Chapter Thirty Eight

Jace Veniz's POV

Hindi ko ipagkakaila na sobrang namiss ko ang bonding naming tatlo. Nakasabit ang dalawang kamay ko sa braso nilang dalawa habang naglalakad kami dito sa mall. Ang daming mata ang tumitingin sa kanila kaya pangisi-ngisi ako.

"Tunaw na ba kayo?"

"Huh?" Takhang tanong nila

"Kanina pa kayo tinitigan ng mga taong nadadaanan natin" sabi ko.

"Ganyan talaga kapag gwapo" sabay nilang sabi

"Tsk" sagot ko nalang.

"Hangin ah"

"It's not mahangin. Gwapo lang talaga kami" sabay ulit nilang sabi. Kambal nga kayo.

"Diyan na nga kayo. Gutom na ako" bumitaw na ako sa kanila at pumunta sa isang stall ng cakes. I miss eating cakes!

"One order of strawberry cake" umupo na ako doon at hinintay ang order ko. Dumating ang kambal kong Kuya na nakasimangot.

"Iniwan mo kami dahil lang sa strawberry cake tss" sabi ni Kuya Lem. Nasanay narin akong tawagin siyang Kuya Lem at hindi na LJ.

"Gutom na ako eh" pagkasabi ko nun ay sakto namang dumating ang order ko. Umorder din silang dalawa pero ibang flavor.

"Pasabay pa ng isa, please" nag puppy eyes pa ako sa kanila kaya napilitan din sila. Hindi naman kaso sakin kung tumaba ako. Wala naman akong pakialam as long as may pagkain ahihi.

"Takaw" sabay nilang sabi kaya tinignan ko sila ng masama. Masama bang kumain? Ngayon pa ngalang ako kumain e! Pagdating namin kanina pumunta agad kami sa bilihan ng sapatos nilang dalawa.

"Here's your order Sir" inilapag na ni Kuyang waiter ang order nila Kuya. Paubos narin ang kinakain ko kaya hinila ko agad yung pinorder ko sa kanila at sinimulan nang lantakan.

"Kain ng kain di naman tumataba" sabi ni Kuya Jemuel

"Baboy ka kasi" sabi ko naman at nagbelat pa sa kanya

"Oy! May abs kaya ako" katwiran niya habang sumusubo ng cake

"Weh? Baka TABS?" Natatawa nalang si Kuya Lem sa amin.

"Di na kita ililibre"

"Uyy Kuya Jemuel, pakita mo nga yung abs mo. Para mainggit sila"

"Ayan! Diyan ka magaling kapag libre tsk"

"Ahehe" sabi ko nalang at itinuloy ang pagkain. Natapos kaming kumain doon ng cake ay pumunta kami sa bilihan ng damit. Nilagpasan ko lang yung mga pambabaeng damit.

"Kuya ponytail nga" sabay lahad ng kamay sa kanila. Magkasunod naman nilang itinaas ang eleves nila. Pffttt. Dun nila nilagay ang mga pampusod ko haha. Ang cute lang.

Nang makapusod na ako ay nagpicture pa kami sa salamin kaya natawa nalang kami sa sarili namin.

"Ventot!" Sila Shau. Paglabas ko sa ospital ay agad ko silang dinalaw noon pero hindi kami masyadong nagkausap.

"Shau! Zia!" Magkasama silang namimili ng damit. Argh! Dresses.

"I miss you" and they both hug me.

"We'll wait you in the car" sabi nalang ni Kuya Lem kaya tumango nalang ako. For sure magagabihan ako dito sa mall. I'm with this two girls kaya alam ko na.

"Shau"

"Hmm"

"I'm sorry about your mother" panimula ko habang namimili kami ng damit. Sila na naman ang pumipili ng damit ko. Maybe, time to wear dresses? Argh, sana kayanin.

"It's fine" tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Tumuloy lang sa pagpili si Zia dahil alam naman niya na kailangan naming mag-usap ni Shau tungkol sa bagay na ito.

"Ako pa nga ang nagsabi sa'yo na hulihin niyo na si Mommy. Sobra-sobra na siya e. At least sa kulungan ay mas makakapagreflect siya doon sa sarili niya. But yeah, it still hurt but I'm still happy na mananahimik narin ang buhay niyo. I should be the one to say sorry kasi dahil kay Mommy ay nawala si Tita Heiley" ngumiti nalang ako sa kanya

"Let's forget the past together. We will continue their friendship but we will not end this like them. We'll hold each other's hand 'til the end, okay?" she hug me

"Of course Ven"

"Wag naman sa yakapan. Unfair na kayo" sabat ni Zia na naka nguso

"Naiinis si Kuya sa naka nguso" sabi ko sa kanya kaya agad siyang sumimangot

"Halika ka nga dito" sabi namin sa kanya at nagyakapan kaming tatlo

"Dahil diyan, you need to wear this sa date niyo ni Jon bukas" ba't nila alam? Sino nagsabi? Sila Kuya ba? Si Papa?

"Chismoso sina Rhynee" ay poya. Nakalimutan ko. Kainis ang dalawang yun ha!

"Okay. Fine" pagsuko ko. Ibinigay nila sa akin yung dress na kulay peach. Sana bumagay sa akin.

Pumasok na ako sa loob ng dressing room at nagpalit. Ba't maikli ata?

"Hoy! Ayoko sa maikli" reklamo ko sa kanila pagkalabas ko.

"Try this" bigay na naman nila sa akin ng dalawang pares ng damit. Isang white long sleeve na shirt at maong skirt. Mas okay to kaysa doon sa nauna.

Lumabas na ako at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Woah! Mas bagay sa'yo" sabi ni Shau at sinipat pa ang damit ko

"Para ka nang inosenteng babae na walang alam sa baril" sabi naman ni Zia kaya ngumisi ako.

"Isuot mo to" sabi ni Shau pagkabalik niya na kumuha ng sapatos. Flat shoes siya na white.

"Ba't parang lumiit ka?" Sinapak ko si Zia dahil sa sinabi niya

"Kapag nagheels ako, mas tatangkad ako" sabi ko. Ang isa sa napansin ko kapag sama-sama kaming tatlo ay ako iyong pinakamatangkad. Sunod si Shau at Zia na magkaheight. Akala ko nga noon na maliit ako, hindi pala. Kapag katabi ko lang pala si Kuya Ire noon yun. Speaking of Kuya Ire. Ang sinabi ko sa kanila ay babalik ako doon kapag nahanap ko na sila Papa kaya tutuparin ko iyon. Magpapasama nalang siguro kina Kuya at Papa. Kailangan din mag-usap ni Papa at ni Tita Janiz.

Lumabas kami sa shop na yun habang bitbit ang mga pinamili namin.

"Tara! Arcade tayo" yaya ni Zia kaya naman pumayag kami ni Shau agad. Doon na ang tambayan naming tatlo kapag nagmo-mall kami noong wala pang mga sunod-sunod na problema ang dumating sa buhay ko.

Pagpasok namin sa loob ay bumili agad kami ng coins para makapaglaro.

Nagkatinginan kami at

"Basketball" sabay-sabay naming sambit at tinaas baba ang kilay namin. Sakto naman na walang naglalaro doon.

Sinimulan na naming maglaro at hindi na namin pinansin pa ang mga tao sa paligid namin. Nang matapos kami doon ay sa claw machine naman kami nagpunta. Nakakuha ako ng limang bear at silang dalawa naman ay earpods at tatlong bear. Binilhan naman na ako nila Kuya noong isang araw ng earpods kaya di ko nalang kinuha kanina.

Sinipat ko ang wristwatch ko at 3:00 pm na pala. Mapatagal kami dahil sa claw machine.

"Uwi na tayo" pagyaya ko sa kanila

"Teka" sabi ni Zia

"Bibili lang ako ng gift para kay LJ" sambit niya at nauna nang lumabas sa arcade. Nagkatinginan kami ni Shau at napangiti. Type niya talaga si Kuya.

Habang busy sa pamimili si Zia ay may namataan ako.

"Teka lang Shau. May bibilhin lang ako sa isang shop dito. Nakalimutan ko kanina"

"Sige. Hintayin ka nalang namin dito. Alam kong matatagalan pa tong Zia na to"

"Sige sige" nagtungo na ako doon sa Jewelry Store. Ngayon ko lang naalala kung saan ko nakita ang friendship necklace na nakita ko bago kami pumunta sa arcade.

"Miss" tawag ko sa assistant ng store

"Yes Ma'am?"

"Can I have a look at this?" sabay turo nung tatlong necklace

"That's a good choice Ma'am. Nakapromo po yan ngayon dahil nga po Christmas. Here po" at ibinigay niya sa akin ang tatlong necklace. Nagiging heart shape kapag pinagdidikit ang tatlo.

"How much?"

"PHP 3,500 po" akala ko ba nakasale?

"PHP 2,890 po ang dating price ng bawat isa sa kanila" ahh.

"Okay. I'll buy that" nilagay na niya sa box ang mga necklace. Ibibigay ko nalang ang mga yan sa kanila kapag Christmas eve na.

"Thank you Ma'am" nag-bow nalang ako sa kanya bago ako umalis.

"Tara na" sabi ni Shau dahil sakto naman na nagbabayad na si Zia sa counter.

"Ano ba yang pinamili mo?" Tanong niya at sinulyapan ang paper bag na hawak ko.

"Gift ko kina Kuya" sabi ko nalang

"Ahh"

"Let's go" sabi ni Zia nang makapagbayad na siya sa counter.

Nandito na kami sa harap ng kotse nila Kuya at nahihiyang iniabot ni Zia ang gift niya kay Kuya Lem sabay takbo. Luh.

Natawa nalang kami ni Shau at nagpaalam narin siya na sundan na si Zia. Nagkakamot naman sa ulo si Kuya dahil sa ginawa ni Zia.

"Gulat ka Kuya no?" Sabi ko sa kanya habang naglalagay ng seatbelt. Sa likuran ako at sa harap silang dalawa.

"Crush ba ako nun?" Tanong niya habang nilalagay din ang seatbelt niya

"Oo haha. Nahihiya pa nga siyang ibigay yan sa'yo" sabi ko naman

Si Kuya Jemuel ay mas inaatupag ang pag-aaral kaysa sa lovelife kaya naman wala pa siyang girlfriend.

"Tss" sabi nalang ni Kuya at nagsimula nang magdrive.

"Kuya" tawag ko sa kanila

"Oh?" Sagot nila pareho kaya napasimangot ako. Kambal na kambal lang?

"Pwede bang dumalaw tayo kina Kuya Ire bukas?"

"Ire?" Tanong ni Kuya Jemuel

"Yung mga kumupkop sa akin. Yung pamilya ni Tita Janiz"

"Ahh. Sige si Kuya Lem na bahalang magsabi kay Papa"

"Bakit ako?"

"Ikaw pinakamatanda" sabay naman kami ngayon ni Kuya Jemuel.

"Tsk. Dahil lang ako mas matanda?" Bulong niya pero narinig naman namin.

"Gurang" sabay ulit kami ni Kuya Jemuel

"Hoy! Magkasunod lang tayo" sabi niya sa kambal niya

"Basta ba mas matanda ka parin"

Nag-aasaran na po sila kaya kinig nalang po ako ng music. Kinonek ko ang phone ko sa radio dito sa kotse ni Kuya.

"Ano bang tugtugin yan Jace?" Asar na sabi ni Kuya Lem.

"Theme song yan sa pinapanood ko" sabi ko nalang at mas nilakasan pa ang volume. Dahil nga mahaba ang pasensya nitong dalawa kong kapatid sa akin ay hinayaan nalang ako.

Pagkalabas nga namin noon ay ospital ay todo alaga sila sa akin kahit pinagsasasapak ko sila. Kagabihan nun ay tumabi sila sa akin kaya hinayaan nalang kami nun ni Papa dahil alam naman niya na namiss namin ang isa't isa. Isasama sana namin si Papa noon pero ang sabi niya ay kami muna daw ang mag-bonding.

Magdamag kaming nanood ng Kdrama noon. Ako ang pasimuno at hindi naman na sila nakipagtalo nun. Pinanood namin iyong Hotel del Luna at ang mga Kuya ko haha naiiyak din noong umiyak si Chanseong.

Sobra talaga akong nagpapasalamat dahil sa wakas ay nahanap ko na rin sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hanggang ngayon ay ni hibla ng buhok nila ay hindi ko parin nahahanap.

Sa kabila ng mga bagay na nangyari ay nagpapasalamat parin ako lalo na kay Lala. Why? Dahil kahit kinulong niya si Papa ng maraming taon ay hindi niya pinatay si Papa kundi bumalik sa amin si Papa na buhay na buhay at malusog parin. Kaya alam kong nakonsensya rin siya sa ginawa niya kay Mama.

I learned something from this.

Learn to wait because great things comes when you were about to give up. He planned everything and all we need to do is to trust His timing.

***

Patapos na ang ABNSL.

Feel free to ask questions!

S T A Y S A F E Hayahae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top