na'to.
"S-sino ka?"
"This is not the right time to know my name. What's more important is you need to come with me", sabi neto.
"Luh, ayoko nga! Ang pangit mo", ang nasabi ko nalang. Wala na talaga akong ibang masabi ng dahil sa kaba ko.
"If you don't, then you will be stuck in here, forever. I am the facilitator here so if you want to escape, then come with me", sabi neto. "I'm not the bad guy that you've ever imagined. Ang gwapo ko naman para maging kriminal", dagdag neto. Kumunot kaagad ang noo ko sa sinabi niya. Excuse me? Balita ko wala pang nakakatalo sa gwapong 'to? Chour.
chourger.
Hanep, hangin ng facilitator ah?
"O sige. Sabi mo eh",sabi ko nalang at sumama na sa lalake.
"But before that, you have to wear this po", sabi neto sabay kuha ng isang kulay blue na panyo. "Don't worry, I swear to God na buhay ka pa pag sinuot mo 'to", dagdag neto.
Siningkitan ko ng mata yung lalakeng nakamask pero napansin ko na inirapan niya ako.
Ay, barbie?
"Naku tol, pasensya na pero---
"Time is running my child, so if you wanna escape this room quickly, then please do follow my commands", sabi neto.
Guminhawa nalang ako ng malalim at sinunod ang utos niya. Sinuot ko na yung kulay blue na panyo at sumama na sa kaniya.
Hala putspa kaninong panyo 'to? Kilala ko yata ang may-ari sa panyong ito. Familiar yung baho eh.
Este bango pala. Pamilyar ang bango sa letsugas na panyo na ito.
"Pag ako dinala mo sa tang-inang lugar na 'yan, I swear to God na bukas hindi kana makakalakad", sabi ko. Narinig ko ang mga hinang tawa niya. Tang-ina bat parang kilala ko yata ang lalakeng 'to?
"Bakit po Ms, Duazo? Ire-rape mo ba ako kaya hindi na ako makakalakad pa?", tanong neto. Binatukan ko 'yung lalake at inirapan siya.
"Wag kang gago. Hindi ako papatol sa isang badjao na kagaya mo. At kung mangre-rape man ako, sisiguraduin ko na babae ang hahanapin ko", sabi ko. Humagalpak ng tawa 'yung lalake.
"Kakaiba ka miss, ah? I like you na", sabi ng lalake. Anong miss? MR OY!
"Tang-ina nasan na ba tayo? Pwede ko na bang tanggalin---
"HINDI!", sigaw neto. Teka, bat parang naging bakla yata ang sigaw niya?
"Ano yun?", tanong ko. "Barbie ka ghoRL?"
"Tumahimik kang TBoom ka, kukunin ko pekpek mo eh. Exchange tayo gusto mo?", tanong neto. Nagulat ako sa tanong niya kaya humagalpak ako ng tawa.
Barbie nga talaga.
"O nandito na tayo, wait ka lang diyan", sabi neto at binitawan niya ako. Ay gago mangiiwan.
"Hoy tang-ina wag mo akong iiwan dito!", inis kong sambit pero wala akong response na narinig. "Aba hoy barbie tang-ina mo! Sabi ko na tang-ina ka talaga eh!", inis ko pa ding sambit.
"Tumahimik ka giatay"
May narinig akong boses galing sa likod ko. Syempre kukunin ko sana yung panyo na nakaharang sa mata ko kaso ang bilis ng galaw sa tikbalang na'to at napigilan niya ako ng mabilisan.
"Lika dito", simpleng sabi niya. "Pag sinabi kong umupo ka, upo ka ah?"
"Eh paano kung tatayo ko?", angal ko at nakatanggap ako mismo ng batok. "Oo na pisty nambabatok pa eh"
"Tang-ina ka kasi"
Teka, parang kilala ko boses neto ah?
"Kuya, ikaw ba 'iyan?", tanong ko. "Kuya alam ko namang ikaw 'yan dahil alam ko mismo ang baho ng kili-kili mo", angal ko. Nagulat ako ng binatukan na naman ako.
"Umupo kana. Bwesit ka", sabi neto. "Umusog ka pa doon. Sige ka mahuhulog ka talaga sa maling tao at masasaktan ka na naman", sabi neto.
Napatigil ako sa sinabi niya at hahampasin sana kaso wala akong makita.
"Tang-ina gusto ko ng umuwi", sabi ko. Nagtaka ako kung bakit umecho ang boses ko sa isang room.
Nararamdaman ko na nasa room ako. Sa Audio Visual Room mismo. Biglang lumamig eh. Parang siya.
Charotism.
Seryoso biglang lumamig. Eh kasi kanina ang init-init tas ngayon ang lamig na ng chat namin.
Charot ulit.
May nagpaandar ba ng aircon?
"Hoy", tawag ko. "Aba sumagot kayo oy. Tang-ina gusto ko ng umuwi at matulog muli", dagdag ko.
Echo lamang ang naririnig ko. Peste nagsimula na akong kinabahan sa nangyari.
"Hello?", tawag ko ulit. Aba gago walang sumagot. "Hi? Hoy? Nihao? Bonjour? Annyeong? Konnichiyawa?", still, walang sumagot.
Tanggalin ko na lang 'tong letseng panyo na'to. Tang-ina mahirap na baka nasa building na pala ako na punong-puno ng mga patay na tao.
Hindi ako nagdadalawang-isip at tinanggal yung panyo na nakaharang sa mga mata ko.
At saktong pagkatanggal ng panyo sa mata ko ay automatic na tumunog ang isang kanta at ume-echo iyon sa loob ng room.
Nakakaloka ito dahil may pamilyar na anghelitong boses na kumanta ng biglaan.
Pero mas nakakaloka ito dahil kilala ko mismo ang boses na 'yan at nakakapagbigay kiliti ito sa katawan ko.
When I see your face
There's not a thing that I would change
Cause you're amazing
Just the way you are
Nagulat ako dahil bigla lamang itong umulan ng mga petals at ang petals na iyon ay ang paborito ko pa talaga. Mga rosas.
And when you smile,
The whole world stops and stares for a while,
Cause girl you're amazing,
Just the way you are
Biglang bumukas ang ilaw at nakapokus lamang ito sa taong nasa harapan. Ito ay nakaformal suit na kung saan bagay sa kaniyang maayos na buhok. Naamoy ko ang kaniyang pabango na kung saan mas nakakapagbigay kiliti pa iyon sa katawan ko.
Para akong nanghihina and at the same time, kinikilig na excited na hindi alam...wait what?
Kinikilig?
KINIKILIG?
What the hell?!
Ang bakla men!
Teka, kilig ba talaga tawag neto? Tang-ina naman! Kilig talaga 'to eh!
Hindi ako makapaniwala! Isang dalagang binata na hindi nakaranas ng ganito, ay bigla lamang kinilig ng madalian?
Bakit ba kasi ako kinikilig?
Ano ba 'yung kilig?
"Kai Duazo"
Bumalik kaagad ang atensyon ka sa lalakeng nasa harapan. Nakahawak na ito ng gitara sabay microphone sa harap niya.
Dahan-dahan itong tumingin sa akin at bigla lamang tumibok ang puso ko nung tama ang paghula ko na siya nga!
Parang ewan ako ngayon, nawawala na talaga ako sa sarili. Ang gwapo niya. Nang-iiba ang paningin ko sa kaniya. Bakit ganyan ang aura niya ngayon? Bakit tuwing magtatama ang aming mga paningin ay may saya kaagad ang mabubuo sa loob ng puso ko?
Inlove ba to?
Inlove ba ako?
"Kai Duazo, let me have the privilege to do the thing that I couldn't do before", sabi neto. Pagkatapos niyang sinabi niyan ay sinabay ito sa pag strum ng gitara niya.
Habang tinutugtog niya ang kaniyang gitara, dahan-dahan naman siyang lumapit sa'kin.
Hindi ko na kaya. Nang-iiba na talaga ang mga paningin ko. Hindi ko na makontrol ang sarili ko ng dahil sa charisma ng isang lalakeng 'yan. Napakahayop niya.
Kumanta ulit siya na kung saan, nakakapaglambot ito sa puso ko at nakaya niya talagang talunin ang isang tomboy na kagaya ko.
Bakla man ito pakinggan, pero masaya ako. Masaya ako dahil ginawa niya ito.
Aldrin's P.O.V
I can't belive it.
I can't fucking believe it.
I did it!
I freaking did it!
Hindi ko inakala na nagawa ko talaga ang bagay na hindi ko hilig na gawin noon.
This girl, infront of me, is just so breath-taking to stare at. Tang-ina ang ganda niya ngayon.
But still I still can't forget what am I doing right now.
I just fucking serenade the women that I want. That I love.
That I want her to be mine.
I. Myself. Just. Serenade. Kai. Duazo.
And that is heck as new.
"Kai Duazo"
Dahan-dahan naman siyang tumingin sa'kin. At noong nagtama ang aming mga mata, parang ang dilim na nasa puso ko ay biglang lumiwanag ng dahil sa mga magagandang mata niya na kumikinang habang nakatitig ito sa akin.
Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang araw na'to. Lalong-lalo na't hindi siya mismo ang Kai na nakita ko na tomboy.
But the Kai na kung saan, lumabas ang tunay na kagandahan at kasimplehan.
Hindi siya galaw lalake ngayon kundi isang napakanatural na simpleng babae ang pinakita niya sa'kin ngayon na kung saan, mas nahuhulog pa ako ng lubos.
"A-Aldrin", ang sarap pakinggan nung sinabi niya ang pangalan ko. Para akong binigyan ng isang himala na kung saan hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. "A-anong nangyari sa'yo? B-bakit...A-ano..Paano?..H-ha?"
"Halabyo", Ngitian ko lamang siya pero nakakunot pa din ang noo niya. Nakita ko na tinakpan niya ang kaniyang mukha. Ah sus, halatang kinilig ang gaga. Pinigilan pa eh. "Kumusta ka ngayon, binibini?", tanong ko sa kaniya.
Mas nagulat pa ito lalo. Hahahaha tang-ina ang tubol ng mukha.
"Ginoo, sana nama'y huwag mo akong ganyanin at baka mahulog pa ako sa'yo ng lubusan. Natatakot ako at baka para sayo'y ito'y isang biro lamang at bibiyakin mo ang aking pusong pinag-iingatan", sabi niya with matching acting pa talaga. Galing naman niya. Pwes, kung sinasabayan niya ako, syempre ako din.
"Binibini, hindi ko ginawa sa'yo to para saktan ang napakalambot mong puso. Ginawa ko ito upang malaman mo na gaano ako ka seryoso pagdating sa'yo. At kung sakaling natakot ka man dahil akala mo'y laro lamang ito pwes nagkakamali ka po", sabi ko. Tumayo ako at nilapitan siya sabay kuha ng kaniyang kamay. "Papatunayan ko po sa inyo, na hinding-hindi ako susuko, hanggang sa makamit at makuha ko ang iyong matamis na 'oo' na kung saan, galing iyon sa mga labi mo mismo", dagdag ko. At nagsing-tilian naman ang mga abnuy.
"Tumahimik muna ang lahat at magpatuloy sa panonood", epal ni Jacob. Inirapan ko siya at binalik ulit ang tingin sa kay Kai. Nakangiti lamang ang gaga.
"Alam mo Ginoo, tanggap ko ang iyong katapangan dahil hindi ko inaasahang ang lalakeng kagaya mo ay kayang gawin ang isang bagay na kagaya nito mismo sa harap ng madaming tao", sabi niya at ngitian niya ako. Oh, that sweet smile I fucking love that.
Tiningnan ko ang kaniyang kamay na nakahawak din sa kamay ko. Tumayo ito atsaka hinarap ako. "At dahil diyan, ayokong makita kang malungkot, at ikaw ay magsaya mismo. Tanggap ko ang iyong panliligaw at ngayon na ako mismo bibigay sa aking sagot na kung saan, maririnig mo na sa mismong tenga mo", dagdag niya.
Pinatayo niya ako at parang naputol ang hininga ko nung bigla niya lamang akong hinalikan sabay sabing, "Ginoong Aldrin, ang taong kagaya mo, ay karapat-dapat sa taong kagaya ko at sa matamis na sagot kong oo", dagdag niya.
Huminto ang mundo ko sa sinabi niya.
"T-totoo ka, Kai?", tanong ko. "T-TOTOO?!"
Tumawa lamang siya at tumango ulit. "oo nga! paulit-ulit lang? Tadyakin kita eh tang-ina mo tapusin na natin to kinikilig---
I interrupted her speech by kissing her infront of everybody.
Tang-ina this is the best day of my fucking life!
"WOOOOOOHHHHH!"
"Ayeee cheers!"
"Yieee sana all new couple!", sigaw ng babaeng kaklase namin.
"Gusto mo din ng ganyan?", rinig kong tanong ni Jacob kaya namula naman 'yung babae.
"Hoy Jacob burikat!", sigaw ni Kyle. Tumawa naman ang lahat at nag cheers din naman kami.
"Woooh happy birthday!", sigaw ni Jacob.
Napatawa lamang kami at nagkatinginan kami ni Kai.
"Thank you for making me the happiest man alive", sabi ko. "I love you", sabi ko at hinalikan na siya sa hulihan.
"Tang-ina naman! Get a freaking room!", sigaw ni Jacob.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top