Chapter Thirty Three
Hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi ka marunong kumilatis ng katotohanan. Hindi lahat ng sagot na makukuha mo ay totoo. Ang iba'y nagtatago sa pamamagitan ng ngiti.
Minsan hindi ko na alam pa kung maniniwala ako o hindi sa mga nalalaman ko.
Paano nagkaroon sila LJ at JC ng litrato ko? Maaring sila ang mga nawawala kong kapatid. Pero hindi pa ako sigurado. Kung sila man, maaring maging kasama ko sila para hanapin si Papa.
Si Master naman. Ayaw niya paring ibigay sa akin ang numero ni Gisèle. Ang sabi lang niya sa akin ay masyadong busy ang First Division ngayon dahil kabi-kabila ang mga misyon nila.
Tungkol naman kay Nana, alam ko na kung nasaan siya dahil sa tulong ni Shau. Kahit ina niya ay isinuko niya sa akin. Hanggang ngayon din ay hindi pa alam ni Shau o baka may hinala na sila.
"Ventot!" Tawag sakin ni Shau at Zia
"Bakit?"
"Bukas na ang Christmas vacation, saan ka?" Bukas na pala? Bakit hindi ko alam? Siguro sadyang busy lang ako sa paghahanap kina Papa.
"Sa condo lang siguro o sa kahit saan" ang balak ko lang ay ang hanapin sila.
"Tara sama ka sa amin!" Excited na sambit nito.
"Saan?"
"Pupunta kami sa Baguio. May nag-aya ng laban e" sosyal ha? Sa Baguio pa ang destinasyon. Mga gangster pala to. Nakalimutan ko. Pero under naman sila ng divisions. Ewan ko lang kung saang division ang main nila.
"Ba't sa Baguio pa?" Sabi ko at nagsimulang maghalungkat sa bag ko. Nasaan na ba yung wallet ko?
"Doon kasi nagtatago ngayon ang dating kaaway namin. Dahil nagmerge na ngayon ang grupo namin at nina LJ ay maaari na namin silang matalo. Ano sama ka?" Sabi ni Rhynee. Kasama nila yung kambal...
"Sige" pwede akong makakuha ng impormasyon tungkol sa kanila kung kasama ko sila. Kapag naman nagtanong ako sa apat na to, baka iba pa ang isipin nila.
"Bukas magkita-kita tayo sa labas ng subdivision" sabi ni Jiyo
"Nasa condo ako" sagot ko naman
"Oo nga pala haha"
"Sunduin ka nalang namin Ventot" sabat naman ni Zia na siyang sinang-ayunan ko. Bibili na talaga ako ng motor kapag nakuha ko na ang sweldo ko.
--
"Waaa! Baguio!" Ngayon lang ba sila nakapunta ng Baguio? Jusko naman.
Tatlong van ang nagamit naming lahat. Sa isang van ay kami nila Shau, Zia, Rhynee, Jiyo, Nathan, LJ, JC, ako at isang classmate nung kambal.
Sa dalawang natitira ay ang mga sumama mula sa section namin at nila LJ.
"Saan daw?" Tanong ni Nathan. Sila Rhynee kasi ang nakakuha daw nung message.
"Sa private building ng Castelo. May underground ring sila doon." Sagot ni Jiyo.
"Anong oras?" Tanong naman ni LJ na sumisipsip ng milk tea.
"Six" sagot ni Zia habang busy sa cellphone niya.
"Ang sabi dito sa nasearch ko..." Tumingin siya samin.
"I-isa silang an-ano..." Pabalik-balik ang tingin nito sa cellphone niya at sa amin. Kami naman ay naghihintay sa sasabihin niya.
"Hinahanap sila ng batas dahil sa mga ilegal na gawain nila"
"Like what?" Tanong ni Nathan. Baka isa sila sa mga hinahanap namin.
"Gambling, drugs, at illegal killing...sa Underground battles"
"So you are saying that we probably get killed in that battle?" Sabi ni LJ. Ba't ba ang attitude nitong lalaking to? Daig pa noon si Nathan tsk.
"70%" sagot ni Zia
"Madumi sila makipaglaban" dagdag nito. Lumapit sakin si Nathan at hinila ako palayo sa kanila.
"Bakit?"
"Call them" sabi nito na agad ko namang ginawa. Alam ko ang plano niya. Maaring sila ang hinahanap namin at maaring naroon din sila Johnny.
"Bakit?" Sagot nito mula sa kabilang linya
"Castelo Building. 181216" alam kong gets na niya kung ano ang sinabi ko
"Diyaan pa talaga sa Baguio? Grr malamig kaya ngayon"
"Wag kana magreklamo" sabi ko at pinatay na ang tawag. Kailangan na talaga namin silang mahuli. Dumarami na sila ng dumarami. Ang Second Division ay hindi lang pwedeng tumunganga sa kahit na anong ilegal na ginagawa ng tao. Bakit ba kasi kailangan pa nilang gumawa ng masama? Pwede naman silang maghanapbuhay ng makatarungan hindi iyong kailangan pa nilang pumatay ng tao.
"Keep safe" bulong sakin ni Nathan ay hinalikan ang pisngi ko bago siya naglakad pabalik kina Shau. Kung wala lang kami sa public place kanina ko pa siya nasuntok.
"Oh Ventot, ba't ka namumula?" Tanong sakin ni Shau nang makarating ako sa pwesto nila.
"Ang init"
"Gaga ka ba? Nasa Baguio tayo tapos naiinitan ka? Hoy babae 4 pm na kaya tss. Ako pa ang lokohin" bulong nito sa huli.
"Tumihik ka kundi ipapabalik din kita kay Jiyo dito din" sabi ko naman na agad nagpatahimik sa kanya.
"Tumamik nga kayo. May single dito" sabat ni Zia at tinignan kami ng masama kaya natawa kami ni Shau
"Nandiyan naman si Rhynee" sagot ko naman sa kanya
"Yung isip bata na yun? Ang buang na yun? No way" sabi nito at umirap pa
"Edi doon ka nalang kay LJ. Diba crush mo siya?"
"Weh?" Sabat ko sa sinabi ni Shau
"Uh-huh" sabi nito sabay tango pa
"Omiii-- seryoso ka Zia? Crush mo ang ma-attitude na yun?"
"Makasabi ka naman ng ma-attitude Ventot" sabi ni Zia.
"Attitude naman talaga tsk" sagot ko
"Hindi naman siya ma-attitude, sadyang ganyan lang talaga ugali niya" depensa nito sakin at tinignan pa niya si LJ na kausap sina Nathan.
"Kwento ka" sabi ko at umupo sa bench. Ewan ko pero parang gusto kong malaman ang tungkol sa kambal na yan.
"Kwento Kana Zia tutal palagi mo naman yang ini-stalk" tinignan siya ng masama ni Zia pero awkward din siya napangiti.
"Alam niyo ba kung bakit ko siya naging crush?" Tanong nito samin pero nakay LJ parin ang tingin niya
"Hindi" sagot naming dalawa.
"May iisa kasi silang hangarin ni KC na siyang hinahangaan ko ng sobra sa kanilang magkapatid lalo na kay LJ" tumingin kaming lahat sa pwesto nung kambal. Magkatabi na naman sila.
"Halos hindi sila mapaghiwalay pero pagdating sa pagkain ay mapapaghiwalay mo sila haha"
"Ano ang hinangaan mo sa kanila?" Tanong ko
"Dahil sa layunin nilang mahanap ang kapatid nila na matagal nang nawalay sa kanila" unti-unti akong napatingin kay Zia
"Si-sino yu-ng kapatid n-nila?" Kinakabahan kong tanong. Please...sana sila na...matagal ko na silang hinahanap.
"Bakit curious ka?" Tanong ni Shau sakin
"Sino nga?" Tanong ko ulit
"Sa pagkakaalam ko babae eh" sagot ni Zia. Shit.
"Kilala mo ba parents nila?"
"Bakit napunta tayo sa parents?" Sabat ni Shau pero sinagot parin ako ni Zia. Mabuti nalang at researcher to.
"Nakita ko noon sa records na dahil nga naghahack ako ng files hehe. Pero hindi ko matandaan" pucha
"Pakihack ngayon please Zia" sabi ko. Nagulat naman silang dalawa sa ginawa ko.
"Eh"
"Sige na pleeaaseee"
"Teka nga" at sinimulan na niyang buksan ang laptop niya
"Ano muna kapalit?" Sabay lahad nito ng kamay niya
"Ililibre kita dito sa Baguio" napangisi naman siya. Kahit nawalan na ako ng pera basta malaman ko kung sino ang parents nila. Kailangan kong makumpirma.
Nagsimula na siyang magtipa sa laptop niya. Gusto kong ako mismo ang humanap pero eager na akong malaman kung sila ba talaga o hindi.
"Eto na" agad akong lumipat ng pwesto at tumabi sa kaniya. Nasa gitna namin siya ngayon ni Shau.
"Pangalan ng papa nila ay... wait loading pa hehe" sabi nito. Pucha pabitin eh.
"Ian Drei Almoite at Heiley Veniz Almoite" nabitawan ko cellphone ko dahil sa gulat. Sila nga...sila nga ang mga kapatid ko.
"Hoy! Bakit ka umiiyak? Hala" tarantang taning nung dalawa. Napansin kami ni Nathan kaya lumapit siya agad sa pwesto namin.
"Sila nga" bulong ko. Lalo pa akong napaiyak nung tumingin sila sa gawi namin at lumapit.
"Hey Veniz, what's wrong?" Tanong sakin ni Nathan pero iyak lang ang naisagot ko. Sobrang saya ko dahil nakita ko na sila, nahanap ko na sila.
"Sila nga Nathan, sila nga" ang siya mismong nasasabi ko sa kanila.
"Sila nga"
"Sino?" Tanong ni Zia
"Anong nangyari diyan pre?" Tanong ni LJ kay Nathan. Mas napahagulgol pa ako dahil naaalala ko ang mga sinabi nila sa akin noon sa headquarters. Pakialamera.
"Kayo na ba talaga yan?" Tanong ko sa kambal. Tila hindi nila maintindihan ang tanong ko
"What are you talking about?"
"Kayo na ba talaga yan?" Tanong ko ulit. Lumuluha parin ako.
"What-- hey!" I hug them both. I know, it's them. My heart can recognize them the time I hugged them. I though they would hug me back but they push me away.
"Hindi tayo close para yakapin mo kami." Sabi ni LJ
"Sana alam mo ang ginagawa mo" dugtong pa ni JC.
Ang sakit na ipinagtatabuyan ka ng mga kapatid mo. Sa lahat ng hirap na napagdaanan ko para lang mahanap sila ay bumalik sa akin. Kinurot ang puso ko dahil sa sinabi nilang dalawa.
"Tama na Veniz" sabi sakin ni Nathan pero hindi ko siya pinansin.
"Pwede bang mahawakan lang ulit ang kwintas niyong dalawa?" Gusto kong mabuo ang ala-ala ko kasama kayo.
"Anong gagawin mo?" Tanong ni LJ
"Titignan ko lang. Pangako, ibabalik ko" hindi parin matigil sa pagkuha ang nga mata ko
"No" sagot nilang dalawa
"Please"
"Tama na Veniz. Hindi mo sila kayang pakiusapan" sabi sakin ni Nathan sa tabi ko
"Alam mong mahalaga to samin Nathan kaya ayaw naming pumayag" sabi ni JC
"papayagan ako sa isang kondisyon" sabi ni LJ kaya napatingin ako sa kanya
"Ano?" Tanong ko
"Once you touch this necklace, you'll leave this group"
"Nalaman kasi namin na lagi ka nalang nililigtas ng mga tao sa tabi mo. Hindi pwedeng ikaw ang maging pabigat sa laban na to" dagdag niya. Ang sakit marinig na nagiging pabigat pala ako sa tao. Dapat sinunod ko nalang ang sinabi ko noon sa sarili ko na kaya kong mag-isa. Na kaya ko kahit ako lang ang lumalaban.
"Veniz" pigil sakin ni Nathan
"Ventot" gayun din sina Shau at Zia
"Ate Jace, wag nalang" naiiyak na sabi sakin ni Rhynee pero ngumiti lang ako sa kanya.
"Hindi niya sinabi na pabigat na pala ako masyado haha." Sabi ko sa kanila habang tumatawa ng mapakla. Ang sakit. Kapatid ko pa mismo ang nagsabi sa akin. Kahit hindi nila alam na kapatid ko sila, nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil sa bawat bigkas nila ng salita ay nadudurog ako.
"Sige, payag ako"
"JV!" Sabay-sabay na sabi nilang lima sakin. Iniabot sa akin ni LJ ang kwintas niya gayun din si JC. Kukuhanin na sana ni Nathan sa akin ang dalawang kwintas pero tinignan ko siya ng masama. Trust me, please.
Binuksan ko iyon at nakita ko muli ang litrato. Litrato ng isang bata na malawak ang ngiti. Napaiyak ako lalo at napaupo sa semento. Wala akong pakialam kung maraming mata ang nakatingin sa amin. Bumalik na lahat ang mga alaala ko.
"Kuya Jemuel oh! Si Lemuel!" Sumbong ko sa mas batang bersyon ni JC.
"Bakit kapag si Jemuel kinukuya mo tapos ako hindi?" Busangot na sabi naman ng batang LJ. Ang mga Kuya ko.
"Nibad ka kasi sa'kin kaya ayaw ko tawag sayo Kuya hmp" sabi ng batang ako at tyaka tumakbo kay JC.
"Papa!" Tawag nilang tatlo sa parating na lalaki. Si...Papa.
Sinalubong nila ito at niyakap. Mahuli ang batang ako kaya naman si Papa na mismo ang lumapit.
"Inaaway ka na naman nila Kuya?" Tanong nito sa batang ako. Miss na miss na kita Papa. Nahanap ko na sila Kuya pero ikaw, nasaan kana?
"Ayaw po pahiram ni Lemuel saranggola Papa" sumbong nito kaya agad namang tinignan ni Papa si LJ.
"Ayaw niya po kasi akong tawaging Kuya, Papa" sabi naman nito
"Call him Kuya, okay? Mas matanda sila sa'yo baby" ako nito sa batang ako
"I will call him Kuya if he will give me the kite po" ganito ba ako kasutil noon?
"Sige, bibigay na ni Kuya sa'yo just call me Kuya okay?"
"Okay Kuya!" Sagot ko naman na siyang nagpasilay ng ngiti sa batang LJ.
"K-kuya" sambit ko habang hawak ko parin ang kwintas. Tumayo na ako at pinahid ang mga luha ko.
"Here" abot ko sa kwintas nila. Tahimik lang silang lahat.
"I will go now. Salamat dahil ipinahiram niyo sa akin ang kwintas kahit sandali lang" nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila habang hawak ang bag ko. Tumulo muli ang mga luha ko.
"Ventot!" Tawag sakin ng dalawang tinig
"Ate Jace!" Segundo naman ni Rhynee at lumapit sila sa akin
"Wag ka umalis" sabi nila pero ngumiti lang ako sa kanila.
"Nagbibiro lang naman si LJ eh" sabi ni Rhynee.
"Hindi ka mahina Ven." Biglaang sabi ni Shau sa'kin
"Ikaw ang dahilan kung bakit nahuli na si Kuya Rionne. Hindi ka mahina."
"A-alam mo?" Ngumiti ito sa akin at niyakap ako.
"Sinundan ka namin ni Zia noong lutang na lutang ka"
"Wag kang umalis Ven, sige na please." Naiiyak na sabi ni Zia. Naiiyak narin si Rhynee sa tabi niya. Mga iyakin talaga. Mana sa'kin.
"Naipangako ko na kaya hindi ko na babawiin" sabi ko
"Kapag kailangan niyo ng tulong, tawagin niyo lang ang pangalan ko ha? Nasa tabi niyo lang ako. Tutulungan ko kayo kahit kapalit nun ang buhay ko. Sige na...six p.m. na oh" at itinulak ko silang tatlo. Pagtalikod nila ay tumakbo na ako palayo.
Kahit nasaktan ako sa mga sinabi niyo Kuya, mahal ko parin kayo. Sana lang ay kasama niyo si Papa dahil pagod na ako. Pagod na akong humarap sa mga pagsubok na hinaharap ko tuwing hinahanap kayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top