Chapter Thirty Nine

I met different types of people along my journey. They became part of me as time goes by.

Noong nasa puder pa ako nila Tita Itana, kaunti pa lamang ang nga hinahabol kong mga problema noon. Until folded secrets revealed. I am petrified before to face things but I learned how to deal with those along the way.

"JV"

"Namiss ko po kayo" I hug Tita Itana ang Tito Julius.

"Sorry po kung umalis ako"

"It's fine. Laking pasasalamat nga namin dahil ligtas ka at nahanap mo na sila" at ngumiti siya kila Papa.

"Nasaan po si Tita Janiz?" Tanong ko

"Pabalik narin siguro yun. Pumunta kasi sa supermarket" sagot ni Tita at iginayak na kami sa loob ng bahay nila na dati ring naging bahay ko.

"Namiss ko mukha mo Kuya" sabi ko kay Kuya Ire

"Namiss ko rin ang pakikipagbasag-ulo mo" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Asar.

"Hindi naman ako yung nagsisimula" sagot ko naman gaya ng dati kong sinasabi sa kanya tuwing napapaaway ako.

"Wala ka paring pinagbago" naiiling na sabi ni Kuya at sumunod na kay Tita.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong kausap ni Kuya Ire sina Kuya tapos kinakausap naman nila Tita si Papa. Pumunta nalang ako sa kusina nila ay kumuha ng Chuckie. Feel at home haha.

Kung titingnan sila, parang matagal na silang magkakilala lahat. Ang saya nilang tignan. Sana ganito nalang lagi.

"Waaaaa!" Bigla kong sigaw kaya napatingin sila sa akin. Agad kumaripas ng takbo sa akin sila Kuya pati si Kuya Ire

"Bakit Jace?" Tanong ni Kuya Lem

"Ahuhu Kuya!"

"Bakit nga?!"

"Nakalimutan kong may lakad pa kami ni Nathan! Waaaaa" sigaw ko ulit. Halos maglupasay na ako dito. Natawa nalang sila Tita sa akin.

"Pucha ka Jace! Wag ka mag-alala, sinabi ko sa kanya" sabi ni Kuya Lem kaya tumingin ako sa kanya

"Talaga?"

"Oo sabi" sagot niya at umalis na

"Tatawagan ko nalang siya mamaya para sunduin ka" sabi naman ni Kuya Jemuel bago umalis at sumunod kay Kuya.

"Kayo na ba ni Jon?" Tanong ni Kuya

"Hindi pa Kuya ah"

"May 'pa' na. Wag ka lang iiyak sa kanya" at umalis na din siya. Ahihi. Kinikilig tuloy ako sa kanilang tatlo. May tatlo na akong Kuya na sobra pa sa hiniling ko.

Biglang bumukas yung pinto kaya naman napatingin kaming lahat doon. Si Tita Janiz.

"Tita!" Tawag ko at niyakap siya. Nasanay naman na din ako na Tita na ang itawag sa kanya.

"JV! Kamusta kana?" Tanong niya habang yakap ako

"Okay lang po. Nandito po pala sila Papa"

"Si Sir Ian?"

"Wag mo na akong tawaging Sir, Janiz. Mataas na ang naabot mo at hindi Kana katulong. Kung nabubuhay lang siguro si Veniz ngayon ay sobrang proud niya sa'yo" at ngumiti si Papa sa kanya

"Maraming salamat"

"Ako ang dapat magpasalamat sa'yo at kina Julius at Itana sa pagkupkop sa anak ko noong wala ako"

"Walang anuman ang lahat ng yun Ian. Minahal ko rin naman si JV na parang totoong anak ko na."

"At naging mabuting bata naman si JV sa amin" dagdag ni Tita Itana. Talaga ba Tita? Haha

"Mabuti naman kung naging mabuti ang anak ko sa inyo." Nagsiupo kami sa couch bago nila itinuloy ang pinag-uusapan nila

"Kamusta na po pala yung mga pumatay kay Ma'am Heiley? Nahuli na ba sila?" Tanong ni Tita Janiz

"Oo. Nahuli siya dahil kay Jace"

"Mabuti naman kung ganun at makakamit narin ni Ma'am Heiley ang katarungan"

"Nakakaawa ngalang dahil inosente si Veniz pero nadamay siya" sabi ni Papa kaya tumingin ako sa kanya. Kamusta na kaya si Nana?

"Pasensya kung wala akong nagawa noon"

"Malaki ang nagawa mo sa pamilya ko Janiz. Inalagaan niyo si Jace ng maayos"

"Oh siya, tutal ay ayos na lahat. Tara na't kumain na kayo dito ng tanghalian" sabi ni Tito Julius

Habang nasa hapag-kainan kami ay biglang bumulong sa akin si Kuya Jemuel.

"Nasa labas na daw si Jon" hala ka!

"Tito Julius, Tita Itana, Tita Janiz, Papa, alis po muna ako ahehe. May biglaang lakad lang po kasi" paalam ko sa kanila.

"Magingat ka JV" sabi nalang nila sa akin at umalis na ako.

When I opened the gate, I saw a man wearing ah white polo and grey pants. He smiled at me so I smiled back. I really love his smiles. It makes me calm.

"Hop in" and he opened the door of his car. Lagi ko nalang nakakalimutang bumili ng motor ko. Sa susunod bibili na ako tutal may bonus naman kami kay Master haha.

"Saan tayo pupunta?" Lumapit siya sa akin at inilagay ang seatbelt ko. Wag kung ano ang isipin.

"To your favorite place" favorite place?

"Sa dagat?" Tumango siya at nagsimula nang magdrive.

"Ang lamig pero gusto ko din pumunta sa dagat ngayon" Isinuot ko kasi ngayon iyong binili nung dalawa sa akin kahapon na white long sleeves at maong skirt. Wait, terno damit namin ngayon ah. Sinabi ba nila Kuya sa kanya?

"This is my first time to see wear a skirt" puna niya kaya napatingin ako sa palda ko

"Kapag hindi ko to isinuot, papagalitan ako nung dalawang bruha. Pati ngarin sila Kuya pinilit akong magsuot ng ganito dahil puro nalang daw panlalaki suot ko." Sabi ko

"Just don't wear short shorts" he said that makes me look at him.

"I'm not. Sa bahay lang naman ako nagsusuot ng shorts e."

"Good"

Natatanaw ko na ang dagat kaya naman sobra-sobra ako kung makangiti. Tinanggal ko narin ang doll shoes ko.

"So excited eh" sabi niya kaya natawa nalang ako.

"Matagal na akong di nakakapunta dito e" nang itinigil na niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada ay agad akong bumaba at tumakbo sa dagat. Wala akong pakialam kung mabasa ako basta mag-eenjoy ako ngayon.

Hindi lang kasi basta saya ang naibibigay sa akin ng dagat. Ocean makes my soul calm and makes my heart relax. The waves that touches the sand, the wind that touches my skin, and the man who's watching me. For me, this is the best thing happened today.

"Seeing you happy makes me happy too" he said. He's sitting beside me. I put my head on his shoulder.

"I'm beyond happy" I replied.

Habang nakatitig kami sa dagat ay biglang kumalam ang sikmura ko.

"Akala ko kumain ka kila Tita mo?" Tanong niya

"Gutom ulit e" sabi ko naman na nakangiti na parang bata.

"Wait" sabi niya at tumakbo pabalik dun sa kotse niya. Pagbalik niya ay may hawak na siyang basket. Saan niya nakuha tong basket?

"Anong laman niyan?" Tanong ko. May inilatag siyang blanket bago niya ibinaba ang basket na hawak niya.

"Foods" sagot niya sa akin at binuksan ang basket. Nagningning naman ang nga mata ko at agad akong kumuha ng fruit salad. Paborito ko to lalo na kapag nandito ako sa tabing dagat.

"Pwedeng maligo mamaya?"

"Go on" sabi niya kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ayt wala pala akong madalang damit" dismayadong sambit ko

"Don't worry. May extra t-shirt naman ako dun" sabi niya kaya napangiti ulit ako. Yes! Makakaligo ako! Dahil sa sobrang tuwa ko ay sinubuan ko siya ng fruit salad.

Pagkatapos kong kumain, agad akong tumayo at tumakbo papunta sa dagat. Hindi na masyadong mainit dahil hapon naman na. Mas okay maligo kapag ganito.

Unti-unti nang nababasa ang paa ko habang palapit ako sa tubig. Naka sickling naman ako kaya tinanggal ko ang palda ko at iniwan doon sa parte na hindi siya abot ng tubig tyaka ako tumakbo. Hindi ako magaling lumangoy pero marunong naman ako kahit papaano. Pag-ahon ko sa tubig ay rinig kong tumatawa si Nathan.

Hindi ko nalang siya pinansin at naglublob ulit ako.

"Ay poya!" Nagulat ako dahil pag-angat ko ay nasa harap ko na siya habang natatawa parin.

"Bakit ka ba nanggugulat?!"

"Hindi ganyan lumangoy" sabi niya

"Alam ko"

"Pfft...let me teach you" sabi niya at umikot sa tabi ko.

"Spread your arms" hinawakan niya ang tiyan at paa ko kaya lumutang ako sa tubig. Para akong bata na tinuturuan niya tss.

"Wag mo akong ilulubog kundi sasapakin kita" sabi ko sa kanya

"I won't. Now, try to swim. Pagsabayin mo ang paa at kamay mo na lumangoy." Ginawa ko ang sinabi niya sa akin at ilang beses pa akong sumubok hanggang sa alam ko na.

"Yah!" Tawag ko sa kanya at paglingon niya ay sinabuyan ko siya ng tubig kaya napapikit siya.

"Run" sambit niya kaya nagtaka ako sa una pero nang ma-gets ko na ay agad akong lumangoy pala sa kanya.

"Yah!" Tili ko nang may humawak sa tiyan ko at iniangat ako sa tubig.

"Unfair! Ang bilis mo lumangoy" turan ko sa kanya.

"Mas unfair ka" sambit niya. Ako? Bakit naman ako? Ni hindi nga ako mabilis lumangoy e.

"Bakit ako? Ang bagal ko ngang lumangoy e"

"Ang unfair mo. Oras-oras akong nahuhulog sa'yo." Natahimik ako sa sinabi niya. Tumungo nalang ako at nabigla ako nang kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap.

Hindi lang ikaw ang oras-oras na nahuhulog Nathan. Ako rin. Lagi mo nalang pinakikilig ang puso ko sa bawat ngiti mo.

"Mahal kita" nasambit ko na ang mga salitang nais kong iparating sa kanya. Ramdam kong hinalikan niya ang noo ko. A kiss in the ocean is the most romantic thing for me. A kiss full of respect.

"Mas mahal kita, amor meu"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top