Chapter 4

“Waaah!Manila!!!” napa tears of joy ako pagdating namin sa Manila. Kasama ko si Zelle. Bakasyon na at magsstay kami dito sa Manila ng isang buwan. May aasikasuhin pa kasi si Babes doon sa Davao kaya hindi na sumama. Ang saya talaga at nakapunta ako sa Manila for the first time *sniff

“Haha... Tara na Jeane, naghihintay na sa'tin ang ate ko sa labas...”

“Sige...” nagsimula na kaming maglakad habang bitbit ang mga maleta namin palabas ng arrival area.

Paglabas namin, nahagilap ng mata ko ang isang matangkad at maputing babae na nakatingin sa gawi namin ng Zelle.

“Cris!” Sigaw nito at kamakaway sa amin.

“Oh, Jeane, ate ko oh...” tinuro ni Zelle ang babaeng sumigaw sa pangalan niya. "Ate!"

Paglapit namin sa kanya ay agad itong niyakap si Zelle. Pagkalas ay ginulo ang buhok nito.

“How’s Davao my little sis?”

“Still Davao ate. So,where's baby Jasper?” tanong niya sa ate niya.

“He’s with Laurence. Naghihintay sila sa parking area. Oh, who's with you?”

“Ate, si Jeane, friend ko at pinsan ni France. Jeane, si Ate Garnet.”

“Hello po...”

Nginitian ako ni ate Garnet. “Halina kayo... Hinihintay na tayo ng mag-ama ko.”

Magsstay kami ni Zelle sa bahay nina ate Garnet at kuya Laurence. Yung bahay nila ay nasa loob ng isang beach resort na pag aari ng parents nina Zelle at ate Garnet. Nakaka relax sa resort nila. Ang lakas ng hampas ng hangin maging ang alon ng dagat. Alas tres na ng hapon at malapit na magsunset. Pagtuloy namin sa bahay nila ay nagpahinga ako saglit dahil na rin sa jetlag pati na rin si Zelle. Nasa iisang kwarto kami ngayon. Kwento pa niya bago kami magpahinga ay dito sa resort na 'to nagkakilala sina Babes. Bakasyon din daw 'yun. Mag i-isang taon na din ang nakalipas.

After ng isang oras na pagpapahinga ko ay lumabas ako ng bahay para mapanood ang sunset. Nagpalit ako ng damit, kung ang suot ko galing davao pagdating dito ay pantalon at sweater lang, ngayon ay white dress,may scarf at naka tsinelas lang. Inipit ko din ang gilid ng ulo ko ng bow clip at may bitbit akong ipod tablet.

“Haaa~ Ang sarap sa pakiramdam...” sabi ko habang pumipikit at dinadama ang hangin tsaka nagsimulang maglakad. Tinanggal ko ang scarf ko at nilapag sa puting buhanginan, umupo at pinagmasdan ang sunset.

Habang pinagmamasdan ang paglubog ng kulay kahel na araw ay napalingon ako sa gawing kaliwa ko.

Isang lalaking nakaharap din sa lumulubog na araw, naka headphones at ilang metro ang layo sa akin.

Naka sideview siya sa akin kaya kitang kita ang pagkatangos ng ilong niya. Maputi siya, pinkish na Kpop style ang buhok, yung mahaba na natatakpan ang noo niya. Naka shades at naka red checkered polo shirt. Ugh... Ideal guy siya. Ngayon lang ako naatract sa isang lalake, na naka sideview pa. At dahil sa naatract nga ako sa kanya ay binuksan ko ang ipod ko at ginuhit siya.

Una kong ginuhit ang buhok niya, ang ulo, tapos ang katawan. Nakaharap ako sa kanya habang ang ipod ko naman ay nakapatong sa lap ko. Iguguhit ko na sana yung shades pati ang labi niya nang pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din pala siya sa akin. Ayy? Parang kelangan ko i-erase dito sa part na 'to— Ah hindi nalang— Teka—ANO?Nakatingin siya sa akin?

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakumpirma ko ngang nakatingin siya sa akin. Medyo nahiya ako kaya tumalikod ako sa kanya at tinapos ang shades at lips part niya sa ipod ko. Pagtapos ko ay humarap ako sa araw at iniimagine ang mukha niya nung nakatingin siya kanina sa akin. Lumingon naman ako sa likuran ko kung saan siya nakaupo nang paglingon ko ay wala na siya doon.

Asan na yun nagpunta?

Nakibit balikat nalang ako at binalik ang tingin sa ipod nang magulat ako dahil may taong nasa tabi ko.

“Ay Diyos ko, santisima!” sigaw ko. Itong taong nasa tabi ko ay yung lalaking ginuhit ko. Alam ko na parang naweirdohan siya sa akin base sa labi niyang umangat ng konti.

“Oh Josefa Llanes Escoda...” Dugtong ko pa. Mas lalong umangat ang labi niya.

“Hehe... Nakakagulat ka kasi kuya...” sabi ko sa kanya. Pero hindi siya umimik. Gumalaw ng konti ang ulo niya at napagtanto kong nakatingin siya sa ginuhit ko sa ipod ko.

“Ah, ito ba kuya? Ginuhit kita, pero 'wag kang magalit sa akin ah? Ang gwapo mo lang kasing iguhit... Naatract ako sa looks mo...” sabi ko pero hindi parin siya umimik. Pipi ba 'to?

Imbes na umimik siya ay kinuha niya ang touch pen na hinahawakan ko tsaka nagpirma sa drawing ko. Artista lang ang peg? Bakit, nagpa autograph ba ako? Hindi naman ah? Feeling ata 'tong si kuya!

“Teka kuya—” magrereklamo pa sana ako ng nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. Napatingin ako sa drawing ko na pinirmahan niya. Pamilyar ang pirma niya, pero hindi ko nalang pinroblema kung saan ko ba nakita tong pirma na to kasi nakakasakit lang ng ulo. Hayy...

The Next Day...

Ngayon na ang concert ng R5. Nakabili na kami ng merchandise na binibenta para sa concert nila. Akalain mong fan din pala si Zelle ng R5? Kaya habang wala daw si Babes ay susulitin na niya ang maging fangirl. Si Irvin ang bias niya. Maaga kaming nakapila sa labas ng venue kung saan magaganap ang concert. VVIP ang ticket na binili namin. May dala akong maliit na sling bag na ang laman ay tubig na binili namin dito sa loob, extra shirt at towel tapos nakasasabit sa leeg ko ang regalo ni Zelle sa akin na HD cam. Naeexcite akong picturan ang grupo lalong lalo na si Drich.

Pagpasok namin sa venue, nakatayo na kami sa pinakaharap na seat row ng VVIP. Kung minamalas ka nga naman,nakalimutan kong umihi sa bahay bago kami pumunta dito. Malamig pa naman ang aircon dito.

“Zelle... Naiihi ako.”

“Huh?” biglang nagpanic si Zelle. “Teka tatawag lang ako ng ambulansya.”

“Ambulansya?” takang tanong ko.

“Ah hindi pala,tatawag ako ng pulis.”

“Pulis?”

“Ugh,tatawag ako ng—”

Napa facepalm ako. “Zelle,kailangan ko lang ng CR... CR lang Zelle...”

“Ah hehe, sorry naman. Pero hindi ko alam kung saan ang CR dito eh...”

“Okay lang, magtatanong nalang ako sa mga guards dito.” sabi ko at umalis sa kinatatayuan namin. Konti pa lang naman ang mga taong nakapasok kaya baka pagkatapos kong mag CR hindi pa masyadong masikip.

May nakita agad akong guard na nakatayo sa ibabang gilid ng malaking stage kaya nilapitan ko para magtanong.

“Kuyang guard, asan po yung CR dito?”

“Doon po sa loob ma'am.” turo niya sa loob ng itim na kurtina.

Hinawi ko ang kurtinang itim at biglang lumiwanang. Huh? Nasa langit na ba ako? Joke. Pumasok na ako. Nilalaro ko yung singsing na suot ko, tinatanggal tapos binabalik. Regalo sa'kin ni papa ang singsing na 'to. Naglalakad ako sa puting daan para hanapin kung saan ang CR—

“Aray ko!” napaupo ako dahil may nabangga ako sa may pintuan ng isang kwarto dito.

“Oh I'm so sorry...” sabi ng lalaking nagkabanggaan ko at tinayo ako.

“Okay lang po... Hindi naman masakit.” kahit masakit naman talaga. Pinigilan ko lang. Eh pa'no ba naman isang gwapong nilalang ang nasa harapan ko ngayon. Grabe ang gwapo niya talaga sa personal. Pwede na ata akong mamatay kasi nakita ko na ang mala anghel na mukha niya. Ang maitim niyang buhok, ang magagandang mata, ang mapupulang labi. Maiihi na nga ako, masakit pa ang pwet ko. Pero parang hindi ko naramdaman 'yon nang ngumiti siya sa akin. Nung hindi na siya ngumiti ay naramdaman ko ulit na maiihi ako at yung posisyon ko parang umuupo ka sa silya pero wala namang silya. Gets niyo?

“Are you okay?” concern niyang sabi.

“Hindi eh— Uh— A—s-san po yung—CR niyo—” pilit kong pinipigilan na hindi maihi sa harapan niya. Takte kung magpigil naman ng pagihi sa harapan pa ng idol mo!

“Pfft—Ah diyan sa ikalawang pinto mula rito. CR na 'yan.”

“Ah okay salamat. Ugh!Nakakahiya!” Sabi ko ng mahina at binilisan ang paglakad para makapasok ng CR.

Pagkatapos ng pagpigil ng ihi ay nakahinga na ako ng maluwag. Lumabas ako ng cubicle at humarap sa salamin.

“S-si Drich. Grabe ang gwapo talaga niya!” bulong ko at nagpipigil ng tili. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng ng CR.

Paglabas ko, nakita ko si Drich doon nakasandal sa pader na parang model. Gosh,parang mahihimatay na ata ako ngayon!

Nakatulala ako sa kanya at nang lumingon siya sa akin ay nagising ang diwa ko. Parang nag sslowmotion ang paglingon niya sa akin. Pati ang pagblink ng nakakaakit na mata niya. Ngumiti ako sa kanya nang naglakad siya papalapit sa akin.

“Anong klaseng ticket ang binili mo?” tanong niya.

“H-huh? Uh...VVIP, bakit po?”

“Okay. Pagkatapos ng concert lapit ka sa akin ah?”

“Huh?Bakit naman po?”

Bigla niyang nilapit ang mukha niya na siyang ikinagulat ko. Bumulong siya sa tenga ko.

“May ibibigay ako sa'yo.” sabi niya tsaka tumalikod at naglakad papasok ng kwarto kung saan siya iniluwa kanina. Wow ang sexy niya pakinggan. Parang inaakit ako. Yah! Wag ka ngang mag-isip ng marumi Jeanne! Bad Jeanne! Bad!

Pero, kakakita pa lang namin ngayon tapos may regalo na agad siya sa akin? Haba ng hair ko~~~~ char. Assuming lang talaga ang lola.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top