Alien 51:

Alien 51:



Marie's P.O.V



Time check today is 8:00 A.M in the morning. Nandito kaming dalawa ni Mia sa kusina, kumakain ng breakfast. Sinabihan niya ako na wala raw siyang ganang kumain pero pinilit ko siya kaya ayun, kumain nalang siya.



Namamaga na yung mga mata niya sa kakaiyak, eh kasi nung hating gabi, umiiyak nalang siya bigla kaya pumasok ako sa kwarto at ki-nomfort siya.



Binigyan ko siya ng isang basong tubig pero umiiling-iling lang siya. Binigyan ko siya ng something na favorite niya pero itinataboy niya lang ito.



"Sa park tayo?", tanong ko.



"No. Dito lang tayo. Ayokong lumabas. Nakakatamad", pasimpleng sagot lang niya.



Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.



Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagligpit sa aming pinagkainan at ako nalang din ang naghugas sa mga pinggan. At si Mia naman, dumiretso sa kwarto para kunin yung mga gamit niya dahil uuwi na raw siya sa kanilang bahay.



Sinabihan ko siya na dito ka nalang muna pero umiiling-iling lang siya at ngitian ako.



At ngayon, pinuntahan ko siya sa kwarto para alamin kung umiiyak na naman ba siya o wala pero guess what? Nagimpake siya habang sinasabayan ang pagkanta ng favorite song niya.



Good. Atleast hindi na siya umiiyak ngayon. Ayoko kasing makita na umiyak siya. Kasi kung iiyak siya, parang ako yung nasasaktan. Basta. Ewan.



"Nice song", agad na sabi ko at nagulat naman siya.



"What are you doing here?", tanong niya.



"Just checking you out", ako at ngitian siya. Ngumiti din siya pabalik at tumawa.



Pero I know na nasaktan siya kaya idinaan nalang niya sa tawa.



"Don't worry, I'm absolutely fine", sabi niya.



"Really? How can you be so sure about that?", tanong ko.



She just shrugged at ngitian ako ulit pero in some seconds, nagiging malungkot ito so I immediately change the topic.



"By the way, sure ka ba na kaya mo lang umuwi mag isa? Pwede naman kitang ihahatid ah", sabi ko.



"Haha no, no. It's fine. Hindi naman ako bata para ihahatid no", sabi niya at tumawa.



"It doesn't mean na bata ka na kapag ihahatid kita, Ang akin lang is baka mapaano kapa or something ganyan kaya kita ihahatid", sabi ko.



Ngitian niya ako at biglang niyakap.



"You know what? I really love you as a bestfriend. Hindi ka kagaya ng iba na ngiti-ngiti lang kapag kaharap mo but kung tatalikod, insulto kaagad. I'm very thankful na ikaw ang nagiging bestfriend ko. I love you bestfriend!", sabi niya at binigyan ako ng mahigpit na yakap.



Ito na naman tayo o, namiss ko na naman yung alieng mahal ko na mahilig sa mga hugs.



"I love you too", sabi ko at sinuklian ko din ng mahigpit na yakap.



Umalis na siya sa pagkakayakap at hinarap ako.



"Okay. Pwede mo akong ihatid but pwede bang mag-stay ka muna doon sa bahay namin? I need an approachable bestfriend kasi eh", sabi niya at nagpout.



"Yeah sure. No problem. Wala naman akong gagawin dito eh", sabi ko.



"So? Tara na?", sabi niya.



"Let's go", sabi ko at lumabas na kami sa kwarto.



I locked all the doors at lumabas na kami bahay. Sumakay kami ng taxi papunta sa bahay ni Mia. Buti nalang at kilala namin yung driver at free ride nalang raw kami. Good, atleast hindi na ako mag-gagastos pa.



Huminto na kami sa gate ng bahay ni Mia at nagpasalamat sa driver. Actually, ang driver na yun ay isang janitor sa school namin ni Mia noon. 



Pumasok na kami sa bahay ni Mia at agad naming nasalubong ang mommy niya.



"Thank Gosh! You're here already! Bat ang tagal mo? I've been texting and calling you but you didn't reply man sa isa ng mga text ko. Are you okay? At bakit namamaga yang mga mata mo?", tanong ng mommy ni Mia.



"Tita, ako nalang po ang sasabi sa inyo lahat", sabi ko. "Pagod kasi si Mia ngayon eh", dagdag ko.



"Ay ganun? Sige. Pahinga ka muna sa kwarto mo anak", sabi ng mommy niya at hinalikan siya sa noo.



Ngumiti lang si Mia sa kanya at umakyat na while ako naman dito, sinabihan sa kanya ang lahat ng nangyari starting nung nasa tompak ganern planet kami.



And some minutes later, tapos na. And she has so many questions. Para na tuloy akong inenterview dito.



"Seriously?! Napunta kayo sa ibang planeta?!", hindi makapaniwalang tanong ng mommy ni Mia.



"Yes po. Sumakay kami ng isang UFO", sabi ko.



Hanggang ngayon, laki pa din ang mata ni Tita Anne (pangalan ng mommy ni Mia).



"Hindi ako makapaniwala. Nakapunta pala kayo ng ibang planeta?! Grabe naman. Inggit ako! So? Ano? Maganda ba doon?", tanong niya ulit.



"Opo. Tsaka napaka colorful ang mga lugar doon. Pati na yung mga kahoy at halaman nila, colorful din", sabi ko.



"Colorful din ba ang mga tao doon?", tanong niya na nagpatawa sa'kin.



"Haha hindi po. Tsaka correction po, ALIEN sila at hindi tao", sabi ko.



"Ay so ano ang kulay sa mga alien doon?", tanong niya.



"Same color lang sa skin natin pero yung dugo nila is ibang kulay hindi gaya sa'tin na kulay pula", sabi ko.



"Ah. Pero teka lang, kaya pala namamaga yang mga mata ni Mia dahil ni Michael?", tanong niya ulit.



Tumango ako as an answer.



"Lesheng lalaking yun, once makita ko yang mukha niya, ipapa-tokhang ko talaga siya", sabi niya sabay tawa kaya tumawa nalang din ako.



And after that Q&A thingy, pumunta ako sa kwarto ni Mia at nakita ko siya na nagcut ng mga pictures.



"Mind If I join you?", tanong ko.



Agad naman siyang lumingon sa'kin at ngumisi.



"Haha oo naman. Pasok ka lang", sabi niya.



Pumasok naman ako at tumabi ako sa kanya. Pinanuod ko lang siyang ginupit niya ang mga pictures kasama si J at idinikit ito sa isang album.



"Wow. Ang sweet niyo naman diyan", sabi ko.



"Yeah. Miss ko na siya", sabi niya.



"Same. Miss ko na din siya", sabi ko.



Tumingin siya sa'kin at kiniliti ang tagiliran ko.



"Ayiee. Ikaw ah. Pero by the way, hindi ka na ba babalik doon?", tanong niya sa'kin.



Natahimik kami sandali pero ilang segundo ay sinagot ko na ang tanong niya.



"Ewan ko lang. Siguro hindi na", sagot ko na ikinalulungkot niya.



"Oo nga naman. Wala ka din kasing sasakyan papunta dun eh. Kung pwede pa lang lumipad yung mga kotse dito sa Pilipinas, siguro matagal na akong nandun", sabi niya at tumawa.



"Haha ang weird mo", sabi ko.



Natahimik na naman kami sandali pero nabasag ang katahimikan nung biglang nag ring yung phone ko.



"Teka lang muna, sasagutin ko lang", sabi ko at sinagot ang tawag.



"Hello?", sabi ko.



Hindi sumagot yung kabilang linya so nagsalita ulit ako.



"Hello? Sino to?", tanong ko ulit.



And again, hindi pa din sumagot ang kabilang linya.



"Hello? Annyeong? Nihao? Konnichiwa?", sabi ko ulit.



And as usual, hindi pa din sumagot ang kabilang linya kundi bigla nalang itong na end call.



Ang weird naman nun. Sino kaya yun? Baka na wrong number lang or multo yun? Waaaah.



"Sino pala yun?", tanong ni Mia.



I shrugged. "Ewan ko lang, hindi nga siya umimik eh", sabi ko.



"Baka wrong dial lang", sabi niya.



Yeah. Baka nga.



When the clock strikes 8:20P.M, nagpaalam na ako kay Mia at sa kanyang mommy. Uuwi na kasi ako eh baka mamaya, may holdaper na yung bahay ko. Haha.



Lumabas na ako sa bahay nila at naghintay lang ng taxi. And ilang minuto ang nakalipas ay may taxing paparating so pumara ako at huminto naman yun.



Sumakay na ako at sinabihan siya ng address, binigyan ko siya ng bayad pero hindi niya ito tinanggap. Sabi niya i-keep ko nalang raw. Wala akong choice but to follow kung ano ang sinabi niya. 



Ilang oras ang nakalipas, nandito na ako sa bahay, nagpaalam na ako kay manong driver. Pero bago umalis si manong driver, pinaantay ko muna siya. 



Dali-dali akong pumasok sa loob at kinuha yung bag na punong-puno ng mga prutas at binigay sa kanya.



"Ano to ija?", tanong niya.



"Mga prutas po. Binigyan kita ng pamasahe kanina kaso hindi niyo po tinanggap so binigyan nalang kita ng bag full of fruits instead of money and I hope tanggapin niyo po yan", sabi ko sa kanya.



Ngumiti ang driver sa'kin at tumango.



"Sige ija, tatanggapin ko ito. Napakabait mo talagang bata ka. Salamat ulit at may God bless you and your family", sabi ni manong driver.



Ngitian ko lang siya at kinawayan.



"Same to you po", sabi ko at pumasok na ako sa bahay.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top