Chapter 3
“Ba’t ka pala nagtransfer dito?”
“Kasi baka dito ko na makikita si Mr. Right?” tumaas ang dalawang kilay ko. “Joke. Pero baka makita ko din siya dito. Actually I came from Manila and dito ako nagtransfer, as what my parents wanted.” tumango tango nalang ako.
Siya yung magandang babae na nakita namin ni Ram kanina sa may school gate. Her name is Jasrah. Nagkataon na naging kablock ko siya. Sa isang subject nga lang. Nakilala niya ako kasi nakita niya ako sa isang magazine dahil sa pagkakapanalo ko ng pagiging photographer ng buong district ng Davao.
Biglang sumulpot si Ram at inakbayan ako. “Jeanne! Buti nakita kita dito!” inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko tsaka may binulong. “Tulungan mo kong ligawan siya ah?”
“Uh, Jeanne?” nilingon ko si Jasrah nang tawagin niya ako. “Siya yung kasama mo kanina dun sa school gate diba?”
“Ah oo. Nga pala siya si—”
“Hi miss beautiful. My name's Ram.” inabot niya ang kamay niya kay Jasrah. Tinanggap naman niya iyon.
“I'm Jasrah. Sorry pala tinarayan kita kanina ha? Bad mood kasi ako nun hehe."
"Okay lang." Mahinang sabi ni Ram. “Grabe inlove na ata ako sa’yo.” bulong pa niya. Sapat na iyon para marinig ko.
“Uh,sorry? Anong sabi mo?” pag uulit sa kanya ni Jasrah.
Binitawan na ni Ram ang kamay ni Jasrah at hiyang nakaupo sa tabi ko. Kumamot ito sa batok niya. “Ano... Ang sabi ko... Water resistant na pala ang posporo.” at nagfake smile.
“Ah ganun pala...” tumango tango si Jasrah at hindi na pinansin ang weirdness ng katabi ko. “Nga pala, una na ako ha Jeane? May pupuntahan pa kasi ako.”
“O sige Jasrah. Bye.” kumaway ako sa kanya.
“‘Wag ka munang umuna, bata ka pa, at tsaka mamahalin pa kita.” bulong na naman ng katabi kong nakatulala kay Jasrah na naglalakad papalayo sa amin. Binatukan ko siya para mabalik sa katinuan.
“Hindi yun masakit Jeanne.” sarkastiko niyang sabi. “Aray naman! Ang sakit mo talaga mambatok eh noh?!”
“Late reaction lang? At tsaka Ram, yang sinasabi mong tutulungan kitang ligawan mo si Jasrah? Hah, manigas ka diyan dahil wala akong maibibigay na tulong sa iyo kahit katiting lang!”
Hinawakan niyang ang dibdib niya na kunwaring nasasaktan. “Ang sakit mo naman magsalita Jeanne...”
“Hindi ako lalake kaya ‘wag ka sakin manghingi ng tulong. Pwede ngang gawin mo ‘yang mag-isa,na walang tulong sa iba.”
“Hindi naman pwede ang mga kabarkada ko baka hiwalayan nila girlfriend nila at babawiin sa akin si Jasrah. Hmp! Kaya ko to! Gagawin ko 'to mag-isa! Kailangan kong mapasagot si Jasrah!”
“Mabasted ka sana.” asar ko sa kanya at iniwan siya sa cafeteria.
***
“Babes, punta ka sa condo ko ha?” Sabi ni France sa akin pag dismissal namin. Binigay niya sa akin ang papel na ang nakasulat doon ay pangalan ng condo at ang condo unit niya. 2 years ago kasi nasa Manila siya kaya matagal ding hindi kami nakapagbonding. Namiss ko ang Babes ko.
“Sige anong oras ba?” tanong ko
“Seven. Doon ka na magdinner.”
Nang nasa parking lot kami nakasalubong namin si Cris.
“Oh Cris?” bati ni Babes kay Cris.
“Ang tagal mo ha, kanina pa ko nakatayo malapit sa kotse mo. Psh.”
“Ang moody mo naman Cris. Uy sabay ka na sa'min Babes.”
“Uh hindi na, baka makaabala pa ko sa inyo.” tanggi ko.
Umirap si Cris. “Buti alam mo—bakit? Totoo naman ah!” tiningnan kasi siya ni Babes ng masama.
“Kung hindi lang kita mahal, kanina pa kita sinapak ah. Ang sama ang inasta mo kay Babes!” parang mapupuno na ata si Babes pero 'yun ang dahilan kung bakit napangiti ako. "Pero joke lang. Mahal kita eh."
“Sorry na, okay? Uh, 'yung babes mo mukhang baliw na ata.”
Kumurap ako at tumawa ng malakas. “Alam mo babes, mauna na talaga ako. May gagawin pa kasi ako sa bahay eh.”
“Osige, bye Babes. Ingat ka.” Lalapit pa sana si Babes sa akin para yakapin ako ng harangin siya ni Cris.
“Bakit Cris?” takang tanong ni Babes.
“Nagmamadali ata yung babes mo. Sige na, uwi ka na.” tinataboy na ko ng girlfriend niya kaya umalis na ko.
***
Nasa kwarto ako nang magring ang phone ko. Unknown number ang tumatawag.
“Hello?”
[Hello,uh Babes ni France.Tss]
“Cris?O bakit?”
[Kahit na nakakairitang tawagin mo 'kong Cris dahil hindi tayo close, pwede bang magkita tayo sa coffee shop? Di ba pupunta ka sa condo ni France?]
“Oo, pupunta ako doon. Teka, pa'no mo nalaman?”
[Siyempre tinanong ko siya. Tss. Pwede bang magkita tayo sa coffee shop malapit sa condo niya?]
“Uh... Okay sige—”
[Thanks.Bye.] At agad binaba ang linya. Ang taray niya ah. Grabe naman ang taste ni Babes. Haha joke lang.
***
“Criszelle Rodaje.” inabot ni Cris ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman 'yon.
“Jeanne Ruiz.”
“Magpinsan ba talaga kayo ni France?” takang tanong nito sa akin matapos namin mag shake hands.
“Oo naman.”
“Ah... Whatever. Bakit Babes ang tawagan ninyo?”
“Siya ang pumili niyan. Para daw mukhang magbf at gf kami.”
“Eh ngayong may gf na siya bakit Babes parin ang tawagan?”
“Pake mo?” tinarayan ko siya for the first time.Hahaha.
Natigilan siya at tumahimik na lang.
Tumawa ako ng mahina. “Tawagan na talaga namin 'yon habang buhay. Kayo, wala ba kayong endearment?”
“Ayaw niya daw sa mga endearment eh.”
“Bakit daw?”
“Eh sabi niya, pangalan ko pa lang parang endearment na. Ang sarap daw pakinggan ang pangalan ko.” Napangiti ako nun. “Oy Jeanne ‘wag mo kong ningingitian. Nakakakilabot.” sabay irap nito.
“Haha. Kanina mo pa ko tinatarayan Zelle ah.”
Pagsabi ko ng Zelle ay napatingin agad siya sa'kin at ngumisi. “Gusto ko ‘yang Zelle ah. Wala pa namang tumatawag sa akin ng ganyan.”
“So, punta na tayo sa unit ni Babes?”
“Sige.” Binitbit na namin ang bag namin pati ang biniling Macchiato. Hindi namin ininom pa dahil magdidinner kami sa unit ni Babes. Kasi hindi alam ni Babes na kasama ko si Zelle kaya isu-surprise niya ito.
Habang nasa elevator kami ay umimik si Zelle. “Pwede ba kitang maging friend?”
Napatingin ako sa kanya.
“Eh kasi loner ako sa school. College na college wala akong naging friends. Eh, close na close din kasi kayo ni France. So pwede bang maging friends tayo?” patuloy pa niya.
“Oo naman.” sabi ko at ngumiti.
Nabigla ako nang niyakap niya ako. “Yey!Thank you Jeanne!”
Akala ko mataray talaga siya. Masayahin naman pala siya at mabait. Swerte ang minahal ni Babes.
Nang nasa harap na kami ng unit ni Babes ay pinindot namin ang doorbell. Lumabas ang isang makisig at gwapong lalaki.
“Babes—Oh Cris!Buti naisipan mong bumisita dito!Nakasabay mo si Babes?” bati niya sa aming dalawa.
“Obvious ba?” mataray na tanong ni Zelle.
Napakamot nalang ng ulo si Babes. “Hehe...Halika,pasok kayo.”
Nang makapasok kami,namangha kaming dalawa ni Zelle dahil sa elegante ng condo niya.
“Wow,ang ganda.” komento ni Zelle.
“Mas maganda ka.” banat naman ni Babes. Biglang namula si Zelle. “So kain na tayo?” dahil diyan, tinungo na namin ang dining room.
Nang makita namin ang mga nakahanda sa mesa ay gusto kong nang lamunin na agad ang mga nakakalaway na pagkain dahil sa sarap nito. Gutom na gutom na talaga ako.
***
“Grabe, busog na busog talaga ako...” sabi ko habang hinihimas-himas ang tiyan ko sa busog.
burp!
si Zelle 'yon.
“Hehe... Ang sarap kasi ng mga pagkain na niluto ni France.”
“Salamat sa pagkain Babes.” ani ko.
“Wala yun noh...”
Nagexcuse ako sa kanila para magpatunaw ng kinain at pumunta ng terrace. Malamig ang hangin at hindi maulap. Maliwanag ang buwan. Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko at nagbukas ng twitter ko. Habang nagsscroll ako ay nakita ko ang isang tweet na halos mapasigaw ako sa tuwa.
“May concert na naman ang R5!” tili ko at nagsuntok sa hangin. Gusto ko talagang makapunta sa concert nila. First time ko 'to kaya hinding hindi ko 'to palalampasin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top