Ang Ganda

Ang ganda,
Ang ganda ng mga ngiti niya.
Sa tuwing kayo'y magkasama
Sa tuwing kayo'y mag - iisa.

Nakikita ko sa mga mata niya,
Ang nakatagong sigla at saya.
Sa tuwing ikaw ang pinag - uusapan.
Na para bang ika'y di na mapapalitan.

Ang ganda,
Ng aking ngiti sana.
Kung sa lahat ako ang kasama.
Ang puso ko sana'y hindi manlalanta.

Subalit ako ay di sakanya
Dahil ikaw ang palaging nakikita.
Bukambibig at ipinagmamalaki ng walang sawa.
Na nagpapahiwatig na ako'y walang panama.

Kaya tinatanggap ko na.
Sayong - sayo na siya.
Mabuhay kayo ng maligaya
Dahil bibitaw na ako sa aking munting pagsinta.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top