Chapter 17
Jacob's P.O.V
"San ka ba kasi ngayon?", tanong ni Aldrin sa kabilang linya.
"Nasa banyo. Umihi. Bakit? Miss mo na ako?", tanong ko sabay ngisi.
"Miss my ass. Bilisan mo diyan! Papunta na daw si Kai dito", sabi neto. "Basta ikaw na bahala ah! Yari ka sa'kin pag hindi mo sineryoso ang trabaho mo", dagdag neto tsaka tinapos na ang tawag.
Grabe. Na inlove nga lang napaka attitude na. Highblood ka ghOrl?
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako para gawin kunuhay ang trabaho ko. Hinanda ko yung headset para marinig ko si Aldrin sa kabilang linya.
"Hoy Aldrin", testing ko sa mic.
"Bakit? Anong kailangan mo?", sagot niya.
o diba? attitude eh.
"Hayop. Tinitesting ko lang yung mic kung gagana ba. Bat ba kasi napaka attitude mo ngayon? Regla mo ba? Sabihin mo lang dahil handa akong bibili ng napkin with wings para sa'yo", biro ko. For sure naiinis na ng lubos ang animal ngayon.
"Umayos ka nga diyan, Jacob. Sampal ko sa'yo tong talong ko eh", sabi neto. Napangisi lamang ako.
"Oh, I will be glad if you do that to me, daddy", sabi ko na pina babae. Halatang nandidiri ang gago dahil narinig ko ang pagsabi niya ng 'ew'.
Sa gitna nag uusap namin, nakita ko ang isang kulay gray na kotse at alam ko mismo na si Kai na iyon.
"Tang-ina nandito na siya pre. Kinabahan ako puta", sabi ko pero tinawanan lang ako sa gunggo.
"Tang-ina mo po. Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong ipapakain ko tong brief ko sa'yo. Umayos ka diyan", sabi neto. "I want this day to be special dahil--
"Oo na, oo na. Paulit-ulit lang? Sige babush. Talk to you later, daddy", sabi ko in a cute girl voice. Napatawa lamang ako nung narinig ko na naman ang 'ew' niya.
Nung napansin ko na palapit na si Kai, agad akong umayos at inihanda na ang mga bobong tanong ko.
Rip self.
Aldrin's P.O.V
"Hoy nasan ang isang cupcake dito?! Hindi ko papatawarin ang lahat kapag walang aamin!", agad na sabi ni Kyle. Napangiti lamang ako dahil hinakot niya talaga lahat ng efforts para makapag-order lamang ng favorite cupcake ni Kai.
"Hindi namin alaaaam", sabay-sabay na sabi ng mga kaklase namin.
"Giatay", Kyle.
"Uy chill. I'm not sure pero may isang tao akong alam na pumasok sa isip ko", sabi ko. Tinaasan ako ng kilay ni Kyle at agad ng nagtanong ng 'sino?'.
"Si Jacob. Mahilig sa cupcake 'yun eh", sabi ko. Napaface-palm lamang si Kyle at nagpatuloy na sa pagdesign sa room.
Ano na kaya ang nangyari nina Jacob at Kai ngayon?
Jacob's P.O.V
"Seriously Jacob, ano ba kasi ang nangyari?", tanong ni Kai.
Hanggang ngayon, nag-aaway pa din kami kung bakit hindi ko siya papasukin. Eh bat ba? Guard ako ngayon eh.
"As what I've said, may program na magaganap. At kung gusto mo talagang makapasok, then answer some of these stupid questions", sabi ko pero nagtaka ako kung bakit bigla-bigla nalang siyang humagalpak ng tawa. "At sinong may sabing pwede kang tumawa? Seryoso ako", dagdag ko pero hindi pa din huminto ang loko.
"Pisteng yawa", sabi ni Kai. Napatawa nalang din ako.
"Question number one, bakit tinawag na 'periodic table' ang periodic table eh wala namang table sa periodic?", tanong ko.
"Ha?"
"Hatdog. Question number two, bakit--
"Hoy giatay teka lang! Ang bilis naman yatang mag nu-number two eh hindi pa naman ako nakasagot sa number one!", sabi niya.
"Oo. Parang siya lang, ang bilis niyang makakita ng iba eh nananatili pa naman ako sa tabi niya", sabi ko. Napa 'oooh' naman ang loko amp.
"Awe shocks. Hugot men! May pinagdadaanan ka?", tanong niya.
"Syempre! Syempre wala! Kaya dali at sagutin mo na ang tanong ko within 10 seconds. Your timer starts, now", sabi ko.
"Hala animal teka lang--
"3 seconds left"
"Hoy! Hahahaha putang-ina ka talaga eh alam mo yan?", natawang sabi niya.
"Hindi. But now you've mentioned, alam ko na", pilosopong sagot ko.
If I don't have the balls to do this freaking plan thingy, then probably the celebration will be failed. But pasalamat si Aldrin at mabait ako kaya tinulungan ko siya.
Tang-ina di ko inakala na mahirap palang mag distract ng ibang tao. Bushet.
Tawa-tawa lang ako pero muntik na akong mamatay sa kahiya dito. Amfufu.
"Hoy! Nasagot ko na yung tanong sa number one. Proceed to number two, please", sabi niya. I blinked 3 times.
She what?
Nasagot na niya?
Okay fine. Di ko narinig eh. But proceed anyway.
"Okay, number two, bakit--
"Teka, bakit may balloons yata akong nakita doon?", tanong ni Kai at akmang papasok na sana kaso agad ko siyang pinigilan.
"Kai naman! Program nga eh malamang may balloon! Tsaka wala kang hiya ah! Di mo ako pinatapos sa tanong ko", sabi ko sabay pout. Humagalpak na naman siya ng tawa.
Putang-ina ka Aldrin, gawin talaga kitang bakla pagkatapos neto, halimparot ka.
"Tang-ina men, anong nakain mo at para kang bakla umakto ngayon? ha?", tanong niya.
"Hayabusa"
"Gago. Sige, ano nga yung next question?", tanong niya ulit.
Putang-ina naman Aldrin o bat ang tagal mo?! Nilalamok na ako dito pakshet.
"Namber two, ahmm, bakit bilog yung moon?", tanong ko.
Gagu. Ang pangit ng tanong.
"Kasi hindi siya square?", sagot ni Kai. Since hindi ko din alam ang sagot, tinama ko nalang ang sagot niya. Tumatalon-talon pa ang loko.
"Number three, ano--
"Ilang questions ba yan?", simang ni Kai.
"Nonstop. Aish! Wag ka nga munang sumabat! Wala ka talagang respeto", sabi ko at humagalpak naman ng tawa ang buang.
Tang-ina ang tagal naman sa itlog ni Aldrin, nahihiya na ako dito ah! Kinabahan ako baka wala na akong masabi dito. Peste.
"Ahh hahahaha. Pero Jacob, sabi mo may prog---
"QUESTION NUMBER THREE, Ano ang una, itlog o manok?", tanong ko.
"Manok malamang!", sagot ni Kai.
"Wrong!", angal ko. Eh bat ba?
"Oy bakit? Wala namang itlog sa manok noong unang panahon ah?", sagot ni Kai. Oo nga wala pero si Adam meron tss.
"Joke lang. Check yun oy! Wag highblood", tang-ina wala na akong masabi.
Tang-ina Aldrin mamatay ka na! Nilalamok na ako dito!
"Question number four, kapag ang lamok ba matutulog, nilalamok ba din?", tanong ko.
"Tang-inang tanong 'yan", sabi ni Kai. Oo nga! kasing tang-ina ni Aldrin! "Hoy wala akong masagot!", sabi ni Kai tsaka tumawa.
"Pass?"
"Pass"
Edi wow!
"Next question, pwede bang uminom ng coke pag coffee break?", tanong ko. Tumawa naman siya.
Ano ba kasing nahithit sa gagu na'to at kanina pa siya tawa ng tawa.
"Bwesit. Siguro okay lang dahil pareho lang naman silang letter 'C' sa umpisa at 'E' sa huli", sabi ni Kai.
Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Eh bat ba kung C at E ang pang-una at panghuli? Anong konek doon? amp.
"Ah basta tang-ina ka Jacob, sunod na tanong nalang", sabi ni Kai. AT TALAGANG AKO PA ANG TANG-INA DITO!
"Tang-ina to you po. Next question, kapag mamatay ba ang uuod, inuuod din?", tanong ko. Sige bahala kang mamatay ka diyan kakaisip sa sagot.
"Peste talaga eh! Pass!", gagu.
"Bakit kaya pag brownout, hindi brown ang makikita natin?"
"Kasi hindi pink!"
"Bakit sa tuwing sumasagot ng telepono laging, 'hello' ang isasagot? bakit hindi nalang 'hi'?"
"Alangan namang sasagot ka ng 'bye'"
Nagiging pilosopa na siya. HAHAHAHA.
"Bakit yung blackboard green?"
"Kasi hindi rainbow!"
"Sa fire exit ba lumalabas ang fire kung sakaling may sunog?", tanong ko.
"Alangan namang water ang lalabas sa fire exit", sagot niya. Halatang nabo-bored na siya sa mga tanong.
Tang-inang Aldrin puputulin ko talaga itlog nun. Antagal sa bibwit!
"Jacob, matagal pa ba? Feeling ko wala namang program dahil wala namang inaanunsyo si Sir kahapon, tsaka bakit tayo magpo-program eh halos wala namang tao dito?", tanong niya.
Hoy tang-ina di ko alam isasagot ko dito.
"Kaya nga walang tao dahil nagdedecorate pa sila sa stage! Gahig tubol ay", sabi ko. Inismiran niya lamang ako.
"Decorate? Ilang oras ba sila magdedecorate eh halos isang oras na ang lumipas!", sabi niya.
"Malaki stage natin. Hindi kere sa isang oras", sabi ko. Tumawa naman ang buang.
Tang-ina Ald--
"DRE!", Aldrin on the line. "Hoy bulbol! Papasukin mo na siya!"
Tiningnan ko si Kai ngayon na nagsasalita pa din pero hindi ako nakinig.
"Nakikinig ka ba, Jacob?", tanong neto.
"You may go inside now", sabi ko at nauna ng pumasok keysa sa kaniya.
This is it pancit! Papatayin ko talaga si Aldrin sa katagal ng kaniyang signal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top