Chapter Twenty-One
Nang nakapasok ako sa ice cream shop ay agad naman akong nag-order. Bahala silang kumuha ng mga gamit ko doon.
"hello ma'am"
"strawberry ice cream, large" gutom ako eh. Umupo nalang ako dun sa isa sa mga upuan sa gilig sa tabi ng bintana ng shop habang hinihintay ang order ko. Nakita ko naman yung apat na nakatingin sa mga cell phone nila.
Nagderetso lang sila sa counter at nag-order. Nang maka-order na sila ay agad naman silang umupo sa tabi ko. Busy parin sila sa pagtuktok sa mga cell phone nila. Ano bang pinagkakaabalahan nila? Hawak nung dalawa naming chaperon ang mga gamit namin. Mabuti naman at kinuha nla angb gait ko. Dumating na yung order ko at sinimulan ko nang lantakan. Busy parin sila kaya tinanong ko na
"ano ba ang pinagkakaabalahan niyo?" tanong ko at napatingin naman sila sakin. Sabay-sabay nilang ini-off yung mga cellphone nila.
"ano?" tanong ko ulit
"wala" sabay-sabay nilang sagot. Iba ang kutob ko sa mga to.
"Ano bang pinagkakaabalahan niyo jan sa mga cellphone niyo?"
"naglalaro ako" sagot ni Jiyo
"Nagtitingin ako ng dress sa Lazada" sagot naman sakin ni Zia
"May ka text ako" si Shau naman
"Tinitignan ko picture mo hehe" sabay-sabay naman kaming napatingin sa kanya
"Burahin mo yan" banta ko dito
"ayoko e-sesend ko pa to sa kanila" napansin kong pinanlakihan siya ng mata nila Shau. Sabi na e, ma balak tong mga to sakin.
"at bakit mo naman e-sesend sa kanila picture ko ha?"
"Para daw magsisi si Jon dun sa sinabi niya kanina" sani nito tapos ngumiti na parang bata.
"Rhynee!" sabay-sabay na sigaw nung talo sa kanya. Ah! Kaya pala. Ako naman ngayon ang napatingin sa kanila.
"Anong binabalak niyo ha?" pagkatanong ko pa lamang yun ay parang may dumaang hangin sa shop. Tinakbuhan nila ako pati si Rhynee. Napailing nalang ako at itinuloy ang pagkain ko ng icen cream. Mga buang.
Pag-uwi ko sa bahay, yung mga mukha nila parang nakakita ng multo. Tapos si Kuya naman may paturo-turo pa sakin habang nakatakip ang kamay niya sa bibig niya.
"Sino ka?!"
"Luh Kuya! Para kang timang. Tita oh"
"JV, ikaw ba yan?" seriously? Ah, alam ko na. Naalala ko na.
"Change mood lang po" iyon nalang ang sinabi ko at umakyat na sa kwarto ko
--
Saturday ngayon kaya walang pasok pero maaga parin akong nagising kasi magjo-jogging ako. Baka balikan ulit ako nila Rionne at ganun na naman ang mangyari sakin.
"Tita, jogging lang po ako"
"Mag-ingat ka ha"
"Opo" ang galang ko ano? Ganyan talaga para payagan.
Now listening: Seesaw by Suga
Nagsimula na akong magjogging at marami din akong nakasabayan. May iba pa na ngumiti sakin kaya nginitian ko din. Nagtaka ako nang biglang tumigil yung music.
"Ni hao, Thana" sila lang ang tumatawag sakin ng ganyan.
"kamusta ka na? balik ka na daw"
"Anong trip niyo at namiss niyo ata ako?" sabay ngisi ko at ipinagpatuloy na ang pagtakbo.
"haha text mo nalang kami kapag babalik kana. We miss you, Thana. Bye" balik na ba ako? Wag pa ngayon, may ipinapaasikaso pa sa akin.
"Ang bilis mo naman JV?" tanong sakin ni Tita pagkadating ko sa bahay.
"Habol ko po yung ulam" sagot ko naman kaya napatawa sila ni Tito. Wala ata si Kuya. Makakain na ngalang.
Habang kumakain kami, bumalik sakin yung usapan noon nila na about sakin. Sobrang curious na ako mula pa nang marinig ko sila.
"Tita, Tito" tawag ko sa mga ito sabay baba ng mga kubyertos ko.
"hmm" sagot ni Tita habang lumulunok pa ng sausage.
"Ano po yung pinag-uusapan niyo nila Kuya Ire noon na tungkol sakin" napatigil naman sila sa pagkain. Nagkatinginan sila kaya nagtanong ulit ako
"Ano po yung hindi ko pa pwedeng malaman sa ngayon?" hinawakan ni Tito ang kamay ni Tita Itana at tumango.
"JV, sasabihin ko sayo pero wag kang magagalit samin ha?" nagmamakaawang sambit niyo
"Sige po"
"JV, kasi..." hindi na naituloy ni Tita ang sasabihin niya dahil may biglang tumawag sakin
"Nakita ko na siya. Bilisan mo. Nandito ako sa East Avenue 399-5L" ba't ngayon pa? asar naman
"Tita alis muna ako ha" tapos nagmadali akong pumunta sa kwarto ko para magpalit. Nagsuot nalang ako ng itim na Fila na jacket tapos sinuot ko rin ang skinny jeans ko then boots na binili pa sakin nila Shau kahapon.
"Tito peram nung big bike ha?"
"Mag-ingat ka lang" sagot nama sakin ni Tito
"Opo babalik po siguro ako bago magtakip-silim" at pinaharurot ko na ang big bike ni Tito dahil baka kung iyong kay Kuya, baka pektusan na naman ako. Pagdating ko sa location na sinabi niya, nakita ko nga siya.Nandito siya. Sa wakas matatapos narin kitang utos ka.
"Macaria Divine Evolszkie" I whispered. Finally, my charge is over. Lumapit ako sa kinaroroonan niya kaya nagulat siya sakin. Ikaw ba naman kasi na may biglang lumapit sayo na di mo kakilala tapos naka all black pa? lol
"Nice meeting you, Macaria" gulat siya noong binanggit ko ang pangalan niya.
"How did you know me? Specially that name?" naging mas alerto ito
"Easy. Hindi ako kalaban. I'm just here to ask you a favor."
"Who are you by the way?"
"I'm Thana" nagdikit ang kilay nito nang sinabi koi yon
"Sound familiar. Are you in Second Division?"
"Yes"
"Oh. So, what is your favour?"
"He will be the one who will talk to you privately. Here is the address" at ini-abot ko sa kanya ang papel na ibinigay mismo sakin.
"I already texted him. He's waiting." Tumingin muna siya sakin bago siya umalis.
Medyo malayo-layo tong napuntahan ko kaya kailangan kong makabalik agad. Baka mapagalitan pa ako. Isinuot ko na yung helmet ko at tumuloy na. Habang nasa kalagitnaan ako ng kalsada, biglang may humarang sakin na naka-van. Bumaba sila at tinutukan ako ng baril. Sila na naman?
"Sumama ka samin kung ayaw mong matamaan ng bala"
"Wag niyo akong pilitin kung ayaw ko" sagot ko naman sa kanila pero ngumisi lang yung nasa harapan ko.
"Well then, wag k asana magsisi sa sagot mo" at bigla nalang akong ahilo. Kinapa ko ang leeg ko at may nakatusok doon na karayom. Shit, ang bilis nila.
--
"Hindi pa ba natin siya papakawalan?"
"Tanga ka ba? Hinuli natin tapos gusto mo lang na pakawalan?"
"Hindi Boss, ang sabi ko sana, hindi pa ba natin yan kakalagan eh isang araw nang tulog? Tyaka nasabi naman na natin na nasa atin siya"
"Mamaya, dadating na yun." Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero purong puti lang ang nakikita ko. Ay nobita! Sinag pala ng araw tsk. Nakatingala pala ako.
"Gising na siya Boss"
May kamay na humawak sa baba ko para itingala ako.
"Salamat naman at nagising ka para naman makita mo kung paano matumba ang lalaking yun sa harap naming lahat" sinong lalaki? Ha? Hapiwe.
"Pinagsasabi mo?"
"Hintayin mo nalang" kakasabi pa lamang niya iyon ay biglang bumukas ang pintuan nitong kwartong kinalalagyan namin. Wait...what? Seriously? Siya?
"Ano na naman ba ang kailangan niyo?" tanong nito nang biglang napako sa akin ang tingin niya. Gulat na gulat ito.
"Bakit ka nandito?" tanong nito sakin. Duh! Obviously Kuya
"Nahuli nila ako malamang"
"Humina ka na pala" tapos ngumisi pa ito. What? Ansabi mo? Ako, humina?
"Akala ko ba malakas ka, Thana" shenme? Thana? Kilala niya ako? How? Napansin ko naman na nagulat yung mga lalaking kumidnap sakin.
"Akala ko lang pala yun kasi mahina ka talaga" at ngumisi na naman ito na lalong nagpakulo ng dugo ko. Wag mo akong mamaliitin Jonathan ka. Agad kong kinalas ang pagkakagapos sakin at kahit nanghihina pa ako, kinuha ko yung bangkong inipuan ko at inihampas dun sa lalaking nasa harap ko. Naging alerto naman sila pero wala akong pakialam. Kapag natodas ko na sila, yang Nathan naman na yan ang isusunod ko. Mahina pala ha. Sinipa ko sa mukha yung tinatawag nila kaninang Boss. Isinunod kong inihampas sa kanila yung tali na pinantali nila sakin at tyaka ko hinila na nagdulot sa kanila upang matumba sila. Tatlo nalang.
Nanghina ako nang may humapas ng tubo sa ulo ko. Napaubo ako ng dugo kaya naman mas lalong nagdilim ang paningin ko. Handa ko na sanang patayin yung pumalo sakin pero nakahiga na ito sa sahig at nasa likod ko na din si Nathan.
I can saw his worried expression that makes me think why. Lumapit ito sakin ay hinawakan ang ulo ko na dumudugo. Ba't dumidilim ata?
"Shit Veniz! You stupid woman!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top