Chapter Sixteen

Umuulan parin hanggang ngayon kaya naman nakangiti akong bumangon sa kama ko. Hindi naman kalakasan ang ulan kaya may pasok.

Pagpasok ko sa classroom ay nandoon na sila Jiyo at Rhynee na ngayon ay nag-aasaran na naman.

"Ang gwapo ko talaga" rinig kong sabi ni Jiyo na nakaharap sa cellphone niya

"Gwapo? Baka gago?" Asar naman ni Rhynee

"Ikaw ang gago!" Sabat ni Jiyo sa kanya

"Hindi ako gago, ambait ko kaya" mabait? Kelan pa to naging mabait?

"Weh? Kelan pa? Noong tulog ka?" Tama. Noong tulog siya.

"Lagi kaya akong mabait"

"Mabait? Parang hindi naman" sabat ko sa asaran nila kaya napatingin silang dalwa sakin.

"Ate Jace!" Asar na sigaw ni Rhynee.

"Hoy kayong tatlo! Tumahimik nga kayo!" Sigaw samin ni Jon

"Kami lang ba ang maingay ha?" Sila Shau ngarin tsk

"Kayo ang may pinakamalakas na boses tsk"

"Oh? Talaga ba?" Umirap lang ito sakin tyaka bumalik sa mesa niya. Attitude ka ghorl?

"Ay attitude si Koya" biglaang sambit ni Rhynee kaya naman natawa kaming tatlo.

"Ambakla mo Rhynee" sabay tawa ni Jiyo kaya naman binatukan siya ni Rhynee

"Gago!"

"Good morning class!" Nandito na pala si Sir. Di ako na inform.

Nagsi-upo na kami sa sarili naming upuan. Kahit Last Section kami, mahalaga parin ang grades para samin. Nasa 4th year na kami kaya hindi pwedeng papetikspetiks lang kami.

"Today, we will learn the basics of general math" Gen Math? Seryoso?

Nagdiscuss lang ng nagdiscuss si Sir at dahil maganda ang araw ko ngayon kasi umuulan, nakikinig ako pero itong dalawang itlog nakatulala lang sa mga problems sa board.

"Now, group yourselves into 3 for us to have 10 groups. This will be a graded activity." Pagkasabi pa lamang nun si Sir ay agad silang tumingin sakin na dalawa. Ini-adjust naman nila ang upuan nila sa lamesa ko. Kanya-kanyang grupo na to.

"Solve this 10 problems for 5 minutes tutal naka groups naman kayo then we'll check afterwards. You can start answering." Tinignan ko naman ang sasagutan namin sa board. Madali lang naman yung 1-5 pero pinahirap ni sir yung 6-10. Mautak eh.

"Solve niyo ang 6-10 tas akin na yung 1-5" sabi ko sa dalawa.

"Hindi ako nakinig" sabi ni Jiyo

"Nakalimutan ko na yung formula" sabi naman ni Rhynee kaya napahilamos nalang ako ng mukha.

"Sige palit nalang"

--

Pagdating ng uwian, nagpahuli ako dahil inaayos ko pa ang bag ko. Umuulan parin kaya naman napangiti ako. Perfect time to draw while listening to music. Ganun lang ang ginagawa ko sa bahay kapag umuulan.

Nagmadali naman akong umuwi. Padaan na sana ako sa isang iskinita nang may narinig akong tinig ng babae. Parang pamilyar ha. Kaya naman lumapit ako doon sa iskinita para tignan kung anong nangyayari.

Nagulantang ako nang makita na nakalupasay sa semento si Shau na napapalibutan ng sampung lalaki.

"Ano ba talagang kailangan niyo samin?! Tapos na kami sa inyo hindi ba?! Bakit niyo pa kami hinahabol?!" Sigaw nito sa mga lalaki. Anong tapos na? Ano bang atraso ni Shau sa kanila?

"Sabihin mo sa Jonathan na yan na hindi pa kami tapos at ikaw" tapos hinawakan nito ang panga ni Shau "Pagbabayaran niyo lahat" akma na sana niyang susuntukin si Shau nang tumakbo ako sa kanila at pinigilan ang kamao nito na tatama na sana kay Shau.

"JV?" Gulat na sambit nito kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Hindi porke't basagulera ako eh hindi na ako mabait ano. You're wrong my dear.

"At sino ka namang pakialamera?!"

"Ako?" Pagmamaang-maangan ko at itinuro pa ang sarili ko.

"Bakit ko naman sasabihin sayo kung sino ako? Ano ka sinuswerte?" Sabay sapak sa kanya sa mukha. Naalerto naman ang mga kasamahan nito at sinugod ako.

"Hayy JV, kelan ka titigilan ng kamalasan? Lagi ka nalang napapaway hayy" bulong ko sa sarili ko bago ako tumalon at ibinagsak ang sarili ko sa semento. Buti nalang at umuulan kaya nagamit ko ang tubig para pagsabay-sabayin ko silang atakihin. Napaatras naman sila at nakapikit dahil sa tubig. Agad ko namang ginawa ang pangalawang atake ko at iyon ay ang puntiryahin sila sa leeg para makatulog agad mwahaha. Ang sama ko talaga.

Nang masigurado ko na ay agad kong hinila si Shau at tumakbo kami palabas sa iskinitang yun. Basang-basa na kami kaya nagmadali kong kinuha yung bag at payong ko. Basa na yung bag ko lagot.

"Lika muna sa bahay" tapos hinila ko na naman siya. Malapit naman na yung bahay kaya doon muna siya dahil baka magising pa yung nga iyon at balikan siya.

"Hala Miss JV basang-basa ka na po" sabi sakin ng maid pagdating ko sa bahay

"Hehe Ate pakibigyan naman po ng towel itong kasama ko. Magpapalit lang po ako sa kwarto ko salamat. Dito na muna sa sala Shau, magbibihis lang ako"

"S-sige" sagot nito kaya agad naman akong nagtungo sa kwarto ko. Wala pa sila Tita, Tito ay Kuya Ire kasi may dinner sila kasama yung investors ng kompanya nila kaya ako lang ang nandito ngayon sa bahay kasama ang mga maid.

Nagsuot lang ako ng pajama tapos sweater. Oo sweater lang bakit? May problema ka? Charot. Nakasuot naman ako ng sports bra kaya wag ka. Tumakbo naman ako pababa ng hagdan nang makapagpalit ako. Naabutan kong tinutuyo ni Shau ang buhok niya.

"Doon ka muna sa kwarto ko. Magbihis ka muna"

"Sige" sumunod lang ito sakin. Himala ata at pumayag itong pumunta dito sa bahay? Kasi nga diba? Ayaw nila ako.

"Isuot mo muna to" sabay bigay sa kanya nung shorts at loose t-shirt ko

"Hindi ko na nasusuot yang shorts pero yang damit oo kaya pagpasensyahan mo nalang haha"

"Okay lang"

"Diyan pala ang banyo" sabay turo ko

Pagkapasok niya sa loob ng banyo, agad ko namang kinuha yung selpon ko sa bag. Buti nalang talaga pala at hindi nabasa sa loob tong bag ko kundi lagot ako. Hinanap ko sa playlist Sonata at agad kong plinay. Mas relaxing kasi kapag music ang kasama tuwing umuulan.

"JV" tapos na palang magpalit si Shau

"Bakit?" Tanong ko dito.

"Upo ka muna" alok ko kaya naman umupo ito sa sofa ng kwarto ko. Inangkin!

"Bakit...bakit mo ako tinulungan?" Takhang tanong nito

"Bakit ayaw mo? Tara balik nalang kita don" natulala naman siya sa sagot ko. Balasubas na JV.

"De joke lang. Tinulungan kita kasi alam kong kailangan mo ng tulong. Sampu kaya kaya sila"

"Anong nagtulak sayo para tulungan mo parin ako? As far as I know, lagi ka naming inaaway"

"Hindi porke't inaaway niyo na ako sa school ay ganun narin ako sa inyo. Oo nga't nilalabanan ko kayo kapag nagsawa na ako pero tao ka lang Shau, alam kong nagkakamali din kayo. Kahit na hindi niyo ako pinaniniwalaan na hindi ko talaga kilala si JC at LJ, alam ko lang naman na nag-iingat kayo. Siguro nga, nature ko na ang makipagbasag-ulo tulad nga ng sabi ni Kuya sakin pero para sakin, nakikipaglaban ako dahil may rason ako. Gusto kong tumulong. Ayokong maging mahina. Hindi uso sakin ang tumunganga. Yan ang mga rason ko na kailanman ay walang nakakaintindi." Mahabang lintana ko

"Hindi ko alam na..." Napayuko ito. Eh? Anyare?

"Na?"

"Na ganyan ka pala. Maling-mali kami sayo. Sa akin, akala ko papansin ka lang. Akala ko away talaga ang gusto mo parati dahil lagi kang nakikisawsaw sa away ng iba tulad nalang kay Jiyo pero mali pala ako. I-I'm sorry JV and thank you for saving me a while ago." Lumuluhang sambit nito. Shau is a vulnerable one also. She just making herself strong for us not to know that she is soft inside.

"You know what, I hate it when someone is crying in front of me." Then I hugged her tight.

"Thank you"

"Dito ka muna magpalipas ng gabi. Malakas parin ang ulan kaya magpaalam ka nalang sa parents mo" suggest ko sa kanya

"Sige, and also, I want to talk to you more about things. Is it fine for you?"

"Of course" nagsimula na siyang magdial sa phone niya at agad namang may sumagot

"Mom, hindi po ako uuwi ngayon. I'm with someone. Yes don't worry. Yes, goodnight" ganun lang kadali sa kanya ang magpaalam? Seryoso?

"I'm done. So, I want to ask you first. Salitan nalang tayo kapag gusto mong magtanong"

"Sige" sagot ko sa kanya.

"Who are you?" Jinjja? Yan talaga ang tanong niya?

@UglyJollyMeee



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top