Chapter Twenty-Six

"Heiley hahaha hinding-hindi kana makakatakas!" Isang halakhak ang umagaw sa pansin ng isang pamilya. Sino sila? Sinong Heiley?

"Mee, ako nang bahala" pigil ng isang lalaki sa babaeng pareho nitong nakatalikod sakin. May kasama naman silang isang batang babae.

"No Dee. Ako ang hanap nila. Ako ang haharap. Bantayan mo si Veniz" Veniz? Ako?

"Akala mo ba tatantanan ka na namin kapag umalis ka sa organisasyon mo? Haha hindi parin Heiley. We want revenge, you know that" ngumisi ang lalaki sa kanya

"We'll kill you" sabat ng babae na katabi nito. Heiley ba ang pangalan ng Mommy ko? Is this my lost memory?

"I didn't kill your sister Nana, she killed herself!"

"She killed herself because you want to jailed her!"

"She committed a crime!" Tinutukan si Mommy ng baril nung babae. Hindi ko namalayan na nagkagulo na pala lahat. Eto na yung kwento kanina ni Mama, ni Tita Janiz.

Nagbago ang lahat at nasa pagitan na ako nung babae at si Mommy. Puro dugo na ang braso ni Mommy gayun din ang babaeng nagngangalang Nana.

"I will kill you in exchange of my sister's life" nagngangalit na sambit nito habang nakatutok ang baril sa ulo ni Mommy.

Why do people always seek for revenge? Why do they need to kill just to satisfy their revenge?

"Heiley!" Sigaw ni Papa pero huli na, nasa sahig na si Mommy at si Papa naman ay ginawa ang lahat para makawala sa lalaking nakahawak sa kanya. Napatay niya ito pero tuluyan na siyang napasalampak sa sahig dahil sa tama ng baril sa kanyang paa. Umiiyak naman na lumapit ang batang ako sa nakahandusay na katawan ng Mommy ko. Humalakhak ang babaeng nagngangalang Nana.

"Mommy!" Iyak nito at niyakap si Mommy

"Papa, si Mommy po.. Papa"

"Ikaw pala ang anak nila." Hinawakan nung Nana ang baba ng batang ako. Huli na nang mapigilan ko ang pangyayari, walang habas nitong pinalo ng baril ang ulo ng batang ako kaya unti-unti ito nawalan ng malay. Siya pala ang dahilan kung bakit ako nawalan ng ala-ala. Nana.

Nagmadali itong umalis nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Si Mama.

"Mommy...Papa" huling sambit ng batang ako bago ito tuluyang nawalan ng malay.

"Mommy...Papa"

"Veniz, hey. Wake up" gumising ako na puno ng luha ang pisngi ko. Nakayakap muli ako sa mga bisig ni Nathan.

"Hush darling. It's okay"

"Si Mommy, si Papa...naaalala ko na"

"Wag mo muna yang isipin. As of now, please stop crying."

"Miss ko na sila Nathan" tiningala niya ako sa kanya at ngumiti.

"Someday, you'll see them again. I will find them for you" I smile back to him. I don't know this feeling anymore. Those smile...

"Thank you for being here when I need someone" nakayakap parin ako sa kanya. I feel secure and I don't know why.

"Don't be thankful. I should be the one to thank you." For what?

"Wait me here. Kukunin ko lang yung breakfast natin" and he smiled again. It's very unusual but I admit that I love his smiles. Damn. This is wrong.

Teka nga, nasaan kami? Saan na naman ba ako napadpad?

"Come on. Let's have a breakfast at the veranda. The view is so nice and you'll like it for sure." Tama nga siya. Isang magandang kabundukan ang nakikita ko. Marami ring nagliliparang mga ibon doon. How I love nature.

"Nasaan tayo?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Gilikay" ang layo pala namin mula sa pinagmulan namin. Ganun ba ako kabilis tumakbo?

"Paano mo pala ako nahanap?"

"Sinabi sakin ng Kuya mo na umalis ka daw sa inyo. Pakihanap daw kita."

"Sinabi mo ba kung nasaan tayo?"

"Nope" mabuti naman.

"Just this time, I want to spend some days with you"

"Ano?" Tanong ko. May ibinulong kasi siya. Yung halos lipsync nalang ganun.

"Wala. Bilisan mong kumain, May pupuntahan tayo." Sabi nito at tumayo na. Bilis kumain ampupu

"Saan?"

"Basta. Nandoon na rin yung damit mo na binili ko kanina" at tuluyan na itong umalis.

Wala akong choice kundi ang pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ko ay lumabas na ako na nakatwalya. Wala naman siya e. Nauna na ata putek.

"Pisting yawa?!" Ano to? Sure ba siya? Pagsusuotin niya ako ng err-- ano to? Short tapos may sleeveless itong partner.

Hinalungkat ko pa lalo ang paper bags pero flat sandals lang ang huli kong nakita. Amputek! Alam na nga niyang di ako nagsusuot ng ganito!

"Nga pal--"

"Nyetiks ka labas!!" Sigaw ko. Pumasok na naman ng walang paalam? Gago ba siya? Mabilis naman siyang umalis. Mabuti naman at masunurin ang bata.

Wala na akong choice kundi isuot nalang ang binili niya. Pagkatapos kong magbihis, tinignan ko ang sarili ko sa salamin na nandito. Bagay pala inpernes.

Lumabas nalang ako at hinanap siya. Nandoon naman siya sa isang bench malapit dito sa hotel. Teka--

"Aaahh! Dagaatt!" Sigaw ko at nilagpasan na siya. Dumeretso na ako sa dagat para magtampisaw kahit na kakaligo ko lang. Bakit hindi niya sinabi na may dagat dito?

Bigla naman akong napatulala at parang may bumalik saking mga alaala.

"Kuya haha wag! Mababasa ako!"

"Dagat to malamang!"

"Eh basta ayaw ko muna mabasa! Kuya --- oh!" May dalawang batang lalaki akong nakikita. Ako yung batang babae. Sino yung tinatawag kong Kuya? Dalawa sila, sino sila? Bakit hindi ko maalala ang mga pangalan nila.

Nabigla ako nang mabasa ako dahil sa alon. Tumingin ako sa dalampasigan at nakita ko na nandoon si Nathan na pinapanood ako.

Noong una, akala ko isa lamang siyang hamak na sutil sa buhay ko. Pero nagkamali ako. Kasama ko pala siya sa organisasyon at misyon niyang bantayan ako.

Napaisip tuloy ako. Noong sumali ako sa organisasyon nila Master Henri, tinanggap niya agad ako. Tapos hindi ako pwedeng gumawa ng misyon na walang nakabantay sakin. Akala ko noon, wala siyang tiwala sakin pero hindi pala. Lahat kami, prinoprotektahan niya.

Ang naaalala ko, may organisasyon si Mommy. Saang organization siya kabilang?

Hayaan ko ngalang muna. Sa ngayon, gusto ko munang manahimik ang isip ko pero ang puso ko hindi matahimik. Tumingin ako sa kanya at eto na naman. Hindi ko alam kung kailan, kung paano o kung ano ang dahilan. Sa ngayon, hahayaan ko nalang muna. Let me enjoy just atleast once in my life.

Jonathan's POV

"Nathan!" Tawag niya sakin habang kumakaway. She really love oceans. Pagkalapit ko sa kanya ay agad naman niya akong binasa kaya gumanti rin ako.

Kung hindi dahil kay Master Henri, hindi ko siya makikilala. In our organization, she is known as a silent agent. Not bothering other people and doing her job clean and silently.

Everytime I follow her in her missions, I can't deny the fact that she is good. If she is in trouble: like being caught, she knows how to divert well her persona. Pero napansin ko na meron siyang ugali na ikinaiinis ko sa kanya. Ako ang nagsilbing bantay niya sa tatlong misyon niya kaya nagkaroon ako ng kaalaman sa kanya.

Wala siyang pasensya minsan. Kaya siya nagpalipat lipat ng paaralan ay dahil kapag may nagtangkang makipagkaibigan sa kanya ay agad siyang gagawa ng gulo para hindi na siya lapitan nito. Ayaw niyang mapalapit sa tao at hindi ko pa alam ang rason niya doon. Gusto niyang isipin nila na masama siya.

"Veniz" tawag ko sa pansin nito. Nakaupo na kami sa buhanginan at tinatanaw ang malawak na karagatan.

"Hmm" sagot nito habang nakapikit.

"Why do you need to act like you are the villain in your previous schools?" Unti-unti itong namulat at ngumiti

"Sometimes, you need to wear a mask not to hide the real image but to see who will stay until the end." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin ito sakin

"Now, I will be the one who will ask you." Matagal pa ito bago muling nagsalita. Tumitig siya sa mga mata ko at gayun din ako sa kanya. Her eyes is telling so many things.

"D-do...Do you like me?" That question. Umiwas siya ng tingin

"No...I mean, this! This gestures of yours in the past weeks. Sabihin mo lang kung ilusyunada ako, sige tatanggapin ko basta magsabi ka lang ng totoo sakin." Tumingin siya muli sakin

"Bakit ka nag-alala sakin noong nakidnap ako? Bakit mo ako hinanap? Bakit ikaw lagi ang ipinapadala ni Master para bantayan ako? Bakit...Bakit tinawag mo akong amor meu?" Naiiyak na sambit nito. I smiled at her. Simula noong nakilala ko siya, nahiligan ko nang ngumiti.

"Sumagot ka gago" sabay tungo nito. Nakuha pa akong murahin.

"Sa unang tanong mo, bakit ako nag-alala sa'yo? Kasi may pakialam ako sa'yo. Bakit ako lagi ang ipinapadala ni Master para bantayan ka? Wala na akong alam diyan pero para sakin gustong gusto ko na binabantayan ka. At kung bakit kita tinatawag na amor meu ...I know that you already know the meaning of that." Tumingin ako sa kanya

"Now, can you accept me amor meu?" Tumunghay ito at tumingin sakin.

"Bakit ako?"

"Kasi ipinangako ko kay Lola na kung sino ang unang makapagpapangiting babae sakin; except Lola because she makes me smile, will have my heart."

"Paano kung hindi ako ang unang babae na nakapagpangiti sa'yo?"

"Maybe that girl is just my aunt" tumingin siya ng masama sakin

"Gago ka ba? At anong sinasabi mo na 'will have my heart'? Edi nawalan ka na ng puso niyan?" Natatawang sambit nito.

"Atleast you have it" she blush to what i've said. Kyeopta.

"Pistingyawa ka" tumayo na ito at bumalik muli sa dagat. Inaasar ba niya talaga ako? Teka nga.

Jace Veniz POV

Habang nagtatampisaw ako ay biglang may bumuhat sakin kaya napamura na naman ako. Yawang Nathan to!

"Hoy ibaba mo ako!"

"Ayoko. Inaasar mo ako." Nagsimula siyang sumulong pa sa mas malalim na parte

"Ibaba mo ako! Hindi ako marunong lumangoy aba!"

"Wag ka ngang malikot!"

"Ahuhu ibaba mo ako!" Mas lalo pa akong naglikot pero huli na. Basa na ang damit ko.

"Putek ka! Sabing di ako marunong lumangoy eh!" Sigaw ko sa kanya. Oo kanina pa ako sigaw ng sigaw bakit ba?

"Tumahimik ka nga!"

"Ayoko!" Tumingin siya sakin ng masama. Putek tong puso na to. Ikaw ang tumahimik! Masama na nga ang tingin nagawa mo pang kiligin.

"Ayaw mo tumahimik?"

"Ayaw!" With iling iling pa. Lumalabas na naman ang pag-isip bata ko putek.

"Ayaw mo talaga?" Mahinahong tanong nito sakin

"Ang kulit lang?! Sabing ayaw ko tumahimik! Kung ibaba mo nal--" put tongue Yna.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top