Alien 15:

Timecheck: 8:30A.M

Marie's P.O.V

Nandito kaming pito sa living room, wala, standby lang.

Ang boring pala pag wala si JM dito, sya kasi ang manguuna sa mga ingay eh, sya din ang mangunang gumawa ng mga biro.

Joker kasi ang buang na yun.

"Hayysstt...bakit kaya nilagnat si JM?"tanong ni JK na nagalala din.

Nagkibit balikat lang kami at yumuko.

"Nakakawalang gana talaga kapag wala sya, siya lang kasi ang nagbibigay energy sa amin eh"sabi naman ni J.

Lahat sila ay nagalala kay JM. Pati na nga ako eh.

"Wait lang ah, puntahan ko lang siya" sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko sya na nakaupo na sa kama. Gising na pala siya.

"Oh JM, okay ka na?"Tanong ko.

Kibit balikat lang sya.

Lumapit ako sa kanya para i-check yung lagnat nya.

Medyo nawawala na yung lagnat niya. And hindi na din siya gaano ka init kumpara kanina.

"Kaya mo na bang tumayo?"tanong ko ulit.

Nagkibit-balikat na naman siya.

Naputulan ba to ng dila?

"Tayo ka nga", sabi ko.

Agad naman siyang tumayo at tumingin sakin.

"Hindi na ba mabigat pakiramdam mo?",tanong ko.

Kibit balikat na naman.

Buset. Tanggali ko talaga yang dila mo eh. Ammp.

Bahala ka nga diyan! Tss.

Akmang aalis na sana ako kaso bigla humagalpak ng tawa si JM at talagang HAGALPAK pa na tawa.

Napangiti ako.

Okay na siya. :)

"Haha oo! Okay na ako", sabi niya at talagang humagalpak pa ng tawa.

Abnuy talaga to eh. Palagi nalang may saltik. Psh.

"Sure ka?"tanong ko.

Tumango naman sya at ngumisi.

Okay, ang cute niya dun.

"Ahh sige tara, punta tayo sa sala, nandun silang lahat, nag hintay sayo"ako.

Tumango lang sya at nauna ng lumakad papuntang sala.

[Sa sala]

"Thank Gosh! Sa wakas! Gumaling ka na din! Akala namin lalagnatin kana FOREVER at mawawala na dito sa world"sabi ni J in an O.A voice.

"Ulol. Mauna ka na! Ayokong mabawasan ang mga gwapo sa mundo no! Naku, mahirap na"JM.

Right. He is still JM. The MAYABANG at nasobraan sa self confidence. HAHAHA.

"Wait anong oras na ba?"tanong ni RM.

"Oras na para bumili ka ng sarili mong relo"sarcastic na sabi ni JK.

Ay bonggang ilong. Nice answer tol.

"Gaga! Si Marie ang tinatanong ko, hindi ikaw"RM.

Eh? Ako pala.

"Gaga ka din! Hindi din ikaw ang sinagutan ko"JK.

"Oh edi sino??"RM na nakangisi pa talaga.

"Ang hangin malamang"JK.

Luh. Kailan pa nabigyan ng bibig yung hangin? HAHAHA.

Pero kahit na hindi ko makita yung hangin, mararamdaman ko pa din. Gaya ng pagmamahal niya sakin. HAHAHHAA. Char lang dre.

"Waah! Eomma J! Gutom na ako! Luto ka pleashue!"pacute ni JK.

"Okey, wait lang kayo dito ah"J at pumunta sa kusina.

"WOY! BE SURE NA MASARAP YANG NILUTO MO AH! GUSTO KO YUNG SPECIAL!"Pahabol na sigaw ni RM.

"Oh sure! Kahit ang itlog mo pa yang lulutuin ko eh! Wahaha!"J.

Lah! Hanu daw?!

"J NAMAN EH!"silang anim.

"Haha sarreh! Nadulas lang"J at ngumisi.

Hahaysh, abnuy talaga eh.

Pero napansin ko na kanina pa tahimik si V at JM.

"May problema ba V? At JM?"tanong ko.

"Ha? Wala naman/Wala"V at Jimin.

At sabay pa talaga.

"Bakit mo naman natanong?"tanong ni V.

"Ahh kanina pa kasi kayo tahimik eh"sagot ko.

"Oo nga"JH.

"Ahh hehe. Tinatamad kasi akong magingay kaya tahimik na naman ako"sagot ni JM.

Ngumiti lang si V at yumuko ulit.

Problema neto?

Ah siguro may iniisip lang.

Naisip kong puntahan muna si J para alamin kong ano ang niluto nya.

Kaya tumayo na ako at naglakad patungo sa kusina.

"Uy! Saan ka punta?"tanong ni S.

"Kusina"ako.

"Ahh okeh"S.

[Sa Kusina]

*Whistling*

"Wow! Ang bango naman!"ako.

"Ay bakla ka!"J at humarap sakin.

"Juice meh! Ikaw lang pala! Ano gingawa mo dito?"tanong niya.

Naliligo dre. -_-

"Wala lang, just checking you out"sagot ko.

"Ah okey. Oh eto, tikman mo to"sabi niya sabay sandok ng sabaw para sakin.

Niluto kasi nya yung kaldereta. My peboret!

Inabot nya sakin yung sandok at tinikman ko din.

Isang tikim ko pa lang, nagniningning na kaagad ang mga mata ko.

"Ano na? Okay lang ba?"tanong niya.

"WAAH! 100% OKAY NA OKAY!"ako .

Grabe! Para akong nasa langit nung tinikman ko yun.

"Ehehe thank you"sya at ngumiti.

"If I'll rate this between 10 or 100? I really choose 100"ako.

"Hehe, thanks! Pero wag ka munang mag english ah? Naubos na kasi ang tissue natin dahil sa ka nosebleed ko eh. Hehe"siya at nagpatuloy sa pag stir ng kaldereta.

Ganern? Weh?

"Haha pasensya na. Nadala lang sa emosyon eh"ako at nag peace sign.

"By the way, tawagin mo na sila, kakain na tayo"utos ni J kaya agad din akong sumunod.

"HOY MGA KALOG! KAIN NA DAW TAYO!", sigaw ko.

"Wokeh! Cumming!", sigaw ni JM na agad na ikinabatok ni RM sa kaniya.

"Gago. Coming kasi yun!", V.

"Cumming nga!", JM.

"Hindi! COMing", V.

"CUMming", JM.

"Buset", V.

[KUSINA]

"Ngi! Ano yan?!"RM sabay turo sa kaldereta.

"Ulam malamang"J.

"Aish, What I mean is anong klaseng ulam yan?"RM.

"Yung ulam na makain at masarap"J.

"Ayy ewan ko sayo"RM

"Kaldereta yan"V.

Ay buti nalang nagsalita na yung kanina pang tahimik.

"Ahh okey, ikaw nalang ang bibigyan ko ng pink na regalo V. hehe"RM.

"Uyy! Joke hihi. Special Kaldereta yan. Akin na yung gift mo"J.

"Tss"RM.

Nag simula na kaming kumain.

Habang kumakain ako ay sinulyapan ko ng tingin si V, pero tahimik lang syang kumain.

Ano ba kasi ang problema neto?

Tatanungin ko nalang siya mamaya.

"Uy by the way, may lugar ba dicho na mashaya? Yung chipong mag enjoy ka chalaga!"Sabi ni JM habang nginunguya yung pagkain nya.

"Oo, meron naman"sagot ko.

Nasa plaza. Ang raming mga rides doon!

"Ah nasan?"tanong ni JK.

"Sa Plaza"sagot ni V.

"Ahh ganun? Pwede punta tayo doon mamayang gabi? Para bonding bonding lang, ahihi. Pleaseu!"JK at nagpacute pa.

"Ahm...ano...."ako.

Gash, ano ba talaga? Sa totoo lang tinatamad akong lumakad mamaya eh pero kakayanin ko nalang to, para nalang din sa kasiyahan nila.

"O-oo sige. Sure. Punta tayo dun"Ako.

At nag sigawan ang mga tukmol.

Tumayo pa talaga si JM sa ibabaw ng mesa.

"Hala Hoy! JM! Baba ka nga dyan! Abnuy ka talaga"pag sermon ni J sa kay JM.

Kaya nag pout nalang si JM at bumaba.

"Anong oras tayo pupunta dun?"tanong ni S.

"Alas 7:00 sa gabi nalang para cool!"JH at sumayaw pa.

"Okay sige. Punta tayo doon mamayang 7:00P.M"Ako.

"Yaayy!"sila lahat.

Napa iling iling nalang ako sa kanila at tumingin sa kay V,

Ngumiti ako sa kanya at ngitian din nya ako pero simple lang yung ngiti nya. Yung ngiti na may problema"

Ano ba talaga ang problema mo MAHAL KO?

Hindi sya gaanong maingay ngayon kompara sa noon.

Ay nako mahal ko, kung may problema kaman, sabihin mo nalang sakin baka matulungan kita dyan.

Tiningnan ko sya ulit...

Same expression pa din..

"Mahal ko, may problema ba?"Tanong ko.

"A-ay h-ha? Wala naman hehe. "Sya at ngumisi.

Abnuy din to eh. -_-

Pero seriously, parang may problema yata talaga sya.

I can see it in his eyes.

Hay nako.

Mahal ko, if you have a problem, just tell it to me, and I'm ready to help you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top