Alien 5:
Marie's P.O.V
Hindi pa muna kami kumain kasi tinuruan pa ni V ang mga alienism kung paano gamitin ang mga kutsara't tinidor at ang mga bagay na maaring gawin at hindi gawin dito sa earth.
"Okay alienism, so yang circular shape na nasa harapan niyo.", sabay turo ng plato. "...ay yun ang mga nilalagyan ng mga pagkain gaya nito.", atsaka tinuro niya ang mga ulam. "...na gets nyo ba?", tanong niya ulit.
Tumango-tango naman ang mga kaibigan niya na parang aso. Ahaha! Ang cute nilang tingnan!
"At kung gusto man kayo magpasalamat o manghingi ng tawad, sabihin niyo lang ang 'Thank you' at ang 'I'm sorry' at iwasan niyo ang paghalik dito kasi bastos iyan sa planetang earth.", dagdag pa niya.
"Bakit bastos?", tanong naman ni S.
"Kasi ang paghalik nila dito ay para sa mga magkasintahan lamang. Magkaiba ang batas ng planet earth at tompak ganern. At since nasa earth tayo, sumunod nalang tayo para walang gulo. Okay?", pag-explain ni V na ikinatango naman nilang lahat.
Grabe! Super duper namangha na talaga ako sa alien na ito. Akalain mo ang lahat ng role ay bagay sa kaniya! Napaka-talented talaga!
"Sige, boss. Nasa utak na namin ang lahat ng mga pinagsasabi mo pero pwede taympers muna? Kanina pa kasi ako natutuyuan ng laway sa kakatitig ng bulati na kulay puti eh. Mukhang masarap yata 'to.", sabi ni JM na ikinatitig din naman ni V sa kaniya. Kawawang alien!
"Carbonara 'yan. Hindi bulati na kulay puti.", pagco-correction ni V sa kaniya.
"Ang hirap namang i-pronounce!", reklamo ni JH kaya sinamaan lamang siya ng tingin ni V.
"Edi wag mong i-pronounce para hindi ka mahirapan. Shonga ka? Tss.", pasimpleng sabi ni V atsaka niya inirapan si JH. Omg girl bagay na bagay niya talaga ang bakla na role. Charot. "Now, let's eat.", dagdag nito at kumain na kami.
Syempre tahimik lamang kaming kumain dito sa mesa. Yung tipong ang tunog lamang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo. Idagdag mo nalang din ang pag-ngunguya ni JH na kung saan, nagmumukha na siyang kambing dito. Kabayo talaga yata 'to eh. Charot.
"By the way V, bakit ka pala napadpad dito?", biglaang tanong ni JK sa halimparot.
"Bulok kasi ang U.F.O na'yon. Sira na yata ang makina kaya ayun, hindi kinaya.", simpleng sagot naman nito.
"Sira? Ano pala ang ginamit mong U.F.O?", tanong naman ni JK.
"Yung U.F.O na may makina.", V.
"Tanga. Malamang may makina! Shonga ka? Ano nga?", JK.
"De joke lang. Pasensya. Yung U.F.O 250-910-XYZ.", sagot ni V.
Anong klaseng U.F.O 'yan?
"Nyoom! Nyoom! Nyoom! Ang sarap naman ng mga pagkain dito sa earth! Nyoom! Nyoom!", pag-iingay ni J at nagulat ako dahil sumunod din naman ang iba. Parang mga lamok lang eh no?
"Patawarin mo ako sa kanilang pinakitang ugali, my beloved precious. Sadyang nasarapan lang sila ng sobra sa pagkain dito kaya'y silay nagkaganyan.", biglaang bulong sa akin ni V na ikinatayo lamang ng balhibo ko. Ampotek naman ng halimparot na'to! May pa bulong-bulong effect pa eh hindi naman ako bingi! Amp.
Pero teka, ano yon? Ano daw? Beloved precious? M-my beloved precious?!
Tukmol! Kailan niya pa ako naging sa kaniya? Char. Ang O.A mo, Marie. Untog kita sa bubong eh.
Pero takte naman o! Seryoso ba talaga siya sa beloved-beloved na iyan? Kasi ako parang...ewan. Titibok kasi ng mabilis ang puso ko sa tuwing sasabihin niya ang endearment na iyon.
Pero ba't parang kinalibutan na excited na natakot na kinilig na thankful na nasasarapan na galit yata ang nararadaman ko? Itong alien din naman kasi nakakalito eh! Kakameet palang kaya namin and ilang days pa lang ang nakalipas and now he's already calling me 'my beloved precious'?
Gago umayos ka nga diyan, self.
"Beloved precious, saan ba sila matutulog ngayong gabi?", biglaang tanong ni V sakin. Sheesh! Nakakahiya namang pakinggan ang endearment na 'yan! I mean, oo nahihiya ako na kinilig na ewan--amp! V naman eh parang tanga talaga! Senteken ke eyeng pegmemekhe me eh bweset ke enemel.
Wahahahaha! Okay, tama na ang harutan. Bwesit ka din, self.
"Sa guest room nalang since madami-dami din naman ang kama doon.", sabi ko atsaka sumubo ng carbonara.
"Parang gusto ko yatang makita ang guest room na iyan.", excited na sabi ni JM.
"Yeah me too!"JH.
"Me three!", RM.
"Me four!", JK
"Me five!", J.
Tumingin naman silang lahat sa kay S na busy'ng-busy sa kakanguya ng pagkain. Maya-maya pa lamang ay napansin na niya ang mga tingin ng mga alienism kaya napairap na lamang ito at guminhawa lamang ng malalim.
"Me six.", walang ganang sabi ni S atsaka tinuloy lamang ang pag kain. Walang pake talaga ang alien na'to. Pero mukhang nasasarapan din naman siya sa ulam kaya hindi ko naman mapigilang ngumiti.
"Hep, hep! Bago niyo tingnan ang guest room, tapusin niyo muna iyang mga pagkain niyo. Masama dito sa planetang earth kung hindi niyo mau-ubos ang mga pagkain niyo mismo.", pagbabanta ni V sa kanila.
"Masusunod po, mahal na prinsipe.", sabay na sabi nilang lahat. Ang charot naman! Prinsipe talaga, huh.
Maya-maya'y tapos na kaming kumain kaya agad ko namang niligpit ang mga pinagkainan nila at nilagay ito sa sink. Akmang manghuhugas na sana ako kaso nagulat ako sa pagbiglang hawak ni V sa mga kamay ko.
Shems, ang lamig! At...at...at ang ganda ng mga kamay niya--hep, hep, hep! Kumalma ka lang diyan, self. Si V lang 'yan.
"Ako na ang manghuhugas. Turuan mo nalang sila sa mga bagay dito.", sabi ni V atsaka niya ako ningitian. Nagulat naman ako ng biglang nagiging kulay rosas ang buhok niya. Ang ganda ng kulay! Pero teka, bakit pink?
"A-ah, sure ka ba d-diyan?", nauutal kong tanong. Aish! Ba't ako nauutal? Parang hindi ka nasanay sa alien na 'yan ah? Amp. Act normal ka nga diyan, Marie! "Pwede din namang ako lang ang manghuhugas tapos ikaw ang magtuturo sa kanila.", dagdag ko ngunit umiiling-iling lamang siya atsaka niya hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Gusto ko ikaw...", seryosong sabi ni V. H-hala? Gusto niya...ako?
Gusto ko din naman siy--ano ba! Tumigil ka diyan, Marie! Bwesit na animal na tukmol ka.
"...ang magtuturo sa kanila.", dagdag niya.
Eh?
"Ha?"
"Oo. Gusto ko ikaw mismo ang magtuturo sa kanila. Bahay mo kasi 'to at ikaw mismo ang may-ari dito kaya ikaw muna ang susundin namin. Okay?", sabi niya atsaka niya ako ningitian.
Ampotek, pabitin! Letse!
"Ah, sige. Hugasan mo ng maayos ang mga pinggan, ah? Tss.", sabi ko atsaka umalis na. Tae ba't bigla yata akong nabadtrip? Parang buang lang eh no?
Nairita ako ng slight habang naglalakad papuntang sala para i-guide ang mga aliens. Saktong pagkarating ko doon ay nakita ko naman sina JM at JK na nagbabatukan. Hay nako.
"Mama mo pink!", sabi ni JK sabay batok sa kay JM.
"Mama mo tao!", ganti naman ni JM at binatukan din niya si JK.
"Mama mo igit!", JK.
"Mama mo tsinelas!", JM.
"Mama mo pinto!", JK.
"Mama mo sabon!", JM.
"Mama mo charger!", JK.
"Mama mo rice cooker!", JM.
"Mama mo frying pan!", JK.
"Mama mo itlog!", JM.
"Mama mo--
"Enough!", sigaw ni J atsaka sinamaan ng tingin ang dalawang alien. Natakot naman ang dalawa kaya agad naman silang tumakbo papunta sa'kin at nagtago sa likod ko.
Ay gagong mga bibwit na'to. Ba't sa likod ko pa?
"Hindi ba kayo nahiya? Nakatingin na nga sa inyo si Marie tapos walang tigil pa din ang laban niyo? I-untog ko kayo diyan sa pwet ni JH eh.", pagsasalita ni J atsaka ito umirap. Oh my gosh nakakatakot si J kapag magalit. Waaaah!
"At inaano ka diyan sa pwet ko ha? Nananahimik ang pogi dito.", sabi din ni JH atsaka umirap din.
Ba't ang hilig nila yatang umirap? Amp. Mga baklita yata ang mga ito eh.
"Anyways...", tikhim ni RM atsaka niya ako tiningnan. Kinabahan naman ako bigla dahil lumakad ito papunta sa kinatatayuan ko. Oh my gosh help mamaaaaaa! "Show us the room, pleasue!", dagdag nito atsaka niya ako ningitian ng malapad.
Jusmiyo akala ko sasakalin na niya ako doon. Kung makatingin kasi siya sa'kin parang ang laki-laki ng kasalanan ko! At dahil sa laki ay parang pipigain na niya yata ako, amp.
"Yes, yes! Show us the room pleaseu!", sabay na sabi nina JK at JM with matching sparkling eyes pa talaga. Aweee! Mukha silang puppy!
"I'm so very excited na talaga!", sabi ni JH sabay flip hair kahit wala naman siyang hair. Charot. Syempre meron siyang buhok no! Maikli lang.
"Okay. Arat na sa room.", sabi ko at nauna ng lumakad. Sumunod din naman silang anim sa akin at nagmumukha kaming train tuloy. Ang cute kasi nila, eh! Ang sarap punitin ng mga mukha na parang nagpupunit ka ng papel ahahahha! Nanggigigil ako! Che!
Ng nakarating na na kami dito sa guest room ay kaagad ko namang binuksan yung pintuan at sumalubong naman kaagad sa sa amin ang walong kama at isang aircon. Pero yung aircon na malapad. Yung remote controlled.
Pasalamat ako kina mama at papa na may guest room kami. Tuwing mag-o-okasyon kasi kami dito ay madaming kilala sina mama at papa at minsan ay mag se-sleepover nalang sila dito.
"Ang ganda naman!", nakangangang sambit ni J atsaka niya nilibot ang kaniyang mata sa kwarto.
"Hoy dito ako matutulog ah! Akin 'tong lugar na'to.", pagmamay-ari kaagad ni RM with matching yakap pa talaga sa kama.
"Akin din to ah! Walang aangal kasi you got no swaeg!", Sabi naman S atsaka niya kami binelatan. Aba'y gago to hahahaha! Ang cute! Nakakatawa lang kasi hinding-hindi talaga niya makakalimutan ang kaniyang pagiging "swaeg".
"Akin tong red ah! Ang hahawak sa kama na'to, mababaog forever kahit wala namang forever.", sabi ni JK na ikinatawa naman naming lahat. Gago talaga.
"Dito ako matutulog sa kamang ito. 'Pag may umagaw, makakaligo ng mabahong laway ko.", nakangising sambit ni J na ikinangiwi naman kaagad nilang lahat.
"Yaks! Ang laswa mo J! Ew!", nandidiring sabi ni JH with matching taas kilay pa talaga sa kaniya. Baklita yata 'to eh. Kung makaasta kasi siya parang babae ampotek. Pati na din si J.
"Ligo talaga? 'Di pwedeng talsikan lang?", komento naman ni S.
"Pwede naman. Bakit? Gusto mo bang matalsikan diyan?", J.
"Sa nakakaimbyernang baho mong laway?", nandidiring tanong ni S atsaka ito umiiling-iling. "Wag na. Mas gustuhin ko pang mamatay sa baho ko keysa sa baho mong mas extreme pa sa patay na alien.", dagdag nito na ikinahagalpak naman ng tawa nilang lahat.
"Hoy mga chukchakerang uto-uto naman kayo! For your exception--
"Information yan.", pagputol naman ni RM sa speech ni J.
"Woteber. Basta hoy kayong lahat! Izza joke lang naman yowrn. Ang bango-bango kaya ng laway ko at ang sarap. Pang mineral water ang lasa nito eh.", sabi ni J na proud na proud pa talaga.
"Ang laswa mo!", sabay-sabay na sabi naman nilang lahat at tinapunan naman nila ng unan si J. Bwuahahah kawawang J!
Heto naman ako dito ay walang tigil naman ang tawa ko tuwing panonoorin ko sila. Ang saya lang kasi komportable sila sa kwarto na ito. And I swear that I really can't stop smiling as heck sa tuwing makikita ko silang masaya sa kanilang ginagawa.
Nung may tig-iisang kama na sila, kaagad naman nila itong hinigaan at pinaandar ko na lamang din ang ac para hindi sila maiinitan.
"Teka, ba't parang biglang lumamig?", tanong ni JK.
"Kasi hindi biglang uminit?", sagot naman ni JH na ikinairap lamang ni JK sa kaniya.
"Nyenye walang kwenta iyang sagot mo. Che.", JK. Napatawa lamang ako.
"Binuksan ko kasi yung aircon para hindi kayo maiinitan.", simpleng sabi ko atsaka sila binigyan ng matamis na ngiti. Syempre para saan pa ang magandang ngipin kung hindi naman ito ipapakita, diba? Tama ba aketch? Charot.
"Huh? Aircon? Ano yun?", tanong ni JH.
"Yung aircon, long for air-conditioner, is a system that is used to cool down a space by removing heat from the space and moving it to some outside area. The cool air can then be moved throughout a building through ventilation.", pagsasagot ni S. Manghang-mangha naman kaming tumingin sa kaniya. Grabe ang talino! Same vibes pala sila ni RM. Mga genius!
"At saan mo nalaman 'yan?", tanong naman ni RM sa kay S.
"Sinearch ko lang sa google. Assignment namin 'yun noong 2nd year ako eh.", sagot naman ni S. Woah! May assignment-assignment din pala sila? Bwuahah astig!
"Teka teka, ano daw? Ano ibig sabihin non? Bwakanangina ka kitang low I.Q ako sa english eh!", naiiritang sabi ni J.
"Ibig sabihin non ay wala kang jowa.", biglang sabat ni V sa likuran ko. Ay tikbalang 'to! Nandito na pala siya!
Nakatitig lamang si J sa kay V at nagulat ako ng biglaang umigting ang panga ni J. Hori shet ang gwafufu! Ang hot! Waah ave maria santa purisima!
"Pigilan niyo ako. Nandidilim mga paningin ko sa alieng 'yan.", nanggigigil na sabi ni J atsaka niya tinuturo-turo si V. Bahahah! Mukhang tanga!
"Ibig sabihin doon ay ang aircon daw ang nagbibigay lamig sa isang room gaya dito. Magagamit ito mostly on a hot weather.", short explanation ni RM na ikinatango naman ni J.
Napa "ahh ok" nalang din yung iba since na gets na din naman nila. Nahagip naman ng mga mata ko si S at nagulat ako ng bigla niya lamang akong kinindatan. Hala adik 'to. Ang gwapo non ah! Aaaah!
Pero seryoso, eto na naman ako na hindi makapigil sa ngiti. Ang cute lang kasi nila tingnan! Mga maiingay man sila ngunit mukha silang puppies! Wahahaha alien puppies!
"Anyways, okay lang ba kayo dito?", tanong ni V na ikinatango naman nila. Yung iba ay sumagot lamang ng "oo" at yung iba naman ay nag thumbs-up lamang.
"How 'bout you, mahal na prinsipe? Saan ka matutulog ngayon?", tanong ni JK na ikinatingin naman ni V sa kaniya.
Tiningnan ko naman si V at tumingin din ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko nung bigla lamang siyang ngumisi atsaka niya binigyan si JK ng matamis na ngiti.
"It's for me to know and for you to find out. Goodnight!", kaagad na sabi ni V atsaka sinara na niya ang pinto. Guminhawa naman siya ng malalim atsaka siya tumingin sa'kin. Seryosong tingin mismo. Problema sa tipaklong na'to?
"Sige na alienerz! Matulog na tayo! Goodnight!", sabi ni RM sa kanila.
"Nyt-nyt!", sagot din naman nila.
Ngumiti na lamang ako at iniwan na sila doon sabay sarado ng pinto. Ng fully closed na ang door ay humarap na ako sa kay V ngunit nagtaka ako kung bakit hindi yata maipinta ang mukha niya. Problema neto?
"B-bakit?", kunot-noo kong tanong sa kaniya. Nauutal pa nga.
"May pagtingin ka ba sa kay S?", diretsong tanong niya. Lumaki naman ang mata ko sa natanong niya. Anong klaseng tanong 'yan?!
"Ha? P-pagtingin? S? Ako? Hindi no! W-wala!", nauutal kong sagot. Ay tae kinabahan ba nga ako. Pero teka, bakit naman ako kinabahan? Para saan?
"I mean, he did winked you a while ago.", nakapout niyang sinabi. W-winked? Nakita niya yun? Omg!
Hoy gaga chill ka lang! Kumalma ka si V lang 'yan. Kaloka 'to.
Pero bakit nga ba kasi ako kinabahan? Atsaka bakit galit yata siya? Ay weh, galit nga ba? Kung galit siya, bakit naman? At para saan?
Di kaya'y...nagseselos? Hala!
Sus. 'Wag ka na mag assume diyan, self. Mukha kang praning.
"A-ah hahahaha!", I nervously laughed. "Nakita mo pala y-yun? Wala lang 'yon! Siguro may alikabok na pumasok sa mata niya kaya nung tumama ang paningin namin, hindi sinadyang nakindatan--
"Stop making things up. Nararamdaman at alam ko na mismo na gusto ka niya.", seryosong sambit niya sa'kin atsaka bigla lamang siyang nag-pout. "D-do you like him too?", tanong nito.
Okay. Final answer: Nagseselos talaga siya.
Napatawa lamang ako ng mapait atsaka siya niyakap ng mahigpit. "I only see him as a friend, V. We're just friends. Pure friends.", sabi ko na ikinaginhawa naman niya ng malalim.
"Not all brains were the same, my beloved precious. If you only see him as a friend, then he probably see you as something else. That stupid wink was already a hint, don't you think?", sabi niya. Patay inenglishan na ako. Nakakanose-bleed naman!
"It was just a stupid wink, V. It's no big deal for me."
"I told you not all brains were the same.", umiigting na ang panga niya. Umiba din ang kulay ng buhok niya. From pinkish to light red real quick. I get it. His mad. Pero bakit galit? Amp.
"So...you're telling me na big deal sa'yo ang wink na iyon?", I asked. Bwakanang manok napaka-slow kasi ng utak ko ngayon eh.
"Of course.", he quickly answered without any hesitations. Nakayuko lamang siya as he took a deep breath. He looked at me and I also glued my eyes on him. Ang ganda talaga ng mga mata niya. "It was a big deal because I don't see you as a friend.", dagdag niya.
Nakatitig lamang ako sa kaniya habang nagsi-sync sa utak ko ang mga pinagsasabi niya. He don't see me as a friend? What does he mean? Not a friend? What're we then?
"We're not friends? Do you hate me?", kyuryos kong tanong na ikinangisi niya lamang. He then patted my head as he leaned lower to me to whisper something.
"I see you as the opposite of what you are saying, my beloved precious."
Pagkatapos niyang sinabi 'yan ay nauna na siyang umalis habang ako naman dito ay na stunned lamang dahil nag si-sync pa din sa utak ko ang sinabi niya. Opposite? What opposite? Which opposite?
"..by the way..", I even stunned more after I heard his voice. Nandiyan pa pala siya? Akala ko nauna na siya sa kwarto! "I will not literally call you 'my beloved precious' for nothing. So what do you think is the reason behind it?", dagdag niya atsaka siya pumasok sa kwarto ko. Aba'y gago 'to ah! Pinag-ari mo na ba ang kwartong 'yan? Kung makapasok ka daig mo pa yata ang owner eh! Amp.
But seriously, I think I already know what he means.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top