Chapter Thirty Five
(Thank you for the endless support my Peniboos. Hayahae!~~)
Jace Veniz's POV
Sa bawat yapak ko paalis sa kinaroroonan nila ay nagbibigay sa akin ng sakit. Hindi dahil pinaalis ako ni LJ kundi sakit sa akin na papanoorin lang sila mamaya.
Ayokong may masaktan na kahit isa sa kanila pero ito ang utos sa akin. Ito ang iniutos sa akin.
Nang makausap ko si Morana sa telepono ay binigyan ako ni Master Henri at Azriel (Nathan) ng utos. Hinding-hindi ako magpapakita hangga't hindi lalabas ang tatlong target namin. Dito nga sila nakatago at boss nila si Johnny.
"Don't dare to hurt them, Johnny" wala na ulit kayong mapapatay ni kahit isang tao. Marami nang buhay ang nawala dahil sa inyong tatlo, lalo na sa'yo Johnny.
Si Morana ay nasa likod lang nila kanina, sa likod ni Pete. Magaling nga silang mandaya dito sa Underground pero mas nadaya namin sila ngayon.
Sa oras na sinabi ko ang pangalan ni Mommy ay alam kong nagulat sila LJ at JC. Pagkakuha ng mga kasamahan namin sila Johnny ay lumapit sakin ang kambal kaya hinayaan kami ni Nathan at sinamahan na sila Master. Kaming tatlo nalang ang natitira dito.
"What did you say a while ago?" Tanong agad sa akin ni LJ
"Hindi ba kayo naniniwala?" Tanong ko na hindi sila sinusulyapan.
"How did you know that name?" Tanong naman ni JC
"I know that name because she's my mother" tumingin ako sa kanila. Pansin kong naguguluhan sila.
"That necklace of yours, that's my gift to both of you before you went abroad."
"W-hat the f---how did you know?"
"Nobita" sabi ko nalang
"Okay lang naman sakin kung hindi niyo accept na kapatid niyo ako. It's fine as long as you'll tell me where is my father?"
"Hindi kami naniniwala hangga't walang proweba" sabi nilang dalawa at umalis. Sabagay, mahirap naman na kasing magtiwala sa panahong ito. Maraming manloloko isa na don ang ex mo. Joke lang. Jowala ka naman diba?
"Proweba" nasabi ko nalang sa sarili. Kung kailangan niyo ng pruweba, pwes, ibibigay ko sa inyo.
"Morana! Pahiram ng motor mo ha?" Paalam ko sabay paharurot ng motor niya na naiwan niya.
"Gago ingatan mo yan!" Sabi niya sa earpiece
"Oo. Ako pa." Pupunta ako kay Gisèle. Siya lang ang tanging tao na makakapgpatunay na anak ako ni Mommy. Wait...May isang tao pa na makapagpapatunay...
"Nana" bulong ko. Itinigil ko muna sa gilid ng kalsada ang motor tyaka tinawagan si Shau.
"Ven! Okay ka lang ba? Ayos ka lang?"
"Mamaya na tayo magkamustahan. Saan ang bahay niyo?" Diretsahan kong tanong sa kanya. Sawa na akong maghanap nang maghanap. At ngayong nahanap ko naman sila, hindi naman sila naniniwala.
"Third village ng sa inyo"
"Geh. Dalawin ko nalang kayo diyan kapag tapos na ako sa gagawin ko. Tatapusin ko lahat ngayon." At ibinababa ko na ang tawag. Ti-nurn off ko din ang phone ko.
"Nandito po ba si Gisèle?" Tanong ko doon sa isang babae na lumabas sa building nila. Para lang itong ordinaryong building pero sabi nga nila, don't judge a book by its cover.
"Who are you?"
"I'm Thana from Second Division" pakilala ko
"How are you related to her?" Tanong niya ulit. Ano to? Q and A?
"I just wanna talk to her about my mother, Anwyn" nagulat ata siya sa pangalang binanggit ko. Hinawakan niya ang batok niya at nagsalita.
"Master Gisèle, Anwyn's daughter is here. She said, she wants to talk to you here. Yes. I'll bring her to you now." Tumingin siya sa akin.
"You look really like her. Come on, follow me" sabi niya bago niya inalis ang tingin sa akin.
First time kong makapasok dito sa First Division at talagang namangha ako sa itsura sa loob nito. Para kang nasa isang mansion.
"You can leave, Fei" utos ni Gisèle sa babaeng kasama ko kanina.
"So, what's the matter Thana?"
"Nahanap ko na ang mga kapatid ko pero hindi sila naniwala sa akin. They want proof."
"How did you found them?" Gulat na tanong nito
"They were my schoolmates"
"How did you know that it's really them?"
"Their necklace. Please, tulungan mo ako Gisèle. Alam kong may naiwan sa'yong proweba na anak ako ni Anwyn" pakiusap ko sa kanya. May kinuha siya sa drawer niya at inilabas iyon. Isang album.
"Ito lang ang naiwan niya sa akin. I treasure this thing a lot. Nagtataka lang ako noon kung ano itong kwintas din na iniwan niya kasama ang litrato ng asawa niya. Here" abot niya sa akin ng kwintas at litrato. Si papa ang nasa picture. Alam ko dahil may litrato siya sa wallet ko.
Unti-unti kong binuksan ang kwintas at may nakita akong picture sa loob. Dalawang batang lalaki.
"Sila nga" sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa pwesto niya at niyakap siya.
"Maraming salamat" sabi ko bago tumakbo pabalik sa motor ko. Ngayon, hintayin mo ako Nana. Alam kong lagi ka lang nakapaligid sa amin, sa akin.
Nasa kalagitnaan na ako ng daan papunta sa village na sinabi ni Shau pero may hinarang sa akin na mga nakavan.
"Hey there little Anwyn's daughter" Nana?
Itinutok sa akin ng mga alagad niya ang baril na hawak nila. Sumulat ang ngisi sa kanyang mga labi habang palapit siya sa akin. Bumababa ako sa motor at hinarap siya.
"Do you want to see you brothers?"
"Wag mong idamay ang nga kapatid ko" yawang yan! Bakit niya hawak sina LJ at JC? Kasama lang sila ni Nathan kanina bago ako umalis ha?
"Haha katulad ka rin ng nanay mo" lumapit ito sa akin lalo hanggang ilang dipa nalang ang agwat namin.
"Mahina" ayan na naman ang salitang yan. Mahina? Kami nga ba ni Mommy ang mahina o sila?
"Get her!" Utos niya sa mga tauhan niya at dinampot ako. Masakit sa kamay ang pagkakahawak nila sa akin pero hindi ako uminda.
Pagdating namin sa isang bahay, may mga ala-alang rumehistro sa isipan ko habang papasok kami doon.
"Papa! Ang ganda naman po ng new house natin"
"Dahil yan sa paghihirap namin ng Mommy niyo"
"Brothers, can we play?"
"Of course little sis" nagtakbuhan ang tatlo bata sa loob ng bahay. Nakangiti lang silang pinapanood ng mga magulang nila na animo'y hindi alintana kung may masira man sila.
"Ang bahay namin" sambit ko na narinig ni Nana na nasa tabi ko
"Mabuti naman at natatandaan mo" sabi nito na wala kahit ano mang ekspresyon at emosyon.
Tinignan ko siya ng masama at magpumiglas sa pagkakahawak sa akin nitong dalawang alalay niya pero hagupit ng latigo ang natamo ko.
"Huwag kang magtatangka na magpumiglas kundi latigo ang haharap sa iyo" sabi niya sa akin habang nasa baba ko ang nguso ng baril niya.
"Wag na wag mong sasaktan ni kahit sino man sa kanila" banta ko sa kanya pero tinalikuran niya lang ako. Hinila ako ng mga tauhan niya papunta sa salas ng bahay. Ang lugar kung saan niya pinatay si Mommy.
Masakit ang likod at likod ng mga paa ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Naaalala mo ba ang lugar na to?" Tanong niya pero tinignan ko lang ulit siya ng masama
"Tama ka, this is the place where I killed your Mom. Alam mo ba kung bakit siya namatay? Dahil mahina siya"
"Hindi siya mahina. Ikaw...ikaw ang mahina" sabi ko
"Ako? No. She is. She's weak as ever"
"Ikaw ang mahina" ngumisi ito sa akin at sumenyas sa mga alagad niya
"Tignan natin ngayon kung sino ang mahina" hila-hila nila ang apat na tao na mahalaga sa akin.
"Masaya bang makita na sama-sama sila?" Mapang-asar na tanong nito sa akin. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin pero latigo lang ulit ang natamo ko. Ramdam kong napunit na ang ilang parte ng damit ko sa likod. Ramdam ko din ang hapdi ng mga sugat.
"Hayop ka! Pakawalan mo sila!" Sigaw ko pero nilatigo nila ulit ako pero ngayon ay sa paa na kaya napaluhod ako.
"Veniz!" Tawag sa akin ni Nathan pero hindi ko iyon pinansin.
"Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Bakit mo ginawa yun kay Mommy?" Tanong ko sa kanya kasabay nang mabibigat na paghinga ko.
"What I want is to see you die. I hate you that's why." Pumunta siya sa likod nilang apat bago niya itinuloy ang sinasabi niya
"Gusto ko muna kasing kompletuhin ang mahahalagang tao sa buhay mo para naman sabay-sabay nilang makita ang kamatayan mo. At ginawa ko yun sa mama dahil mahina siya gaya nga ng sabi ko."
"Dahil ba namatay ang kapatid mo?" Ako naman ang ngumisi sa kanya ngayon
"Gusto mong mamatay ako para ma-satisfy ka sa guilt mo. Guilty ka kasi namatay ang kapatid mo dahil sa iyo. Isinisi mo ang lahat kay Mommy lahat ng kasalanan mo. Ikaw ang mahina dahil kailangan mo pang kumuha ng buhay ng iba para lang marealize ang mga iyon." Tuloy-tuloy na sabi ko kahit sunod-sunod ang magiging tumatama sa likod at paa ko.
Napaluhod ako lalo sa sahig. Ang sakit pero mas masakit isipin na ginagawa niya ito dahil lang sa guilt niya.
"Dahil sa kanya namatay si Lala! Dahil sa kanya!" Sigaw niya sa akin. Ngayon May emosyon na siyang ipinapakita. Galit.
"Namatay si Lala dahil nalaman ng buong First Division ang ginawa niya. Hindi man lang tumulong si Heiley para huwag nilang patayin si Lala pero wala siyang ginawa! Wala siyang ginawa dahil duwag siya! Mahina siya!" Nanggigigil na sigaw nito sa akin at binaril sa braso si LJ.
"Wag!" Sigaw ko pero huli na
"Duwag ka rin katulad ng Mama mo. Hindi mo man lang sila kayang protektahan"
"Sino kaya sa atin ang duwag? Ikaw. Ikaw ang duwag sa atin dahil hindi mo nagawang akuhin ang kasalanan na sa'yo naman talaga! Kinuha ng kapatid mo ang kasalanang orihinal na sa'yo!" Ako naman ngayon ang tinamaan sa braso ng bala mula sa baril na hawak niya.
"Hindi! Kasalanan lahat ng mama mo! Kasalanan niya lahat!" Lumapit siya sa akin pero inunahan ko na siyang magsalita
"Paano kung isisi ko din lahat ng to sa anak mo?" Banta ko sa kanya na siyang nakapagpatuloy sa kanya.
"Wag na wag mong idadamay ang anak ko dito. Dahil rin sa'yo ay nasa kulungan ngayon si Rionne!"
"Dahil nagkasala siya" kontra ko sa sinabi niya. Tumalikod siya sa akin at muling umalingawngaw ang putok ng baril sa silid na ito. Si Nathan ang tinamaan.
"Huwag mong idadamay si Shau kundi buhay nilang apat ang kapalit" banta niya sa akin
"Buhay ko ang kunin mo kung gusto mo"
"Iyan ba ang kahilingan mo?" Sabi niya. Kahit nanghihina ako at pinilit ko paring tumayo. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay niya na nakahawak ng baril. Itinutok ko iyon sa ulo ko.
"Patayin mo na ako pero huwag na huwag mong idadamay ang mahahalagang tao sa buhay ko. Nakuha mo naman na ang isa diba? Bakit kailangan mo pang kuhanin ang apat pa?"
"Dahil hindi sapat ang iisang buhay lang para sa kapatid ko"
"Ako nalang ang patayin mo Nana, huwag ang anak ko" biglaang sabi ni Papa. Oo, ang ikaapat na tao na hawak niya ay ang ama namin.
"Pa..."
"Huwag kang makialam dito Ian"
"Tama na Nana. Tama na tong ginagawa mo. Walang kasalanan ang mga bata dito lalo na si Jace"
"Tumahimik ka!"
"Papa!" Sabay-sabay naming sigaw na magkakapatid. Binaril siya sa dibdib ni Nana. Hindi na ako nakapagtimpi pa at sinuntok na si Nana.
"Tang ina! Hindi pa ba sapat sa'yo ang buhay ni Mommy ha?! Bakit kailangan mo pang barilin ang papa ko!" Sunod-sunod na suntok ang tumama sa kanya. Dahil nanghihina ako ay agad nabaliktad ang sitwasyon. Nakatutok na sa akin ngayon ang baril. Dumugo ang gilid ng labi niya dahil sa suntok ko.
"Tama na! Tama na!!" Sigaw ko sa kanya nang itinutok niya iyon kay JC.
"Itigil mo na to...parang awa mo na...tama na"
"Aahhh!" Sigaw niya. Napaluhod siya sa sahig.
"Tama na tong mga kahibangan mo Nana" Gisèle? Bakit nandito sila? Paano nila nalaman?
"Gisèle" sambit ni Nana
"Itigil mo na to. Wag mo silang siishin dahil ginusto yun ni Lala. Ginawa niya iyon para sa'yo. Ako ang nakaalam ng lahat at ako ang nagsumbong noon kay Master. Walang kinalaman si Anwyn sa lahat ng to. Siya lang ang pinagsasabihan ko noon pero sinabi kong ako na ang bahala dahil alam kong magkakaibigan kayo. Kaya itigil mo na lahat ng to" gulat si Nana sa sinabi ni Gisèle. Alam kong inosente si Mommy sa lahat ng to pero siya parin ang nawala dito sa mundo.
Lumapit ako sa kanya pero itinutok lang niya sa akin ang baril.
"Alam kong pinatawad ka na ni Mommy kaya sana patawarin mo narin ang sarili mo. Palayain mo ang sarili mo." Sabi ko sa kanya at itinuloy ang paglakad papunta sa kanya pero naramdaman kong sumakit ang tiyan ko pati ang dibdib ko. Bakas sa mukha ni Nana ang gulat.
"Veniz!"
"JV!" Sabay-sabay na sigaw ang narinig ko pero nanlalabo na ang mata ko. Ngumiti ako kay Nana.
I hope you'll forgive yourself. You should set free your guilt.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top