Chapter Twenty-Four

Nakahilata na ako ngayon dito sa kama ko. Hindi na nagawa pang magtanong kanina nila Shau sakin dahil sandamakmak ang inihabol ko kanina. Amp, deadline na pala bukas kaya naman halos hindi narin ako kumain kanina ng tanghalian. Gutom na gutom tuloy ako ngayon. Speaking of gutom,

"Miss JV, baba na daw po kayo. Kakain na po kayo" ayan na naman yung Miss. Ang girly!

"Opo bababa na" mamaya nalang ako magpalit. Gutom na ako e.

"Halika na JV, kain ka na. Oh, ba't hindi ka pa nagpapalit ng damit?" sabi ni Tita. Umupo muna ako bago ko siya sinagot.

"Maya na po Tita, gutom na ako e" at ngumiti ako sa kanya. Masama na naman tingin sakin ni Kuya kaya naman nag belat ako sa kanya.

"Okay, let's pray" yan na ang tradisyon nila Tita. Ang mag pray bago kumain. Pagkatapos naming magpray, kumuha agad ako ng rice tapos yung ulam na sinigang na lapu-lapu tapos adobong manok.

Tuloy lang ako sa pagkain ko kahit na masama tingin ni Kuya. Alam ko na naman nasa isip niyan. Matakaw!

"Tapos nap o ako. Balik na po ako sa kwarto ko."

"Magpahinga ka na pagkatapos mong mag-aral ha?"

"Opo Tito"

Pagdating ko sa kwarto ko ay kinuha ko agad yung twalya ko. Maliligo muna ako bago ko gawin yung gagawin ko. Para naman mas refreshing ahe. Nagbabad muna ako sa tub para naman ma restart ang utak ko.

Itinigil ko na ang pagbabad sa tub nang medyo nangulubot na ang balat ng mga daliri ko. Lumabas akong nakatuwalya lang. Pake mo ba? Nakalock naman pinto ko ahe.

Hinanap ko yung paborito kong suotin. Hoodie na hanggang tuhod ko bale kay Kuya 'to noon denekwat ko lang kaya malaki, tapos cycling. Nagsuot pa ako ng medyas na bunny tyaka ako nagsuklay. Nang matapos ko na lahat ng rituals ko, umupo na ako sa harap ng computer ko at sinimulan nang hagilapin ang iba pang information sa kanila.

Kung e-fishing ko nalang kaya? Ahe tama tama! Pero tinatamad ako kaya yung main nalang na ginagawa ko.

Pindot lang ako ng pindot sa computer ko. Marami akong ini-install dito na antivirus. Nag create din ako ng trap para kung sakali man na may magtangkang e-hack ang computer ko.

"Ayan!" Nahanap ko din

Current location: Philippines
Destination: Mountain Area of Santol (lol)

Bakit sila nakatago sa liblib na lugar? May humahanap din ba sa kanila? Agad kong tinawagan si Master Henri para masagot ang tanong ko.

"Oh?" Ganda ng bungad insert sarcasm. Tsk.

"May iba din bang humahanap sa kanila?"

"Ang sabi lang sakin, bawat lugar dito sa Pilipinas ay hinahanap na sila. Malaking danyos na ang naidudulot nila sa bawat bansa. Bakit mo pala naitanong?"

"Nahanap ko na ang exact location nila"

"Then we'll go now bago pa sila makatakas ulit"

"Ngayon na talaga? As in? Seryoso ka Master Henri?"

"Oo" at pinatay na niya ang telepono. Galing ha, kakabihis ko lang tapos magbibihis ulit ako ganun?

Nagpalit na ako ng damit na katulad nung mga isinusuot ko tuwing may misyon kami. Hindi naman siguro kami matatagalan kaya hindi na ako nagdala ng extra'ng damit.

"Tita, Tito may urgent po pala akong pupuntahan" paalam ko sa kanila nang makababa ako.

"Gabi na ha?" Sagot naman ni Tito sakin kaya napakamot ako sa ulo ko. Ano ang gagawin kong palusot?

"Don't worry Papa, kasama naman niya ako" sabat ni Kuya Ire. What? Seryoso ba siya? At san naman 'to pupunta? Himala at hindi ako pinigilan nito.

"Oh siya sige. Basta bumalik kayo dito bukas ha. May pupuntahan tayong meeting. Lahat tayo kailangan." Ano na namang meeting yan? At bat kasama pa ako?

"Lalo ka na JV" sabat ni Tita sa sinabi ni Tito. Eh?

"Sige Ma, punta na kami. Pa" iwinagayway lang ni Tito ang kamay niya kaya dumeretso na kami sa garahe.

"Himala Kuya at hindi mo ako pinagalitan ngayon na lalabas ako ng gabing-gabi" tinignan lang niya ako ng masama at kinuha ang susi sa bulsa nito

"Sasama ka talaga Kuya?"

"Hindi. May iba akong pupuntahan" sabay hagis sakin ang isang susi. Sheyt! Yung motor niya ahihi.

"Kay Doc Yssy ano? Yiiee"

"Gago." wakubet talaga si Kuya tss. Murahin din kaya kita tamo.

Nauna na si Kuya na umalis kaya naman pinaandar ko narin yung motor niya. First time niyang ipahiram to sakin. Bago kasi to, kakabili niya ata two weeks ago. Sana wag magasgasan sa misyong ito.

Pagkarating ko sa location kung saan kami magkikita-kita ay ako pala ang nauna. Hay salamat naman at di ako nahuli ngayon.

"Woah! Thana himala at nauna ka ngayon?" Agad na sabi ni Morana. If we are in mission, we address each other to our screen names na may meaning din. Kapag naman nasa Headquarters kami ay ang mga numero na sumisimbolo sa amin. Except for Master Henri na minsan lang namin tawagin sa numero niya.

"Himala din at kayo ang nahuli" sabay ngisi ko sa kanya kaya naman binatukan ako nito. Bakit ba ang hilig nila akong batukan?! Nakakainis!

"Nilagnat ka lang siguro"

"Nyenye"

"Stop that. Para kayong mga bata. Let's go, malayo-layo pa ang pupuntahan natin." Sabat samin ni Master Henri. Nagbelat lang kami sa isa't isa tapos tumawa din kami. Nauna nang pinaandar ni Master Henri ang motor niya tapos sunod si Azriel (Nathan) na napapailing sa kakulitan namin ni Morana. Sabay kaming sumunod ni Morana sa kanila.

"Ang bilis mo atang nahanap yung location nila?" Tanong nito. Naka earpiece naman kami kaya malaya kaming nakakapag-usap. By the way, ang earpiece naman ay yung parang contact lense pero nakakabit siya sa skin kaya hindi halatang may earpiece kami.

"Saktong nakaopen sila e"

"Kaya pala"

"Bilisan niyong magmaneho, nawala na si Master Henri" sabat ni Nathan pangit sa usapan namin

"Oo na" nagkatinginan kami ni Morana kaya naman alam ko na ang plano. Bahala na kung sino ang mahuli basta huwag lang ako.

Alam kong may nakakabit na turbo dito sa motor ni Kuya kaya naman yung buton nalang ang hahanapin ko. Nahuhuli na ako kasi hinahanap ko pa yung buton. Nang mahanap ko na ay agad ko itong pinindot kaya mas bumilis ang takbo ng motor ko. Mas binilisan ko pa hanggang sa halos hindi ko na makita yung mga nadadaanan ko. Pati sila Morana at Azriel ay nalagpasan ko na rin. Tinignan ko sa lense ng helmet ko ng location ni Master Henri at malapit na ako sa kanya.

Noong halos maabutan ko na si Master Henri ay bigla namang sumigaw sa kabilang linya si Morana. Takte, ang sakit sa tenga.

"Pisting yawa ka Thana! Ba't nauna ka?!"

"Alam kong may parusa sa mahuhuli sa main location kaya nauna na ako sa inyo. Bye"

"Buset na to"

"Labyumor" sabi ko at ngumiti. Ganyan kami maglambingan kaya wag na kayong magtaka.

"Hoy Azriel! Buset ka din ba't kayo nang-iiwan?!" Nahuli na to for sure haha

Tumahimik nalang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Mahirap na baka mabunggo pa ako sa kung ano.

"Master Henri" tawag ko sa pansin ni Master Henri

"Yes Thana?"

"Malayo ba yung binigay ko sa'yong address?"

"Medyo"

"Anong medyo e halos 30 minutes na tayong nagdadrive?" Sabat ni Morana

"Hoy Morana, sa'yo 30 minutes, sa'min 20 minutes lang! Asan ka na ba?" Tanong ko

"Sa tapat ng malaking mangga na madami"

"Gago bilisan mo! Magkakatapat na kaming tatlo!" Sabi ko

"What?! Oh men!" Rinig kong mas binilisan pa nito ang motor niya kasi narinig kong ipinihit niya ng malakas ang accelerator ng motor.

Ilang oras pa kaming bumyahe bago kami nakarating sa mismo nilang location. Sana naman hindi sila nakatunog. Mahirap na. Makakatakas pa sila.

"Thana, west. Morana, north. Azriel, south. Go!" Nagkanya-kanya na kami ng daan. Iniwan di namin yung nga motor namin sa isang kweba na nadaanan namin.

Habang papunta ako sa assigned location ko, hindi mawala sakin ang pagkasabik na mahuli na sila. Hustisya ang hinihingi ng puso ko para kay Papa. Hindi ko sila hahayaan pang makatakas sakin. Ngayong kaya ko na silang harapin, hinding-hindi na ako matatakot na hanapin sila sa kahit saan mang sulok ng mundo.

"Thana, wala na sila sa loob ng bodega na tinutuluyan nila" sabi ni Morana sa kabilang linya kaya naging alerto ako dahil alam kong nakatunog nga sila. Hindi lang sila basta-basta na tao, alam kong May kakayahan din sila katulad ng organisasyon namin.

"Thana, I think they are after you. Alam nilang susugod tayo ngayon." Sabi naman ni Master Henri

"We have a traitor" biglaang sambit ni Azriel sa kabilang linya na siyang sinang-ayunan ko.

"I know. Matagal na." Sagot ko

"Then why didn't you tell us?" Sabat ni Master Henri sa kabilang linya

"It's too risky Master. Lagi siyang nakamasid sa mga galaw natin. Mahirap ipaalam na alam namin na kilala namin siya."

"Sino?" Tanong ni Morana kaya napangisi ako

"You know him well, Morana" pagkasabi ko nun ay biglang may nagpaputok sa gawi ko kaya agad kong inihanda ang baril din na hawak ko.

"Well guys, kasama ko na sila. Better help me here" Ba't nandito silang lahat? Luh madaya ba't ako lang?

"Welcome to our territory, Thana" Thana? So hindi nila ako nakikilala bilang JV? Mabuti naman. Akala ko ganun na kachismosa yung spy nila.

"Salamat pero hindi ako nandito para sa welcome niyo" at inunahan ko na sila bago pa ako ang barilin nila. Agad naman silang nagtago sa mga puno at syempre ako din. Luh, alangan naman na diyan lang ako sa gitna?

"Hoy, asan na kayo?"

"Sa likod nila. Bahala ka na diyan na maging pain Thana hahahaha" Gago talaga tong Morana na to. Kainis. Ako na naman ang pain? Seryoso ba sila?

Wala akong choice kundi lumipat ng pwesto dahil binaril nila ang punong pinagtataguan ko. Ang payat kaya nung puno.

Binaril ko sila pabalik pero mas marami sila kesa sakin kaya naman mas lalo pa akong nagtago sa bagong puno na sinasandalan ko.

"Mga dude, galaw naman po diyan"

"Isa nalang. Umalis ka na diyan kapag sinabi namin"

"Copy" sagot ko kay Master Henri. Ginagawa na naman nila yun? Mga tamad bumaril talaga.

"Pisti yawa!" Tili ni Morana. Fuck!

"Thana, Alam mo naman na siguro na kasama namin tong kasama mo. Lumabas ka na diyan bago pa mawala ang ulo nito" sabi ni Johnny. Ano ba naman kasi Morana? Kaya naman niyang lumaban, gusto lang talaga akong bigyan ng eksena. Wala akong choice kundi lumabas sa pinagtataguan ko.

"Oh, lumabas na ako. Pakawalan niyo na yan" tumawa si Johnny sa sinabi ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ni Morana.

"Kayong dalawa, maghanda na kayong umalis. In five seconds pwede na to"

"Tagal" sabi ko

"Sobra" sagot naman ni Morana. Dada lang ng dada si Johnny pero hindi ko siya pinapansin. Hinahanap ko yung dalawa pa niyang alipores. Putek, naisahan ako nitong Johnny na to ah.

"Five" tinadyakan ni Morana sa paa si Johnny kaya lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya dahilan para magawang sikuin ni Morana sa tagiliran si Johnny.

"Four" pinagbabaril ko ang ilan sa mga kasamahan niya. By the way, hindi yung baril talaga na baril ang gamit namin. May kuryenteng dumadaloy dito na tatama sa kanila kapag ibinaril ko dahilan para makatulog sila. Hindi naman kami mamamatay tao ano.

"Three" sabay kaming tumakbo ni Morana palayo sa kanila

"Two" humabol pa si Johnny kaya binaril ko siya sa paa

"One" huli na bago pa siya makabangon ulit. Nangisay silang lahat dahil sa kuryenteng dumaloy sa kanilang katawan. Ang ginawa nila Master at Azriel kanina ay ang tinatawag naming ultra blast. Buti nalang at nakapagdala sila ng gamit. Para din siyang maliit na bomba pero electricity ang dumadaloy doon.

"Dalawa pa" sambit ko bago ko marealize na may tama pala ako sa tagiliran. Ang manhid ko naman ata kanina?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top