Alien 1:
ENJOY READING GUYSEU! <3
####
Marie's P.O.V
"Now, let's all welcome, the Valedictorian! Marrisa Swarez!"
Clap clap clap clap!
Pinahiran ko muna ang precious luha ko sabay rampa na sa stage. Binigay naman sa principal ang diploma at ang mga awards ko sabay picture saglit then bumaba na.
Gosh, hindi ko talaga inexpect ang araw na'to na ma valedictorian pala ako. Thank you so much, Lord!
"Oh my gosh. Look at you! Carrying tons of awards. Congratulations, bestie! Proud na proud talaga ako sa'yo! Iniinggit mo talaga ang kokote ko." Sabi ni Mia. She's my childhood bestie. Until now, we're still carrying the friendship that we made ever since.
"Hehe, hindi naman masyado. Tsaka itigil mo nga yang inggit mo! Matalino ka din naman eh tsaka ako nga dapat mainggit sa'yo dahil ang galing mo sa mga arts! Wala akong talent nyan eh." sabi ko ngunit ningitian niya lamang ako at hinampas.
Nasa Korea ang pamilya ko. Walang ibang umattend sa graduation ko kundi kami lamang ni Mia ang magkasama. Pero okay lang din naman and I understand lalong-lalo na't busy'ng-busy talaga sila sa trabaho.
As of now, bakasyon na! Yes! Sa wakas makapag relax na ako sa bahay. Nakakapagod ang journey sa klase pero grabe ang worth it!
"Oy bestie! Online ka mamaya ah?"tanong ni Mia sa'kin habang hinuhubad ang kaniyang heels.
"Sige sure!", matipid kong sagot tsaka siya ningitian ng matamis.
After graduation ay umuwi na ako mag-isa. Hindi ko kasabay si Mia ngayon dahil magkakaroon sila ng family overnight sa isang resort para doon i-seme-celebrate ang graduation ni Mia. How cute!
And habang naglalakad ako papunta sa bahay namin, pinagtitigan naman ako ng mga tao ng dahil sa maraming awards na bit-bit ko na kung saan, ito ay nagbibigay attention sa kanila.
Bumati naman sila sa'kin, na kung saan kahit na hindi ko kilala yung tao ay bumati din. Syempre nagpasalamat na ako sabay ngiti sa kanila ng matamis. Hindi kaya ako masungit. Well, mga slight lang.
"Congrats Marie!"
"Thank you po!"
"Uy congrats pala!"
"Salamat po!"
"Omg congrats iha! Sayo ba lahat yan?"
"Ah, opo. Hehe, salamat po!"
And so on.
Haaay! Sa wakas! Nandito na ako sa black and white na bahay namin! Grabe, napayakap tuloy ako sa pintuan. Wala lang, masaya lang ako dahil makakarelax nako dito ng mahimbing.
Dali-dali naman akong pumasok at nagbihis na din. Dumiretso kaagad ako sa kusina para kumuha ng pagkain then balik na ulit sa kwarto para mag online.
Oo nga pala, ako lang mag-isa dito. Sanay naman din ako na walang kasama. I mean, gusto ko lang na mag-isa ako. Kaya heto ako ngayon, fully peace and alone. Atsaka only child lang din naman ako so...yeah.
Pero syempre sa akin din ang lahat ng kilos like magluluto ako kapag gutom ako, maliligo ako, manonood ng T.V, maglilinis like magwawalis. Inutusan kasi ako ni mama na dapat palaging malinis ang bahay para maganda tingnan. Atsaka, sino naman ang may gusto basta madumi yung bahay diba?
[Congratulations, baby! Kakatapos lang namin ng papa mo ang panonood ng live stream sa school mo. Narinig din namin na valedictorian ka! We're so very proud of you, anak!]", biglaang message ni mama sa messenger ko.
[Mama wants to video chat. Accept or Deny?]
Syempre wala ng pa tumpik-tumpik pa at kaagad ko ng sinagot ang tawag ni mama. Saktong pagka-accept ko ay bumungad kaagad ang mukha nina mama at papa.
[Congrats, baby! Namana mo talaga ang katalinuhan ng mama mo. Ang talino niyong dalawa super!] Sabi ni papa na ikinatawa lang din naman naming magpamilya.
"Haha hindi naman masyadong matalino pero salamat po ng marami!" Tipid kong sagot sabay ngiti ng matamis sa kanila.
[Pagpatuloy mo lang yan baby ah? Bibilhan ka namin ng regalo kapag makauwi na kami diyan] sabi ni mama na ikinabuhay naman ng mga tenga ko.
"Totoo po?!", gulat kong tanong.
Eh syempre magugulat ako dahil ngayon lang nila ako bibilhan ng regalo. Super duper busy kasi sila noon sa work. Pati ako nga din eh super busy sa school kaya nawalan na kami ng family time which is so very sad.
Walang pigil naman ang pagngiti ko nung tumango sina mama at papa sabay pakita sa kanilang sincere smile.
"Thank you po mama at papa! Salamat po talaga ng marami! I love you both so much!" Sabi ko na parang maiiyak na. Ay hindi, umiiyak na talaga ako diponggol! Aaaahh!
[As always you're welcome, nak! Oh cya, Out na muna kami ah? May importante pa kasi kaming gagawin dito eh! Goodbye baby! Saranghae!] sabi ni papa habang si mama ay nag goodbye wave lang sa'kin.
"Nado Saranghae po papa at mama. Byebye!" Sabi ko sabay end call na. Nag message din naman si Mia sakin at nakipag video call din.
[Wazzap], agad na bati ni Mia sa'kin.
"Hello! Napakabusy mo yata sa pag-iimpake ah?", sabi ko ng napansin ko ang makalat na kwarto niya.
"Ay oo nga pala I almost forgot, pupunta na kami ni Michael tomorrow sa U.S.A after we celebrate the semi-graduation ko ngayon. Doon namin i-celebrate ang aming 5th anniversary and I am so very excited!", excited na sabi niya at talagang tumili pa ito.
Kasintahan niya si Michael and they've been together since 3rd year highschool. Sana all, diba?
"Wow! Ang tagal niyo na palang magkasintahan no? But anyways, nandito lang ako palagi sumusuporta sa inyo! Stay strong ya'll!", sabi ko sabay finger-heart sa kaniya. Tumawa naman siya tsaka ako sinabihan ng 'baliw'.
"Eh, ikaw? Kailan ka pa makakahanap ng para sa'yo? Maghanap ka na! You know naman na life is short eh. Kaya go search some bibiboys! Want me to help you?", natatawang sabi niya sa'kin. Ito na naman siya sa kaniyang pang-aasar eh.
"Ay sus! Mamaya na 'yan! Baby pa ako sa mga bagay na 'yan. Tsaka, ayokong mag-jowa no! Dagdag stress lang yan sa buhay. Tsaka I don't care kung matagal as long as totoong pagmamahal.", kibit-balikat kong sabi ngunit hinagalpakan niya lamang ako ng tawa.
"Girl, sinabi ko na 'yan ng paulit-ulit noon and look at me right now, kinain ko lang ang mga pinagsasabi ko. And I know na kakainin mo lang din yang sinabi mo soon.", sabi niya na hanggang ngayon ay humagalpak pa din sa tawa. "Aight, out muna ako ah? Ang dami ko pa kasing gagawin ngayon eh. Mag-ingat ka diyan ah? I love you!", dagdag nito.
"Sige po. Byebye! I love you too! Mag-ingat din kayo sa byahe niyo!", sabi ko.
"We will. Ciao!", sabi niya as she ended the call.
Ano ba naman to! Kakagraduate ko nga lang ngunit namimiss ko na naman ang school. Ang boring kasi dito sa bahay, wala akong kausap kundi ang sarili ko. Wala akong kalaro kundi ang sarili ko din. Oh diba? Baliw na yata ako. Manood na nga lang ako ng TV!
Ini-on ko na ang TV at isang breaking news kaagad ang nabungad ko. Oh my gosh ano kaya ang mangyayari ngayon.
[Breaking News: Huli cam ang isang U.F.O na muntik ng sasabog sa langit dahil malapit na din itong mag crash at wala pang maski isang tao ang may ideya kung saan ito maglalanding dahil qnhbckstijqbphz gaovwivosugfvrqrdqduiekfbiwhrienskwmuqhsiwjsowi]
Tae. Ang bastos naman! Kitang nasa gitna yung tao sa panonood at talagang naloka na naman ang signal. Kainis! Kaya ayun pinatay ko nalang yung T.V at umupo lamang sa sofa. Ano naman ang gagawin ko ngayon?
At dahil nakaramdam ako ng init at gusto kong makalanghap ng hangin ay kaagad akong lumabas at tumungo sa aming veranda na kung saan, kitang-kita ko dito ang aming mala-asul na swimming poo--OH MY GOOOOOSSSSSSSHHHHH!!!!
Napahinto, napatitig, nanlamig, at na-glue ako dito sa kinatatayuan ko ng makita ko ang isang bagay na nasa veranda namin na kung saan, imposible ko talagang makita to in my whole goddamn life!
"A freaking U.F.O?!", gulat kong tanong sa sarili ko. Ay putek napasigaw ako dun ah.
Pero seryoso! Isang U.F.O nga! Sheesh, nakakatakot naman! Ang laki pala ng U.F.O no? Kaya pala nawala ang signal kanina dahil may bastos na nacrash dito sa bahay! At talagang sa veranda pa namin! Bwesit! Pero teka, bat hindi ko nararamdaman ang pag crash ng U.F.O? Na-mute ba? Aish!
Maya-maya pa lamang ay biglang may lumiwanag kaya agad naman akong nagtago sa likod ng kahoy at may napansin na may nakahigang nilalang sa lupa. Teka ano yung liwanag na 'yun? Paparating na ba ang mga angels?
Doon ko lang nalaman na may tao palang nakatayo. Well, shadow niya lang din naman ang nakita ko pero bakit parang ang gwapo na niya yata? Char!
Nagulat naman ako ng biglang natumba yung tao na kung saan, umuntog talaga yung katawan niya sa lupa. Takte! Ang sakit nun ah!
Lalapitan ko na sana ito kaso natatakot ako. Baka anuhin ako dito o baka nagpretend lang yan na mabait ngunit ito pala ay masama. Sheesh!
Agad ko namang kinuha ang stick na nasa tabi ko at slow-mo kong nilapitan ang nilalang na yun. Short steps lang din naman ang ginawa ko hanggang sa ilang inches nalang ako sa kanya.
Putik! Madilim na kasi kaya hindi ko makita ng maayos ang nilalang na yun!
So ayun, konting step nalang! Ang lapit ko na talaga sa kanya. Kaya mo yan, Marissa! Kaya mo yan! Wag kang matakot. Matapang ka, okay? Dali-an mo na. Kung buhay man ang nilalang na'yan, tusukin mo kaagad ng stick na parang siya yung barbecue.
Akmang hahawakan ko na sana yung buhok niya kaso bigla-bigla nalang itong umupo tapos nilibot niya ang kanyang paningin.
"MULTOOOOOOO!", pag he-hestrical ko nung nakita ko ang mukha niyang nakakatakot kaya tumago ulit ako sa likod ng kahoy.
Putspa yun! Nagulat talaga ako nun eh! Yung tipong tatalon na talaga yung puso ko sa kakaba! Atsaka, nakakatakot din ang kumag na yun dahil bigla-bigla nalang pumuti lahat yung mata niya. Pansin niyo yung mga mata sa horror movies? Yung maputi lang lahat? Oo, yun! Hayop!
Pinakalma ko muna ang sarili ko at sinilip ulit yung lalake--oo, lalake siya at nakita ko siya mismo ngayon na nakaupo. Sinadya kong sumitsit kung maririnig niya ba o hindi pero parang nalilito ito sa kakahanap ng boses ko. Narinig niya yata.
"Psst! Nandito ako! Hoy!" Sabi ko ulit. This time, nakita na niya ako. Napalunok naman ako sa laway ko nung nagkasalubong ang aming mata. Dahan-dahan naman siyang tumayo at dahan-dahan din itong lumapit sa'kin.
Ng malapit na siya sa kinatatayuan ko ay---what the heel?! Paksheet! Hubo't hubad pala tong lalake na to?! Ano ba! At talagang nagawa pa niyang tumayo sa harapan ko ah?! Lintek!
Bat hindi ko namalayan na hubo't hubad pala tong gurong nato?! Sheteng palaka. I can't believe na nakita ko yung ano niya! Yung ano niya! Basta yung ano niya! Yung eggplant niya! Takte yung mata ko putek nagkasala na ang mata ko!
Nakakita ako ng tarzan na live! Putek! Infairness ang laki at mahaba--oh shit no no no! Stop it, Marissa! Umayos ka diyan! Manyakis ka bwesit. There's no time for that!
"N-nasan a-ako?", Tanong niya sakin. Oh my golly yung boses niya ang deep! Tsaka...tsaka ang sexy! Okay, enough. Wala na akong oras. Ayokong tumingin sa kanya dahil wala siyang damit kahit brief man lang ay wala talaga! Tae naman o. Wala ba siyang damit? Hindi ba uso ang damit sa kanya? Goodness gracious!
"Diyan ka la-lang! M-may kukunin lang a-a-a-ako!", nauutal kong sabi atsaka kumaripas kaagad ng takbo sa kwarto ko. Kinuha ko yung kargo shorts at white t-shirt ko na may flower design at bumalik ulit sa kinatatayuan niya. Bahala na't mag mukha siyang bakla dito. Atleast may damit diba? Gosh.
Binalikan ko na siya at nananatili pa din siyang nakatayo doon. Aba't masunurin naman pala ang taong to.
Hindi na ako nagdadalawang-isip at inihagis ko kaagad sa kanya yung mga damit sabay talikod.
"S-suotin mo y-yan kung ayaw m-mong ilunod kita s-sa swi-swimming p-pool." nauutal ko na namang sabi sa kanya na nakatalikod. Syempre ayokong humarap! Letseng talong na fresh 'yan! Char.
"Ano...gagawin ko... dito? Paano... ba'to?", Bulong niya sa sarili niya na ikinarinig ko naman kaya humarap na lamang ako sa kanya at tumingin lamang sa mga mata niya. As in sa MATA niya lang talaga. Promise.
"Anong paano to? Anong ano to? Damit yan kaya suotin mo na! Bilisan mo! Naiilang ako sa hubo't-hubad na katawan mo eh!", sabi ko. Okay, hindi talaga ako tumingin sa ibang parte ng katawan niya kundi sa MATA lang talaga ako nakatitig. Promise ulit.
"Da...mit?", tanong niya habang kinakati niya ang kaniyang batok. "Ano iyan?", dagdag niyang tanong.
Hindi niya ba alam ang damit?!
"Damit! Ito o! Itong suot ko ngayon! Ito ang damit.", sabi ko sabay turo pa talaga sa damit na suot ko ngayon. "Ito ay gagamitin para matakpan ang mga bagay na hindi pwedeng makita!", pag-eexplain ko sa kaniya dahil mukhang wala talaga siyang alam kung ano ang damit.
Natahimik muna siya dahil tinitigan niya ang damit na sinuot ko at maya-maya pa lamang ay...
"Pano...ba...yan?", tanong niya.
Oh my gosh. Hindi talaga siya marunong?! Tao ba'to?! Hay nako! Nakakastress din tong lalakeng to eh. Lupa! Patayin mo na nga ako! Maygad!
Sinamaan ko lamang ng tingin yung lalake pero nabigla ako ng bonggang-bongga nung biglaan lamang siyang nag pout. Takte, ang cute niya dun! Pero, argh! Bahala na si Superman at batman.
Guminhawa na lamang ako ng malalim sabay kuha ng damit na nasa lupa. Unang pinasuot ko sa kaniya is yung kargo shorts. Okay so this is weird, ayokong tumingin sa ibang parte kundi sa mata niya lang talaga. Kundi pipikit nalang ako para sure.
"Bakit ka nakapikit?", biglaang tanong niya na ikinakunot ko lamang sa noo ko.
"Shh! Manahimik ka nga lang!", sabat ko naman.
"Okay."
Next is yung t-shirt na. Easy bihis lang din naman dahil madali lang siyang bihisan. And now, tapos na!
"Oh ayan! May damit kana!", sabi ko tsaka ko siya ningitian ng matamis. Napatitig naman siya sa akin kaya kinilig naman ako saglit. Heh, na love at first sight ata. Charot.
Tiningnan niya naman ang damit na nasa katawan niya and he then switched his gaze into mine again. Shet ang ganda ng mata niya, ugh.
Oy Marissa ang landi mo ha! Tumigil ka diyan. Balibag kita sa bubong eh.
Dahan-dahan naman siyang lumapit sa'kin atsaka hinawakan niya ang aking mukha. Akala ko pipisilin niya ang pisngi ko ngunit nagkakamali ako at napatulala sa ginawa niyang paghalik sa labi ko ng biglaan.
At dahil sa nagawa niya ay nasampal ko siya ng napakalakas.
"What do you think you're doing?! Nanghahalik ka ng tao na hindi mo kilala?! Ang bastos mo! Manyak!", inis kong sabi habang sinipa-sipa ko siya. Tae. Napakabastos naman sa nilalang na'to. Like seriously?! Sino naman ang hindi magugulat at magagalit kung bigla ka nalang hahalikan sa isang ewan na lalake aber? Adik yata 'to eh. Isusumbong ko talaga siya kay mama. Atsaka hindi lang to bastos kundi ISA DING MAGNANAKAW!
Oo! Magnanakaw siya! Ninakaw niya first kiss ko. Huta, sa prince charming ko pa naman yun. Huhu. Papatayin ko talaga tong lalakeng to! Bwesit! I'm sorry prince charming!
"Salamat.", sabi niya. WHAT THE HECK? Pakiulit po? Pakiulit? Salamat?! Aba't baliw talaga tong buang na to eh! Hinalikan niya ako tapos nag pasalamat pa? Langya! Nag-enjoy siya doon? KUNG GANON, HINDI AKO NAG ENJOY! Bwesit.
"Salamat!? Eh langya ka pala eh! Hinalikan mo lang ako ng ganun-ganun lang tapos nagpasalamat kapa?! Baliw ka?! Sa tingin mo ginusto ko yung ginawa mo?! Sa tingin mo mag 'we-welcome' ako sa salamat na 'yan?! Langya ka! Peste ka!", Sigaw ko sa kanya. Grabe, highblood na naman ako ngayon. Hindi na talaga ako kakain ng baboy.
"Hinalikan kita...dahil nagpapasalamat ako." sabi niya. Ano?! Anong klaseng pasalamat 'yan?! Atsaka gag* din to eh. Inulit pa niya talaga ang sinabi niya, tss.
"Aray." ungol niya. Nagulat naman ako nung may blue na likido na tumulo sa balikat niya. Dugo yata to eh. Pero teka, kung dugo ito, bakit hindi pula?
Oh...teka.
O______________O
Teka...ALIEN yata to eh! Kasi diba may U.F.O sa tabi niya? And that also explained kung bakit wala siyang alam at hindi niya alam kung paano suotin yung damit. His blood ay kulay blue din naman. And he even kissed me dahil nagpapasalamat daw--okay I don't wanna talk about that anymore.
And yeah, speaking of U.F.O, nawala na yung U.F.O dito. Parang nawala lang na parang bula. Nasan kaya 'yun?
"M-masakit ba?", tanong ko sa kanya na ikina-tango niya lang din naman. Ay gago ka din Marie, eh. Alangan namang aaray 'yan dahil nasasarapan? Malamang siya ay nasaktan! Kaya nga 'aray' diba kasi nasaktan. Bobita ka talaga.
Napansin ko na ang dami na palang lamok na dumadapo sa'min kaya napag-isipan ko na pumasok na lamang sa bahay pero syempre kasama ko ang nilalang na'to.
"Behave ka diyan. Kukunin ko lang yung medicine kit ko. Gagamutin ko yang pasa mo. Stay still." sabi ko atsaka kumaripas na ng takbo sa kwarto ko. Ng nakuha ko na ay bumalik na kaagad ako atsaka tumabi sa kanya para magamot yung dumudugo niyang balikat.
"Ayan, tapos na!", sigla kong sabi at ningitian siya. Nilapit na naman niya ang mukha niya sa'kin at...
Nangyari na naman! He just freaking kissed me ulit for the second time already! Freaking hell, papatayin ko na talaga 'tong alien na'to! Naiinis na talaga ako!
Pero bwesit, ang lambot ng mga labi niya. I mean...oo, ang lambot talaga. Atsaka...atsaka...ang sarap ulitin--HOYYYY BUANG KA tumigil ka diyan, self!
"Bakit ba kasi ang hilig mong humalik sa labi? Ganyan ka din ba sa nanay mo kapag magpasalamat ka?", inis kong tanong sa kanya ngunit tiningnan niya lamang ako ng walang ekspresyon.
"Ganyan kasi ang tinuro sa amin doon kung gusto naming magpasalamat.", sabi niya sabay yuko. Ha? Namin? Marami pala sila?
"Ano ka ba talaga?", straight to the point kong tanong sa kaniya dahil mabubuang na talaga ako sa kakaisip. Eh kasi kung alien siya, hindi dapat ganyan ang itsura niya! Putek na alien yan ang gwapo naman! Bwesit!
"Isa akong alien.", matipid na sagot din naman niya.
Maya-maya pa lamang ay bigla na lamang akong humagalpak ng tawa. Ewan! Wala naman sanang nakakatawa pero natawa lang talaga ako! Hindi ko nga alam kung bakit eh.
"Omg!", napahinto naman ako sa pagtawa nung nakita ko ang buhok niya na biglaang nag-iiba ng kulay.
"Ha?", tanong niya.
"A-ang buhok mo. Biglang nag kulay puti!", ignorante kong sabi sabay turo pa talaga sa buhok niya. Kulay itim kasi ang buhok niya kanina eh tas bigla-bigla nalang nagiging kulay puti.
"Ah, nalilito kasi ako.", sagot niya. Nakakunot lamang ang noo ko habang nakatigin sa kaniya dahil nalilito na din ako.
"Ha? Nalilito din naman ako pero hindi nagiging kulay puti ang buhok ko.", sabi ko. Medyo sumakit na din ang ulo ko kaya di ko naman maiwasang i-massage ito.
"Bakit, alien ka ba?", tanong niya. Ay wao galeng. Nasunog ako dun ah. "Let me explain.", sabi nito atsaka siya guminhawa ng malalim. "Una, tumakas ako sa planeta namin which is the tompakganernplanet. Pangalawa, isa akong alien. Pure alien. Pangatlo, magiging makulay ang buhok ko depende sa mood ko." , pag-eexplain niya. Ah, kaya pala. Then I guess that answered half of my curiosity.
"Oh, okay. So, ano pangalan mo?", Tanong ko sa kaniya para maiba naman ang topic.
"V.", simpleng sagot niya.
My forehead crumpled. "Ha?"
"V. Ang pangalan ko ay V.", pag-uulit niya.
"V lang ba? Wala kabang apilyedo?"
"Walang apilyedo ang mga alien.", sabi niya atsaka niya ako tiningnan ng diretso sa mata. Napatitig naman ako sandali sa kanyang mga magagandang mata. Eh paano, totoo din naman kasi na ang ganda ng mga mata niya.
Wait, why am I complimenting him all of a sudden? Argh! Erase! Erase!
Anong oras na ba? Kanina pa ako nagugutom eh.
Tiningnan ko ang oras and it reads 11:15 P.M. Malapit na palang mag-a-alas dose.
"V, makakaramdam ka din ba ng gutom?", Tanong ko sa kanya. Eh syempre papakainin ko din tong alien na to no! Goodgirl kaya ako.
Tumango naman siya sabay hawak sa kaniyang tiyan. "Ilang years na akong walang kain.", sabi nito.
"Years?!", gulat na tanong ko. "Hindi ba kayo mamamatay?!"
"Mamamatay. Pero hindi ko pa nararamdaman ang kamatayan ko.", sabi nito. Ay sana all makaramdam.
When kaya ako makaramdam? Hmm.
Pero seryoso, ang galing naman. Pero putek sa sinabi niya yata kanina, parang ako mismo ang mamamatay eh. Nakakaawa naman kasi yung years na ang dumaan tas wala ka pa ding kain.
Pero mas nakakaawa pa yung years na ang dumaan tapos wala ka pa ding jowa ahahaha! Peace.
Sige, ang O.A mo Marie. Eww.
"Ganon ba? Sige. Behave ka diyan at papakainin kita. Halika dito at sundan mo ako.", sabi ko sa kaniya atsaka ako naunang lumakad. Ramdam ko din naman ang kaniyang presensya sa likod ko na kung saan, sumunod talaga siya sa'kin. Masunurin na bata.
"V, eto ang kusina namin. Dito kami pupunta kapag makaramdam kami ng gutom.", pag-eexplain ko sa kaniya. Tumango naman siya at natawa ako dahil kinawayan pa niya talaga ang bubong. Parang tanga 'to.
Nagluto ako ng beefloaf ngayon at fried rice habang si V naman ay nanonood lang sa mga galaw ko.
"Ano 'yang ginagawa mo?", Tanong niya.
"Nagluluto para may makain tayo.", tipid ko namang sagot.
"Eh, ano yan?", Tanong niya ulit sabay turo sa frying pan na ginamit ko.
"Ah eto? This is a frying pan, ito ang gagamitin mo kong may lulutuin ka." Tipid kong sagot at nagpatuloy sa ginawa ko
"Wanna try it?", tanong ko sa kanya.
Tumango din naman siya kaya binigay ko sa kanya yung spatula at siya na mismo ang nagluluto ngayon. Napansin ko na ngumiti siya sa ginawa niya kaya hindi ko naman mapigilang ngumiti din. Ang super cute niya kasi eh!
"Tapos na!", masayang sabi niya sabay bigay sa akin ulit nung spatula. Umupo siya ulit at tiningnan ko naman ang niluto niya. And yes, tama talaga siya. Fully cooked na yung fried rice at beefloaf. Aba't napakatalented naman sa alien nato ah!
"Yes! Tama ka! Luto na ang pagkain.", sabi ko at ningitian ko siya. Ngumiti din naman siya sa'kin and suddenly, his hair just turned yellow.
"Are you happy?", tanong ko habang nilalagay ang mga pagkain sa mesa.
"Oo. Sobra!", sabi niya as he flashed a genuine smile at me. I froze when I saw his cute rectangular smile. It's just so freaking adorable!
"Okay, good. Be happy as always. But for now, kakain muna tayo.", sabi ko sabay bigay sa kanya ng plato.
"Pagkain din pala 'to?", sabi niya at nagulat naman ako nung bigla niyang kinagat ang plato. "Bat ang tigas? Tsaka, ang pangit ng lasa.", dagdag niya. Napakamot na lamang ako sa batok at inagaw ang platong kinain niya.
"Plato yan, V. Hindi ito pagkain.", sabi ko. Kumuha ako ulit ng isa pang plato at binigay ulit sa kaniya. "Wag mo yang kainin."
Nalilito na naman siya dahil bigla na namang nagiging kulay puti ang buhok niya.
"Bakit?"
Pwet mo may racket.
"Err, ang plato kasi ay hindi yan pagkain. Lalagyan mismo 'yan sa mga ulam at pagkain gaya ng mga ito.", sagot ko sabay turo sa beefloaf and fried rice at nagiging kulay black na ulit yung buhok niya. Mukhang na gets na niya ata.
"Eh, ano'to?", tanong niya sabay turo sa kutsara at tinidor.
"Yung oval-shaped ay 'kutsara' at yung may tatlong matulin naman ay ang 'tinidor'.", sagot ko. Tumatango-tango lang siya.
"Paano ba ako makakain nito?", tanong niya ulit. Aish! Ang kulit! Andaming tanong.
I sighed before answering his question. "Eto. Sundin mo ako." , sabi ko sa kanya.
Kumuha ako ng isang kutsarang fried rice at nilagay sa plato ko, same din naman ang ginawa niya and I can say that he's really a fast learner type. I like it! Madali siyang turuan.
At nung marunong na talaga siya ay nagiging yellow na naman ulit ang buhok niya. Napangiti tuloy ako. Ang cute niya kasi eh!
Maya-maya pa lamang ay tapos na ako at hinintay ko lang siyang matapos dahil nasasarapan daw siya sa pagkain. Plus, ilang years na din siyang walang kain so inubos niya talaga ang mga pagkain.
"Tapos na ako.", sabi niya na ikinatango ko lamang.
Kinuha ko na ang mga plato at nilagay ito sa sink. Napansin ko na kumunot na naman ang noo ng alien at nagiging kulay puti ulit ang kaniyang buhok.
"Ano na naman ang gagawin mo?", Tanong niya atsaka niya ako nilapitan.
"Huhugasin ko ang mga plato.", sagot ko naman at inumpisahan na ang paghugas.
"Bakit mo naman huhugasin yan eh madumi na yan diba? Pwede mo namang itapon." Sabi niya na ikinatawa ko lang.
Richkid yata 'to eh.
"No. We, humans, love to clean. Kaya ko nga huhugasin para magiging malinis ulit. At para magamit pa natin ito ng paulit-ulit.", sagot ko habang pinagpatuloy pa din ang paghuhugas ng plato. "Atsaka kung itapon ko man ito, mayayataps ako ni mama. Mahal niya kasi ang mga plato dito sa bahay eh.", dagdag ko. Tumango lamang siya.
"Ah. Paano yan huhugasin?", Tanong niya ulit. Gusto ko sana siyang sagutin na 'Manood ka na lang' pero magi-guilty ako eh. Gusto ko kasi na may alam siya sa mga household chores dito sa earth kahit konti man lang.
"Ganito lang, lagyan mo ng dishwashing liquid ang sponge tapos lagyan mo din ng konting tubig para mas magiging mabula siya. Then ikiskis mo ito sa plato sabay rinse and charaaan! Malinis na." , explain ko sa kanya. Tumango lang naman siya at bumalik na ulit sa kulay black ang buhok niya.
"Hindi ka pa ba napagod?", Tanong niya. Uyy, concern. Charot. Maalaga din pala ang alien na'to.
Umiiling-iling lang ako at nagpatuloy lamang sa ginagawa ko habang siya naman ay nanonood lang din.
"Eh ikaw? Di ka pa ba napapagod sa kakanood diyan?", tanong ko pabalik ngunit umiiling-iling lang din siya.
"Hindi ako makakaramdam ng pagod kung umiibabaw mismo ang kasiyahan ko.", sabi nito na ikinamangha ko lamang.
"Eh masaya ka ba? Parang hindi naman ah."
"Masaya ako dahil mabait ka.", sabi niya na ikinatulala ko lamang sa kaniya.
Mabait ako? Ako, mabait? Weh? Char.
Letseng puso na ito ba't parang bigla lamang itong kumabog ng malakas? Wala namang ka sweet-sweet ang sinabi niya, hmph! Charot ulit.
Nung natapos na ako sa paghugas ay agad naman akong umakyat sa kwarto ko. Syempre sumunod din naman ang alien sa'kin.
"Eto pala ang kwarto ko V. Welcome to my room!", sabi ko at agad ng humiga sa kama.
"Ang kwarto mo ay parang ikaw.", sabi niya na ikinakunot lamang sa noo ko.
"Bakit?"
"Maganda kasi.", sagot niya na ikinapula lamang sa pisngi ko. Wow ha! I didn't expect that. Magaling naman din palang bumanat ang mga alien.
"Baliw. Inaantok kana ba?", tanong ko sa kanya na ikinatango lang din naman niya.
Humiga na siya sa sahig pero nilagyan ko din naman ng foam para magiging maayos at mahimbing ang tulog niya. Binigyan ko din siya ng maraming unan at isang kumot para mas magiging komportable siya.
Ganyan ako kabait. :'>
"Goodnight V!", Sabi ko at natulog na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top