Chapter 5: Seek Ye First
Dakong alas-siyete ng gabi nang makarating sila sa Manila, sa may Dapitan Street kung saan nakatira si Jules, ang Lola't kapatid niyang lalaki na teenager. Sa may looban ng mga magkakamukha at dikit-dikit na lumang up and down na apartment.
Pumarada ang van sa may kalsada at nagbabaan sila. Sa bangketa, nagkalat na'ng mga tambay, nagkukumpulang mga estudyante sa nagiihaw ng barbecue, isaw at betamax. Malapit dito ang nagtitinda ng mani, fishballs, fried siopao at ng mangga na may bagoong. Parang may conference ng mga kariton.
"Huy! Jules! Magpa-isaw ka naman," hiling ni Hannah.
"Ano ka? Pinag-donut ko na nga kayo eh!"
"Sige na!"
"Pasok kaya muna tayo sa loob."
Sinundan nila Hannah at Father Markus si Jules sa maliit na eskenita, lampas sa mga batang naglalaro sa kalsada na walang salawal, lampas sa nagbabasketball ng half court sa binaluktot na bakal na ring, at tungo sa tirahan ni Jules. Nasa labas ng bahay ang kapatid niyang high schooler na si Clint, may kausap sa cellphone. Nakapambihis ito-jeans, t-shirt, rubber shoes at sagana sa accessories-wristband, necklace at earrings.
"Sige na," sabi ni Clint sa kausap. "Minsan lang ako magyaya..."
Binati sila nito sa pamamagitan ng pagindak ng ulo, sabay balik sa telepono. Diretso sa loob ng bahay ang tatlo.
Sa sala, nanonood ng panggabing game show ang 74-year old na lola ni Jules.
"Lola...," bati ni Jules. "Kasama ko sina Hannah at Father."
Natuwa ang matanda nang makita sila. Lalo na nang masilayan si Father Markus.
"Father! Father!" para itong maiiyak. Hinawakan niya ang pari sa magkabilang kamay.
"Kumusta na, lola?" tanong niya.
"Heto...malapit na ko mamatay. Basta, ikaw ang pari sa libing ko ha!" sabi ni lola. "Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa nga eh, lola," sabi ni Jules.
"Halikayo at may pagkain sa kusina!"
#
Matapos maghapunan ay lumabas ng apartment si Hannah at tumayo sa may gate ng apartment at nagyosi. Naroon pa rin si Clint at may kausap sa phone sa tawag na parang hindi natatapos.
"Ikaw gusto ko kasama eh," sabi ni Clint sa kausap, na halatang girl sa flirting na paulit-ulit. "Lets sit sa beach, you know, sa sand, habang pinagmamasdan natin ang dagat."
Nag-shake ng ulo si Hannah.
"Mga kabataan talaga ngayon..." sabi niya sa sarili.
Lumabas naman si Father Markus at humingi ng sigarilyo.
Maya-maya'y lumabas naman si Jules, sakto sa pagtatapos sa telepono si Clint na nagsimulang lumakad paalis.
"O, san ka pupunta?" sita ni Jules sa kapatid.
"Magkikita lang kami ng tropa."
"'Pag alas-dose wala ka pa, 'di kita pagbubuksan ng pintuan," warning ni Jules.
"So? May susi naman ako," tumatawang sabi ni Clint habang papalayo.
Nakasimangot na umiling si Jules. Kina Hannah:
"Naka-ready na ang tulugan, kung gusto n'yo magpahinga. Maaga pa tayo bukas."
#
Alas-singko y media ng umaga pa lang ay umalis na sila ng apartment para tumungo sa Manila Cathedral. Sinadya din nilang agahan para hindi makita ng lola ni Jules ang pagalis nila. Umiiyak ang matanda kapag nagpapaalam sila. Kung gigising ito't hindi sila makita ay malaking possibility na hindi rin nito maaalalang dumating sila in the first place. And life goes on, ikanga.
Sa likuran ng Hi-ace na minamaneho ni Hannah, si Father Markus ay nakasuot na pampari.
"Talagang kailangan mong mag-puti ano, Father?" sabi ni Jules na nasa usual puwesto niya sa harapan.
"Oo. 'Pag kausap mo si Bishop Israel, mas mabuti na nakikita ka niya na nakabihis ka," sagot ng pari.
Comment ni Hannah, "Syempre, para banal na banal ang dating!"
"Well, kung makakatulong sa usapan n'yo, why not?" kibit-balikat ni Jules.
"Kung walang cash," dagdag ni Hannah. "Kahit ginto na lang. Marami simbahan nun."
Nagtawanan sila.
Mabilis silang nakarating sa gate ng Manila Cathedral, pumasok at nag-park. Inislide ni Father Markus ang door ng Hi-ace para lumabas.
"Good luck, father! Godspeed!" sabi ni Jules.
"To God be the glory!" pahabol ni Hannah.
Nagtawanan ang dalawa. Umiiling na naglakad paalis si Father Markus.
#
Maulap ang maliwanag na langit. May mga nagliliparan at nagdadapuang mga kalapati sa bubong ng Manila Cathedral. Mapayapa ang umaga. Dinidiligan ng mga hardinero ang mga halaman at bulaklak.
Magkasabay na naglalakad sa walkway sa labas ng simbahan sina Father Markus at Bishop Israel. Matangkad ang 60-something na Kastiloy na bishop, six-footer at regal maglakad. May history sila ni Father Markus. Naging close sila nang magkasama sa isang missionary program sa Africa, sampung taon na ang nakakalipas. Doon, muntik na silang pugutan ng ulo ng mga rebeldeng Hutus. Simula noon, ang bond of friendship nila ay sobrang tight. Tinuturing nila ang isa't-isa bilang confidant. Alam ni Bishop Israel ang mga activities ni Father-ang mga unsanctioned exorcisms nito na kanyang pinagtatakpan sa mga higher ups-sa archbishops, lalong lalo na sa mahigpit at ma-kritikong Cardinal.
"At sino naman ang bagong subject mo? Gaano ka ka-sure that the person is possessed?" tanong ng bishop.
"Isang 6-year old na batang babae from Quezon Province," sagot ni Father. "All signs are present."
"You are sure...kahit hindi mo pa nakikita ang bata?"
"May tiwala ako sa team ko."
"Ah. Of course."
Nakasalubong nila ang isang matandang pari at kanila itong binati sa pamamagitan ng pag-bow, at nagpatuloy sila sa paglalakad.
"Failed attempt ang last exorcism mo, Markus," mariing sabi ng bishop. "Sigurado kang you can handle this?"
"I'll do my best," sabi ng pari. "May kahirapan lang ang isang ito, dahil ipinanganak ang bata sa isang haunted house."
Napahinto ang bishop.
"Haunted House?" gulat niyang sabi.
Tumango si Father Markus, "Anlunan Residence sa Quezon Province."
Nanlaki ang mga mata ni Bishop Israel.
"My God, Markus. Leave this be. No matter how much ang experience mo, this is different,"
"Alam ko," sabi ni Father Markus. "Kaya kailangan ko ng tulong mo na magamit ang artifact."
Umiling ang Bishop sa "impossible" request na ito. Ilang beses nang pino-propose ito ng kaibigang pari sa kanya at alam naman nitong walang paraan na matutuloy ito.
"Markus..."
"Kailangan ko ang artifact."
May desperasyon sa mukha ni Father Markus.
"Isipin mo na lang ang mga bagay na magagawa ko 'pag gamit ko 'yon..."
"We've been through this, Markus," diin ng bishop. "I can't help you. I'm sorry."
Napayuko si Father Markus. He tried. Hinawakan siya ng bishop sa balikat.
"I can help you financially, that's all."
Tumango ang pari.
#
Malakas ang tugtog ng car stereo. Sina Hannah at Jules ay masayang nagsi-sing-along sa kanta ni Joan Osbourne, kaya't napapatingin sa kanila ang mga dumaraang mga tao. Para bang na-violate ang serenity ng umaga sa simbahan.
And yeah, yeah, God is great
Yeah, yeah, God is good
Yeah, yeah, yeah, yeah, yeah
What if God was one of us
Just a slob like one of us?
Huminto lamang sila nang makita si Father Markus na pabalik ng van. Bumukas ang pinto at pumasok ito. Agad na lumingon ang dalawa sa kanya mula sa harapan, anxious na malaman ang balita. Pinakita ni Father ang cheque sa kanila. P60k. Nagliwanag ang mga mukha nina Hannah at Jules, at nag-apir at sabay na kumanta.
And yeah, yeah, God is great
Yeah, yeah, God is good.
Excited na ini-start ni Hannah ang van, inatras at inandar palabas ng Manila Cathedral. At lalo pang lumakas ang sing-along nila. Samantala, si Father ay pilit ang ngiti. Although may funds na sila, alam niyang mahirap ang mission nilang hinaharap. Natatakot siya na mag-fail muli.
NEXT CHAPTER: "Ang Pulis"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top