Chapter Twenty-Five

Minsan, ang mga taong inaakala nating kakampi ay huwad. Hindi sila mananatili sa buhay mo hanggang huli. Iilan ang gugustuhing manatili sa'yo.

"May tama si Thana sa tagiliran" rinig kong sigaw ni Morana. Nakapikit kasi ako dahil mahapdi. Ba't ba ngayon ko lang kasi to naramdaman?

"Putiki! Hindi lang pala sa tagiliran!" Ano ba tong Morana na to sigaw ng sigaw. Karindi.

"Hoy, nakakarindi ka"

"Tumahimik ka babae" nyenye

"Tara na, tumawag na ako ng back up na malapit lang dito. Parating natin sila in two minutes."

"Aray ko naman po mastir!" Sigaw ko nang aksidente niyang matabig ang kanang braso ko. Ahuhu May sugat rin pala hutek.

"Pakibuhat naman siya Azriel. Aabangan ko lang sila sa labasan." Ramdam kong may bumuhat sakin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga mata niyang nag-aalala.

"Hoy, hindi pa ako mamamatay"

"Sinabi ko ba? Tsk" nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya naman tumingin ako sa likod niya at nandoon si Morana na nakasunod sa amin. She signed something that makes my cheeks burn.

"Bagay kayo yiee"

"Pakyu" sagot ko nalang dito. Bakit kaya antok na antok ko?

"Upo" sabi sakin nitong bumuhat sakin pagkarating namin sa kwebang pinag-iwanan naming nitong mga motor namin

"Ano ako aso?" Sabi ko pero umupo parin ako. Buang lang.

Pinunit nito ang laylayan ng damit niya tyaka niya ibinenda sa sugat ko sa braso.

"Aish! May sugat ka pa pala sa tagiliran" agad niyang pinunit ng mas malaki ang t-shirt niya at itinali sa bewang ko. Ano bang trip nito?

"Tara na daw sabi ni Master Henri. Mauna na daw tayo dahil sila na ang bahalang kumuha sa kanila" biglaang sabi ni Morana pagkarating niya.

"Kaya mo bang mag-drive?" Tanong ni Azriel (Nathan) sakin

"Luh hindi naman ako nalumpo"

"Tas, bahala ka nga jan. Kanina ka pa" sabay tingin nito sakin ng masama bago pumunta sa motor niya. Bad trip ahe. Trash talker kasi amp.

Umangkas na ako sa motor. Nahuli na ako kasi medyo nahilo pa ako kanina. Ano ba yan. May side effect pa ata yung pagkakapalo sa ulo ko noong nakidnap ako.

Pinilit kong pinaandar ang motor ko kahit na gusto ko nang ipikit ang mga mata ko. Buset kasing Morana na yan, iniwan ko. Ipagpalit ba naman ako sa ML tournament? Walang kwentang kaibigan oh! Joke lang.

Nakalayo na ako sa nanggalingan namin pero mas lumalala na ang antok ko. Wag dito...

Isang malakas na pagtama ng katawan ko ang huling naramdaman bago ko ipinikit ang mga mata ko.

**

"Yes, she can't go home right now. Baka mag-alala sila Tita kapag nakita nilang ganito ang nangyari kay Veniz...yes, of course. I will. Geh" rinig kong tinig bago ko iminulat ang mga mata ko. Gray na bubong? Hindi gray bubong nung kwarto ko. Nasaan ako? Sino yung nagsasalita?

Agad akong bumangon at iginala ang tingin ko sa kwarto kung nasaan ako. Yawa! Sino na naman kumidnap sakin?

"Hey! Who told you na pwede ka nang bumangon?!"

"Kidnapper!!" Sigaw ko at tumayo sa kama kasama ang kumot with matching turo turo pa sa nilalang sa side ko.

"Nathan?" Ampupu kidnapper na ba siya ngayon?

"Hindi ako kidnapper. Baba" utos nito. Para naman akong pusa na sumunod sa utos nito. Pero teka...bakit ako nandito sa bahay niya? Agad kong sinilip ang damit ko kung ito pa ba yun pero hindi na!

"Yyaaaahhh!!" Sigaw ko sabay turo sa kanya. Napatakip naman siya sa tenga at napapikit.

"Gago ka! Manyak! Mamboboso! Hayup! Tae--" agad siyang lumundag sa kama at tinakpan ang bibig ko.

"Alam mo para kang hindi agent sa asta mo e. Ang lakas ng bunganga mo tss" at bumaba na siya sa kama pero

"Pisting yawa!" Sigaw ko ulit nang mahila niya ang kumot na nakabalot sakin dahilan para malaglag kami sa kama. Una siyang lumagapak sa  sahig at ako naman ay mas lalong nalukot sa kumot. Para na akong Shanghai putek.

"Hoy! Tulong!" Sigaw ko sa kanya. Oo sigaw ako ng sigaw kahit hindi ko teritoryo to lol.

"Bahala ka jan" at umalis na ito. Para naman akong uod na gumigiling sa kumot na nakabalot sakin. Yawang Nathan na yan! Kapag ako talaga nakawala sa kumot na to makikita niya.

Ilang minuto pa bumalik din siya at natawa sa itsura ko. Balot parin kasi ako nitong kumot niya.

Lumapit siya sakin kaya tinignan ko siya ng masama. May atraso pa to sakin. Sino ba kasi ang nagpalit sakin? Huwag naman sana na siya kundi mapapatay ko talaga to at siya ang magiging kauna-unahang tao na mapapatay ko.

"Alam ko na ang tingin mo na yan. Hindi ako ang nagpalit sayo. Si Manang ang nagpalit sayo. Damit ko lang yan." Nakahinga naman ako ng maluwag. Ngayon naman, gagamitin ko ulit ang charm ko sa kanya. Ngumiti ako na labas ang lahat ng ngipin ko at nagpuppy ayes pa.

"Paki pakawalan ako" umiwas naman ito ng tingin. Ahe sabi na e, epektibo ang charm ko sa kanya.

"Yawang ina!" Hilain ba naman ang kumot ng biglaan edi ako to ngayon nakahalagapak sa paanan niya.

"Hayup ka talaga e no?"

"Ayaw mo nun, tinulungan kitang makaalis diyan" mumurahin ko na ulit sana siya pero biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Umiwas ito ng tingin at natawa.

"Pahingi ng pagkain" pakapalan na to ng mukha. Gutom ako e.

Hinila naman niya ako papunta sa dining nila.

"Wala ka bang kasama dito?" Para kasing haunted ang bahay niya, walang ingay.

"Meron"

"Eh ba't ang tahimik?"

"Ano gusto mo? Mag-ingay yung nga kasambahay?" Sabay tingin nito ng masama sakin. Hilig niya akong tignan ng masama huhu.

"Eh asan parents mo?"

"Abroad"

"Ah" nauna na akong umupo sa kanya. Gutom na gutom na talaga ako

"Ay, ilang oras pala akong tulog?"

"Two days" sabay sandok nito ng kanin at nilagyan ng itlog na iba ang luto. Ibinigay niya sakin ang platong nilagyan niya

"Two days? Are you serious?"

"Tingin mo nagjojoke ako?" Nag-umpisa na siyang kumain kaya kumain narin ako. Ang sarap naman nitong itlog na kakaiba ang luto ahe. May green kasi tapos may pepper pa basta masarap.

**

"JV!" Kakauwi ko lang dito sa bahay at ang ginawa pala nilang dahilan ay may group project kami kaya di ako nakauwi ng apat na araw. Anong klaseng palusot yun? Pero eto parin, nadulas parin si Kuya sa sarili niyang dila. Nasabi ba naman ang sikreto ko amp. At alam pala niya itong sekreto ko!

"Tita" bati ko rin sa kanya. Niyakap niya ako kaya nagtaka ako. Akala ko papagalitan pa nila ako kasi naglihim ako sa kanila.

"We're so sorry JV...sana mapatawad mo kami" what?

"Ano pong sinasabi niyo Tita?"

"We'll explain everything to you, lalo na yung tungkol sa Papa mo. Pauwi na si Janiz dito. Let's wait for her dahil siya lahat ang mag-e-explain sa'yo. Sorry kung sinabi namin sa kanya kung sino ka" ampupu alam na nilang lahat. Agent pa ba ako sa lagay na to?

Ako ngayon ang tumitingin ng masama kay Kuya Ire. Napakamot naman siya. Chismoso tsk.

"Tita pwede po bang simulan niyo nalang ang magpaliwanag sakin lahat? Ayoko nang maghintay pa" noon pa ako curious na curious

"You're not a real Cortez" shenme?!

"Ipinagkatiwala ka lang ng Daddy mo sa maling babae" kay Mama? Maling babae?

"Ng dahil kay Janiz, mas napahamak ka lalo na yung sinabi niyo na nangyari sa inyo sa Batangas"

"Alam ko pong may kasalanan si Mama kasi hindi niya ako naalagaang mabuti pero ano po ba ang punto ng lahat ng to?"

"May naaalala ka ba noong may sumugod sa bahay niyo?" Yung time na pinatay nila si Papa?

"Hindi---"

"Crap that sister. I'll be the one who will explain. Marami na akong pagkukulang kay JV" sabat ng isang tinig, si Mama

Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay ko. Kapatawaran ang hinihingi ng mga mata nito.

"I'm so sorry for every fault I did to you JV. Ng dahil sakin napahamak ka sa Batangas, nagkaroon ka hindi malayang buhay. Sorry kasi dahil sakin hindi mo nagawang makasama ang Daddy mo"

"Hindi ikaw ang tunay na nanay ko" at tumawa ako ng mapakla

"I'm sorry. Noong may sumugod sa bahay niyo, isa lamang akong katulong noon. Nais nilang makuha ang Mommy mo dahil isa siyang Agent katulad mo. Sa puntong iyon ko lamang nalaman ang bagay na iyon. Ginawa lahat ng Daddy mo ang makakaya niya para protektahan kayo ng Mommy mo pero marami sila. I was just a maid so all I can do is hide myself in the maid's chamber in your mansion." Naluluha niyang paliwanag.

"Rinig ko ang bawat nababasag na vase sa sala. Sigaw ng isang batang halos walang kamuwang-muwang sa nangyayari. Ang huli na lamang na narinig ko ay isang putok ng baril. Lumabas ako at tinignan ang nangyari pero isang kahindik-hindik na pangyayari lamang ang naabutan ko. Nakalupasay ka sa sahig katabi ng Mommy mo. Dumudugo noon ang ulo mo at ang Daddy mo naman ay pilit na lumalapit sa inyo. Ang Mommy mo...duguan siyang nakahandusay sa tabi mo. Pinatay siya mismo sa harap mo at harap ng Daddy mo. Huling habilin nalang noon ng Daddy mo sakin ay ang kunin ka at alagaan. I'm so sorry JV. Sorry...sorry" umiiyak siya na nakaluhod sa harap ko hawak ang nga kamay ko. Sa bawat nalaman ko ngayon, hindi ko na alam pa ang uunahin kong isipin. Pero isa lang ang nanatiling tanong sakin.

"B-buhay ba si P-Papa?" Luhaang tumingin sakin si Mama or I should say...Just Tita Janiz alone

"Yes" iyon na ang hudyat para mag-unahang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Buhay si Papa...buhay siya.

"Pero bakit kayo naglihim sakin?! Ito ba yung sinasabi niyo noon Tita na hindi ko maalala ha?!" Umiiyak na sigaw ko. Ang sakit-sakit. Noon ko pa gustong malaman ang mga bagay na to pero inilihim nila sakin!

"JV!" Sigaw sakin ni Kuya Ire

"Ano Kuya?! Pati ikaw e, pati ikaw hindi man lang nagsabi sakin. Alam mo ang sikreto ko pero ako hindi. Ang unfair niyo" umalis ako sa bahay na hindi alam ang pupuntahan. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong iiyak lahat ng to. At gusto kong hanapin si Papa. Tuloy lang ako sa pagtakbo. Sobrang nakalayo na ako sa bahay nila. Hindi ko na alam pa kung nasaan ako. Tutuloy na sana ako sa pagtakbo pero biglang umulan ng malakas. Pati ulan, nakikisimpatiya sakin.

"Aaaahhh!" Sigaw ko sa gitna ng ulan. Kakahuyan ang nakikita ko sa paligid ko. Nasa gitna ako ng kalsada.

"Bakit kayo naglihim sakin?! Alam niyo ang bawat sikreto ko pero bakit...bakit?!" Humalo ang ulan sa mga luha ko. Ang sakit isipin na huwad lamang ang lahat.

"Papa... I promise, I will find you" tumayo na ako mula sa pagkakasalampak ko sa kalsada at itinuloy ang paglalakad. Hindi ko ininda ang ulan. This is how I love rain, itinatago niya ang bawat luha ko.

"Veniz!" Humahangos na sigaw ni Nathan sakin. Papaano niya ako nahanap? Sinabi na ba lahat ni Kuya sa kanya? Sabagay, dun naman siya magaling.

Nang makalapit na ito sakin ay agad niya akong niyakap. Ano bang ginagawa niya? Pilit ko siyang itinutulak palayo pero mas humigpit ang yakap niya sakin sa gitna ng ulan.

"I'm sorry, I'm late amor meu" sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong naiyak. Anong ibig nyang sabihin? Matagal na ba?

"Pisting yawa ka" sabay hampas sa kanyang dibdib. Umiiyak parin ako habang nakayakap sa kanya. Halo-halo na ang nga emosyong nararamdaman ko. Gusto ko nang magpahinga.

"Nathan..."

"Hmm"

"Will you be there again when I wake up?" Hindi ko alam kung saang lupalop sa isip ko nanggaling yan pero alam kong ito ang nais ng puso ko.

"Always, amor meu"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top