Chapter Three

JV's POV

Ang sakit ng balakang ko!! Pusang kinalbo na yan! Sino ba kasi ang nanghila ng upuan ko at nang masapak man lang?

Napuno ng tawanan sa classroom. Tungunu! So embarrassing! Wae?! Ano bang problema nila? Argh!

"Sinong hayop ang humila sa upuan ko?" Mahinahong tanong. Hindi naman kasi kumikibo si Sir. Pero nang tignan ko siya ayun nilock nila sa labas.

"Ako bakit?" Sagot nung babaeng mukhang adik. Daming kolorete. Joke lang. Maganda naman siya kaya lang ay medyo nasobrahan sa make-up.

"Ate, TANGA ka ba o sadyang papansin lang?" Bahala na kay Kuya. Ayaw na ayaw ko talaga kapag nabubully ako lalo na't baguhan ako. Sorry Sir! Sorry Kuya hehe peace out tayo. Susko sana naman at hindi nila to malaman, lalo na siya. Tiyak na mapapagalitan ako. Bawas na naman kapag nagkataon.

"Tss. Eh ikaw, matapang ka ba talaga o nagtatapang-tapangan?" Sabay ngisi sakin. Tss kala mo ah teka nga.

"Gusto mo ba ng away ha!" Hamon ko sa kanya. Bahala na talaga. Mag-aaral nalang ulit ako ng alien language na yan. De joke lang alam ko naman magsalita ng Chinese e, konti ngalang.

"Tss kala mo naman kaya mo. Hindi mo pa kami kilala miss" so? Di ko naman inaalam kung sino man kayo sa eskwelahang ito ha?

"Who cares? I don't even want to know you." Ohh! Wapakkk ang english ko haha. Ano ba yan JV, para kang hindi ano sa asta mo e.

"Aba't--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nang sumingit ako

"Oh ano?!"

Whutthepak? Did she just slap me? Akala ba nito hindi ako babawi sa ginawa niya? Duh, palaban to.

Pftt, yung mukha niya natabingi na ata. Isang suntok ka lang pala eh. Tinignan ko yung mga kaklase ko, nganga? Ngayon lang ba sila nakakita ng nanununtok na babae?

"Open this goddamn door or else all of you will meet the detention room?!" Nandun pala si sir. Hindi ko naalala. Binuksan nila ang pintuan at pumasok naman si Sir.

"Hindi na kayo nahiya! Kabago-bago ng kaklase niyo binully niyo agad ha?! No wonder last section kayo." Sabi ni Sir sabay alis. Anyare dun? Di namam siya ang nabugbog? Baka magsusumbong tyaka tama naman yung sinabi niya, kebago-bago kasi namam binully na agad ako. Estudyante nga naman.

"Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka nalang sa section na ito" sabi sakin nung lalaking nakataob ang ulo sa desk niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Pisting yawa. Isang pisting yawa.

Shenme?!

"Ikaw!?/You?!" Sabay na sigaw namin. WTH!

"Nandito ka na naman?!/Sinusundan mo ba ako?!" Sabay ulit na sigaw namin sa isa't isa. Ako? Sinusundan siya? Say what? The f! Anong ako? Baka siya!

"Tss baka ikaw" sabi ko naman sa kanya. Bakit? Sa kanya ba ang school huh? Tsk

"Umalis kana." pagbabago niya ng usapan. Bakit ba nila ako pinapaalis? Dadalawa na ngalang ang babae dito tapos papaalisin pa ako. Yeah, dadalawa lang ang babae dito isa dun yung sumampal sakin hutek niya. Mula ngayon sinusumpa ko na siya.

"Ayoko nga" kala mo ah! Lalo pa't nandito ka psh. kala mo, babawi ako.

*flashback*
-south korea

Haayyyy. Saan ko kaya hahagilapin si insan? Si mama kasi sabi niya ako nalang ang maghahanap kay insan. Siya naman ang may sagot ng lahat ng gastos ko kaya okay lang haha.

Kaya ngalang, ang problema, hindi ko kabisado ang Korea. First time ko ring makarating dito sa South Korea. Kinausap lang ako ni Mama via phone call. Madami daw siyang trabaho. Psh! Di pa niya sabihin na wala siyang time para sakin. Bahala siya dun siya sa asawa niya kung gusto niya (actually second husband na niya kasi patay na si dad). Patay nga ba?

And I don't even care kung sino man ang landiin niya. Puro kasi business ang nasa isip niya. Tapos kapag okay na saka niya peperahan para lumago ang business niya na fashion designer. Baka mamaya ako pa ang gawin niyang model jusme magkamatayan nalang.

Teka, sino ba yung sumusunod sakin? Tumingin ako sa likod pati kaliwa't kanan ko pero wala naman akong napansin na kakaiba. Napa-paranoid na ata ako. Tumuloy nalang ako sa paglalakad.

"Aray/Ouch!" Sabay na daing namin nung nakabanggaan ko. Ayan kasi JV hindi tumitingin sa dinadaanan. Kung sino ba naman kasi yung nagmamasid at sumusunod sakin tsk.

"Sorry" paghingi ko ng paumanhin

"Tss. Stupid." Sungit ha!

"Sungit neto. Kala mo kung sino tsk. Sapakin ko kaya siya" bulong ko naman. Nakakainis ako pa ang stupid ngayon ha!?

"So you're a Filipino? Tss next time be careful on your way" yah yah yah bwesit ka

"Shi" sabi ko nalang at umalis. Bahala siyang mang-intindi ng chinese. Nakakainis siya. Yung tono ng boses niya parang nagmamalaki putik.

*end of flashback*

"Hindi ako aalis dito" pagmamatigas ko

"Hindi ka kabilang dito!" Sigaw sakin nung babaeng nanampal sakin. Buset ka! Di ka pa pala nadala sa suntok ko ah? Tuluyan nalang kaya kita?

"Oh? Ano naman ngayon? Transferee nga diba?" Bobo ba to?

"Aba't--"

"Oh! Ano ha!" Nagmumukha na akong lalaki ngayon. Tinaas ko narin yung sleeve ng uniform. Sigang-siga ang drama. Kaya lagi nalang akong nalilipat ng school e.

"Tama na yan!"

"Tss"

"Psh"

"Kung ayaw mong umalis, maghanda ka nalang. Baka bawiin mo yang sinabi mo." Anong gusto niyo? Carbonara? Leche flan? Spaghetti? Tss. Maghanda raw eh! At saka pano ko babawiin eh nasabi ko na? Control Z ganun? Tara undo natin poya ka.

Shocks! Nakalimutan ko ang galit ni Kuya!! Lagot na! Alam kong malalaman niya to! Yun pa e ang daming koneksyon tss.

Napatingin ako sa cellphone ko na biglang umilaw. Ang bilis naman atang nalaman ni Kuya?

Oh, iba pala.

"Oh?" Sagot ko at lumabas na sa room. Nababanas ako sa pagmumukha nung pisting yawang yun.

"Gara ng sagot. By the way, nakabalik ka na diba?" Kunwari ka pa.

"Oo bakit? Makapagtanong ka akala mo wala kang ka alam alam tss"

"Gusto kong magtanong e bakit ba?"

"Oh ano bang sasabihin mo?" Tatawag tawag alam na ngang nasa school ako.

"Poya ka! Asan pasalubong ko?" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Poya ka din! Wala!" Binaba ko na yung tawag. Kabanas na babae e. Hindi naman ako nagpunta doon para magbakasyon. Lintik kasi pinagsabay pa.

Sayang sana man lang nakapagshopping ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top