Alien 2:


Marie's P.O.V

Maaga na at nauna akong nagising. Dumiretso kaagad ako papuntang banyo upang mag weewee and after that, kaagad na din akong pumunta sa kusina para mag-luto ng pagkain namin ni alien.

Binuksan ko ang cabinet at napansin ko na may pasta pa pala for carbonara kaya niluto ko nalang yun since alam ko din naman paano dahil favorite ko'to noong bata pa ako. Even now.

Nasa gitna ako sa pagluluto dito ng bigla ko na namang naisip ang alien na'yun. Swerte na ba akong tao dahil kasama ko ang isang alien? Swerte ba ako dahil may alien ako sa bahay? Sa totoo, ang weird lang. Eh kasi kung alien man yun, pang-alien sana yung mukha niya. Yung tipong pang-oval shape talaga. Pero iba siya eh. Ang gwapo niya na alien. Alien nga siya pero human form din naman.

Totoong alien kaya siya?

"Oo, totoong alien ako."

Tumalon naman ang puso ko nung bigla-bigla nalang sumabat sa likod ko ang alien, dahilan na ikina-muntik ko namang ma-slide dun.

Buti nalang at nasalo ako ni V.

I smiled at him. "Good morning!"

"Good morning!"

Nagiging kulay yellow ulit ang buhok niya tsaka niya ako ningitian. I also smiled back at him then pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko.

Ng matapos na akong magluto ay kaagad ko namang ini-serve ito sa mesa at kumuha na din ng dalawang plate and fork.

"Kumakain pala kayo ng bulati?", tanong ng alien habang nandidiring tumingin sa carbonara. Bulati? Bulati tawag niya dito? Ampotek.

Tawang-tawa naman ako sa sinabi niya habang siya naman ay di-maiwasang malito kaya pumuti ulit ang buhok niya.

"Buang. Pasta 'yan, V. Here in the Philippines, basta white sauce yung pasta, we called it 'carbonara'.", sabi ko.

"Calbonala.", pagsunod niya.

"No. Carrrrrrrbonarraa."

"Carlboralana."

Ano daw?

"Carabolara. Carlborana. Calbolara. Crabonala. Carbolanara.", pauulit-ulit niyang sinasabi. Nagpa-practice yata hahaha.

"And if red sauce naman ang pasta, we called it 'spaghetti'.", dagdag explain ko sa kaniya.

"Stagheppi?", tanong niya.

Laptrip ampotek hahahahahaha!

"S-P-A-G-H-E-T-T-I. S-pag-ghe-tti.", sabi ko.

"Su-pag-gue-tti.", pagsunod niya.

"Yes! That's right! You're almost there.", patango-tango kong sabi. Parang nanay at kinder na anak lang ang peg no?

"Su-pag-gue-tti. Caralboranara. Calabonoralana. Carabonorara. Caral--nagugutom na ako.", sabi niya.

Pigil-tawa lang naman ako dito dahil ang cute niya talaga kapag inuulit niya yung 'carbonara'. Ewan pero na-cute-tan ako eh. Bat ba.

"Paano nga ulit ako makakain neto?", tanong niya. Aba'y excited niya yatang matikman ang specialty ko.

"Watch me.", sabi ko at sinimulan ko na ang pag-ikot ng tinidor sa pasta at kinain ito. Dali-dali din naman siyang sumunod at nakuha nga niya. Fast learner talaga.

"Ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan 'to. Ako nga pala si Marissa. Call me 'Marie' for short para hindi ka na mahihirapan." pagpakilala ko sa kanya. Nakalimutan ko kasing ipakilala ang sarili ko kahapon eh.

"Malissa?", Tanong niya.

"Marrrrrissa. Yknow what? Marie nalang.", sabi ko at ngitian siya.

"Malie.", sabi niya. Tumango nalang ako since malapit-lapit lang din naman ang malie.

Walang malie-sya. Charot. Corny ko letche.

Tapos na kaming kumain at kaagad ko din namang hinugasan yun. Pumunta naman kami sa living room para ipakilala sa kaniya ang mga kagamitan dito.

Ini-on ko yung tv at nabungad kaagad namin ang isang cartoon network.

(Now waching: Mickey Mouse Clubhouse)

"Ano yan?", tanong ng kyuryusong alien with matching turo pa talaga sa tv.

"Iyang rectangle thing ay television. T.V for short. At ang nasa loob ng t.v na pinanood mo ay movie.", sagot ko sa kanya. Tumango din naman siya sabay umupo sa sofa at nanonood na din siya ng T.V. Kitang-kita ko din naman sa kaniyang mga mata ang pag-eenjoy niya.

Habang nanonood ang alien, pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng chips then balik ulit sa living room.

"Ano yan?", tanong niya sabay turo kaagad sa chips nadinala-dala ko.

"Chips. Pagkain.", sagot ko.

Laking gulat ko nung kinuha niya yung mismong chips na bitbit ko at kinain. Mas nagulat pa ako nung pati ang plastic nito ay kinain niya din.

"Ang sarap naman!", sabi niya.

"Bakit mo inubos?!", inis kong tanong sa kanya. Ubos talaga as in ubos!

"Ha? S-sorry hindi ko sinadya.", sabi niya sabay lapit sa'kin at hinalikan ako sa noo lang naman. Buti na nga yun at sa noo lang. Akala ko sa labi na naman. Puputulin ko talaga ang pwedeng maputol sa kanya.

Kinda weird though. I just felt butterflies in my stomach after he did that. And worse, parang gusto ko yatang gawin niya ulit.

Wait, what the heck, Marie?! Erase mo yan! Gaga!

"Para saan yun?", tanong ko sa kaniya.

"In our planet, we kissed someone's forehead if we're sorry.", pag-explain niya. Ampotek ang galing mag english ah? Perfect na perfect! Ang sarap pakinggan!

"Oh. Is that so?", charot napa-english tuloy ako. "Well, here in our planet, just simply say the word 'sorry'. Yun lang. No need to do that halik-halik thingy.", pag-explain ko sa kaniya.

Tumango tango din naman siya at sinabi ang word na "sorry". Tumango naman ako sa kaniya at ningitian siya. Bagong kaalaman na naman.

I kinda suddenly felt something malagkit feeling sa aking katawan kaya it is time for me to take a bath na para fresh na ako mamaya.

Since busy naman ang alien sa kakanood dito ng movie ay tumayo na ako sabay kuha ng tuwalya sa kwarto then I went straight to banyo.

Nasa loob na ako ng banyo kaya agad ko namang hinubad ang shorts at ang upper clothes ko ng biglang..

*Door opens*

WATDAAAAPAAAKENING MAJIMBO!

"Malie? Nandiyan ka ba?", rinig ko ang boses ng inosenteng alien na dahan-dahang binuksan ang pinto ngayon sa banyo.

BUSHEET!

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH! UMALIS KA DIYAAAAAAAAANNNNN! BWAKANANG-INA MOOOOOO! BASTOS NA ALIEN!", natataranta kong sabi habang tinutulak at tinataboy siya palabas ng banyo. Bigla-bigla lang kasing pumasok eh! Taena. Buti nalang at hindi ko pa nahubad LAHAT ng nasa katawan ko.

"Eh ano ba kasi ang ginawa mo diyan?", tanong niya.

I just effin realized na hindi ko pala siya nasabihan at naturuan kung paano maliligo ang mga tao. What an egghead!

"Maliligo ako!"

"Ano yan?", tanong niya. Ay tae. Magtatanong pa talaga siya sa ganitong sitwasyon? Mawawalan na ako ng lakas sa kakatulak ng pinto didto! Ang lakas kasi ng alien na'to eh!

"Alamin mo nalang mamaya! NOW PLEASE UMALIS KA NA! You're interrupting my privacy here!", inis kong sabi sabay tulak sa kanya. Hindi pa kasi umalis eh! Leche tong alien na toh! Tatanda ako ng maaga neto.

"Ahh okey!", sabi niya at umalis na siya.

From now on, uumpisahan ko na ang pagla-lock ng pinto. Well, ilang years na kasi akong naka-stay dito sa bahay ng mag-isa kaya na immune ko na ang hindi mang-lock since ako lang din naman ang tao dito. At wala mismong makakasilip sa'kin.

BUT NOW, I'LL CHANGE EVERYTHING! It's because that damn alien is here! Putragis na mais.

Dali-dali na lamang akong naligo dito at ng matapos na ako ay nakita ko si V na nakaupo sa sofa. Napalunok naman ako sa laway ko nung dahan-dahan naman siyang lumapit sa'kin sabay sabing 'sorry'. I've felt relieved dahil alam na niya talaga paano mag sorry.

Pero bat ganon? I've kinda felt guilty. Hinahanap ko lang ng biglaan ang mga halik niya sa noo ko.

Gago, UMAYOS KA DIYAN MARISSA! Landi-landi mo na, yucks!

Ngumiti lamang ako sa kaniya at dumiretso kaagad ako sa kwarto para magbihis but before that..

"Better stay here. Don't follow me. Magbibihis lang ako.", sabi ko na ikinatango niya lang at umupo naman siya ulit sa sofa. Baka kasi susundan nya ako patungo kwarto eh. Jusmiyo marimar.

Kaagad naman akong pumasok at dali-dali ding nagbihis. I quickly combed my hair and also did a quick skin care. After that ay lumabas na ako and then I saw V, sitting on a sofa, his hair is blue, tapos nakayuko siya.

Malungkot ba siya?

"V? Okay ka lang?", Tanong ko. Aba'y syempre concern din ako sa tukmol na'to no! Caring kaya ako na tao.

Sobrang gulat ako nung tumulo talaga ang mga luha niya. Hindi po siya fake pero totoo talaga! Hindi siya made in china kundi made in Philippines talaga to. Real na real!

"V, malungkot ka ba?", tanong ko. From light-blue haired to dark blue real quick yung buhok niya. Kung malungkot siya, bakit naman? Malungkot ba siya dahil sinisigawan ko siya kanina? Malungkot ba siya dahil hindi ko sinasagot ng maayos ang mga tanong niya? Yun ba? Nakakalito!

"Naalala ko sina *sniff* mamo at papo *sniff*. Gusto ko na silang *sniff* makita.", sabi nito. Ay takte umiyak na talaga. Hindi normal ang pagiyak niya ah? Kundi, iyak pang kinder na inagawan ng lollipop.

"Ayan. Bat ka pa kasi tumakas kung mami-miss mo lang din naman ang mga pamilya mo?", tanong ko sabay kuha ng tissue atsaka ko pinahiran ang kaniyang mga luhang tumutulo. Ano ba naman yan! Nagmumukha akong nanay dito eh!

"Prinsipe kasi ako doon sa planeta namin at ipapakasal nila ako sa bruhang prinsesa doon. Kaya eto, tumakas ako." sabi niya. Ay bongga. May prince and princess din pala ang mga alien? Astig naman.

Paano kung ako yung prinsesa doon? Papakasalan niya ba ako? Ahahaha charot lang.

"Oo.", biglaang sagot niya.

"H-ha?"

"Oo. Papakasalan kita kung ikaw mismo yung prinsesa.", sabi niya. "Maganda kasi ang puso mo. Atsaka mabait ka din. Di kagaya ng prinsesa doon na bruha ang kalooban."

Putek! Nakakahiya 'yun! Paano niya nalaman na iniisip ko yun?!

Gago tatalon na yata tong puso ko sa kakanerbyos.

"Makakabasa kasi kami ng utak.", sagot niya.

Tumatango-tango naman ako ng parang timang dito habang pinapahiran ang mga tumatagaktak na pawis ko ng tissue. Ampotek kakaligo ko nga palang eh pero pinagpawisan na ako. Haeup.

"A-ah, ganon ba. So, ano plano mo? Babalik ka na ba?", tanong ko in a malungkot tone. Eh syempre mami-miss ko din tong makulit na alien na to no! To be honest, ang saya niya kayang makasama! Kahit na makulit siya pero masaya talaga siyang makasama.

"Hindi. Tsaka na ako babalik doon kung gusto mo ng sumama sa'kin." sabi niya at nagiging kulay yellow ulit ang buhok niya. Eyyy! Nag smile na siya! Napangiti naman ako bigla pero ano yung sinabi niya?

"Ah, mamaya nalang. Haha.", nahihiya kong sabi.

Gaga mukha akong pabebe dito.

"Okay so dito lang ako. Hindi muna ako aalis.", sabi niya. Napatango na lamang ako ngumiti.

Hindi MUNA ako aalis. So posibleng aalis talaga siya? Nakakalungkot namang isipin.

Edi wag mong isipin para di nakakalungkot. Obobs.

Corny. Di sa totoo lang, ayokong umalis siya dito eh dahil wala na naman akong kausap. Wala na din akong kalaro kundi back to normal na naman.  Tae. Drama ko sa buhay no?

Kunot noo ko naman siyang pinagmasdan nung bigla na lamang siyang tumayo at pumunta sa kusina. Sinundan ko siya at nakita ko na kinuha niya yung frying pan, spatula at bacon na nasa ref. Teka, marunong na pala 'tong magluto?

Sinundan ko lang siya ng tingin at ayun, nagluto nga siya. Talented talaga tong alien na to, tsaka hindi lang talented kundi fast learner din! Grabe napaka-gifted naman.

"You want?", tanong niya. Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang nagluto at inabot niya sakin yung bacon. Nakatitig kasi ako sa kaniya eh.

Kumuha din naman ako at tinikman yung bacon na niluto niya. And it taste lang heaven! Like seriously, it tasted delicious! Sakto lang yung pagkaluto at ang ganda ng lasa!

"Sarap!", sabi ko na ikinaning-ning naman sa mga mata niya. Oh, what was that? He's so freaking adorable!

---

Time check: 6:30 P.M na.

"V! Maligo kana!", Sabi ko sabay abot ng tuwalya sa kaniya.

"Paano maligo?", tanong niya. Oo nga pala nakalimutan ko. Hindi ko pala siya sinabihan kung paano maligo.

Guminhawa na lamang ako ng malalim at kinuha yung laptop ko sa kwarto. Nag search naman ako sa YouTube at pinakita ko sa kanya yung batang lalake na naliligo. Masayang nanonood din naman siya at maya-maya pa ay natapos na yung video kaya agad naman siyang pumunta sa banyo. Mukhang alam na niya ang gagawin niya. What do you expect? Fast learner nga eh.

Habang naliligo ang alien ay nagfe-facebook lang ako dito ng biglang nag 'Hi' si Mia sa'kin kaya nag chat muna kami.

And as usual, nag greet kami sa isa't isa then tinanong ko siya about sa trip niya, so ayun, okay lang daw, etc.

Pagkatapos sa chat namin ay tapos nading naligo si V. Pero ang problema ngayon, anong susuotin niya?

"Tapos na ako!", Sabi niya at talagang ngumiti pa ito. Proud na proud siguro siya sa kaniyang mga nagawang tama.

"Diyan ka lang. Kukunin ko ang damit mo.", sabi ko at kaagad namang umakyat sa kwarto ko para bigyan siya ng damit. Buti nalang at nakita ko pa tong black tshirt ko at yung isa pang kargo shorts. Mahilig kasi ako sa mga kargo shorts kaya pasalamat ako na marami akong ganito.

Agad naman akong bumaba ulit para ipasuot sa kanya yung damit. Marunong naman siyang magbihis pero the only problem is wala pa siyang brief. Alangan namang panty ang ipapasuot ko huhu di pwede yun.

--

Time check; 9:50 na at nakaramdam na ako ng antok. Nanonood pa kasi ng cartoon network ang alien na'to eh atsaka hindi pa ako pwedeng matulog hanggang sa matutulog na din ang alien na ito.

Tumingin ako sa kay V ngunit nagulat ako nung nakatulog na pala. Ay gaga. Paano na to? Di ko naman din kayang buhatin to dahil napakabigat niya.

At dahil wala talaga akong ibang choice ay ginising ko nalang siya. Aba! Kung hindi man to gigising, bubuhusan ko talaga ito ng tubig.

"V, gumising ka. Wag kang matulog diyan.", sabi ko habang niyugyug ko ang balikat niya.

Gumising din naman siya at sabay na lamang kaming pumunta sa kwarto pero syempre pinatay ko muna ang T.V bago kami tumuloy kaagad sa kwarto. Hoy, walang malisya ah! Matutulog lang kami.

So ayun nga, nandito na kami sa kwarto. Agad naman siyang humiga sa higaan niya sa sahig yung may foam at natulog na kaagad. Humilik pa nga, eh.

Humiga na din ako sa kama ko at natulog nadin pero syempre pray before sleep muna. Sana kayo din. Goodnight!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top