Chapter Twenty
Friday na ngayon at nakabalik narin ako sa bahay na walang prinoproblema. At ngayon naman, ibang iba na talaga. Mula sa seating arrangement hanggang sa mga kaklase ko.
Si Shau nasa tabi ko na sa kanan at sa kaliwa naman si Zia. Sina Jiyo at Rhynee naman at dun parin sa dati. At about naman dito sa mga kaklase ko, nag-iba na ang pakikitungo nila sakin. Ewan ko lang dun kay Jon na hanggang ngayon ay naiinis parin kami sa isa't isa. Minsan kapag nagkatinginan kami tinitignan ko nalang siya ng masama tapos siya pinagtataasan ako ng kilay. Grabe naman porke di ako marunong magtaas ng kilay ha.
Kahit sabihin pa sakin nila Shau na makipagbati na ako kay Jon ay ayaw ko parin. May atraso sakin yang Maldito nayan aba! Hinding-hindi ko makakalimutan ang kasungitan niya sa Korea at yung mga iniutos niya sa mga kaklase naming noon. Tsk bahala siya sa buhay niya.
Last subject na pala naming ngayon. Half day lang kami tuwing Friday kasi apat lang subject namin sa umaga at wala na sa hapon.
"Ventot! Tara na!" tawag sakin nung dalawa. Itinigil ko na nga ang pagtawag ko sa kanila ng Shaunga at Ziangit para tigilan na nila ako pero hindi parin. Hustisiya!
"Ate Jace hintayin ka namin sa hall ha" sabi naman ni Rhynee kaya ngumiti at tumango nalang ako sa kanila ni Jiyo. Nakabihis na kasi sila ng pang taekwondo at ito ang last subject namin ngayon.
Nang makapagbihis na kaming tatlo nila Shau at Zia ay nagpunta na kami sa hall ng taekwondo class namin. Sosyal nga kasi may hall pa sila.
"Ventot patulugin mo ulit si Shau hihi"
"Hoy Zia narinig ko yun!" at pinektusan niya si Zia. Nagsisimula na naman po sila. Naghabulan lang sila hanggang makarating kami sa hall. Naupo naman kami agad sa pwesto namin.
"Ate Jace iba ang gusto ni Sir ngayon" bulong sakin ni Rhynee
"Gusto niyang maglaban yung mga nanalo noong nakaraan" dugtong naman ni Jiyo kaya napatingin agad ko sa kanya
"at ang maglalaban ngayon ay ikaw at si Jon" sabay nilang sambit kaya napangisi ako
"Malakas siya Ate Jace kaya mag-iingat ka ha" ginulo ko naman ang buhok ni Rhynee. Para naming mamatay ako
"Good day class! And today, let us witness the battle between the winners in our last meeting." Anunsiyo ni Sir habang nasa gitna siya. Parang kinabahan tuloy ako dahil sa sinabi ni Rhynee. Tumayo na ako at nagsimula nang pumunta sa gitna. Sina Shau, Zia, Rhynee, at Jiyo lang ang sumusuporta sakin the rest ay kay Jon na. ngumisi naman sakin si Maldito. Tsk yabang.
"Left, Right, ready!"
"ha!"
"start!" una akong sumugod sa kanya pero naiwasan niya kaya tinuloy-tuloy ko nalang
"Don't be too obvious JV that you hate me" at ngumisi na naman ito
"tss" sagot ko nalang at sinugod na namn siya. Alam kong magling siya pero hindi parin ako magpapatalo sa kanya.
Siya naman ngayon ang sumusugod sakin pero naka-counter ko naman.
"Hey Veniz" tanginang Veniz yan! Dahil sa sinabi niya ay nawala ako sa konsentransyon at natamaan niya ako. Nagsaya naman ang mga kasama niya. Putek ka talagang Maldito ka!
"Hey Veniz" sambit na naman nito kaya sa asar ko, tinignan o siya ng matalim tapos sinugod ko siya ulit
"Tigilan mo ako Maldito ka" sabi ko naman ditto na lalong nagpangisi sa kanya
"Hey Veniz, you're beautiful today" takte!! Pisting yawa ka!
"Ven!/Ate Jace!/JV!" sabay-sabay na sigaw nung apat nung natumba ako at napaluhod. Tungunu kang Jonathan ka ha. Kala mo, babawi ako. Tumayo naman ako kahit masakit yung kaliwang braso na tinamaan niya. Beautiful pala ha
"Hey Nathan..you look like a shit today" sambit ko naman sa kanya gamit ang tono niya kanina sakin. Napaawang naman ang bunganga niya at nadistract kaya agad ko siyang sinipa sa paa para matumba. Mwahaha! Ako na masama. Veniz pala ha edi Nathan din sayo.
Tinignan naman niya ako ng masama.
"Don't you dare call me Nathan" ohh dun pala siya nainis mwahhaha!
"Yoko nga..nathan" tapos tinaas baba ko pa ang kilay ko. Sa asar niya agad siyang bumangon ako inatake ako. Aba!
"asar ka naman sa Nathan haha" tawa ko pa habang umiilag sa mga tira niya. Masasabi kong malakas nga talaga sya pero ang pasensya niya ay hindi tugma sa lakas niya. Ambilis pala maasar.
"I told you, don't call me Nathan" tapos inilapit pa niya ang mukha niya sakin kaya naman halos maduling na ako. Agad ko naman siya itinulak nung may narinig na akong naghahagikgikan.
"Okay, that's over. In this hall, wag niyo naman dapat ipakita na magjowa kayo ha" what?! Jowa?
"Sir! Hindi ko yan jowa!"
"She's not my type" tinignan ko naman siya ng masama
"So sinasabi mo na pangit ako ha?"
"Yes"
"Luh...duh zer ikaw pa nga tong nagsabi-sabi sakin kanina na "hey veniz, you're beautiful today" duh tanginamo po with galang yan" tapos nakapamewang pa akong nagsasalita sa kanya
"sinabi ko lang yun para e distract ka tsk assuming" sabi nito at humalukipkip pa
"E-distract haha kaya pala nadistract ka din noong tinawag kitang ehem...Nathan" with matching sweet voice pa ako na lalo namang nagbigay pa sa kanya ng inis
"assuming!" sigaw nito sakin asar na si kooyyaa hahaha
"maldito!" sagot ko naman
"baliw!"
"ikaw ang baliw!"
"siopao!"
"abuh! Ba't nadamay pinge ko?! Kapre!"
"bansot!"
"'di ako bansot! Holdaper!"
"hindi ako holdaper!"
"okay class, dismiss. Masyado na silang nag-e-enjoy. Hindi daw sila magjowa diba? Kaya hayaan niyo nalang baka jan na magsimula" what the f?! meron pa pala si sir at ano daw? Ditto magsimula?
"Never!" sabay naming sigaw tapos sabay din naming tinalikuran ang isa't isa. Asar ka talagang Jonathan Montenegro ka!
"Ventot okay ka lang?"
"Ate Jace ang sweet niyo kanina ha hihi"
"Nathan at Veniz pala ha"
"Sana all!" sabay-sabay nilang sigaw sakin silang apat
"Heh! Tabi!" nakakaasar! Tapos pat sila inaasar pa ako grr
"Ventot! Haha sorry na. 'to naman di mabiro" sabi ni Shau kaya naman napaharap ako sa kanila. Magkakasama silang apat. Nagcross arms nalang ako sa harapan nila.
"Tara mall nalag tayo total half day naman" suggest ni Zia
"at para mawala narin yang bad vibes sa aura mo" gatong naman ni Shau tapos yung dalawa naman ay nakibit-balikat nalang. Hmm...assuming pala ha. Tignan natin.
"game"
"Yey!"
"Sasama kami ha" sabi ni Rhynee sabay taas pa ng kamay nila ni Jiyo
--
Hinila ako nila Shau at Zia sa department store kaya naman sumunod nalang yung dalawa habang bitbit ang pinamili nila Shau at Zia. Yes, sila ang naging chaperone namin ngayon. Ako? Wala pa akong nabibili ni kahit isa.
"Ventot tara dito bilis!" tawag sakin ni Shau
"bilis suotin mo to" sabay bigay sakin nung skirt at white na damit.
"Aanhin ko to?"
"Kainin mo teh, masarap yan! Nobita! Susuotin mo malamang!" sabay tulak sakin sa dressing room. Hindi ako nagsusuot ng skirt pero alam ko naman na hindi ako makakalabas dito kapag hindi ko sinuot to. Hay buhay.
Lumabas ako na todo baba pa sa skirt na suot ko. Tinignan ko naman ang reaksiyon nila pero umiling lang si Shau at Zia. Yung dalawa namn busy sa pagpili ng mga damit. Binigyan naman nila ako ng bago na namang pares. Ngayon naman ay shorts tapos black na sleeveless. Eh?
Ilang ulit pa nila akong pinagbalik-balik sa dressing room hangggang sa makapili na sila. Isa iyong white and black na t-shirt na may nakaprint na 'back off' tapos yung pang-ibaba naman ay white tattered loose pants with belt pa. Sunod naming pinuntahan ay ang shoe section. Nakaupo lang ako sa couch dahil sila rin lang naman ang pipili. Nagulat nalang ako nang hinila na naman nila ako.
"Tara dun sa parlor"
"Huh? Bakit?" nagtatakhang tanong ko
"Basta" nang makarating kami sa parlor na sinasabi nila ay agad nila akong pinaupo sa harap ng salamin kaya naman nakita ko agad ang repleksiyon ko. Nakapusod ang buhok kong mahaba tapos oily narin ang mukha ko. Nakasuot ako ng plain balck t-shirt tapos maong pants. Wala talaga akong sense sa fashion kahit fashion designer pa si mama. Sa school kasi, tuwing Monday lang kami naka-uniform the rest of the week ay pwede na naming suotin ang gusto namin.
"Hi bessy! Paki ayusan naman tong best friend namin ha? We'll be back within ten minutes. Thanks!"
"yah!" tawag ko sa mga ito pero tumatawa lang silan lumabas
"Ay ate gurl, hindi ka ba nagpupulbo?"
"Hindi ako mahilig"
"Oh...common, aayusan na kita baka magalit si Madame" at nagsimula na nga silang pakialaman ang buhok, mukha, at kuko ko. Tahimik lang ako kahit minsan masakit na sa kuko. Huhu grabe si ate ha
Inilugay nitong bakla ang buhok ko tapos sinuklay.
"In fairness maganda naman ang hairlalu mo at mahaba pa. Tanggalin nalang natin ang mga split ends okay?"
"okay?" hindi siguradong sagot ko. Matagal ko nang hindi pinapacut ang buhok ko kaya naman lagpas na ito hanggang bewang ko. Tinatali ko lang talaga lagi kasi natamad akong magsuklay.
Inialis nila ako sa harap ng salamin kaya naman kinuha ko nalang yung magazine sa tabi ko. Akala ko ba ten minutes ay babalik na sila? Bat wala parin sila? Pati na yug dalawang itlog.
"Ayan finish na! Ate Girl isuot mo daw pala yung mga binili nila para sayo" sabay abot sakin nung mga pinamili namin kanina. Titignan ko na sana ang sarili ko sa salamin pero pinigilan ako nung bakla at itinuro pa ang CR. Okay, fine.
Sabi nung bakla ay e-tuck in ko daw yung t-shirt kaya yun naman ang ginawa ko. Pinarisan pa ito ng puting Nike na sapatos. Paglabas ko sa CR ay nakangiti lang sila sakin. Lumapit naman sakin yung bakla at iniharap ako sa salamin. T-teka...
"S-Sino to?" sabay turo ko pa sa salamin
"Waaa! Bat ibang mukha nakikita ko?!"
"Relax Girl, ikaw yan haha" sabay tawa nila. Nandito na din pala silang apat at nakatulala lang sakin. Bumalik naman ang tingin ko sa salamin.
Ang dating nakapusod na buhok ay nakalugay na ngayon at may bangs pa. Ang dating oily na mukha ko ay may pulbo na. Hindi ko pinalagyan ng make up. Ayoko. Kulay brown na din ang buhok ko at kulot na din. At dahil sa bangs ay mas lalong tumaba ang pisnge ko kaya naalala ko na naman ang sinabi kanina ni Nathan na siopao huhu. Bumagay din sakin ang suot ko.
"Gosh Ventot! Parang di ikaw yan"
"aahh so pretty!" sabi nung dalawang bruha.
"JV, sinapian ka ba?" gago talaga 'tong Jiyo na 'to kahit kelan ih
"Ate Jace...asan ka Ate Jace?" sabay kunwari na hinahanap ako kaya pinektusan ko nga. Asar eh!
"Tara na nga! Gutom na ako!" at nauna narin akong lumabas at nagtungo na sa Ice cream Shop. Bahala sila jan.
---
@UglyJollyMeee
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top