Chapter Twenty-Seven
Dedicated to: Maxpein_Enrile1
Sometimes, we need to find something new in our life. Don't let ourselves be locked up in the past.
You need to accept something that makes you stay in that.
Sa bawat hampas ng mga alon, sa bawat dampi ng hangin sa aking balat, at sa bawat pintig ng puso ko ngayon. Isa lang ang sinasabi nito sakin, na gusto ko nga siya.
Tulala lang ako sa nangyari habang siya ay nakangisi sa akin. Hanggang ngayon buhat parin niya ako habang nasa dagat kami.
"Mag-iingay ka pa?" Tanong nito kaya umiling agad ako.
"Tang ina ka" biglaan kong sabi sa kanya
"Pinakamalutong na atang mura mo sakin yan" at mas lalo pa siyang napangisi
"Parang gusto ko tuloy gawan ng parusa" sabi nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Anong sinasabi niya?
"Gago. Baliw" sabi ko at nagpumiglas ako sa kanya.
"Isang pang mura Veniz" banta nito pero ibinaba na ako sa dagat. Hanggang sa kili-kili ko tuloy ang tubig.
"Isa pa? Gusto mo pa ng mura ko? Sige..." At medyo lumayo muna ako kaunti sa kanya
"Put tongue Yna ka!" Sigaw ko at tumakbo palayo sa kanya. Kahit na hirap na hirap akong tumakbo dahil nasa tubig ako at pinilit ko paring makalayo sa kanya. Nagwawala na yung puso ko ano ba!
"Aaahh! Pesteng yawa! Gago ka bitawan mo ako!" Lumangoy ang gago. Madaya ampupu!
"Namumuro na yang bibig mo sa kakamura sakin. Lilinisan ko lang" napaawang naman ang bunganga ko sa sinabi niya. Pisti! Nakanakaw na nga ng isa! Aba!
"Tumahimik ka" banta ko sa kanya
"Ano? Takot kanang magmura?" Ngumisi ako sa kanya
"Saan naman ako matatakot? Sayo? Pakyu!" Hinapit nito ang bewang ko tyaka siya bumulong
"Kailangan na nga natin yang linisan" at bago pa ako makapalag, wala na. Finish na. Nanlambot ang tuhod ko sa ginawa niya pero naalalayan niya ako. Apat...tangina apat!
"Yah!! Namumuro ka na ha?! Pinayagan ba kita? Ha?!"
"Oo pumayag ang labi mo" pistingyawa!
"Inaasar mo ba ako?! Yah!" Sigaw ko sa kanya with matching padyak padyak pa. Hinawakan nito ang kamay ko at tinignan ako.
"Listen Veniz. I maybe your enemy before but trust me, before you could met me as your enemy, this" at itinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
"This heart is already beating for you"
"T'estimo amor meu." How can I not Nathan? How can I deny this feeling to you?
"Nathan..."
"It's okay. I'm just telling this to you for you to aware about what I feel towards you"
"Sorry but I will prioritize first my problems. I don't have a time for that. I'm sorry..." Napatungo ito pero agad ding tumingin sakin at ngumiti
"It's okay" sabi nito at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.
"I'm sorry Nathan. Sorry but those things is in the first line but how can I say this to you" tumingin ako sa mga mata niya kahit na puno ng luha ang mga mata ko. I tiptoe and kiss his nose. Gulat siya sa ginawa ko. I smiled at him.
"That's the way I say 'I love you too' amor meu"
Nabigla ako nang yakapin niya ako.
"Tutulungan kitang hanapin Papa mo, don't worry. And I will wait until you finish solving your problem.''
"Thank you"
--
Bumalik na kami sa hotel na hawak nito ang kamay ko. Sabi niya kahit ngayon lang daw kaya pinayagan ko na.
"Wala na akong pampalit" sabi ko nang makarating kami sa room namin.
"Use my t-shirt first. Bibili nalang ulit ako. Ako nalang muna ang unang maliligo" sabi nito. Pumunta nalang muna ako sa veranda ng kwarto namin. Ang fresh ng hangin dito hindi gaya sa city. Nakakabigla lang na itong hotel na ito ay nasa gitna ng kabundukan at dagat.
Hinahanap kaya ako nila Kuya? Ah, oo nga pala. Pinahanap pala niya ako sa mokong na to.
Iisa lang ang letrato ni Papa na nasa akin. Hawak niya ako noong bata palang ako. Dadalawa lang kami sa picture. Nakuha ko lang ito noon sa wallet ni Mama, ni Tita Janiz.
Nilagay ko ito sa locket ko kaya lagi kong dala ito. Binuksan ko ang kuwintas ko at nakita ko mula ang kupas na letrato namin ni Papa. Sino kaya iyong dalawang bata na kasama ko sa dagat? Kuya...tinawag ko silang kuya. May mga kapatid ako.
"Tapos na ako" hindi ko namalayan na napaluha na naman ako kaya agad ko itong pinunasan. Nagiging iyakin na ata ko.
"Sige" sabi ko at nagderetso na sa banyo. Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa pagligo.
Matapos akong maligo ay lumabas na ako na nakatapis ulit. Wala pa naman si Nathan. San kaya yun bumili? Sabi niya isuot ko muna daw ang damit niya. Asan? Ah yun. Isinuot ko nalang muna at jusko hanggang sa tuhod te? Ganito ba ako kaliit?
Isinampay ko ang towel sa balikat ko para matakpan yung ano. Alam niyo na, wala pa naman akong suot na under the cover ahehe.
Umupo ako doon sa kama at nagkumot. Malamig naman dito sa kwarto. Bumukas ang pinto at gulat naman si Nathan na tumingin sakin.
"May sakit kaba? Bakit ka nakabalot diyan?" Tanong nito at lumapit sakin pero
"Diyan kalang!" Sigaw ko kaya napatigil ito.
"Akina yung damit" sabi ko na sinunod naman niya.
"Talikod" tinignan niya lang ako
"Talikod!" Agad naman itong tumalikod kaya napatawa ako. Masunuring bata.
"Wag kang lilingon!" Tinanggal ko ang pagkakabalot sakin ng kumot at dinampot yung paper bag. Tumakbo ako papasok sa CR.
Baka kung ano na naman ang binili nito. Pero napangiti ako nang makita ang binili niya. Black t-shirt tapos three-fourths. May kasama na ding mga under the cover haha. Galing! Buti hindi siya nahiya? Para tuloy kaming mag-asawa. Ay leshe hindi hindi!
"Wag ka ngang mamula! Ni hindi mo nga siya boyfriend" kinakausap ko na ang sarili ko kaya nagbihis nalang ako.
Paglabas ko sa banyo ay nakita ko siyang may kausap sa phone niya doon sa veranda.
"She's safe...yeah I know...Yes, of course. Please, just tell her friends that she's in vacation...Just tell 'em. Tsk, geh" Si Kuya siguro.
"Si Kuya ba yan?"
"Yes. She's asking you."
"Sinabi mo na ba kung nasaan tayo?"
"No. But we will be back tomorrow" ngumiti lang ako sa kanya. Yeah, I need more time to think about everything.
"You know what" umpisa ko at tumingin sa kagubatan.
"I really hate it when I make people worried."
"They are worried because they love you" Sabi nito kaya napatingin ako sa kanya pero itinuon ko muli ang tingin ko sa kagubatan.
"I don't want them to worry about me. Back when I was young, when my father and mother get worried about me, I smile at them to assure them that I'm fine."
"Every memories I have with them is not complete. I have two brothers but I don't even remember their names. The last memory of me with my Mom is the worst. They...they killed her infront of me and to my father. Nana, that's the person who killed my mother."
"Nana?" Sambit nito kaya lumingon ako sa kanya
"Do you know her?" Tumingin ito sakin
"Anong pangalan ng Mommy mo?" Nag-aalalang tanong nito. Bakit?
"Heiley" sabi ko na siyang ikinakunot ng noo nito. Kilala ba niya si Mommy?
"I think narinig ko na ang dalawang pangalan na yan"
"Kilala kaya siya ni Master?" Tanong ko
"Bakit naman?"
"Naalala ko lang na may organisasyon si Mommy but she quited."
"Let's ask Master Henri pagpabalik natin, okay?" He smiled at me again.
"It's fine. Pero gusto ko munang makausap ng mabuti sila Tita" lumapit ito sakin at yumakap sa likod ko
"You're so tough and brave. That's why you caught me, you caught my heart." May prinoproblema ako dito tapos nagagawa niyang magganyan?
"Hindi ako kinilig" sabi ko pero ramdam kong uminit ang pisngi ko.
"Yeah, I know" at tumawa ito kaya siniko ko naman siya.
"Wag kang ganyan, baka masanay ako" biglaang kong sabi. Mas humigpit naman ang yakap nito sakin.
"Edi maganda. Ako nga matagal nang nasanay sayo pati nga puso ko dinamay mo" kanina pa to banat ng banat ha
"Wag ka ngang banat ng banat. Kainis to." Sabi ko pero nakangiti naman ako. Baliw lang?
Sa bawat tanong ko, iilan pa lamang ang nasasagot at hindi pa iyon kompleto. Sa bawat katanungang nasasagot ay mas dumadami ang mga bakit.
Bakit nila ginawa yun kay Mommy? Bakit alam ni Kuya ang organisasyon ko? Bakit hindi ko alam na may kapatid ako? Bakit hindi ko maalala ang mga pangalan nila? Bakit walang sinasabi noon sila Tita sakin about kay Papa? Buhay kaya siya? Maari. Iyong Nana, bakit niya ginawa yun kay Mommy? Sino yung kapatid niya? Magkasama kaya sila sa iisang organisasyon?
Mas dumadami ang mga tanong. Gusto kong malaman lahat. Gulong-gulo na ako sa lahat ng nangyayari.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top