Alien 6:

Time check: 4:20A.M

Ang aga-aga pa naman. Gusto ko sanang matulog ulit kaso nawala bigla ang antok ko eh. Kasalanan talaga to ni V. Charot.

Pero seryoso, parang kidlat lang na kung saan, biglang nagfa-flashback sa utak ko ang mga pinagsasabi niya kahapon.

"I don't see you as a friend."

Arghh! Umalis ka nga sa utak ko! Mapapraning yata ako ng dahil dito eh.

Tiningnan ko lamang ang alien na mahimbing lamang ang kaniyang pagtulog. At talagang nakayakap pa ito sa flappy bird niya. Cute-cute talaga!

I couldn't help but to smile after I've observed him. Mukha siyang anghel na hulog ng langit. Oo, maanghel ang kaniyang mukha pero mala demonyo naman kung makaasta. Charot langs.

Dinala lamang ako sa mga paa ko dito sa terrace upang magpahangin ngunit di ko inakala na nandito din pala sina JH, JM, at S. Ano kaya ang ginawa nila sa ganitong oras?

"Anong ginagawa niyo diyan?", kaagad kong tanong sa kanila na ikinagulat naman nila ng sabay.

"'To naman! Ganiyan ka ba bumati ng 'good morning' ha? Ma heart-attack yata ako ng maaga eh.", pagrereklamo ni JH na ikinatawa ko lang.

"Ay weh? Eh alam mo ba kung ano ang heart-attack, ha?", tanong naman ni S sa kabayo.

"Syempre ako pa! Yung heart attack ay isang attack na galing sa heart.", simpleng sagot ni JH at talagang proud na proud pa talaga siya ah. Hahahaha!

"Proud pang hayop. Bobo mo!", asta ni JM tsaka niya hinampas si JH.

"Aba'y kapal mo ah! Eh ikaw alam mo ba ang ibig sabihin ng heart attack, ha?", sarkastikong tanong naman ni JH sa kay pandak ngunit tinawanan niya lamang ito.

"Ha. Ano akala mo sa'kin? Bobo sa science? Easy lang yan! Heart attack is a song that sang by Demi Lovato!", proud na sagot ni JM na ikinahagalpak naman ng tawa naming apat. Nasali pa nga si mareng Demi Lovato bahahaha bwakanang-ina ka JM.

"Putragis kang pandak ka hahahahaha sana hindi ka pa mamatay.", comment ni S na ikinataas lamang ng kilay ni JM.

"Aba'y syempre naman! When I die, many chix will cry. Just look up in the sky, and say 'yamete kudasai'.", nakangiting sabi ni JM at talagang pinikit pa niya ang kaniyang mga mata habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Mga gunggo talaga 'tong mga 'to.

"By the way Marie, inlove ba si V sa'yo?", biglaang tanong ni S na ikinatingin ko naman kaagad sa kaniya. Aba'y walang preno ah! Harap-harapan! Charot.

Pero nananatili lamang akong tahimik sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko eh kasi ayoko din namang mag assume. Ako lang din yung masasaktan sa huli. Charot.

Pinagsasabi mo diyan, self? Kung makapagsalita ka diyan akala mo based on experienced na eh no boyfriend since birth ka kayang hinayupak ka. #WagFeeling.

"Secret.", nagulat naman ako sa pagbiglang sulpot ni V sa likod ko. Aba magaling. Sulpotero ang peg.

"Uy good morning, prinsipe! Gising ka na pala?", masayang bati ni JM sa kay V.

"Ah, hindi. Tulog pa yata ako. Nag s-sleep walking and talking lang siguro ako ngayon kaya ganito. Ehehe. Tulog pa ako uy. Nyeta ka.", pilosopong sagpt ni V na ikinapigil tawa lamang ni JH at S.

"By the way, nagugutom na ba kayo?", tanong ko na. Syempre ayokong manahimik dito habang-buhay no! Che.

"Palaging gutom ang mga aliens.", sabi ni JM.

"Ikaw lang uy! Wag mo kaming idamay. Kaliit-liit mong tao tapos ang laki-laki ng kain mo! Di na talaga ako magugulat na someday, magmumukha ka na talagang gasul in the near future.", pang-aasar ni JH sa kay JM.

"Tumahimik kang kabayo ka! Alam mo namang ayokong tawagin ng---

"Gasul?", pagpuputol ni JH.

"TAO!", sagot ni JM na ikinatawa lang naman namin. Hay nako. Maingay pero masaya din naman.

Naalala ko na nagugutom na pala ang mga dear aliens kaya oras na para magluto---

"Um, excuse me? Ako nalang muna ang magluluto dito ah? I missed cooking na kasi eh.", biglang sulpot ni J na ikinahinto ko din naman sa paglalakad.

"Ah, marunong ka din palang magluto?", namangha kong tanong.

"Ay siguro hindi. Sa tingin mo ma vo-volunteer ako kung wala akong alam sa pagluluto? Ano sa tingin mo? Trip-trip ko lang, ganern?", pilosopa ni J sa'kin. Aba'y langya! Pilosopo ba talaga ang mga alien? Kaloka 'to.

"Eh bat ka galet? Tss.", pagmamaldita ko sa kaniya ngunit di na ako pinansin ng letche. Awts, edi don't! Che.

"Nako! Sinasabi ko talaga sa'yo. Kung matitikman mo na ang luto ni J, matik heaven is real talaga!", komento ni JM atsaka siya pumalakpak.

"Half chef kasi iyang si J sa amin. Siguro mamamatay kami kung wala siya. Siya lang ang may alamag eh.", sabi naman ni JH.

"Aba marunong din kaya ako magluto!", reklamo naman ni V.

"Oo nga pero sunog din naman! Pwe!", JH.

"Ha! Late ka na sa balita ngayon. Marunong na talaga akong magluto. Nag-improve na ang aking mga skills no! Diba, my beloved precious?", biglaang tanong ni V sa akin na ikinalaki naman ng mga mata ko.

He just called me that endearment in front of these aliens.

Acckk! Nakakahiya! Stupid!

"A-ahaha!", I fake a laugh. Wala akong masabi eh, ba't ba. "Ah! Oo nga pala! Sino ang pinakamatagal gumising sa inyo?", pag-iiba ko ng topic. Hayst, muntikan na 'yun. Baliw talaga to si V eh. Walang preno, amp.

"Si JK", sagot ni JM.

"Heh! Si RM kaya!"sagot naman ni JH.

"Hindi! Si JK sabi eh!"sabi ni JM sabay hampas kay JH.

"Si RM sabi eh!"sabi ni JH at hampas din ni JM.

"Pustahan tayo! Si JK ang pinakamatagal gumising.", sabi ni JM tsaka niya siningkitan ng mata si JH. Putragis 'to, maliit na nga ang kaniyang mata tapos pinaliit pa niya lalo.

"Aba sige! Pusta ko pa puso ko sa'yo, ehe.", sabi naman ni JH tsaka niya kiniliti si JM.

"Kadirdir you. Yucks! Diyan ka na nga! Tumunog na tiyan ko.", sabi ni JM tsaka siya naunang pumasok.

"Hoy! Tsinelas ko iyang sinuot mo! Ano ba!", habol naman ni JH sa kaniya.

Guminhawa naman ng malalim si S tsaka sumunod na din. "Ang ingay ng mga letsugas."

Tiningnan ko lamang si S hanggang sa tuluyang nakapasok na talaga siya sa loob ng bahay.

"I-inlove ka nga sa kaniya.", nagulat naman ako nung biglang humikbi na parang bata si V sa tabi ko. Napairap na lamang ako at hinampas ng malakas ang kaniyang likod. "Aray!"

"Manahimik ka.", sabi ko sa kaniya atsaka ako guminhawa ng malalim at yumuko. "I-ikaw kasi ang gusto ko dito.", mahinang sambit ko. Hoping V won't hear me at all.

Yes, I've made up my mind. It was clearly him. It was him, whom I have feelings with. I'm really having a hard time thinkin' about this things all night.

Though I really wanted to shake it away 'cause I thought this was just an infatuation but how can I ever forget it when everytime I felt his presence, my heart just suddenly went crazy. And yeah I kinda hate it.

I hate it because the more it went crazy, the deeper my feelings it will be. And I hate it because I, myself, was loving it. I really do.

"Ha? Ano? Nani? What? Mwo? Unsa?", mabilis na tanong niya tsaka siya nag talon-talon na parang timang.

Guess you've heard it at all.

I only sighed. "Bahala ka diyan. Ang swerte mo naman ata kung uulitin ko pa yun.", pagmamaldita ko sa kaniya at akmang papasok na sana ako sa bahay ngunit bigla niyang kinuha ang mga kamay ko and he suddenly pulled me towards him.

He suddenly reached for my ears as he hugged me so tightly. So tight, to the point where I could feel his presence saying that he'll never let go.

"Nasa akin na ang swerte.", he whispered it to me before he literally faced me. "Narinig ko ang sinabi mo kanina kahit hindi mo pa iyon binigkas.", he smiled and kissed my hand before intertwining those. "Nasa akin na ang swerte at ikaw mismo ang swerteng inaantay ko. Ngayon, nasa akin ka na."

Takte, pati asin lalanggamin ata sa alien na ito eh. Putek kinilig ako ang sarap mambatok with feelings!

"Pwede mo naman akong batukan.", he said, naka-pout pa nga. Parang timang!

"Putek ang sweet! Nakuha mo 'yon?", hampas ni JK sa kay JM na nangchichimis pala ang mga haeup.

"Anak ng baog wag ka ngang malikot! Kitang nagvivideo ang alien eh!", inis naman na sabi ni JM.

"Putragis, nawala tuloy ang gutom ko. Legit nawala talaga. Parang magic lang.", sabi naman ni JH. Pwede pala yon?

"Bastos. Nagluluto pa naman ako ng mga masarap na ulam tapos sasabihin niyo lang na nawala gutom niyo ng ganon-ganon lang?", reklamo naman ni J na ikinatahimik naman ni JH.

"T-teka J, joke-joke lang naman 'yun---

"DUGO, pawis, at luha kong niluto ang masarap na ulam na 'yon tapos hindi niyo kakainin ng dahil nawala bigla ang gutom niyo ng parang magic?!", pagpatuloy ni J.

"Isali mo nalang din ang sipon, ubo, at lagnat.", sambit ni V. Isa pa itong baliw.

"Condense, JH. Feeling ko kasi magiging letchon ka na mamaya.", sabi ni JM sa kay JH with matching iyak pa talaga.

"Condolence 'yan.", pagcocorrection naman ni S.

"Condense amp. Bubu!", RM.

"Aba, don't cover the judge by it's book!", galit na sabi ni JM na ikinabatok naman ni RM sa kaniya.

"Manahimik ka nga diyan! Todo english ka mali-mali naman!", sabi ni RM na ikinairap lamang ni JM sa kaniya.

"Gutom na ako.", sambit naman ni S tsaka ito nauna ng pumasok sa loob ng bahay.

"Buti pa si S, grateful sa pagkain! Kayong mga anak ng baog, mga ungrateful!", sabi ni J atsaka sumunod na din.

"Hoy di baog papa ko, oy!", sabi naman ni JH at pumasok na din hanggang sa sumunod na yung iba.

Nagtawanan lamang kami ni V dito atsaka pumasok na din para kumain. Ansaya naman.

"Oh? Ano na naman 'tong experiment mo?", tanong ni RM sa kay J sabay turo sa mga masasarap na ulam sa mesa.

"Anong experiment? Balibag kita diyan eh. Lasagna 'yan! Tikman niyo. Paniguradong tatalon pantog niyo sa kasarap.", sabi ni J tsaka ito ngumisi.

"Ang laswa mo talaga!", reklamo naman ni JK.

"Ay, sorry baby.", ngiti naman ni J.

Parang timang ang mga 'to. Plip-plip lang ganern?

So ayon, tinikman na nga namin ang lasagna at yes, hindi nagkakamali si J. Masarap talaga.

"Sabi ko sa inyo eh. Mother knows best kasi!", sabi ni J atsaka nagpatuloy na kaming kumain.

"Mother ka ba?", tanong naman ni JM atsaka ito sumubo ng pagkain.

"Secret. Bawal malaman ng mga mukhang igit.", asar na sabi ni J.

Umirap lamang si JM. "Alam mo nga eh.", sabi nito.

Napatigil naman sa pagnguya ang lahat habang tinitigan si JM.

"R-ready na ba kabaong ko?", nanginginig na tanong ni JM sa kay JK. Putek 'tong mga 'to parang mga ugok! Hahahahahaha!

"Oh, yes naman! Ba't mo naman nai-ask?", sagot naman ni JK. Aba'y conyo amporkchop!

"Papasok na ako doon mamaya.", sabi ni JM atsaka ito kumain ng mabilisan.

Napailing-iling na lamang ako sa kanilang mga ugaling baliw. Too naughty yet fun. Ansarap sa pakiramdam.

Pagkatapos naming kumain ay nanghugas kaagad ako ng mga plato at ang mga alien naman ay nandun sa living room nanonood ng t.v kasama si V.

Pagkatapos kong nanghugas ay agad akong sumali sa kanila.

"Guys! Laro tayo!", sabi ni JH.

"Ano lalaruin natin?", cool na tanong ni S.

"Sus, wag laro. Pang kinder lang 'yan eh. Nood nalang tayo horror movies!", sabi ni JM.

"Mas pang-kinder height mo.", mahinang sambit ni JH na ikinadinig ko naman. Gagi 'to hahahahaha!

"Anong horroror?", tanong ni JK.

"JK, ho-rror. Two syllables lang. Wag mo dagdagan.", sabi naman ni V na ikinatango lamang ni JK.

"Yung horror movies ay yung movie na nakakatakot gaya ng mga zombies, multo---

"Multo?! Ayoko 'yan! Hindi na naman ako makakatulog sa gabi!", agad na reklamo ni JK. Luh, matatakutin din pala ang mga aliens no? Ang cute lang.

"Okay lang 'yan, JK! Face your fears!", sabi ni RM atsaka ito nag thumbs-up pa talaga.

"In tagalog, mukha mo matakot!", biro naman ni JM na ikinahagalpak naman ng tawa naming lahat. Gago talaga 'tong unano na'to.

So ayon, in the end, hindi ko sila pinanood ng horror kasi may isang ayaw niya eh. Kaya instead of horror, pinanood ko nalang sila ng cutie aliens. Yung literal na aliens mismo yung green.

"Ano 'yan?", tanong ni JM sabay turo sa alien.

"Aliens. Ganiyan ang pagtingin naming mga tao sa mga aliens.", page-explain ko mismo. Nagulat naman ako nung sabay-sabay mismo silang nagsasabi ng "HA?"

"Ang pangit naman! Buti nalang mga gwapo kami.", taas-noong sabi ni J.

"Eh? Wala naman akong sinabing kayo 'yan eh.", natatawang sabi ko na ikinasingkit lamang sa kanilang mga mata.

"Basta mas gwapo pa ako diyan.", sabi ni JM.

"Pangit mo kaya. Mas gwapo ako.", sabi naman ni JH.

"Pangit kayong dalawa. Pinakagwapo ako dito.", pikit-matang sabi naman ni J.

"Sus, ang totoong gwapo, may swaeg.", nakangising sabi ni S tsaka niya pinikit ang kaniyang mga mata.

Napaginhawa na lamang ako ng malalim atsaka nakinood nalang din sa kanilang movie.

Maya-maya pa lamang ay may narinig na akong nag "yawn" so meaning, inaantok na ang mga bibwit.

"Hep, hep! Punta na kayo sa rooms niyo mismo kung inaantok na kayo. Sweet dreams!", sabi ko sa kanila na kaagad din naman nilang sinunod.

Nang nakapasok na sila sa room ay kaagad din naman silang humiga at humilik. Grabe, pagod na pagod talaga?

Napatawa na lamang ako sa kanilang kawaii faces tsaka sinara na ang pinto para matutulog na din.

Nakita ko din si V na nakatulog na. Nakanganga pa nga eh. Siguro feel na feel niya yung aircon dito.

Humiga na lamang ako dito sa kama ko at di nagtagal ay nakatulog na din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top