Chapter 1

P.S, lemme remind ya'll na ginawa ko ang storya nato noong 12 or 13 years old ako basta puro kajejehan lang. HAHAHAH. So yah, careful on those grammars and some errors also. I'm not a perfect author like you've ever imagined. :) Enjoy!

---

Kai's P.O.V

"Sst! Kai! Gising na!", agad na sabi sa alarm clock kong Kuya.

Tae naman o. Daig nya pa si mama makapagutos ah? Tsar lang.

Tamad na lamang akong bumangon at ginulo ang buhok ko.

"Anong oras na pala?"tanong ko habang kinakati yung batok ko.

"Oras na para bumili ka ng sarili mong relo", sabi niya. Tinapunan ko lamang siya ng unan na ikinangisi niya lamang. "Joke lang. Basta bumangon kana diyan kung ayaw mong buhusan kita ng tubig", dagdag niya at lumabas na.

Sige subukan mo. Pag ako makaganti, pati itlog mo iiyak talaga hahahaha.

Padabog na akong tumayo at agad ng kinuha ang towel ko. Pumasok na ako sa banyo at nakipagtitigan lang sa tubig. Aba't malay ko ba kung bakit nakipagtitigan ako dito.

Pagkatapos kong naligo ay syempre sinuot ko na yung pesteng uniform na kung saan, para kang dancer sa bar sa kaikli ng palda dito. Bwesit.

Pagkatapos kong nagbihis ay agad na akong bumaba para kakain. Wala naman talaga akong gana para kumain kaso baka hahabulin na naman ako ng kutsilyo ni Kuya. Tsk.

Nandito na ako sa kusina at nandito na din si kuya. Nakita ko si Mama na nagluluto ng pagkain kaya hindi ko na lamang siya dinidisturbo.

Tiningnan ako ni Kuya pero napakunot lamang ang noo ko nung bigla niya akong inirapan. Shunga lang? Bakla ang animal?

"BAKLA!", sigaw ko na ikinasama lamang ng tingin niya sa'kin. Pikon amfufu.

Maya-maya palang ay tapos ng nagluto si Mama kaya agad naman niyang nilagay ang mga pagkain sa mesa at nagsimula na din kaming kumain.

"Paki-abot nga yung fried rice", sabi ko in a proper way kaso biglang nag-iba ang desisyon ko. "Wag nalang pala"

"Gago ka pala eh", sabi ni Kuya na ikinatawa ko lang. Nagpatuloy nalang kami sa pag-kain hanggang sa natapos na kami.

Nag racing pa kami ni Kuya sa paglagay ng plato sa lababo. Sabay din kaming pumasok sa banyo at talagang nag-away pa kami kung sino ang mauna sa paglalagay ng toothpaste sa toothbrush. Ganyan kami ka letche dito. Pero mas letche siya syempre.

Pagkatapos naming nagtooth-brush ay agad ko ng kinuha ang bag ko at nagpaalam na din kami kay Mama.

Sumakay na ako sa kotse ni Kuya at nag-umpisa naman siyang nag drive. Akmang ipipikit ko na sana ang mata ko kaso nainis ako sa pag biglang tunog ng 'Careless whisper' sa radio.

"Ang bakla naman niyan! Patayin mo nga!", sabi ko at agad namang pinatay ni Kuya ang radio.

"Arte", rinig kong sabi ni Kuya na ikinairap ko lang.

"Oy bakla, matutulog muna ako ah? Gisingin mo nalang ako pag nasa skwelahan na tayo", sabi ko sabay sa pagpikit ng mga mata ko.

"Ge"

[Minutes later]

*Beeeeeeeeeppp*

Napabalikwas kaagad ako ng bangon ng dahil sa ingay ng pagbubusina ng kotse.

"Ayan gumising ka na rin. Akala ko tigok ka na. Dadalhin sana kita sa ospital", sabi ni Kuya na ikinasuntok ko lamang sa kaniya.

Agad na lumabas sa kotse at nilibot ang paningin sa campus. Maganda naman siya, malinis at malaki din.

Ha! MALAKI daw o.

"The School of Humans", basa ko sa pangalan ng paaralan. Ulol, humans naman talaga ang mag-aaral dito eh.

Pumasok na kami ni kuya and as always, mga chismis kaagad ang nabungad namin. Sanay naman din kami. Yan tayo eh.

"Hoy tingnan niyo si Kyle Duazo! Kyaah!"

"Shet ang gwapo!"

"Balita ko single pa siya yieee!"

"Hoy ako nakauna!"

"Wala na. Agawan na to! Hahahah!"

Aba'y famous pala kuya ko dito? Kaastig-astig naman. Well, gwapo naman talaga ang kuya ko. Sadyang mas gwapo lang talaga ako. Problema ko ba yun? tsss.

This time, ako na naman ang pinagchichismisan nila. And worse, naiinis ako sa mga kinompliment nila.

"Pare chix o!"

"Whitwew!"

"Liligawan ko iyan mamaya."

"Hoy ako una nakakita kaya ako mismo ang manligaw!"

"Ligawan mo mga tigulang doon! Hahahaah!"

Gago. Anong chix? AKO? CHIX? SHUNGA KAYO! Peste.

Kagwapo-gwapo ng tao tas pinagtatawagan akong chix? Di ba nahiya mga kilay niyo? charot.

Pero nainis talaga ako. Tss.

Hindi nalang namin to pinansin ni Kuya at dumiretso na lamang kami sa magiging section namin.

"Punta ka sa parking lot mamaya.", sabi ni Kuya na ikinatango ko lamang.

Pumasok na ako sa magiging section ko at naghanap na ng upuan. May nakita akong bakante sa pinakalikod at agad ng umupo doon. Saktong pag-upo ko ay dumating na din ang aming guro.

"Okay class so, goodmorning to all of you! I'm sir Ronald but just call me Sir and I'm your adviser until the end of the school year.", Sabi ng guro namin. Oh nice. Lalake yung guro namin. Buti naman.

"Okay Sir!"Sabi naming lahat. I mean, nila lang pala. Wala lang, napagod akong magsalita eh.

"Okay good so please take your seats", utos ni Sir na ikinasunod naman din namin.

"Okay now, Once I call your name, you just have to raise your hand ah?"Sabi ni Sir.

"Yes sir!", sabi nilang lahat. Putek nagugutom na ako.

"Alright so let's start with the boys. Where's Aldrin Romo?"Sir.

*Blag*

"Sir, sorry I'm late",sabi ng lalake at pumasok na ng diretso. Astig nya ah? Di man lang nag gudmurneng.

"Who are you? At ba't ka late?", tanong ni Sir.

"Aldrin Romo sir, nakalimutan ko na first day pala ngayon hehe", sabi nung Aldrin na ikinahagalpak naman ng tawa nila. Gagong rason yan.

"Ulol. Geh upo ka na. So next...",sir.

Aba't angas ah? First day of school tas late? Magaling naman.

"Kai Duazo? Where's Kai Duazo?"Sir.

Ay shet, tinawag na pala ako.

Pero teka, ang dali lang naman ata? Kasali ba ako sa mga boys? O sadyang lutang lang talaga ako.

Di bale na, tinaas ko na lamang ang mga kamay ko na ikinatango lang din ni Sir.

"Okay good so everyone is present. Now, our first activity; introduce yourselves to your seat mates and be friends each other, okay? I want this section na pampagood-vibes lamang. May meeting pa kami sa office", Sabi ni Sir. Putek na introduce na yan. Tinawag naman ang mga pangalan namin kanina eh. Tss.

"Okay sir!"sabi ng lahat.

"Woks! You may start now", Sir at lumabas na sa room.

Paano na to? Wala akong seatmate. Nasa pinakalikod kasi ako umupo. Bushet.

Ay meron pala akong seatmate, yung trashcan. Tss. So pano to? Makipag shake hands ba ako sa trashcan sabay introduce ko ang sarili ko? Kalokohan.

Sige isipin mo Kai, makakashake hands ba ang trashcan? Bobo.

All of a sudden, biglang lumapit yung late na lalake sa'kin. Adrian? Adlin? Ardin? Adrenaline? Ewan.

Di naman sa pagmamayabang pero ganoon na ba talaga ka center of attention ang ka gwapo ko? Na maski lalake lumapit na sa'kin? Hanep dre.

"Aldrin Romo nga pala. Kumusta?", sabi nito sabay lahad ng kamay sa harapan ko. Ah ayun, Aldrin pala.

Ano paba ang ginawa ko?

Eh syempre nagpakilala din no. Nakakahiya naman kung i se-seen ko lamang ang kamay niya.

"Kai Duazo. Gudmurneng", simpleng sabi ko at nag shake hands na kami. Pero di ko alam kung bakit nakatitig ako sa mga kamay niya.

"Tomboy ka ba?", tanong nito sa'kin. Aba't magaling! Kaaga-aga iyan kaagad ang unang tanong niya. Di ba obvious?

"Ano sa paningin mo?", tanong ko naman sa kaniya na ikinakunot-noo niya lamang.

"Uhm...babae?", sabi nito.

"Mali.", kaagad na sabi ko tsaka siya tiningnan. "Tao ako.", and with that, bigla na lamang siyang humagalpak sa pagtawa.

Aba't baliw to. Pinagtatawanan ako sa loko. Batukan ko ito eh.

"Astig mo pare. Kaibigan na tayo ah? Ayieee!", sabi niya sabay gusot-gusot pa talaga sa kilid ko. Seryoso, kinder ba to? Tss.

Pero sa sinabi niya kanina, napangiti ako. Di ko inakala na may kaibigan na pala ako sa first day. Akala ko walang makikipagkaibigan sa'kin ng dahil sa astig na itsura ko.

Naks! Ang bakla. Di bale na.

Nag-uusap naman kami ni Aldrin dito ng biglang may lalake na namang lumapit sa amin. At talagang nilahad niya pa kaagad ang kamay niya sa harapan ko.

Wooh! Gwapo talaga namin.

"Hi chix. Jacob Quiros nga pala. Single ka ba? Oks lang yan! I-te-taken naman din kita.", sabi nito na ikinangisi ko lamang. Galing naman sa introduce na 'yan. Walang epek.

"Hoy Jacob! Umayos ka nga!", sabi naman ni Aldrin na ikinagulat lamang ni Jacob. Magkakilala pala ang dalawang 'to.

"O-oy pare! Nandiyan ka pala?", sabi nung Jacob sabay hagalpak ng tawa kahit wala namang nakakatawa. "Long time no see dre! Na-miss talaga kita ng bonggang bongga!", dagdag nung Jacob sabay yakap pa talaga sa kay Aldrin. Putek, mga bakla ba 'to?

"Polokoy ka talaga. Long time no see din. Tsaka umayos ka nga! Balibag kita diyan eh.", sabi naman nung Aldrin. Napasapo na lamang ako sa noo ko habang nakikinig sa kanila. "Ah pare, Kai Duazo nga pala, girlfriend ko", dagdag nung Aldrin.

Lumaki naman ang mata't ilong ko sa sinabi ni Aldrin kaya agad ko naman siyang hinambalusan ng pencil case.

"Joke lang. Okay ulitin ko..ehem...Jacob, Kai Duazo nga pala, ang kaastig-astig na gwapo kong kaibigan.", sabi ni Aldrin na ikinangisi ko lamang. Good.

"Mustamos?", agad na tanong ko sa kay Jacob na ikinalaki lamang sa mata niya.

"T-t-tomboy ka?", nauutal niyang tanong na ikinakunot-noo ko lamang and at the same time, tumango din. "Aba'y magaling! Gusto ko talagang makaibigan ang isang tboom. So pano ba tol? Prends na tayo ah? Bahala ka diyan hahahaha!", sabi nung Jacob. Nakahithit ba 'to ng katol? Ba't parang ang hype niya yata?

Pero di bale na, atleast may dalawang kaibigan na ako.

"Sige ba", simpleng sagot ko lamang na ikinangiti naman nilang tatlo.

Wala akong magawa eh.

Ayun, nag-uusap na kaming tatlo hanggang sa nagiging komportable na ako sa kanila. Masaya naman silang makasama, sadyang mga polokoy lang talaga.

Eh syempre di ako kasali no! Gwapo ko kaya.

"Sabay tayong tatlo mag lunch mamaya ah!"siglang sabi ni Jacob sabay palakpak pa talaga.

"Kagandang-umaga pa ngayon pero lunch na kaagad inaatupag mo?", sabi naman ni Aldrin na ikinatawa ko lamang. Eh ba't ba? Natatawa ako eh. "Pero sige. Saan naman tayo kakain?", tanong neto.

"Try mong kumain sa banyo diba masaya dun. Malamang sa eating place!", pilosopong sagot nung abnormal na Jacob.

"Ginagago mo ba ako? Gawin kitang ballpen eh.", sabi naman ni Aldrin na ikinatawa lamang naming tatlo.

"Geh subukan mo. Gawin din kitang toothbrush!", Jacob sabay belat pa talaga sa kay Jacob. Putek to.

"Sa garden nalang tayo tutal tahimik naman doon.", sabat ko na. Aba't syempre ayokong magmukhang tanga dito.

"Sureness!", sabay na sabi ng dalawa na ikinangisi ko lamang.

Maya maya pa lamang ay pumasok na si sir kaya agad naman niya kaming di-nismiss since recess naman din kaya agad naman kaming pumunta sa canteen.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top