Chapter 1


Pinatong ko ang ulo ko sa desk at pumikit.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Maya maya ay narinig ko na nagsalita si Meg,ang kaklase ko, na nasa tabi ko.

“Natutulog ata...”

at dun ko naramdaman na may humahaplos sa ulo ko. Alam ko kung sinong kamay ang nakapatong sa ulo ko ngayon.

Unti unti akong dumilat at umayos ng upo.Hinawakan niya ang kamay ko

“‘Wag ka namang sumuko oh...”

“Hindi ako susuko... Hindi pa ako susuko...” Umupo siya sa harapan ko. “Bakit kasi may ganito pang problema...”

“Bakit?Nagsisisi ka na bang minahal mo ako?”

Nagulat ako sa tanong niya. “Kahit kelan hindi ako nagsisi na minahal kita,tandaan mo 'yan.” Nakailang buntong hininga na din ako. “Susuko na?”

Nanlaki ang mga mata niya. “No.” Nerbyos niyang sabi. “Walang sukuan... Please...”

Kung susukuan ko siya...

Kung ipaglalaban ko siya...

May maglalaho. May magbabago.

++++++++++

“JEANNE!!!!!!!”

“Oppppoooo!” sigaw ko.

“Ano bang ginagawa mo diyan! Maglinis ka na! Daig mo pa ang preso sa kakakulong mo diyan sa kwarto mo!”

“Oo na! Eto na po!” dali dali akong lumabas ng kwarto at agad hinanap ang walis.

Nang makasalubong ko si mama ay agad niya akong kinurot sa tagiliran.

“Aray naman ma! Ang sakit nun ah!”

“Bagay lang 'yan sa mga taong kasing bagal mo! Daig mo na nga ang preso, daig mo pa ang pagong!”

“Ma naman! May ginagawa lang kasi ako.”

“Oh ano namang kinabibusyhan mo diyan sa loob ng kwarto mo?”

Kumuha muna ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. “Kakauwi lang kasi ng R5 dito galing sa concert sa ibang bansa kaya madaming media daw ang nandoon sa airport. Kaya nagsesave ako ng mga pictures tungkol doon sa paguwi nila.” sabi ko bago ko ininom ang tubig.

“Wala akong pake sa R5 mo na 'yan. Hala sige maglinis ka na.”

“Grabe talaga 'tong si mama, hindi suportado sa pagiging fangirl ko.”

“Bahala ka diyan. Aanhin ko naman 'yang R5 at 'yang pagiging fangirl mo? Hindi naman ako interesado diyan.”

“Eh kasi po hindi pa po yun nauuso sa sinaunang panahon ninyo.”

“Sinaunang panahon namin, ganun? Ganun pala Jeanen? Ha? Walang allowance next week. Period.”

Nabigla ako kaya agad kong nilapitan si mama at niyakap. “Ma naman... Alam mo bang napaka importante sa akin ang allowance? Kung hindi mo ako bibigyan sa monday, alam kong magkakagulo ang mundo, pati narin ako...”hindi ako makakapayag na walang baon sa araw araw!

“Ewan ko sa'yo. Baliw ka na Jeanne. Sige na,kanina pa kita inutos na maglinis pero wala ka pang ginawa kahit na ano.”

“Anong wala? Eto nga ako naglalampaso po ako ng sahig. Tsinelas ang gamit ko kasi hindi na uso ang bunot. Oh may ginawa na ko ma.”

Parang nainis si mama kaya nagwalk out na lang. Tinawanan ko nalang siya.

“Eto talaga si mama andaling mapikon! Hahaha!”

Ako si Jeanne Ruiz. 2nd year college. Isang fangirl ng dance group ng bansa na R5. Ang mga myembro ng R5 ay sina

Drich Juarez- 20 years old. Ang idol ko. Masayahing tao. Minsan weird, minsan seryoso. Ang cool niya sa stage, pero pag off stage, mahilig siyang mantrip.

Yenjet Robles- 22 years old. Ang pinakamatanda sa grupo. Siya ang leader. Karapat dapat naman talaga siyang maging leader kasi mature siyang mag-isip. Hindi kagaya ng mga myembro niya na magaling lang sa kalokohan. Tsk. Tsk. Pero minsan lang 'yan nakikisabay sa kalokohan ng mga myembro niya.

Johan Figueroa- 21 years old. Tinatawag siyang 'Choreographer Johan' kasi sa galing niya na gumawa ng steps. Halos lahat ata ng sinasayaw nila dumadaan sa choreography niya. Pilyo. Mahilig yan mang asar.

Klint Cervantes- 20 years old. Partners in crime sila ni Drich. More like kalokohan.Nagkakaintindihan na agad kahit nagtitinginan lang sila. Green minded guy.

Irvin Castillo- 19 years old. Ang pinakabunso sa grupo. Ang binansagang 'Demonyong Vin' dahil sa pang-aabuso sa mga kuya niya.

Pa'no ko nalaman ang mga ganyang description nila? Fangirl eh. At sinisigurado ko talaga kung totoo ba ang mga impormasyon na nasasagap ko o baka rumors lang. May namamatay sa maling akala. At ayoko pang mamatay. Mamahalin ko pa si Drich. Chos.

Pagkatapos kong maglinis ng buong bahay ay bumalik na ako sa kwarto ko. Agad kong tinungo ang laptop ko. Sa twitter lagi ako tumatambay.

Ang daming pictures na nakuha ko mula sa mga fan cams sa twitter. Nakita ko ang mga stolen shots ni Drich mula sa paglabas ng arrival area hanggang sa pagsakay nila ng kotse. Naka-mask siya kaya hindi mo makikita kung ngumingiti siya. Malalaman mo lang pag ngingiti din ang mga mata niya. Medyo seryoso siya at mukhang pagod. Kaya ang mga fangirls mini- mention nila ang Group Account ng R5 na magpahinga sila ng maayos. Ako,binabasa ko lang ang mga tweets nila. Magsasayang lang ako ng oras at lakas para lang magtweet sa kanila, para ipakita na nagwoworry din ako sa kanila. Sa dami ba namang fans ng grupong 'yan? Hindi lang dito sa Pilipinas, maging sa buong mundo na ang nasakop nila. Nakakalungkot lang masyado akong malayo sa lugar kung nasaan sila. Nasa Davao ako at sila nasa Manila.

Habang nakatingin ako sa isang litrato ni Drich sa twitter ay napa-observe nalang ako sa mukha niya.

“Ang matangos na ilong, ang nakakaakit na mata, ang pulang labi, ang pagkalambot at pagkaputi ng mukha... Sino kaya ang taong mamahalin mo at ang magmamahal sa'yo? Huh? Drich?”

Humiga ako sa kama

“Dear Drich's future girlfriend, kung sakali mang ikaw ang hahawak sa kamay ni Drich, ito ang tandaan mo, dahil sa oras na iyon, hawak mo na din ang mundo ko.” Nasabi ko nalang out of nowhere. Tumingin ako sa malaking poster ni Drich sa kwarto ko.

“Hoy bwisit na Drich! Oo,nakakabwisit ka! Ba't ginawa mo 'kong biktima ng nakakaakit mong mukha? Nakakamatay na eh. Huhuhu. Pero Drich, kung sakaling magka girlfriend ka, siguraduhin mong maganda ang impression ng mga Fans sa kanya. Siguraduhin mo lang Drich ha? Siguraduhin mo lang. Dahil alam kong gagawa ang mga Fans ng paraan para magkahiwalay kayo kung sakali. Bwahaha!”

Nasa kalagitnaan ako ng pagtawa na mala demonyo nang sumigaw si mama. Ayan tuloy,nabulunan ako sa sarili kong tawa.

“*cough *cough Ma! Ano na naman?!” sigaw ko at lumabas ng kwarto.

“Anong ano na naman?! Ba't hindi ka man lang nagsaing? Ayaw mong mag-agahan tayo ganun? Gusto mong mamatay tayo sa gutom?”

Kung ako sa'yo Ma, mas gugustuhin ko pang mamatay... Mamamatay dahil sa gutom sa katawan ni Drich! Yay! Bigla kong naalala ung video nila na sumayaw sila ng sexy dance. Grabe para akong nirape ni Drich nun. Teka baka buntis na ata ako, mag pe-pregnancy test ako mamay—

“Ma naman!” bigla akong binatok ni mudrakels! Ouch! Ang sakit!

“Bigla kang natulala diyan? Magsaing ka naaaaaaaa!” sigaw niya na parang mababasag na ang baso at yayanig na ang mundo.

“Oo na! Eto na!” Sigaw ko naman na naririndi na sa sigaw ni mama.

“Ma, bakit mo naman sinisigawan 'yang anak natin? Alam naman niya ang gagawin lage...” tanong ni papa na kauupo lang sa sala.

“Anong alam ang gagawin lage? Eh ang tamad kaya ng batang 'to! Tulog at kain lang ang ginagawa nito eh!”

“Anong tulog at kain lang ma? Naglilinis kaya ako ng buong bahay...”sabi ko habng nagkikilis ng bigas.

“Naglilinis ka lang pag sinabihan ka na. Tamad ka parin.”

“Ma naman,hayaan mo nalang si Jeane...”

“Anong hahayaan lang?Ang laki na ng anak mo Pa! Hindi na siya bata!”

“'Yun nga eh... Malaki na siya, kaya hayaan mo na.”

“Ikaw Pa ha, parang ikaw yata ang didisiplinahin ko kesa sa anak natin... Halika dito...”

“Ma, teka, may lakad pala ako, bibisitahin ko yung kumpare ko—”

“Halika dito!” at ayun naghahabulan na silang dalawa.

Napailing nalang ako. Ganito kami dito sa bahay. Tatlo lang kami pero maingay at masaya. Laging may buhay ang buong bahay.

Pagkatapos kong magsaing ay lumabas ako at nilapitan ang alaga naming aso na si Shimi.

“Shimi shimi shimi!” ginulo ko ang mga balahibo nito. “Shimi,magiging kami ba ni Drich?”

tumahol siya ng dalawang beses at umiikot ikot. Grabe ka naman Jeane, ginawa mo nang manghuhula ang aso niyo.

“Haha, behave Shimi.”

Nag-lie down siya.

“Imposible naman kasi yun shimi.”

Nagulat ako ng bigla siyang tumahol ulit ng dalawang beses.

“Hoy shimi kung sinasabi mo ay oo, ay naku, 'wag mo kong utu-utuin. Mahirap ang umasa Shimi.Naranasan ko na yan.”

“Hindi naman ako takot mainlove. Takot lang ako na mahulog sa maling tao. At akala ko siya na si Mr. Right. Palaasa talaga siya.” Akala ko ba naka move on na ko? Ano ba 'tong pinanggagawa ko. Ang drama!

“Dun na ko Shimi nadadrama ako pag nakikita kita.” biro ko at iniwan na siya sa doghouse niya.

Nagpaalam ako kay Mama at Papa na lalabas lang ako. Hindi na po sila naghahabulan, naghaharutan na po.

Pumunta ako sa tindahan na malapit sa amin. Dito ako laging tumatambay dati. Nakita ko dito ang mga kababata ko.

“Chubby, ang pagmamahal ko sa'yo ay parang taho.” banat ni Nikko sa girlfriend nitong si Kiera.

“bakit naman?”

“Mabigat mang dalhin, ipagsisigawan ko pa din.” nag 'yay' ang isa ko pang kababata na nagbabantay nitong tindahan nila.

“Ilan ba ang timbang mo Kiera?” tanong ko.

“43. Ganun na ba talaga ako kabigat para sa'yo ha Candy?" Tumawa lang si Nikko.

“Taray ng tawagan niyo ha.” sabi ko sa kanilang dalawa. Chubby at Candy.

“Oh Jeanne napatambay ka ata dito?” tanong ni Denis, yung nagbantay sa tindahan.

“Wala lang, bakit bawal ba?”

“Hindi naman sa ganun. Minsanan ka na kasing tumatambay dito, simula nung... nung...”

“Nung?” tanong ko sa kanya.

“Wala noh. Haha, kalimutan mo na 'yun.”

Tumawa ako, "Ewan ko sa inyo. Puro kayo kalokohan."

"Grabe ka naman Jeanne."

"Bili lang ako softdrink." Sabi ko.

"Aling Nora! Softdrinks ho daw!"

"Oh anong sopdringks iha?"

"Yung coke na pepsi ho daw." Sabat ni Denis.

"Kalokohan mo talaga Denis!" Hinampas ko siya ng mahina. "Yung R5 po Aling Nora."

"Ah RC kamo?"

"Hinde. Yung R5."

"Ano ba talaga iha?" Naguguluhang tanong ni Aling Nora.

"Hehe coke po. Eh kasi ineendorse ng R5 yung coke kaya R5 tawag ko diyan. He he he." Dahil sa pagiging die hard fan ko sa R5, lahat ng ineendorse nila binibili ko. Ang swerte nila diba.

"Hay naku si Jeanne talaga. Napaka die hard sa grupong iyan." Sabi ni Nikko.

"Naman!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top