Alien 50:

Marie's P.O.V



After that crazy shopping ay umuwi na kami at agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis ng pambahay.



Gumabi na kasi eh dahil ang rami pa naming ginawa doon sa mall. Shopping, playing, salon, etc.



At pagkalabas ko sa kwarto, nabungad ko si Mia sa living room na nanonood ng T.V. Napansin ko na may tissue sa tabi niya at isang basong tubig sa side table.



"Bat nandiyan ang tissue?", tanong ko sa kanya.



Hindi siya umimik. Nakafocus lang siya sa panonood ng T.V.



Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya.



Napansin ko na may luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Tiningnan ko ang movie na pinanood niya pero ang movie na yun ay isang comedy.



Pero bakit siya umiiyak? Di kaya'y umiiyak siya dahil sa katawa ng tawa?



"Uy. Okay ka lang?", tanong ko ulit.



And again, hindi pa din siya umimik.



Natanggalan ba ng dila tong kaibigan ko at talagang ayaw pa niyang sagutin ang mga tanong ko.



Nagulat nalang ako nung tiningnan niya ako STRAIGHT IN THE EYE na walang kurap-kurap.



"A-anong nangyari sa'yo? B-bat ka ganyan makatingin sa'kin?", tanong ko sa kanya.



"Our relationship is over", biglang sabi niya.



Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.



"Relationship over? Kanino? Ni J?", tanong ko.



Sinamaan niya ako ng tingin pero madali lang naman niya itong binalik sa normal na tingin.



Gosh. Na we-weirduhan na talaga ako sa bestfriend ko.



"Uy. Okay ka lang talaga? You look so weird at scary", sabi ko sa kanya.



Guminhawa siya ng malalim at nagulat nalang ako nung bigla niya akong niyakap ng biglaan at umiyak ng iyak sa likod ko.



I knew it. May mabigat na problema talaga tong si Mia. Kilala ko siya kaya alam ko na mismo na may problema siya.



"Teka lang, wag mo ngang gawing pampahid sipon yang t-shirt ko", sabi ko sa kanya.



Umiyak pa din siya ng umiyak habang nakayuko.



Niyakap ko siya at pinatahan pero ayaw pa rin tumigil.



"Tell me, what is your problem?", tanong ko sa kanya.



Wala pa din. Hanggang ngayon, hindi pa din siya umimik. Iyak siya ng iyak, hikbi siya ng hikbi.



"PINAASA NIYA AKO! INIWAN NIYA AKO! MAY IBA NA SIYA! PUTANG INA!", sabi niya.



Eh? May iba? Iniwan siya? Pinaasa siya?



"Sino ba yang hinayupak na yan?", tanong ko.



Tumigil siya sa pagkayakap sa'kin at kinuha ang phone niya. May pinakita siya sa'kin na picture sa isang babae at lalaki na naghalikan at nagyakapan.



Nakakunot ang noo ko habang tinitigan yung screen.



Familiar kasi tong lalaking to eh. Parang nakita ko na siya before.



Sa katagal kong tumitig sa screen, I realize na si Michael pala yun. Ang dating boyfriend ng bestfriend ko.



"SIYA?!", inis na tanong ko.



Humihikbi siya habang tumango at umiyak na naman.



Gosh. Stop crying please! 



And now, punong-puno na ang sarili ko ng galit. Nangingigil ako sa lalaking yun. Yung tipong ang sarap niyang kaladkarin sa africa at ipapakain sa mga lion doon. Ay ewan! Basta nangingigil ako sa kanya.



Hanggang ngayon, iyak pa din ng iyak si Mia. Pinatahan ko siya ulit pero ayaw niya. Kaya ayun, pinapunta ko siya sa kwarto at pinatulog nalang.



Bakit ganun? Bakit nakahanap kaagad siya ng iba? Akala ko LOYAL yung hayup na yun. Yun pala. HINDI.



Arghh! Nangigil ako ngayon. Ang sarap niyang patayin promise! 



At dahil nangigil ako, kumain nalang ako sa kusina at iniisip ang mga masayang alala nina J at Mia.



Buti pa si J, nandiyan palagi kung may kailangan si Mia. Yung lalaking yun? PURO PLASTIC LANG!



Buti pa si J, mahal niya si Mia kahit hindi siya mahal ni Mia. Pero yung lalaking yun? Nawala nga lang kami sandali tapos sa isang kirap sa mata, nakahanap kaagad siya ng iba? Wow. Magic!



How dare that stupid boy. Sana makarmahan yun. Sana hindi na yun babalik pa dito, Sana maging impako siya, Sana maging palaka siya, Sana ma H.I.V aids siya,  At sana, lahat ng SANA ko ay matutupad. 



Ay ewan. Basta nangingigil na talaga ako.



Pero ibig sabihin neto, may pagasa pa si J na maging kanya na si Mia diba? Diba?



Sana si J nalang yung pinili ni Mia. 

Sana si J nalang talaga. At hindi ang hinayupak na lalaking yun. Leshe.



Pagkatapos kong kumain dito ay tiningnan ko si Mia na nakahiga na sa kama at natulog na. Kayakap niya ang picture ni J habang natutulog siya.



Ang sweet naman. Kaya lumabas nalang ako at dumiretso sa kwarto ko at natulog nalang din.





V's P.O.V



Pagbukas ko palang sa cabinet ko ay agad kong nakita ang letter ni Mia at ang regalo niya.



And I super duper love it. Hindi ko inakala na may letter din pala siya sa'kin. Tsaka wow. Ang bango ng letter ah. Bangong perfume niya.



"Uy V, punta raw tayo ng fruit land ngayon. Bibili ng prutas para sa shake mamaya", sabi ni J.



"Shake?", tanong ko.



"Oo. Shake. Fruit Shake. Ang sarap kaya nun. Tara na!", excited na sabi ni J.



"Sige. Susunod lang ako", sabi ko.



For sure gabi na dun sa planetang earth at natutulog na sila doon. Dito kaso sa planeta namin, malilito ka talaga dahil halo-halo lang ang araw at gabi dito. Haha weird diba?



Lumabas na si J at ako naman dito ay nagbibihis. Sinuot ko yung mga damit na binili sa'kin ni Marie.



Speaking of Marie, I missed her na. I want to see her face so bad. Pati na yung mga ngiti niya na nakakakompleto ng araw ko. Charot. Haha.



But seriously, I really want to see her so bad kaso lang, ang layo na namin sa isa't isa. Kung pwede lang sana siyang tawagin kaso magkaiba kami ng gadgets at teknolohiya dito.



Gosh. Kailan pa kaya ako makakabalik sa planetang yun? Gusto ko na siyang halikan at yakapin ng pinaka mahigpit.



But anyway, pagkatapos kong nag bihis ay lumabas na ako. Agad kong nakita si J na nakasuot din sa kanyang damit na iniregalo noon ni Mia.



"Nice shirt huh?", sabi ko.



"Thanks. My special someone gave it to me before", sabi niya at talagang kinindatan pa ako. Ew! Mukha siyang bakla nun.



"Aish. Tara na nga alienerz! Excited na ako sa fruit shake eh", mainiping sabi ni JH.



"Ay. Kasali ka pala? Hindi ko alam. Haha", sabi ni JM sabay hagalpak na tawa.



"Grabe kayo. I-untog ko kayo sa bubong eh", sabi ni JH sabay irap kay JM.



Napatawa nalang ako at napailing-iling. 



Sana nandito si Marie para madagdagan ang kasiyahan ng araw ko. Kaso ang layo na namin so, tiis-tiis nalang muna.



I swear babalik ako sa planetang yun. Sooner or Later, babalik ako dun at doon pakakasalan si Marie. Wether they liked it or not, FINAL DECISION ko na yan.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top