Alien 56:
Marie's P.O.V
So yun na nga, as what he said, pinatuloy namin yung shooting. Pinayagan naman siya ni Catherine na mag back-up dancer este model.
"Okay! Looking good! Look down everybody para stolen kunuhay haha", sabi ni Catherine.
Taga pose sa mga models, agad ko naman silang kunin ng pic. But yang lalaking yan? Compare sa ibang lalaki? Sushmitasen! Siya siguro yung pinaka hot sa lahat ng lalaking models. Haha.
"Hm. Everybody! DO THE SEXY POSE", sabi ni Catherine.
Whaaa. No! Not today! I will melt myself talaga! Waaah. Jusmiyo naman!
Grabe naman to si Caterine magsuggest ng pose. Yung pose pa talaga na ayaw kong makita dahil matutunaw ako.
"And 3,2,1! Alright! The shooting is already done! Thanks for your cooperation guys! Perfect timing talaga.", sabi ni Catherine. "Pwede na kayong magbihis", dagdag niya.
Umupo ako sa sofa para tingnan ulit yung mga pictures na kinuha ko. May picture na blurred kaya agad ko iyong dinelete at pinagpatuloy ang pagtingin sa pictures.
"Marie. Thanks by the way. I really owe you alot. Paano nalang ako kapag wala ka no?", drama na naman ni Catherine.
Natawa ako sa sinabi niya. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin siya sa'kin. Haha oh em gee. Nakakatawa kasi ang mukha niya pag magdrama siya eh. Basta, mukha siyang ewan.
"Ano ka ba. Kanina ka pa nag da-drama diyan! Joke lang. Pero seryoso, salamat din dahil ako ang pinili mo bilang photographer mo. Hindi ko nga ma expect eh na sa karami-raming photographer sa buong mundo, ako talaga yung pinili mo", sabi ko sa kanya.
Nakangiti lang siya pagkatapos kong sinabi ang lahat ng sinabi ko tapos niyakap niya ako and I do the same.
"Marie. I have something to ask you and please, say yes", sabi niya.
Luh. Hindi pa nga siya nakatanong eh, yes kaagad? Hahaha.
"Oh sige po. Pero depende lang yun sa tanong mo baka mahihirapan ako sa yan at mapapa'no' ako", sabi ko.
Ngumiti lang siya sa'kin and I also smiled her back.
"Marie. Pwede bang ikaw nalang ang photographer ko forever? Alam kong walang forever pero naniniwala na ako nagmula ng nakilala kita. Charot. Hahaha. Seryoso Marie, can you be my personal photographer?", tanong niya sa'kin.
My heart skipped a bit sa tanong niya. Ewan ko lang kung 'Yes' ba ang isasagot ko or 'No'. Syempre sa lagay na yan, dapat mo namang pagisipan muna diba? Hindi yung diretso yes kaagad.
Ang akin lang is kung sasagot ako ng 'Yes', magiging masaya siya at baka wala na akong oras sa mga priorities ko. Like sina Mia, sa family ko, and etc. I mean, being a photographer is also my priority but my loved ones are the best.
Pero kailangan ko din namang mag hardwork para matulungan ko ang pamilya ko at sa self ko din.
"Of course yes! Sino ba naman ang hindi papayag na maging photographer mo diba? Haha", sabi ko sa kanya na ikinangiti pa niya ng malapad. Para tuloyng abot langit na yung ngiti niya. Haha.
"Waaah! Oh em gee! Oh em gee! Thank you talaga Marie! I love you na!", sabi niya at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit.
"Haha welcome!", sabi ko din sa kanya.
Nagulat nalang ako nung bigla niya akong hinila at pinapunta sa dressing room.
Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya. An weird niya kasi eh. Kasi binigyan niya lang ako ng damit na ganun ganun lang. At saka yung damit na yun ay croptop at maikling shorts.
Eto ba ang costume ng photographer niya? Waah. Nakakakilabot naman.
"Suotin mo yan Marie. Mag pho-photoshoot ako sa'yo. Ngayon lang naman haha", sabi niya.
What!? Now na?! As in now na talaga?!
Napatingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "Ah, eh ngayon kaagad? Pwede bang bukas nalang?", sabi ko sa kanya.
Nag pout siya at tumingin sa'kin. "NGayon lang please? Wala kasi ako bukas eh. May lakad ako papuntang ibang lugar.", sabi niya.
Guminhawa nalang ako ng ilalim at tumango. And ayun, nag thank you na naman siya at pinasok niya ako sa isang cubicle para makapagbihis na ako sa kikay clothes na'to.
At nung pagkalabas ko, laglag panga kaagad siya.
"Oh em gee! I didn't know na you have a sexy body pala! You know what? Nakakainggit ka din eh! Hindi ka lang photographer kundi bagay din sa'yo ang pagiging model! Waaah. Ang ganda mo sa suot na yan! Suotin mo nalang yan palagi please? haha", sabi niya.
Luh! Grabe siya. Model kaagad? Haha. Tsaka, hindi naman ako ganun ka sexy eh. May bil-bil nga ako o. Hahaha.
"Ay teka lang darling, ilugay mo nalang din yang buhok mo tutal maganda pa naman yang buhok mo eh at mataas ah.", sabi niya sabay tanggal sa tali sa buhok ko.
Ano ba naman to. Mukha naman akong G.R.O or dancer sa bar sa damit na'to. Haha ang sexy kasi eh!
"Alright. Wear this boots nalang din para perfect!", sabi niya sabay bigay sa'kin ng black boots.
Isa siya na boots na pang rock-star. I like the boots. Boots lang naman. Hahaha.
"Alright! So since tapos ka na, tatawagin ko lang ang partner mo", sabi niya sabay sigaw ng 'MR, HOT'.
At nagulat ako nung lumapit yung lalaking kamukha si V at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo.
Napatitig siya sa'kin at napatitig din ako sa kanya pero agad naman akong umiwas at yumuko. Sheteng bakla. MR HOT talaga eh!
Tae naman! Siya ang partner ko! Aaaah. Ayoko no! Masyadong HOT lang siya para ipartner sa'kin. Baka in not just 3 seconds, natunaw na ako.
Pero by the way, I know him na. Siya pala yung lalaking what so called MR HOT GUY dito.
"So, siya ang partner mo sa photoshoot today. So since ready na kayong dalawa ngayon, may the two of you proceed to the---
"Teka lang. I think kulang pa to ng ka HOTNESS", sabi ng lalaki at tumingin sa'kin na nakangisi. Eeehh?? Bakit sa akin siya nakatingin?! >_<
Nakakunot lang ang noo ko na nakatingin sa kanya. ANo na naman ang problema neto at talagang sa'kin pa ang tingin niya?
"Kulang? Haha okay naman ah.", sabi naman ni Catherine. Oo nga, okay lang naman eh.
Napatitig ako sa lalaki nung bigla nalang niyang hinubad ang t-shirt niya at tinapon lang yun out of nowhere.
PAck sheet naman oh! Sure ba talaga kayo na SIYA ang partner ko!? He's too sexy at hot to be my partner! Waah Lord! Help me! I think hindi ko kayang magphotoshoot kasama ang nilalang na to kasi I'M ALREADY MELTING.
"Ayan. Okay na.", sabi niya at tumingin na naman sa'kin.
Taga TINGIN niya sa'kin ay agad akong umiwas ng tingin. Aba! Ayoko siyang tingnan no, baka paghalataan pa ako na minomolestiya ko siya. HAHAHA. Di joke lang.
Nag photo shoot na kami at si Catherine and nag take ng pic sa'min. Nakakahanga nga din siya eh dahil hindi lang siya fashionista kundi photographer pa!
"Gusto ko yung sexy couples pose. Perfect kasi sa inyong dalawa eh tutal ang theme niyo ngayon ay HOT COUPLES", sabi ni Catherine at talagang ngisihan pa ako.
"Sexy huh?", rinig kong bulong ni VM at tumingin sa'kin.
"Okay. So Marie, harap ka sa partner mo at hawakan mo ang mukha niya. At ikaw naman Mr hot guy, hawakan mo yung waist line ni Marie", sabi ni Catherine.
Waaah! Wag yun Catherine! Ammp!
Wala nalang akong ginawa kundi sinunod ang sinabi niya. At ito namang partner ko ay talagang lumapit pa ng lapit sa'kin at hinawakan ang waist line ko. Nung naramdaman ko ang paghawak niya sa waist line ko, para akong na glue sa kinatatayuan ko at may mga electric na namang dumaloy sa buong katawan ko. Naalala ko na naman ang alien kong mahal. By the way speaking of alien, di kaya'y alien tong kapartner ko at nagpapanggap lang bilang tao?
Lol. Baliw na yata ako.
"Okay, last pose. Ilapit niyo ang mukha niyo sa isa't isa. Yung tipong muntik na kayong magkakahalikan pero hindi kayo magkakahalikan ah!", sabi ni Catherine.
Oh sh1t. Pwede na ba akong mag quit? I have this feeling kasi na kating kati na ang mga paa ko para tumakbo at papasok sa refrigerator para papalamigin din ang sarili ko. Uminit na kasi ang katawan ko eh pati na yung mukha ko.
To make this crazy shooting fast, agad kong sinunod ang sinabi ni Catherine at nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
Ngayon ko lang nalaman na marami na pala ang nakatingin sa'min. Pero back to the pose, sinunod din naman yun sa kapartner ko at inilapit din niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. Yung tipong isang galaw mo lang, magkakahalikan na kayo.
"Aish! Wag yan! Lapit pa!", sabi ni Catherine.
Waah! Catherine naman eh! Hindi na ako makahinga promise! Someone help me! I need air!
Lumapit pa ang mukha ng lalaki sa mukha ko pero lumayo ako ng konti dahil OH MY GOSH! I have this feeling na gusto niya akong halikan guysue! Ayoko na! Sana hindi nalang ako pumayag sa punyetang photoshoot na ito.
Tiningnan ko ang kapartner ko na naka tingin lang sa aking mga mata and then tingin sa labi ko. Tumingin na naman siya sa mata ko at sa labi ko ulit. Gosh! Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! Punyemas.
Sa palagitnaan ng photo shoot, may binulong ang lalaki sa'kin na nakapatayo ng balahibo ko.
"I really miss you mahal. I've really miss you so bad.", sabi niya.
Para akong nawalan ng hangin nung bigla na niya talaga akong hinalikan sa labi. Damn. It is really you, you stupid alien.
"I've really miss you so badly din mahal", sabi ko nalang din.
Nakita ko na his lips form a curved smile and then he immediately changed it with a smirk.
Nakita ko ang buhok niya na naging kulay green ng konti. At alam ko mismo kung ano ang ibig sabihin neto.
Nakita na talaga kita sa wakas. I have this feeling na gusto ko siyang halikan passionately it's because I missed him so bad. Pero syempre, I can't do that lalong-lalo na kapag kasama namin si Catherine.
Nakita na talaga kita sa wakas, mahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top