Alien 19:

Marie's P.O.V

So ayun nga..

Pagkatapos namin sa isang ride ay sakto ding nag aalas 12:00  na.

Kaya agad kaming nagsiktabuhan sa veranda at nagpicnic dun.

Tiningnan ko ang mga isa't isa sa kanilang mukha.

Lahat sila ay masaya, except sa kay J. Anyare neto?

Hindi na ako nag dadalawang isip at nilapitan kaagad siya.

"J? Anyare? Kanina ka pa malungkot dyan ah? Hindi kaba nag enjoy?"Tanong ko sa kay J.

Tiningnan niya lang ako tas bigla nalang ngumisi. Maypagka weird din tong alien nato eh.

"Ahihi wala! Nag da-drama lang si me. Don't cha wory, wala talaga akong problema. Oks?"sya.

Oh see? Weird NGA talaga. Nagawa niya pang mag conyo ah.

"Ahh...hehe...okey"ako at bumalik na sa pwesto ko.

"Okeh so, let's start eating!"sabi ni V sabay kagat sa sandwich. At kumain na din kami.

J's P.O.V

Nasan na ba yung putragis na shades ko! Kanina pa gigil na gigil si meh. Kulang nalang yata nag transform na ako dito into super tompak na saiyan. Lechugas na gas.

Shattap selp. Makikita mo lang talaga yun eh. Tiwala lang!

Find and find until you found diba?

Ay teka, ano nga yun? Nakalimutan ko yata eh.

Amp. Bahala na, basta ngayon nag sama-sama muna kaming kumain at na saya din.

"Akin nga tong gatas!"sigaw ni JK.

"Binigay to ni Marie sakin kanina eh kaya akin na!"JM sabay hila naman sa gatas.

"Amp! Sa akin nga to! Balibag kita diyan eh"JK at hinila na naman yung gatas.

Ang ingay sa mga taeng to.

At dahil sinira nila ang beauty ko, agad kong kinuha yung gatas na pinagaagawan nila at sinamaan sila ng tingin. A MONSTER one.

"Problema niyong dalawa?"kunwaring SERIOUS na tanong ko.

Syempre seryoso muna. Ako ang pinakatatakutan nila pag magalit eh. Oh diba? Bongga ba? Lol.

"SAGOT"inis kong tanong. Aba, naputulan yata ng itlog este dila. Ayaw sumagot eh. Amp. Gigil na ko ha.

"JM kasi eh!/ Jk kasi eh!"sagot nung dalawa na mas ikinasama ko pa ng tingin.

"And why is that nagaaway kayo sa gatas?"tanong ko.

Kinuha ko ang kanilang gatas na pinagawayan.

"Oh? May pangalan naman pala tong gatas nato"ako.

Nasa baba kasi nakalagay eh. Lol.

"Ay! Dalawa pala ang dinala ko and each milk ay nilagyan ko ng pangalan. Hehe sorry", sabi ni Marie. Isa pa to! Impakta talaga eh. Tss.

"Oh? Kanino yang gatas na yan?"tanong ni S.

"Kay JM"ako.

Nagulat ako nung biglang kinuha ni JM ang gatas at talagang binehlatan niya pa si JK.

Aba't lechugas na alien.

"Oh diba? Sabi ko sa'yo eh! Mang-aagaw ka kasi tss", sabi ni JM sa kay JK na ikinapout lang ni JK.

Oh shit. Iiyak na naman t--

"WAAAAAH yung gatas ko nasan na?", maiyak-iyak na sabi ni JK.

At dahil maingay ang halimparot na'to, agad kaming napatakip sa tenga namin. Talo pa yata megaphone dito eh. Buti nalang walang tao masyado dito.

"Oh eto"Marie sabay abot sa kay JK.

"*sniff!* t-thank you! *sniff*"JK.

Okay. Ang cute niya dun. Pero whatever! Maingay pa din siya. Ammp.

Nagpatuloy nalang kami sa pagkain hanggang sa lumipad ang mata ko sa picnic bag. And suddenly, may napansin akong plink glitters.

Napatigil ako sa paglamon at tinitigan ng mabuti yung pink glitters na nakakuha ng attention ko.

Sali-dako kong kinuha yung bag at hinanap ang letseng pink glitters na nakakuha ng attention ko.

ABA! SHADES KO YUN EH! Langya.

Marie's P.O.V

Pagkatapos kong binigay sa kay JK yung gatas ay nagpasalamat naman siya. Putek, that cuteness amp! Natunaw yata yung puso ko ng mga ilang segundo. Hahaha char lang.

Pagkatapos sa moment na yun ay nagpatuloy na kami sa pagkain. Akmang lalamunin ko na sana yung pagkain kaso napansin ko si J na kanina pa nakipagtitigan sa picnic bag.

Nakipag staring contest ba to? O sadyang nabaliw na talaga?

Nagulat ako nung kinuha nya yung bag at parang may hinanap.

Ay teka, baka yung shades niya?

"WAAAAHH! Tompak na pokpak nandito ka palang nagtatago sa langyang picnic bag na yan ah! Letsugas ka bebs! Blood, sweat, and tears akong nag-ipon ng lakas para mahanap ka lang impaktang shades ka! Ano ba kasi ginawa mo diyan?! Amp"J.

Kaimbyerna tong bakla nato.

Napatigil tuloy ang lahat sa paglalamon, even me.

"Ano tinitingin-tingin niyo diyan? Kumain na kayo! Naguusap pa kami sa putragis na shades nato", sabi ni J at humarap ulit sa shades niya.

"Pagamutin na ba natin yan?", tanong ni V.

"Oo nga, bigla akong napapaisip kung makakasalita ba yung shades", sabi naman ni JM.

"Oo nga. At talagang pinagalitan niya pa yung shades niya kung bakit sa picnic bag raw nagtatago. Malay ba natin kung nanganganak ng paa yang shades niya", sabi ni RM na ikinasama lang ng tingin ni J sa kanila.

"Che! Mga peste", pikon na sabi ni J at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Bali, sinuot na niya yung shades niya habang kumakain.

What do you think? Praning eh.

"Uy guysh! Habang naghihintay tayo ni J na matapos kumain, laro muna tayo"sabi ni JH.

Oh yeah. A game.

"Oh sige! Sure!"kaming lahat except J na ngayon ay nginunguya yung pagkain.

"Anong laruin natin?"tanong ni V.

"Truth or dare?"suggest ni JH.

"Aish! Too common!"sabi ni V.

"Wow ha! Ehhh ano sayo?"JH.

"I want to play riddles"suggest ko.

I love riddles.

"Oh cool! Shall we start then?"RM.

Kaya ayun, bigla nalang kaming napaenglish. Bwuahahha. Mga letse.

"Okay ako muna ang magtatanong sa kay JM"sabi ni V.

"Uyyy! Yung easy lang ah! Low pa naman ang IQ ko sa bugtong"JM.

"Geh, eto: Nandito na si oka, nagbubuka-bukaka"tanong ni V na ikinangisi bigla ni JM.

"Teka, bat ang sarap yata pakinggan sa last word?", biglang sabi ni JM na ikinabatok lang ni JK sa kaniya.

"Ganito talaga pag manyak eh. Tss. Ang libog libog!", sabi ni J na nakanguya sa pagkain.

"Oo nga! Ang bastos mo JM!", sabi ni JH na ikinataas lang ng kilay ni JM.

"Nagsalita! Tss", sabi naman JM sabay irap sa kay JH.

"Sumagot ka nga nalang! Balibag ko anit mo diyan eh", sabi ni V na ikinatawa ko lang ng mahina.

"Scissors! O ha? Mga letsugas! Marunong din akong sumagot ng tama mga dre. Hindi lang puro manyakis ang nasa utak ko! Tss", sagot ni JM.

"Mali!", sabi ni V na ikinakunot lang sa noo ni JM.

"Anong nakamali dun?", tanong ni JM.

"Gunting kasi ang sagot! Pre naman! Dapat kung tagalog yung tanong, syempre tagalog din ang sagot. Ulol", sabi ni V na ikinabatok ni JM sa kaniya.

"Letsugas ka! Ako na naman! Ehem, tumatago na si pedro, nakita pa d", pikon na sabi ni JM na ikinatawa lang naming lahat.

"Ako : Tumatago na si pedro, nakita pa din ang ulo"tanong ni JM.

"Giraffe?"sagot ni JK na ikinahagalpak sa lahat.

"Hahaha puchang sagot niyan. Mali! Guess it again!"JM.

"Huh? Pwede naman giraffe ah!", sabi ni JK.

"Think more JK, use your brain not your nose"JM.

Ahahahahahaha! Ang ilong pa talaga!

"Inano ka ng ilong ko ha?! Balibag kita dyan eh"Inis na tanong ni JK.

"Nevermind. Sagot na!"JM sabay ngisi.

"Ahm...pass"JK.

"Lah! Pass kana kaagad? Alam mo JK, ang galing mo sa math. Pero sa logic questions, hindi ka magaling"sabi ni JH.

"Wooow!! Nag salita ang hindi rin magaling sa logic"sabi ni JK na ikinasama lang ng tingin ni JH.

"Che! By the way...sagot ko ay Pako"JK.

"CORRECT!"JM sabay thumbs up.

Yun o! Magaling naman pala eh. Hahaha.

Laro kami ng laro dito hanggang sa matapos ng kumain si J.

Ang tagal kasi nyang kumain eh. Siguro mga 1 hour taga nguya? Lol.

Pagkatapos naming nag picnic ay umuwi na kami diretso sa bahay at saktong nakauwi na kami, diretso kaagad kami knockdown sa sofa. Yung iba ay nasa sahig at nakatulog na kami.

What a tired yet fun day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top