Chapter 5

Drich's POV

“May ibibigay ako sa'yo.” sabi ko sa kanya bago ako bumalik sa dressing room. Lumabas kasi ako kanina para bisitahin dapat ang dressing room ng mga kasamahan ko nang paglabas ko bigla nga kaming nagkabanggaan ng babae, kaya hindi na natuloy ang pagbisita ko. Nung nabangga ko naman siya, nakita ko sa likuran niya ang umiikot na singsing sa sahig.

Engaged na ba siya? Sayang naman...

Dinampot ko iyon pagpasok niya sa CR. Baka hindi niya ata napansin na wala na sa kanya ang singsing. Isasauli ko nalang 'to sa kanya mamaya.

Nung hindi pa siya nakalabas ng CR ay dumating at lumapit ang isa naming babaeng staff sa akin.

“O Drich, tumatambay ka dyan?Ayaw mong umupo muna sa dressing room?” tanong niya.

“Hinde,uh... nagpapractice kasi ako ng sayaw... Kaya dito na lang kasi malaki ang space.” sabi ko habang nagsasayaw.

“Ah... Ipaayos mo na 'yang buhok mo, tapos one hour before the concert doon na tayo sa backstage okay?”

“Sige. Thanks.” naglakad na siya papalayo at ako nagsasayaw parin. Nung hindi ko na siya nakita ay tumigil na ako. Napasandal ako sa pader at doon na lumabas yung babae galing sa CR.

Hindi ko naibigay agad ang singsing kasi baka pagalitan ako ng stylist ko pag nakita ako, baka sabihan ako na ang lahat busy dahil araw ng concert habang ako, nakikipaglandian sa babae. Hindi pwede yun!

Kahit hindi naman talaga 'yun ang dahilan.

Gusto ko pa siyang makita hanggang sa matapos ang concert.

Wala daw love at first sight. Infatuation lang 'to. Tama.

Pagpasok ko ng dressing room ay nagpaayos na ako ng buhok at outfit. Nahagilap ng mata ko ang isang jar na puno ng jelly beans. Binili ko 'to sa isang candy shop. Nung tinawag na kami para pumunta sa backstage ay bitbit ko ang jelly bean jar at ang singsing na nasa bulsa ko.

“Drich, magcoconcert na mamaya, kakain ka pa ng jelly beans?” tanong ni Johan sa akin pagpasok sa backstage.

“Hindi ko naman 'to kakainin eh. May pagbibigyan ako nito.” sabi ko at pinatong ang jar sa mesa na nasa gilid ko. “'Wag niyo 'tong gagalawin ah?Patay kayo sa'kin.” pagbabanta ko.

Pagkatapos ng concert...

“Congrats sa'ting lahat. Successful ang concert!” masayang bati sa amin ng manager namin.

“Tara na. Uwi na tayo sa hotel.” aya sa amin ni Yenjet. Ang pinakamatanda sa aming grupo.

“Teka lang Jet, may pagbibigyan ako nito na tao.” turo ko sa hinahawakan kong jar.

“Sige, hihintayin ka namin.”

Mga isang oras ata pagkatapos ng concert ay hindi pa nagsialisan ang mga dumalo sa concert. May closing VCR pa kasi na pinanood nila. Ngayon naglilinis na ng stage pero sana hindi pa umalis 'yung babae.

Paglabas ko, nakita ko parin siya sa pwesto niya kanina nung nagperform kami sa stage. May kasama siyang isa pang babae. Kaibigan niya siguro.

Nilapitan ko siya. Nilabas ko ang singsing na nasa bulsa ng pantalon ko pero parang nahihiya akong isauli 'to sa kanya?

Drich, ang dali lang naman niyan eh. Sabihin mo lang 'nalaglag kanina nung nagbanggan tayo. Oh ba't ka naman nahihiya?

At dahil nga nahihiya ako at tsaka nag sastutter ako pag ang taong kaharap ko ay seryoso. Seryoso kasi siya ngayon. Baka pag sauli ko sa singsing bigla siyang magwala. Eh pa'no 'pag aakalain niyang magpopropose ako? Mahirap na. Kaya binigay ko nalang sa kanya ang jar ng jelly bean.

“Ah... Para sa'yo.” inabot ko sa kanya ang jar. Nagniningning ang mga mata niya at ngumiti sa akin. Tinanggap niya ang jar.

“Salamat Drich.” nahihiya niyang sabi at namumula ang mga pisngi.

“Tara na Jeane... Uh, mauna na kami Drich. Congrats.” paalam ng babaeng kasama niya. Jeane 'yung name ng nakabanggan ko. Noted. Tumango ako at bumalik na sa backstage.

Paghawi ko ng kurtina ng backstage ay ang apat kong kasamahan ay nasa harapan ko at nakatingin sa akin habang nagkapatong patong ang mga ulo nila. So sinisilip nila kung anong ginawa ko kanina?

“Uh... Mga pre, selfie tayo...” imik ni Irvin na nasa pinakailalim, nakaupo na parang dumudumi, nilabas niya ang phone niya at narinig ko ang tunog ng camera shot.

“Nice...Ang ganda—oh, andyan na pala si Drich!” sabi ni Klint at lumapit sa akin tsaka umakbay. Naka poker face ako ngayon.

---

Jeane's POV

“Opo ma, dito po muna ako magpa-part time job... Eh sa boring po eh. Walang magawa dito sa bahay... Magsisimula po ako ngayon... Opo... Sige po... Babye.” binaba ko na ang linya ng telepono ko. Si mama yung kausap ko. Sinabi ko kasing magpa-partime job ako dito kasi walang magawa dito sa bahay. Eh maghapon kaming nasa kwarto ni Zelle. Para hindi ako mabore, nag-apply ako bilang housekeeper ng hotel. Summer naman eh. Kada oras ang sweldo, tapos ang nagsilbing manager ay yung lola ni Zelle.

Pumasok na ako sa hotel at nakasalubong ko ang isang matandang babae.

“Ikaw si Jeane, diba?” tanong ng matandang babae.

“Opo.”

“Ako ang lola ni Zelle. Tawagin mo lang akong Mamu. Sabi niya pinsan ka raw ni France. Gusto mong magpart time job dito?”

“Opo. Summer kasi, wala akong magawa. Ano po ba ang gagawin ko dito?”

“Halika iha...” umuna si Mamu sa paglalakad kaya sinundan ko siya. Mukha siyang nasa 40's pa kasi ang bata pa ng mukha niya. Pero sabi ni Zelle mga 50's na siya. Wow. Totoo pala yung age miracle? Yung 10 years younger ka daw? Wew. May binigay siya sa aking cellphone. Tapos ang nasa screen may parang mapa ng mga rooms.

“'Yan ang mga rooms ng hotel. Ang mga naka kulay gray ibig sabihin may naka-check in sa kwartong iyan. Sa kulay green ibig sabihin hindi pa nagagamit ang kwarto. Diyan ka sa mga kulay pula pumasok. Kasi nagamit na okay?” taray. Technology na ang gamit.

“Okay po.”

Pumasok kami sa isang kwarto.Kung saan ako ngayon ay may kulay yellow na bilog sa phone pagtingin ko. Kulay pula ang kwartong napasukan namin. Niligpit ni Mamu ang kumot sa kama.

“Kukunin mo ang dapat kukunin sa loob ng mga pulang kwarto. Bed sheets at blankets tapos papalitan ng bago. Ang Cr, cabinet, ichecheck mo kung may gamit na naiwan. Dapat maayos ang pagkalagay ng bed sheet at blanket. Ganito.” Dinemonstrate niya at nakuha ko naman agad nung ako ang nagpalit ng bedsheet.

“27 lahat ng kwarto na kulay pula. Kaya mo ba iha?”

“Kaya ko po 'to! Fighting!”

“Sige...Fighting! Gawin mo ng maayos ah?” Sabi ni Mamu at tinapik ako sa balikat.

“Opo. Salamat po.”

500 ang kabuuang rooms ng buong hotel.27 ang pula,54 ang green at 419 ang gray.

Umalis na si Mamu tapos may lumapit sa aking babae at binigyan ako ng damit na kakulay ng suot niya. Uniform daw nila 'yon dito. Pagkatapos ng pagbihis ko ay may binigay sa aking dalawang malaking net bag. Kulay pula at kulay berde.Ang pula wala pang laman kaya iyon ang bag kung saan ilalagay ang nagamit na bed sheets ng kwarto. Ang green ay mga bed sheets na malinis at iyon ang ipapalit sa kama ng mga kwarto. Nagsuot ako ng face mask at hairnet at sinimulan ang trabaho.

After 6 hours...

Umupo ako sa sofa ng kwartong huli kong nalinisan at pinunasan ang pawis ko.

“Grabe. 27 rooms lang, umabot ako ng halos anim na oras?” pagtingin ko sa relos ko ay mag aalas dos na ng hapon.

“Wooh...Hindi pala madali ang magtrabaho...” umalis na ako ng kwarto nang kakakita ko lang na lumabas ang isang kulay pula na bilog sa hotel phone.

“Last na 'to. Pagkatapos nito kakain na ako. Baka nalipasan na ko ng gutom nito eh.” sabi ko sa sarili ko at pinuntahan ang silid na kakacheck out lang. Nasa fourth floor ako ito ang floor kung saan ang pulang silid.

Pinasok ko na ang silid at sinimulan nang tanggaling ang bed sheets ng kama.

“Last naman na 'to Jeane. Kaya mo 'yan. Fighting...” kahit nanghihina na ako at nanginginig ang mga kamay ko dahil sa gutom.

Pagkatapos kong pinalitan ang bed sheets ay papunta na ako sa cr ng mismong kwarto nang pagbukas ko...

Isang nilalang ang nasa loob ng cr na nakatalikod sa akin. Ang sexy ng likod, medyo may muscles, ang tubig na tumutulo mula sa maitim niyang buhok...Ugh. Napalaki ang mga mata ko.

Lumingon siya ng padahan dahan sa akin at para bang nagssparkle yung paligid at naririnig ko ang tugtog na Careless Whisper mula sa isip ko.

I never gonna dance agai—

“Bastos.” Walang gana niyang sabi.

“AAAAAAAHHHHHHHHH” napakalas na tili ko at dali daling binitbit ang bedsheets at lumabas ng kwarto. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinanggal ko ang face mask ko para makahinga ako. Pawis na pawis ako at para bang hindi ko na nararamdaman ang gutom.

Nakita... Nakita ko yung abs niya. 6 packs! OMG. OMG. OMG. Isa na ata akong pervert na fangirl niya. Gosh.

Si Drich Juarez kasi yun. What the heaven.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top