Alien 49:
Wushoo! Haha Hi! Salamat sa pagbabasa neto! Hindi ko inakala na ang READER na tulad mo ay NAPAKASUPPORTIVE pala. Hahaha! I labyo guysseu! <3
####
Marie's P.O.V
Pagkatapos naming nagalmusal ay agad akong naligo at nagbihis.
Sinuot ko yung damit ko from forever 21 at sandals na may strap tapos sinuklay ko na ang buhok kong mataas.
Mag pe-perfume na sana ako kaso naalala ko na nasa bag ko pala nalagay.
Kaya agad kong binuksan ang bag ko at nagulat nalang ako nung bigla kong nasalubong ang isang mabangong letter at ang alien stuffed toy na kamukha ni V.
Sh1t. Iiyak na naman ba ako neto?!
I read the letter..
Dear Mahal,
I hope you're reading this na nakangiti. I know na kasalanan ko ang lahat ng 'to kung bakit pinauwi ka diyan pabalik sa planet earth. Gusto kong sumama sa'yo kanina pero hinila ako ni JK at JM. At ikaw? Wala lang. Mahimbing lang ang tulog mo habang binuhat ka ni S.
Ako sana ang bubuhat sa'yo pero sabi nila, HINDI KITA PWEDENG HAWAKAN. So ayun nga, hanggang titig nalang ako sa'yo dahil nasa tabi naman si Momshie at Papsie at kung mahahawakan kita, malilintikan ako.
Pero don't worry, Babalik ako diyan after I finished some of my works here. Masipag kasi akong magtrabaho para sa future natin, diba? Haha ah sus! Kinilig ka o. Ang cute mo.
Marie mahal ko, hindi kita iiwan kahit kailan, sooner or later, babalik ako diyan at hahanapin kita. At kung mahanap man kita, sabay tayong gagawa ulit ng mga bagong ala-ala. And I'll promise that. For you.
Tandaan mo ah, I PROMISE ALL OF THAT.
I know that promises are meant to be broken pero who cares? I'm sure hindi yan masisira dahil ikaw lang naman yata ang taong may tiwala sa'kin.
Sige na, tatapusin ko na to ang liham kong para sa'yo.
Forever yours,
V alien. :)
P.S Ingatan mo ang stuffed toy na alien na yan ah! Kasing mukha ko pa naman yan. I'm sure yan ang mukha ng anak natin soon kaya itrato mo siya ng parang totoong anak mo na. Hihi. Love you! :)
Hindi ko na pala alam na bumagsak na ang mga luha ko sa letter na'to. Pero seryoso! Nakakatouch talaga ng puso.
Tiningnan ko ang alien stuffed toy at ngumiti.
Kinuha ko ito at niyakap. Mukha tuloy akong baliw dito. Para akong nanay na yumakap sa anak niya. Ahahaha.
Pero seryoso, ang cheesy sa letter na yun ah! AHAHA.
Biglang bumukas ang pinto.
"Anyare sa'yo? Bakit basa yang mata mo? Umiyak ka na naman eh no?", Mia at lumapit sa'kin.
Ngumiti ako sa kanya.
"Tears of Joy to best", ako na nakangiti pa din.
"Ah ganun b--Oh? Ang kyut yang niyakap mo ah! At tsaka, magkamukha pa talaga sila ni V. Ahaha", tawa ni Mia.
Nag pout ako na nakatingin sa kanya.
"Wag mong tatawanin ang anak namin", ako.
"Ows? Anak niyo pala? Ahaha sorry, hindi ko alam eh. Ano pangalan niya?", tanong ni Mia.
Oo nga pala, ano kaya ang pangalan sa anak namin?
"Marvie?", ako.
"Marvie? Niloko mo ba ako? Lalaki kaya yan. Tsaka mukha naman yang 'Barbie' but in ngongo version", sabi ni Mia sabay hagalpak ng tawa.
"Lah, MARMIE yun hindi Marvie!", ako.
Tawa lang ng tawa si Mia habang nakatingin sa'kin.
Ay, oo nga pala.
"Haha wala akong maisip na pangalan eh. Just call him baby V kaso kamukha niya naman si V", ako.
"Okay. Hi baby V!", bati ni Mia.
"Hi din!", bati pabalik ng stuffed toy.
"AAAAHHH!", sumigaw ako at tinapon ang stuffed toy sa kama.
"Marie naman! Anak niyo yan! Wag niyo siyang itapon!", sabi ni Mia at kinuha yung stuffed toy.
Hingal na hingal pa din ako dito habang nakatingin sa stuffed toy.
"For real?! Stuffed toy?! NAGSALITA!? Seriously?! Grabe naman! Baka mamaya, magtransform yan into chucky ah! O edi kaya'y, ANNABELLE!", sigaw kong sabi.
"Haha grabe ka. Ignorante ka lang eh, stuffed toy talaga to na marunong magsalita. May battery sa likod o!", Mia sabay turo sa battery sa likod.
"At bakit expert na expert ka sa mga yan ha?", tanong ko.
"Ulol ka, may ganito kasi akong manika. Remember mo yung manika na ang pangalan ay 'Angel?' tapos magsalita din siya?", Mia.
Tumango lang ako.
"I love you baby V!", sabi ni Mia.
"I love you too!", cute na sabi ng stuffed toy.
Gosh. Miss ko na naman ang alieng yun. Yung mga 'I love you' niya sa'kin, mga corny banats niya at iba pa.
"Oh, so ano na ngayon? Tutunganga nalang ba tayo hanggang sa gumabi na? Hindi ba tayo papasyal?", Mia.
Tumingin ako sa kanya na nakasimangot.
"Tara na pero isasama ko ang anak namin", ako.
Tumawa siya.
"Haha sige pero ilagay mo muna siya sa loob ng bag baka manakaw yan", Mia.
Tumango ako at nilagay si Baby V sa bag at umalis na kami.
----WHILE IN THE TOMPAK GANERN PLANET----
J's P.O.V
"Goodmorning guyseu!", agad na bati ni JK.
Ay himala at maaga na siyang gumising.
"Murneng", walang ganang sabi ni JM.
"Morning too", simpleng sabi ni JH at S.
"Morning din", sabi naman ni RM.
"Walang good sa morning", sabi ni V.
Napayuko nalang sila at umupo sa sofa.
Gosh. Gusto kong mag change topic kaso mukhang wala naman silan ganang makipagusap.
"Oh uhm, magluluto muna ako ng ulam. Anong favorite niyo?", tanong ko.
"Carbonara", agad na sabi ni V.
Carbonara? What's that?
"H-huh?", tanong ko.
Ngumiti lang si V.
Good. Atlast ngumiti ka na din ng konti.
"Halika, tuturuan kita", sabi ni V at tumungo sa kusina.
Sumunod naman ako sa kanya pati na rin silang lahat.
Nandito kaming lahat sa kusina.
Kinuha niya yung kaldero at nilagyan ng tubig na may halong asin at mantika tapos pinabukal niya ito.
Lahat kami dito ay mangha na mangha sa kaniya.
Binuksan niya yung kaldero na kanina pang bumubukal at inilunod ito ang pasta.
Tapos pumunta siya sa kabila at kumuha ng Nestle Cream at naghiwa siya ng onions.
While naghihiwa siya, nagtaka kami kung bakit bigla-bigla nalang siyan umiiyak.
"M-mahal na prinsipe? Bat ka umiiyak?", tanong ni JM.
Hindi umimik si V.
Tinanong ulit ni JK yung tanong ni JM kanina at hinarap sila ni V.
"Mahapdi kasi ang onion sa mata ko eh kaya ayun, umiyak ako", sabi ni V at tumawa.
Kaya tumawa nalang din kami.
Alam kong nasaktan si V dahil na nangyari pero pilit niya lang itong nilabas ng ngiti para hindi mahalata na nasaktan siya.
Galing talaga magtago ng feelings ni V. Nakakahanga. Astig talaga.
----PLANETANG EARTH----
Mia's P.O.V
"Ayyy ito pa! Alien hat o! Diba ang cute?", tanong ni Marie sa'kin habang tinuturo niya ang sombrerong gusto niya.
Tumango nalang ako at ngumiti ng pilit.
Na weirduhan ako sa kanya, eh kasi lahat ng binili namin ngayon, puro may ALIEN na picture.
Pati nga sa pagkain eh, pinili niya yung siopai na mukhang alien.
"Ang weird mo", sabi ko.
"Bakit?", tanong niya kahit puno na yung baba niya ng siopai.
"Bat puro may alien na pic ang mga pinili mo?", tanong ko.
"Cute eh. Parang ako, diba? Diba?", tanong niya at talagang nagpacute pa siya sa harapan ko.
Hay nako.
Napangiti nalang ako sa kanya at umiling-iling.
"Teka lang, C.R muna ako best ah? Wait ka lang dito okay?", sabi ni Marie.
"Sige pero bilisan mo ah!", ako.
"Sige.", siya at umalis na.
May nakita akong bench kaya umupo muna ako doon habang hinintay si Marie.
Kinalikot ko ang phone ko sa bulsa ko at nag facebook.
Pagkatapos kong nag facebook ay binalik ko ulit ang phone ko sa bulsa ko at tiningnan ang relo ko.
5 minutes na ang nakalipas, wala pa din si Marie.
Nagsimula na naman akong ninirbyos baka napahamak na siya dun or sadyang matagal lang talaga siya dahil nag ka LBM yun. Kain kasi siya ng kain eh.
Guminhawa ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata sabay sabing 'okay lang yan, always think positive. Wag kang magisip ng kung ano-ano', sabi ko sa sarili ko.
Linibot ko ulit ang tingin ko at may nakita akong pamilyar na lalaki.
Naka sombrero ito ng puti at may kasama siyang babae ngayon. Naka holding hands pa nga eh.
Tiningnan ko lang sila at agad akong lumingon sa layo nung nagkahalikan sila.
SERIOUSLY?! Ang public naman nila mag ganyanan! At talagang sa mall pa talaga ah?!
Palagi kong tiningnan ang lalaking yun dahil PAMILYAR TALAGA SIYA SA'KIN.
And because curiosity kills me, nilapitan ko pa ito para makita ko ng malinaw ang mukha niya.
Still blurred. Lapit pa din.
Aish! Blurred pa din! Lapit pa!
Ayan! Nakita ko na ang mukha ni---
HOLY SH1T!
"I love you hon!", sabi ng babae.
"I love you too", sabi ng lalaki at hinalikan ang noo sa babae.
Agad akong tumalikod habang hawak ko ang dibdib ko.
BUSHET!
"Uy! Nandiyan ka lang pala! Haha akala ko nagtagu-taguan ka na diyan eh. tara na!", sabi ni Marie.
Nakatunga-nga padin ako ngayon dahil sa nakita kong HINDI MAGANDA.
Bullsh1t!
"Hoy! Tara na!", Marie at hinila ako.
Hinayaan ko lang si Marie na ipahila ako pero hindi ko talagang maalis ang mga mata ko sa lalaking yun.
I can't believe he cheated on me.
I can't believe na pinagpalitan na niya ako.
BAKIT PINAKITA PA SA'KIN NGAYON ANG HINDI KO DAPAT MATINGNAN?!
Holy sh1t talaga.
Ang puta niya! Excited na nga akong makabalik dito para makita ko na ang pagmumukha niya pero ito lang?! ITO LANG ANG ISASAMPAL NIYO SA'KIN!?
Michael Lerida! What the heck is happening to you!?
WHY DO STUPID THINGS REALLY HAPPENED?! WHY!?
Bushet, ayoko na. I swear to God, Our relationship is THROUGH. You read that right?! THROUGH meaning TAPOS NA. At ayaw ko ng balikan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top