Alien 4:
Marie's P.O.V
Umaga na naman and as usual, maaga na naman akong nagising. Pero syempre mas maaga ang alien na'yon. Nawala na kasi siya sa higaan niya eh.
Bumangon na lamang ako at nagbanyo saglit then dumiretso kaagad sa kusina sabay kuha ng cookies at gatas atsaka kinain ito. Saktong pagkatalikod ko ay muntik naman itong nahulog dahil nabigla na naman ako sa hinayupak na alien na ito.
"Magandang umaga!", sigla niyang sabi at ngumiti pa talaga ito ng malapad sa'kin. Yung tipong pakita niya talaga ang kaniyang shiny white teeth.
Ngumiti din naman ako tsaka siya ini-greet ng pabalik. "Ohayo Gozaimasu!", sabi ko na ikinakunot lamang sa kaniyang noo at ikinaputi din sa kaniyang buhok. Bahahaha mukha siyang tigulang!
"Why are you saying those funny words?", tanong niya. Aba! Funny words tawag niya dun?
"Loko ka. Hindi funny words 'yon. 'Ohayo Gozaimasu' means 'Good morning'.", pag-explain ko sa kanya sabay kagat sa cookies na bitbit ko.
"Ow-hai-yow gu-zay-mash.", pag-uulit nito. Tumango din naman ako since malapit-lapit lang din naman ang kaniyang sinabi.
"Mhmm, tama ka! Pero teka, kumain ka na ba?", tanong ko. Syempre maconcern ako na tao eh.
"Busog pa ako. Salamat.", sagot niya. Namangha naman ako sa sagot niya atsaka pinagpatuloy lamang ang pag-kain.
Nakakatawa lang isipin muli na noong first time niya palang dito ay may kasama pa talagang halik sa tuwing sasabihin niya ang 'salamat' at 'sorry'. Ang cute lang.
Hoy gaga, anong cute? Cute tawag mo don? Eh halos mamamatay ka na nga sa iyak ng dahil sa pandidiri noon eh. Tumigil ka nga diyan, self! Ang harot mo na, ew.
Maya-maya pa lamang ay tapos na akong kumain kaya agad naman akong uminom ng tubig at hinarap na yung alien pero pagkaharap ko sa kaniya ay agad ko namang napansin ang mga mata niyang lumalaki as in mulat na mulat talaga. Yung parang nagugulat ganon.
Actually, mukha siyang tarsier. Gwapong tarsier mismo. Charot.
"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?", tanong ko sa kaniya. Nagulat ba siya ng dahil sa talbog na kagandahang dinala ko? Charot ulit.
"P-pumula ang mukha mo!", agad na tanong niya sa'kin at talagang tinuro pa niya ang mukha ko. Mukha ko pula? Weh? Sa pagkakaalam ko, manok na pula lang yung meron. Charot na naman ulit.
Corny ko, gago.
Kumunot lamang ang noo ko at agad namang kumaripas ng takbo sa banyo para tingnan ang mukha kong maganda. At ayon, pula nga.
Pero hindi naman mukha talaga eh! Yung sa may bandang pisngi lang naman. Mainit kasi eh kaya ako nagkaganito. Sensitive skin ko, gosh!
"Galit kaba sa sarili mo?", tanong niya sa'kin in a worrying tone. Oh my gosh, ang ganda pakinggan sa boses niyang yun. It is so relaxing and--ano ba'yan! Anong relaxing? Buang ka na nga talaga, Marie.
"Hindi ako galit. Sadyang mainit lang talaga ang panahon ngayon kaya ako nagkaganito.", sabi ko atsaka umupo na lamang sa sofa at pinagpatuloy ang panonood ng t.v.
"Ah, mainit nga naman. Pati nga ako naiinitan din eh.", sabi niya. Ows? Mabuti naman at hindi pala ako nag-iisa.
"Ah, makakaramdam din pala kayo ng init. Mabuti naman."
"Oo, pero hindi dahil sa panahon ang rason ko kung bakit ako naiinitan ngayon.", sabi niya. Smirking at me.
Wait, what? Smirking?
Gagu, ang weird niya, amp.
"Eh ano?"
Tiningnan niya lamang ako ng mariin sa mata at doon ko napansin na dahan-dahan na palang nakalapit ang mukha niya sa'kin.
Gulp. A-anong gagawin sa alien na'to--
"Ikaw.", diretsong sagot niya tsaka ako ningisihan ulit. "You're so hot as hell, Marie.", sabi nito.
O////////O
>////////<
AMPOTEK! Pinagsasabi sa alien na'to?! ANG BAKLA GAGU!
"H-h-h-h-ha?", nauutal kong tanong ngunit tinawanan niya lamang ako.
Aba'y gago. Siya ang nagpasimuno kung bakit ako nagkaganito eh! Animal kasi siya! Ay hindi, alien kasi siya! Abnormal talaga.
Pero ano daw? H-hot ako? Asddfghkll gago!
Teka, bakit ako kinilig? Hayop ka self ah tumigil ka diyan. Balibag kita sa bubong eh.
Nakahithit ba ng katol ang alien na'to? Bigla-bigla nalang bumanat eh. Actually, corny ang banat niya, pero putik nagawa ko pa talagang kiligin ah! Hayop.
Sumusobra yata 'to sa pagpanood ng mga kilig movies eh kaya heto, kung ano-ano na lamang ang natutunan niya. May pa banat peg pa nga! Kakaiba talaga ang mga aliens. Talagang mga polokoy!
Sa susunod, hinding-hindi ko na talaga siya papanooran pa. I swear!
Pero malas eh! Tuwing niyayaya niya kasi akong manood, ang cute niya masyado eh. Hindi ko matiis hayop.
"Hahahaha ang pula ng mukha mo, Marie!", tawang-tawa pa talaga ito habang tinuturo niya ang aking mukha. Aba'y nagawa niya pang mag-enjoy ah! Prituhin kita diyan eh. "Ayos ba banat ko? Effective ba? Sinunod ko 'yun sa kilig movies eh. ahihihi.", dagdag nito. Inirapan ko na.
Sabi ko na nga ba. Sa kakanood niya ito eh. Gagong alien na ito. Sa susunod, hinding-hindi ko na talaga siya sasamahan sa pagpanood ng mga movies. Nakakabwesit eh!
Ay weh? Talaga ba, Marie? Nakakabwesit? Eh nagawa mo pa ngang ngumiti at kiligin diyan eh. Hayop ka din. Grrr.
"Marie! Nood tayo ng movies!", sabi ni alien at talagang hinila na naman niya ako. Nagiging garter na naman ako.
"Okay!", sabi ko din.
Oy, Marie! Sabi mo hindi mo na siya sasamahan pang manood ng mga movies?
.....
It's a prank! Ang cute niya kasi eh! Di ko matiis. Next year ko nalang siya hindi sasamahan. Bwuahahha! Animal ang rupok ko, ew.
Umupo na kaming dalawa sa sofa at inumpisahan na ang pagpanood ng kilig movies.
Take note, nakayakap pa talaga ang alien sa'kin. Ginawa niya akong unan eh, hayop to.
"Marie.", tawag niya sa'kin. Sheet of paper! Ang ganda ng boses niya. Charot.
"Ano?", respond ko tsaka siya sinamaan ng tingin.
"May knock knock ako.", sabi niya. "Knock knock."
"Walang tao. ", sabi ko na ikinasama niya lamang ng tingin sa'kin. Bahaha priceless ng mukha! Amp.
"'Who's there' kasi ang ire-respond mo!Aish. Marunong ka bang mag knock-knock? Abnormal ka talaga eh.", sabi niya na ikinatawa ko naman ng lubos.
At talagang ako pa ang abnormal ah! Tukmol 'to!
"Gago. Alam ko uy! Ba't highblood ka?", tanong ko atsaka tumawa ulit. Natawa kasi ako sa mukha niya eh. Parang ewan. Hahahaha!
"Sige, knock-knock!", pag-uulit niya.
"Who's there?"
"Come back to me.", sabi niya.
"Come back to me, who?", tanong ko naman.
Pag ito isang banat, bubunutin ko talaga ang anit nito---
"Come back to me--bok ang puso! Wala kanang magagawa kundi sundin ito!", kanta ng gaga at talagang sinamahan pa niya ito ng pagsayaw. Abnormal talaga eh.
"Saan mo nakuha ang mga yan?", tanong ko.
"Edi sa puso mo!", kaagad niyang sabi na ikinapula din naman ng pisngi ko. Grabe! Di ko inexpect yun ah. Tae. Hayup talaga. Tukmol talaga ito eh!
"Tumigil ka na nga diyan! Sumusobra kana!", naiinis kong sabi ngunit ningisihan niya lamang ako.
"Sumusobra ba sa kilig?", sabi niya atsaka kinindatan pa talaga ako. Anak ng---DAMN THAT WINK!
"H-ha...ano...aish! Bahala ka na nga diyan! Nakakasira ka talaga ng araw eh!", sabi ko atsaka tatayo na sana para aalis ngunit nahila niya ako kaya nauntog naman ako sa may bandang chest niya. Sheet ang tigas!
"Nakakasira o nakakakilig?", tanong nito with matching hawak pa talaga sa magkabilang pisngi ko.
Sheteng bakla na walang dila. Kapag hindi talaga to titigil, sasapatusin ko na talaga ang tukmol na ito!
"Yes! Kinilig si Marie! Bahahaha ang cute! Hahahaha!", sabi niya at talagang nagtatalon-talon pa siya sa lagay na 'yan. Ang saya niya yata ng napakilig niya ako. Big deal na ba sa kaniya yun? Tss.
Pero seryoso, sino ba naman kasi ang hindi kikiligin nun eh! First time ko kayang maka-experience ng ganito! Kaya...eto. Aish! Hayop na alien! Bwesit!
Inis ko lamang kinuha ang unan na nasa tabi ko atsaka doon nilibing ang aking mukha. Nabigla naman ako nung kinuha naman ng alien ang unan atsaka ito tumingin sa aking mga mata.
Ang...ganda ng mga mata niya.
"Ang cute mo mapikon.", sabi niya atsaka pinisil ang ilong ko.
Bitch, I'm cute everyday! No need to repeat it, duh. Charot.
Pero wag naman pisilin ang ilong ko! Pag ito ma flat, mabaog ka talaga sa'king hayop ka. Kakagigil ka eh.
Sinamaan ko lamang siya ng tingin atsaka tumayo na ako at lumakad papuntang kusina. Ayoko na talagang sumama sa kanya kung manonood siya. Final na ito! Nakakabadtrip ng araw eh.
Ay weh? Badtrip daw pero kinilig. Sino niloko mo, Marie? Tubol mo? Ulol.
Ayoko ng pumunta sa living room ulit dahil for sure, walang ibang gagawin ang animal na iyon kundi ang babanat lamang. Tss.
Nandito lamang ako sa kusina habang kumakain ng chocolate chip cookies. All of a sudden ay sumakit ang tiyan ko. As in super duper hapdi at sakit ng tiyan ko.
Shit, I can't talk nor yell! I need V's help!
Gusto kong tumayo pero hindi ko kaya. Ang sakit talaga! Nakaramdam na ako ng hilo kaya napahawak na lamang ako sa ulo ko. Pinagpawisan na ako. Ang sakit ng tiyan ko!
"V...t-tulong--
"M-marie? Marie!"
I felt V's hands touched on my cheeks. And that's the last thing I could ever remember before everything went black.
---
[Hours later]
"A-aray.", the dizziness in my head was still there and it makes me wanna poke it with a hammer in no time.
Dahan-dahan ko na lamang minulat ang aking mga mata at doon napansin na nasa kwarto pala ako. Tumayo na ako ng dahan-dahan atsaka tiningnan ang sarili ko sa salamin. Gusto ko lang tingnan ang mukha ko kung may nangyari ba pero wala eh. Okay lang naman yung mukha ko. Normal lang. Maganda pa din naman, syempre.
Saktong pagkaharap ko ay may nakita akong mga flowers at may mga violet na kandila pa talaga. Teka, abnormal talaga ang alien na iyon eh! Hindi pa naman ako patay! Gagong tukmol na iyon.
Suddenly, biglang bumukas ang pintuan at doon nakita si V na nakayuko. Pero noong napansin niya ako, matik lumaki kaagad ang kaniyang mga mata at talagang tinuro pa niya ako.
"B-B-B-Buhay ka pa pala?!", sigaw ni V at talagang tinuro niya pa ako. OBVIOUSLY! What the heck?! Patay na ba talaga ako sa paningin niya?
Nakapokerface lamang ako sa kanya habang siya naman ay sobrang gulat na gulat. Nagiging kulay violet din ang mga buhok niya. I can't help but to sigh.
"Para saan ang mga 'to?", tanong ko atsaka tinuro ang mga bulaklak at kandila na nakapalibot sa aking kama.
"A-ano...umm..", nilunok niya muna ang kaniyang laway at talagang nahihirapan pa itong tumingin sa'kin. Abnormal talaga. "I-i-i-ipagdasal ka na sana namin kasi akala namin na p-p-patay ka na.", nanginginig niyang sagot atsaka ito yumuko. "P-pasensya ka na, ah? G-godbless.", dagdag niya. Gulat naman akong nakinig sa kaniyang sagot ngunit isang napakalalim na ginhawa lamang ang nagawa ko.
Hahahaha abnormal talaga ang alien na ito eh!
"V, Hindi pa ako patay. Sadyang nahilo lang talaga ako kanina at sumakit lamang ng biglaan ang tiyan ko at hindi ko alam kung bakit.", sabi ko sa kaniya.
"Ha? Nahilo ka? Sumakit tiyan mo? Bakit? May nakain kang poisonous?!", gulat niyang tanong.
"H-hindi ko din alam eh. Ehehe.", nahihiyang sagot ko ngunit napansin ko ang mukha niya na sobrang nag-alala talaga siya. Oh my gosh, ang cute!
Guminhawa lamang ang alien atsaka ito lumapit ng dahan-dahan sa'kin. "Thank gosh you're okay. But--", he then suddenly paused. Kinabahan naman ako nung bigla-bigla niya lamang hinawakan ang aking mga kamay atsaka niya ako tinitigan sa mata. "Marie, m-may sasabihin ako sa iyo.", sabi nito. Bakit? Buntis siya? Babae siya? Bakla siya? O di kaya'y....BAKA TAO TALAGA SIYA?!
Charot. Ang O.A mo, Marie. Patapusin mo muna ang tao, pwede?
Gago anong tao? Alien yan. Loko-loko.
"B-bakit, V?", nanginginig ko ding tanong. Aish! Kinabahan na din ako tuloy. Itong alien din naman kasi eh! Pakaba moment!
"Kanina ko pa kasi ito iniisip kung paano ko ito sasabihin sa'yo kasi natatakot ako.", sabi niya. Natatakot? Kanina pa iniisip? Ang ano? Ang alin? What? Why? When? Where? How? Charot.
"A-ano ba kasi iyan V?", tanong ko.
Ano ba naman 'yan! Pa-thrill din to eh! I-untog ko ito sa pader eh! Mas lalo tuloy akong kinabahan! Amp.
He bit his lip as he looked down. "Natatakot ako na baka kung masabi ko na sa'yo, hindi mo na ako papansinin.", he then looked at me in the eye. "At ayoko mismo na mangyari sa'tin 'yun. Ayokong mangyari 'yun.", sabi nito. He's sincere!
Putragis na mais kinabahan na talaga ako eh! Siguro tatalon na tong puso ko sa sobrang kaba. Feeling ko narinig na niya yata ang pagkabog eh. Jusko santa maria ave purisima!
Ano ba kasi iyang gusto mong sasabihin, V?
Bakit...bakit ibang bagay ang nasa isip ko? I mean, oo, iba nga ang nasa isip ko. Pero bakit 'gusto' ko mismo ang bagay na iyan? Takte, kinabahan na talaga ako, eh.
"V...wag mo sabihing--", hindi ko natapos ang pagsasalita ko dahil kaagad niyang pinisil ang mga kamay ko atsaka siya guminhawa ng malalim.
"Marie...I--"
I??? Anong 'I'? I as in Ice cream? Oh my gosh.
"H-h-ha?"
"Marie...I....", he sighed, before looking at me, straight in the eye. "...I... called my friends to come over."
Natahimik at napanga-nga naman ako sandali sa sinabi niya. Putek ano daw?
"Ha?"
"Y-yun nga! Tinawagan ko ang mga kaibigan ko na pupunta dito kasi nga akala namin na patay ka! Sorry! Sorry kung naisip namin 'yun! We're sorry! Please, forgive us!", sabi niya at talagang ginawa pa niya talaga ang gesture na 'please forgive me'.
Loko-loko talaga ito eh. Ang sarap niyang batukan! Takte! Iba pa naman ang naisip kong sasabihin niya kanina! Bwesit! Umasa ako, bwesit! Hayop! Akala ko...akala ko--aish! Ewan! Bakit parang nabwesit yata ako? Gago.
"Pupunta sila dito?", tanong ko muli.
Why on earth I suddenly felt...disappointed? I mean...okay. Stop. Alam mo namang abnormal ang alien na iyan eh. Wag kang umasang bwesit ka! KAKA-MEET NIYO LANG KAYA! You can't just fall in love with an alien you just met! Atsaka hindi mo pa siya kilala kung sino talaga siya!
Pero seryoso, akala ko naman kasi confession yun na nagkagusto siya sa akin kasi magcoconfess din naman sana ako na gusto ko din naman talaga siya!
"H-ha?", tanong ni V. His smiles were slowly showing.
"Anong 'ha'"?, tanong ko din, absolutely confused.
He didn't talk nor response. He just pursed his lips for him to stop smiling. Anong nahithit sa alien na ito at talagang ngumingiti pa talaga---
Wait...I suddenly remembered something. And it's kinda bugging my brain.
'Makakabasa kasi kami ng utak.",
oh....teka...
O____O!!?
"A-actually, we aliens can re--
"Ba-ba na tayo.", kaagad kong pagputol sa sasabihin niya. Nahihiya ako, putek. Ayoko ng pataasin to eh.
Now what? Nabasa na niya utak ko. Atsaka itong gurong na'to lumalakad na parang timang at talagang ayaw pa niyang tumigil sa kakangiti. Takte! Bwesit!
"B-by the way...", he suddenly broke the silence. "Hindi ka galit?", tanong niya. Umiling-iling na lamang ako para matapos na ang scenariong ito. Putek talaga eh! Feeling ko ang pula ko na! Maski tumingin sa kaniyang mga mata hindi ko magawa.
Sana nama'y makalimutan niya ang sinasabi ng utak ko. Sana nga. /sabay crossed fingers secretly/.
Ng nakarating na kami sa sala ay kaagad ko namang nabungad ang...teka...one, two, three, four, five, six! Six hotty aliens. Ikapito si V, of course. Shems.
Tahimik lamang kaming umupo sa sofa. Wala man sa isa ang sumabat sa'min. Actually, nahihiya ako kasi pinagtitigan nila ako eh. Gawd! These 6 hot creatures just glared at me. Kyaaah! Charot. Ang harot mo yawa ka.
Bigla-bigla na lamang tumikhim si V na ikinatingin naman din ng anim sa kaniya. Woah! At talagang sabay pa talaga ah! Di kaya'y may sekretong nag counting sa kanila? Astig!
"Ano ba yan! Pakilala niyo naman din iyang mga sarili niyo sa soon-to-be prinsesa natin!", sabi ni V. Hoy teka, ano daw? Anong prinsesa? Bat ako prinsesa nila? Ang yucks kaya nun! Bruha ang mukha tapos prinsesa ang role? Hindi ba nahihiya ang pwet mo, V? Ulol.
Nagulat naman ako sa pagbiglang lapit ng isang cute na pandak na alien na kung saan kung mag smile siya ay mawawala na ang kaniyang mga mata.
Haha! Ang cute niya! Cute face na, cute height pa! Haha. 2 in 1.
"Hello! Ako si JM, V's bestfriend. Ikinaligaya kong makilala kita, prinsesa!", sabi niya at talagang kinuha pa niya ang mga kamay ko. Akmang hahalikan niya sana ito ngunit bigla namang itong binatukan ni V. Kawawang alien!
Pero teka, narinig kong tinawag niya akong prinsesa. Super yucks! Char, ang O.A mo self. Pero seryoso, not bagay to me talaga. Ew!
"Aray naman.", sabi nung pandak na alien na si JM habang hinimas-himas niya ang kaniyang ulo.
"Wag mong gawin yan.", simpleng sabi ni V na ikinapout lamang ni JM pero agad naman din siyang tumango.
OMG! Ang cute niya talaga promise! Kasing cute nung mga duwende ni snow white. Hihi!
Next na lumapit sakin is yung alien na sobrang cute din. Yung tipong kapag ngi-ngiti siya, puro gums lang ang makikita mo. Wow ha, ang puti ng ngipin niya tas ang puti din ng balat niya. Daig pa niya yata ang maputi kong balat eh.
"Sup, babygirl. S is my name, swagging is my game.", sabi niya at talagang nagawa pa talaga akong i-fist bump. Wahaha ang cute-cute niya pero sobrang astig din.
"Babygirl ka diyan. Itigil niyo yan. Hindi ito chix na kung saan, easy-easyhan niyo lang, okay? Prinsesa natin to. Balibag ko kayo diyan eh.", sabi naman ni V na ikinalaki lamang ng mata ko. Seryoso ba talaga sila sa prinsesa na iyan? Kasi ako, ayoko! Ayokong tumanggi! De charot. Seryoso ang pangit! Pwe!
At nung tapos ng nagpakilala ang lahat, ngumiti naman sila sa'kin kaya syempre ningitian ko din. Madali ko lang din namang namemorize yung mga pangalan nila dahil puro mga tig-iisa at dalawa lang naman ang mga letra.
Sila ay sina JM, S, JH, J, RM, at JK. Ang cute ng mga pangalan nila. Syempre kasali din si V sa cute. Rawr.
Takte ang saya ko ngayon kasi nakilala ko na ang mga kaibigan ni V. Nagiging totoo nga ang hiling ko. Lucky me.
"Gutom na ba kayo mga alienism?", tanong ni V. Tumango naman ang lahat na ikinatango lang din naman ni V atsaka niya ibinaling ang tingin sa'kin.
"How 'bout you my beloved precious?", tanong nito atsaka niya hinawakan ang aking dalawang kamay.
A.....no daw?
"H-ha?"
Nakakailang 'ha' na yata ako.
Teka, ilang days pa nga lang kami nagkakilala tapos ngayon, MY BELOVED PRECIOUS na kaagad? Grabe. Sira-ulo talaga tong alien na'to eh. Abnormal nga talaga!
Pero takte ba't parang kinilig pa ako nun? Hayst! Mahirap talaga itong NBSB eh. Ang dali lang kiligin! Bwesit!
Kunot noo ko namang tiningnan si V ngunit ningitian niya lamang ako. Holy cow, ba't parang ang iba yata ng ngiti niya? I mean, first time kong nakita ang mga ngiti na iyan and it was kind of um...something...special? Ewan!
Napansin ko naman ang anim na alien na gulat na gulat at talagang nagbubulungan pa talaga ang mga ito.
What the heck is going on?
Binitawan naman ni V ang aking mga kamay at ngayon ko lang napansin na nasa kusina na pala kami. "Dito muna kayo. Magluluto lang ako.", sabi ni V. "Wag kayong gumawa ng kalokohan o masama diyan ah? Lalo na't kay Marie. Lagot talaga kayo sa'kin.", dagdag niya atsaka ako kinindatan bago paman siya tuluyang nakaalis.
What...the hell. Damn that wink! Takte!
And here I am, naiwang mag-isa kasama ang anim na hot creatures na mga nilalang. At talagang pinagtitigan pa nila ako! Takte.
Nakaramdam ako ng hiya kaya yumuko muna ako para ma-lessen yung hiya ko. Grabe naman ang mga 'to! Chill nga lang kayo! Ako lang to, okay? Bahahah! Okay sige tama na ang biruan.
"Umm, puwede ba naming malaman ang iyong magandang pangalan, miss?", tanong ni RM sa'kin atsaka niya ako ningitian.
"Paano mo nasabing maganda ang pangalan niya eh di mo pa nga naman alam?", sabat ni JH. Haha takte ang gwapo niya atsaka di ko inakalang kamukhang-kamukha niya pala si mareng Vice Ganda. Pero syempre hot and lalake version yung sa kaniya, hehe.
Bigla namang hinampas ni RM si JH kaya syempre napa-aray naman ito. "Magandang dilag din naman kasi ang taong ito kaya malamang maganda din ang pangalan! Polokoy ka talaga, eh.", sabi nito na ikinairap lang ni JH.
"Oh! Um...Marissa is my name but you can call me 'Marie' for short. it's n-nice to meet you a-all!", nauutal kong sinasabi. Eh sino naman ang hindi mauutal sa kahiya kung yung anim na alien mismo ay grabe yung lagkit sa kakatitig sa'kin aber?
"What a beautiful name.", sabi ni S. Ningitian ko naman siya atsaka ako nag 'thank you'. Nakakahiya bwesit hahaha.
"Oh, diba? Sabi ko sa'yo maganda ang pangalan niya eh.", sabi ni RM tsaka ako ningitian.
"Ang ganda mo!", sabat naman ni J atsaka hinahaplos-haplos niya ang aking buhok. That made me shivered in no time! "Ooh, ang smooth ng hair mo! I love it!", dagdag nito. Parang bakla ang putek.
"Nice to meet you, Malie!", sabi naman ni JK. Ang cute! Mahirap ba talaga sa kanila ang letter R?
Pero seryoso, ang saya-saya ko grabe! Hindi ko inakala na mangyayari pala ito sa buong buhay ko. I just met some aliens at ang bait nila sa'kin! Ang gu-guwapo pa!
"Tapos na akong magluto kaya kakain na tayo!", siglang sabi ni V atsaka niya nilapag ang mabangong carbonara. Grabe napakatalented niya talaga!
"Ba't may bulati diyan?", tanong naman ni J sabay turo sa carbonara. Tinawanan lang namin siya ni V ngunit nakakunot lamang ang noo neto.
"Hindi ito bulate. Pasta ito na may white sauce at ang tawag nito ay 'Carbonara'. Kung ang pasta ay may red sauce, ang tawag diyan ay 'Spaghetti'.", pag-eexplain ni V. Ang galing naman! Super duper namamangha na talaga ako sa kaniya. Ni-memorize niya talaga ang mga sinasabi ko noon. I'm so proud!
"Cabarolanara?", tanong ni JK.
"Ca-r-bo-na-ra.", pag-uulit naman ni V.
"La-chi-mo-la-la?", pag-uulit naman ni JM.
Walang magawa si V kundi ang umirap lamang. Oh my ang cute niyang umirap! Very bagay sa kaniya ang magiging bakla. Charot.
Ang saya namang makasama ang mga ito. Sana'y ganito din ako kasaya habang-buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top