Alien 11:


Timecheck: 3:10A.M

Takte. Ang aga pa pala. Gusto kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog. Aish, bakit ba ang aga kong gumising ngayon?

Tiningnan ko lang si V na tulog mantika dito sa tabi ko. Pero infairness ah, ang cute niya sa posisyon na yan. Nakahug pa nga sa stuffed toy na binili namin eh. 

At dahil hindi na ako makatulog, dinala nalang ako sa mga paa ko sa terrace. Pagkarating ko doon ay agad kong nabungad si JH na nakatingin sa langit. Nung napansin niya ako ay bigla niya akong ngitian kaya ngitian ko din siya pabalik.

"Anga aga mo yatang gumising ngayon ah?", sabi ni JH sa'kin sabay tawa na ikinangiti ko lang.

"Haha, oo nga eh. Hindi ko nga din alam", sabi ko nalang at tumingin na sa langit. May nakita akong isang falling star kaya agad kong pinikit ang mata ko at nag wish. Syempre, secret langg yung wish ko. Haha. Malalaman niyo lang yan soon.

Nung tapos na akong nagwish ay inimulat ko na ang mata ko at tiningnan ang oras. Nagsuot kasi ako ng relo ngayon eh. Haha. Angas diba?

Timecheck: 3:30A.M. Takte, ang tagal pa naman palang mag sun-rise. Tiningnan ko lang si JH na nakayuko na ngayon.

"Gusto ko ng bumalik sa planeta namin", sabi niya nakayuko. Ang drama naman sa kabayong ito.

"Makakabalik ka din doon. Soon", sabi ko nalang sa kaniya na ikinatango niya lang. Yeah. Atsaka dapat, sasama na ako sa 'soon' na yan.

"Ano topic niyo diyan?"

Agad naming tiningnan kung sino yung sumabat sa likod namin pero si S lang pala. Ay wow, angas ah? Walang usok ang katok, tol?

"Gusto mo na bang babalik sa planeta niyo, S?", tanong ko sa kay S na ikinatango niya lang. I swear, gusto din ng iba na uuwi na sa planeta nila.


Timecheck: 4:20A.M

Pagkatapos naming nagusap nina S at JH sa terrace ay agad na akong pumasok sa kwarto ulit at humiga na sa kama. Pinikit ko na yung mata ko pero still, hindi pa din ako makatulog. Tae naman o!

Pumunta nalang ako sa terrace ulit at pinanood nalang ang langit. 


Timecheck: 5:50A.M

Gising na ang lahat kaya agad kaming pumunta sa living room para doon magtambay. Pumunta naman si J sa kusina para magluto at si S naman sa kwarto para matulog raw ulit. Ulol. Kaano-ano niya si sleeping beauty?

Bumalik ako sa kwarto ko at sinearch ko sa google yung "Tompak ganern planet'. At ayun, isang napakakulay na planeta ang lumabas. As in ang ganda talaga. Parang yung mga 'PASTEL' na color lang ang hinalo lahat.

Sinearch ko ang mga 'Alien sa tompak ganern planet' at nagulat ako sa resulta. Lumabas ang mukha ni V pati na din yung mga planeta niya. Wow. Ang famous naman nila. Inggit ako! >_<

"Mahal ko, halika na. Kakain na tayo", biglang sabat ni V na ikinasara ko kaagad sa laptop ko. Grabe! Hindi ba sila marunong kumatok ng pintuan?

"S-sige", sabi ko at sabay lang kaming bumaba ni V at lumakad patungo sa kusina.

Nasa kusina na kaming lahat at nagumpisa ng kumain. Walang asaran, at wala mismo ang nagingay kundi ang kutsara, tinidor at pagngunguya lamang ni JH.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming dumiretso sa living room para doon maguusap. 

"Uy mga tipaklong, laro tayo?", tanong ni JM habang dala-dala niya yung mga chips na iba't iba yung flavor.

"Ano ang gagawin mo sa mga 'yan?", tanong ni JK sabay turo sa mga chips na dinala ni JM.

"Iinumin siguro ko to, dre", pilosopang sagot ni JM na ikinatawa lang naming lahat.

"Aish! Ano nga?!", inis na tanong ni JK.

"Kita ngang pagkain to diba? Kaya syempre kakainin ko. Common sense uy! Lumalaki na ang ilong mo oh!", asar ni JM na ikinayukom sa kamao ni JK. Hala patay, baka mag rambolan na naman 'tong dalawang 'to.

"Alam mo JM, may tanong ako sa'yo", sabi ni JK sa kay JM at ngisihan ito pero inirapan lang siya ni JM sabay kagat sa chips.

"Spit it out, boy", pa-cool na sabi ni JM at talagang nakipag-apir pa sa kay S. Bago sinabi ni JK yung sasabihin niya ay nilapit niya muna ang mukha niya sa mukha ni JM.

"The fvck you are doing? Are you bading men? Gusto mo ko halikan?", nakangising tanong ni JM sa kay JK na ikinahagalpak ng tawa naming lahat. Wtf? Halikan? 

"Ulol. Asa! May dumi yang ilong mo o. Tanggaling ko sana", sabi naman ni JK sabay pitik sa ilong ni JM kaya tinawanan lang namin silang dalawa. Grabe, ang sarap panoorin sa live comedy show na'to. Nakakagoodvibes.

"Takte ka talagang ilong ranger ka, pag mapango talaga 'tong ilong ko, mababaog ka talaga sa'kin. Ano ba kasi yang sasabihin mo sa'kin? Sabihin mo nga!", inis na sabi ni JM sa kay JK.

"Alam mo, ang hilig mong mambully sa ilong ko. Inaano ka ng ilong ko ha? Tsaka bakit ang pandak mo? Nasan ka nung umulan ng cherifer at growee, ha?", tanong ni JK na ikinahalakhak na ng tawa namin dito.

"Inaano ka din ng height ko, ha? Ipako kita eh. Nasan ako? Nasa bahay ng girlfriend ko. Nanonood kasi kami ng po--ARAY! DEPUNGAL KA TALAGA!", inis na sabi ni JM sabay batok sa kay JH. Hindi niya kasi natapos ang sasabihin niya dahil bigla na siyang kinurot ni JH.

"Po? Patungo na naman ba sa 'Porn' thingy na yan, ha?", tanong ni JH sa kay JM pero tinawanan lang siya ni JM. 

"Porn?! Anong porn? Hindi no! Ang dudumi talaga ng mga utak niyo. Ang sasabihin ko sana kanina is nasa bahay ako ng girlfriend ko kasi nanonood kami POcahontas", sabi ni JM. "Ang dumi talaga ng mga utak niyo", dagdag niya sabay tawa.

"Palusot mo, JM!", sabay-sabay na sabi nilang lahat at sabay-sabay din silang tumawa. Mga buang talaga 'to eh.

"Guys! Pick-up lines tayo?", sabi ni V na ikinatango ng lahat. Haha jusme. Wala akong alam sa mga ganyang bagay.

"Sige! Marie, gusto mo sumali?", tanong naman ni J sa'kin pero agad naman akong umiiling-iling at ngitian lang sila.

"Haha kayo lang muna ang maglaro diyan. Quits muna ako", sabi ko sa kanila pero agad naman silang nag-pout. 

"Sige, ikaw nalang ang babanatin namin. Hahaha! For sure, sabog talaga ang obarya mo dito", sabi naman ni JK na ikinatawa lang ng lahat. Gago, sabog obarya talaga?

"Sige, ako muna. Ehem..Marie, gums ka ba?", tanong ni S sa'kin. Aba't ako pa talaga ang ginawa nilang extra. Mga ulol!

"Bakit naman?", tanong ko na ikinangisi lang ni S sa'kin. Takteeee! Wag kang ngumisi diyan! Ampp! Maawa ka naman sa puso ko o!

"It's because, I can't smile without you", sabi ni S na ikinahiyaw ng lahat. Waaah! Hanudaw? Hanudaw?! Can't smile without me? Charot naman.

"Okeh! Everybody stop laughing. Makinig kayo sa astig na banat ko. Ehem..Uy Marie, baril ka ba?", tanong ni JH sa'kin. Ulol. Mukha ba akong baril sa paningin niya? 

"At bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kay JH. 

"Patira naman o. Kahit isang putok lamang", sabi ni JH na ikinalaki ng mata ko. Kaya ayun, agad naman siyang nakatanggap ng batok mula kay RM. Haha. Letseng banat na yun, napakadumi!

"Hoy! Foot ka ba ha?!", inis na tanong ni RM sa kay JH pero ngumisi lang ito. 

"Yun o! Babanat na yung mukhang kurimaw. Bakit naman?", sabi ni JH na ikinatawa ko lang.

"Eh kasi FOOT-tang ina mo!", inis na sabi ni RM kay JH na ikinairap lang ni JH sa kaniya. Aba! Hahaha! Nice one. 

"Walang mag di-dirty pick up lines, okay? Mga leche kayo", sabi naman ni V na ikinatawa lang ng lahat.

"Ang saya kaya kapag may dirty pick-up lines", sabi naman ni JM na ikinahagalpak lang ng tawa namin.

"Mga ulol. Hoy JM! Cool ka ba ha?", tanong naman ni JK sa kay JM. 

"Ehehe, bakit?", pa-cute na tanong ni JM sa kay JK pero napangiwi lang si JK sa kaniya. 

"Kasi COOL-lang ka sa height", sabi ni JK na ikinahagalpak ng tawa namin.

"BOOM SAKLAP!", sabay-sabay na sabi namin at tumawa.

"Tangina mo JK! Eh ikaw? Ilong kaba ha?!", inis na tanong ni JM kay JK pero ngisihan lang siya neto.

"Haha bakit naman?", tanong ni JK.

"Hala himala, nagsasalita yung ilong", sabi naman ni JM na mas ikinahagalpak pa ng tawa namin. Seriously!?

"HAHAHAHA! IMBA", sabi ni JH at talagang gumulong na sa pagtawa.

"Hahaha! Tama na nga yan! Hoy RM, chicharon ka ba?", tanong ni J sa kay RM kaya agad namang napangisi si RM at tiningnan si J ng nakakaloko.

"At bakit mo naman nasabi yan, babe?", tanong naman ni RM na ikinangiwi lang namin. Haha. Ew, bromance.

"Ang ingay mo kasi kapag kinakain kita eh", sabi ni J sabay hampas sa'kin. Punyeta. Haha. Hampasin pa naman ako!

"Landi mo gago", sabi naman ni RM pero tinawanan lang siya ni J.

"Ah sus. Kinilig ka din naman. Halata eh. Pumula mukha mo o", sabi ni J sabay tawa na parang may naglilinis ng bintana.

"Mga gago", rinig kong sabi ni JM na ikinatawa ko lang.

"Uy V! Ikaw na yung last na babanat. Push mo yan!", sabi naman ni JK kay V.

"Sige. Uy Mahal, alam mo ba ang pagmamahal natin sa isa't isa ay parang 'Pabebe Girls' lang?", tanong ni V sa'kin. Ay bongga. Pabebe girls talaga? 

"Ha? Bakit naman?", tanong ko sa kaniya. Bago niya sinabi sa'kin yung sagot ay tumingin siya sa mga mata ko na hindi man lang kumurap. Luh, ang creepy niya. Hahaha!

"Kasi wala ng makakapigil sa'tin", sabi naman ni V na ikinapula ng pisngi ko. Takte! HANUDAW?! Walang makakapigil sa'min?! ASDFGHJKL! Someone! STOB ME!

"Boom kilig!", sabi ni JM. 

"Sweet nila o! Tang-ina", sabi naman ni S. Aba! At talagang nag-mura pa siya ah!

"AYIEEEEH!", sabi naman ng iba at talagang kinurot pa nila ang gilid ko. Mga leshe! Kapag ako ang makakurot sa inyo, tanggal talaga yang anit niyo. Sige kayo.

"Grabe. Gabi na pala. Hahaha! Magluluto muna ako ng ulam", sabi ni J sabay takbo sa kusina para magluto.

Timecheck: 6:20P.M at nanonood kami ng movie ngayon dito. At dahil napakatahimik namin dito, binasag ko nalang yung katahimikan at tumingin naman sila sa'kin.

"May Logic question ako", sabi ko na ikinangiti nila sa'kin.

"Uy Logic daw dre o. Favorite natin yan, diba?", sabi naman ni RM kay S na ikinatango lang ni S.

"Sige, ano yun?", tanong naman ni JK sa'kin.

"Okay so, may dalawang lalaki na naglalakad sa gubat, may nakita silang bata na nagdadala ng pugad kaya nagtanong ang dalawang lalaki sa pangalan ng bata, ang sagot naman sa bata ay 'Kung ano ang pandinig natin, ano ang dala ko at ilan kayong dalawa, yun ang pangalan ko'", sabi ko.

Nakakatawa ang mga reaction nila dahil yung iba ay nakatingin sa itaas at nag iisip while yung iba naman ay nakatulala lang.

"Ang hirap niyan ah. Teka iisipin ko muna", sabi naman ni RM at nag-iisip ulit.

"Hmm? Ang pangalan ng bata ay "TengaPugadDalawa?", tanong ni JM na ikinatawa ko lang.

"Nope, think again", sabi ko na ikinasabunot lang sa buhok ni JM kaya natawa ako.

"Aish! Ang hirap naman. Ano ba yung sagot?", sabi ni JH na ikinangisi ko lang. Haha. Ewan ko. Hulaan niyo.

"Pandinig natin is 'tenga' kung sa english ay 'Ear'. Dala ng bata kanina ay 'pugad' kung sa english ay 'nest' at ilan ang lalaki sa storya ay 'dalawa' at kung sa english ay 'two'. So ang pangalan ng bata ay si EarNestTwo? Ernesto?", sabi ni Suga na ikinatango ko lang at agad naman kaming pumalakpak. Finally, he got the correct answer.

"Woow! Galing mo naman S!", sabi ni RM. "Naunahan mo ako dun ah!", dagdag ni RM na ikinatawa lang ni S kaya kitang-kita namin yung shiny gums niya. Haha. Ang cute naman.

"KAINAN NA!", sigaw ni J kaya as always, tumakbo naman yung mga alien papuntang kusina. Tahimik lang kaming kumain at nung natapos na kami ay agad na kaming nagsipily and after that, pumunta na kami sa mga kwarto namin at natulog na.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top