Chapter 20: In Memory of Sister Juanita
Akay ni Kanor si Brother Paul paglabas ng kuwarto. Naiwan sa loob ang kanyang sutana na sinunog ng dimonyo at ngayo'y naka puti na t-shirt na lang. Naputol sila sa kalagitnaan ng exorcism.
"Wendell!" sigaw ni Kanor.
Tinulungang maupo ni Kanor si Brother Paul sa may kusina. Nagmamadaling pumasok ng bahay si Wendell galing sa labas.
'Tay?"
"Kumuha ka ng tuwalya dali! At ilublob mo sa tubig!" utos ni Kanor. "At 'yung mga panggamot!"
Mabilis na tumalima si Wendell habang tinulungan ni Kanor na hubarin ni Brother Paul ang kanyang t-shirt. Gulantang pa ang brother sa nangyari.
"Tignan natin ang paso mo..." sabi ni Kanor.
Bumalik si Wendell na may hawak na tuwalya na binasa niya ng tubig. Nang matanggal ang t-shirt sila'y nagulat dahil wala namang paso si Brother Paul. Ang dibdib niya'y malinis at walang ka-marka-marka. Nagtaka sila't nagkatinginan.
Napatango si Brother Paul.
"Proteksyon..." kanya lang nasabi.
Napalingon sila nang biglang lumabas ng kuwarto si Father Markus na hinihingal at pinagpapawisan.
"Father!"
Inangat ng pari ang kanyang palad, senyas na okay lang siya.
"Brother Paul?" tingin niya sa brother.
Pinakita ng brother na wala siyang paso at tumango si Father Markus. May bisa ang binigay niyang proteksyon, kontra sa sinabi ng dimonyo. Nguni't ang nasa isip niya talaga ay ang sinabi ng dimonyo na ang kaluluwa ni Sister Juanita ay nasa impiyerno at nagdurusa. Lubos siyang naapektuhan noon. Si Sister Juanita na naglaslas ng kanyang pulso matapos ang maraming araw ng sesyon ng exorcism. Paano makakalimutan iyon ni Father? Habangbuhay siyang pasan ng kanyang kunsiyensya. Lumabas ng bahay si Father Markus at nanigarilyo sa may puno. At naalala niya ang kaso ni Sister Juanita.
Dalawang taon na ang nakaraan nang magpunta sila nina Jules at Hannah sa Tarlac. Pinapunta sila ng Madre Superior ng Our Lady of Carmel Convent sa paniniwala nito na ang isang madre nila'y sinaniban ng masamang espiritu.
Si Sister Juanita ay isang 28-year old na tubong Pangasinan. Ayon sa history niya, bago maging madre, siya'y nakatakda sanang magpakasal nguni't sa kahuli-hulihang sandali ay umatras ang kanyang nobyo at nawala na lamang nang basta. Nakatanggap siya ng liham makaraan ang ilang buwan mula sa lalaki na nagsasabing siya'y magpapakasal na sa ibang babae. Tulala si Juanita nang tumawid ng kalsada ng araw na iyon at siya'y nabundol ng kotse nguni't nakaligtas naman sa kamatayan. Nguni't, hindi ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Nalaman din lamang niya ng araw na iyon na siya pala'y nagdadalantao.
Sa sama ng kanyang loob ay pumasok si Juanita ng pagmamadre. Ayon sa Madre Superior, noong unang taon ay isang modelong lingkod ng Diyos si Sister Juanita. Masipag, matulungin at madasalin. Walang masamang ugali. Nguni't hindi nagtagal, si Sister Juanita ay unti-unting nagbago. Naging tamad at mareklamo. Naging magagalitin na siya'y nagsimulang magmura. Kasabay noon ay nakitaan siya ng kakaibang mga sintomas. Kadalasa'y nilalagnat at inuubo. Sa gabi siya'y nagi-sleepwalk ng walang saplot. At nakitaan siya ng mga pasa sa katawan na walang makapagsabi kung saan galing. Pinatignan siya sa mga duktor nguni't wala naman silang nakitang malubhang sakit. Noon lang nang kausapin siya ng mga pari, na nalaman nilang siya pala'y sinapian ng dimonyo. Kung bakit siya pinili ng dimonyo ay hindi nila alam.
Sa kanilang mga pag-uusap ni Sister Juanita ay nalaman ni Father Markus ang dahilan.
Binalak ni Sister Juanita ang lahat. Ang pagpasok niya sa kumbento ay isang paghihiganti sa Diyos na kanyang sinisisi sa natamo niyang hinagpis. Kinuha Niya ang lahat sa akin, Father, ang sabi ng madre, gusto kong malaman niya na bukal kong tinanggap ang dimonyo.
Kasama sina Jules at Hannah, ay sinubukan nilang patalsikin ang dimonyo na sumanib sa madre nguni't hindi nila magawa. Nilalabanan ni Sister Juanita ang ritwal. Kumakapit siya sa dimonyo. Sa loob ng dalawang linggo ay sinubukang kumbinsihin ni Father Markus ang madre na magbalik-loob sa Diyos. Na itakwil niya ang dimonyo. May mga pagkakataon na inakala niyang magtatagumpay siya, nguni't nanaig ang kapangyarihan ng dimonyo at saktong alas-tres ng Biyernes, nilaslas ni Sister Juanita ang kanyang pulso gamit ang talim ng bakal.
Ng kanyang rosaryo.
Ang huli niyang sinabi sa pari ay Huwag kang matakot, Father na ito'y kabiguan mo, pagka't kabiguan ito ng Diyos.
Hindi malimutan ng pari ang sinabing iyon sa kanya.
"Father Markus?"
Hindi agad narinig ng pari si Brother Paul mula sa kubo.
Natauhan siya at lumingon.
"May tawag kayo sa telepono, Father."
Tumango si Father Markus at bumalik sa kubo at sinagot ang kanyang cellphone. Ang tawag ay mula kay Jules.
Sa bahay na bato, nagre-recover pa ang lahat sa naranasan sa Dead Room.
Si Hepe ay nakasandal sa pader at hinihingal pa. Si Mayor at Karen ay nakahandusay sa sofa. Si Hannah ay palakad-lakad na nagyoyosi. At si Jules na nanghihina pa ang mga tuhod ay nakatayo sa may pintuan at kausap si Father Markus sa cellphone. Dumating si Manong Guard dala ang mga bote ng mineral water na kanyang dinistribute. Nahihiya siya sa pagkakaalam na pumalpak siya sa trabaho dahil hindi niya agad nasagot ang telepono at nailagay sa peligro ang kanyang boss. Kaya ganun na lang ang paghingi niya ng paumanhi. Cool lang naman si Mayor at malayo sa isip niya na sisantihin ang guard. Kumakalbog pa'ng kanyang dibdib, pero ito'y adrenaline rush na hinahanap-hanap din niya.
Naupo si Hannah at nagsindi ng isa pang yosi. Maya-maya'y naupo na rin si Jules.
"Kumusta si father?" tanong ni Hannah.
"Hindi nila natapos ang exorcism," ulat ni Jules. "Malakas daw ang dimonyong sumanib kay Berta."
Napatumpik si Hannah sa kanyang tuhod, "Sabi na eh! First hierarchy demon kasi!"
Daliang nagpaalam si Manong Guard na lumabas ng bahay nang marinig na ang usapan ay tungkol na sa demon-demon. Wala 'kong kinalaman d'yan, aniya sa sarili, at bumalik na lang sa pakikinig ng bago niyang rock CD, although lowered na ang volume.
"Anong klaseng multo ba ang na-encounter natin sa loob?" tanong ni Mayor.
"Poltergeist," inform ni Jules.
"The fact na nahawakan nila si Hepe," dagdag ni Hannah.
"Mukhang may marka nga ang leeg niya," pansin ni Karen.
Napahawak si Hepe sa leeg niya, may pasa nga doon. Kinabahan ang pulis.
"Don't worry," assure ni Hannah sa kanya. "Si Father bahala d'yan."
"Ano bang worse na pwedeng gawin sa atin ng multo?" tanong ni Karen. "Bukod sa sakalin tayo?"
"Anong mas worse?" sabi ni Hannah. "'Yung hatakin ka nila sa dimension nila."
"Hatakin sa dimension?" gulat na sabi ni Karen. "Like, sa impiyerno?"
"Depende. May iba't-ibang level ng hell. May iba't-ibang mga dimensions," sagot ni Jules. "And believe me, muntik na tayo kanina."
"What? Really?!" malakas na sabi ni Mayor.
Hindi makapaniwala si Mayor na muntikan na sila. Na-realize niya na kung nagkataong napatay pala siya, paano na lang iyon ibabalita sa kanyang mga constituents. Anong klaseng headline ang lalabas sa diyaryo? Ano na lang ang magiging eulogy niya? MAYOR PINATAY NG MULTO SA SARILING HAUNTED HOUSE? Na-imagine niyang hitsura niya sa kabaong: nakadilat at nakanganga na parang namatay sa takot. Shit. Naisip niya, malaking kahihiyan pala kung nagkataon.
"Ba't muntikan na tayo?" tanong niya.
Nagkatinginan sina Jules at Hannah. Alam na rin ni Hannah kung bakit sila muntikan na. Kaya ganun na lang panic ng psychic nung nasa loob sila. Kaya ganun na lang ang sigaw niya na dapat silang makalabas. May something sa Dead Room.
"Ang kuwarto na 'yon..."
Tinuro ni Jules ang Dead Room.
Napahinga si Hannah nang malalim.
"...ay isang portal."
Saglit na lang nilagi nila at sila'y nag-pack up na rin. Bago magpaalam ay inanyayahan sila ni Mayor na pumunta kinabukasan sa kanyang bahay at doon magplano ng susunod na gagawin, at para na rin makita ang collection niya ng mga religious artifacts, sakaling may magamit sila sa mga iyon. Nabanggit din naman ni Father Markus iyon bilang last resort, at sa lagay ng mga bagay, kailangan nga nila ng last resort. In-offer na rin ng mayor na doon na sila mag-stay sa bahay niya para convenient, may extra rooms naman daw, at walang pagdadalawang-isip na inoohan iyon nina Jules at Hannah. Isang malaking improvement daw sa sleazy na Daigdigan Hotel, at menos-gastos pa.
Pauwi, sinundo nina Jules at Hannah si Father Markus at Brother Paul sakubo, samantalang si Hepe ay umuwi sakay sa police car. Tahimik lang sa Hi-acepabalik ng motel at ipinasantabi ang pag-uusap para bukas. Bago umuwi, nangakosi Father Markus kina Kanor at Wendell na hindi sila titigil hangga't hindinapapaalis ang dimonyo kay Berta. Kinamayan siya ni Kanor at sinabingnaniniwala siya. Ibinaba nila si Brother Paul sa simbahan at tumuloy sa motel.Pasado alas-onse na ng gabi at hindi sila gaanong nakatulog.
NEXT CHAPTER: "Mayor's Den"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top