Chapter Six

Maaga akong nagising kaya natulala muna ako sa kisame. Kakalimutan ko muna ang nagyari kahapon. Kailangan kong pagtuunan ang pag-aaral ko sa ngayon. Mahirap nang mapunta ulit sa puder ni Mama. Ayaw ko sa kanya.

"JV? Gising ka na ba?" Tanong ni Tita sa labas ng pinto. Hindi naman yun naka-lock ba't di pa binuksan ni Tita?

"Opo Tita! Pasok po kayo. Di po naka-lock yang pinto"

Pumasok si Tita sa kwarto ko na may malungkot na awra.

"JV pasensya na talaga kahapon ha? Wala naman kasi akong kaalam-alam sa nangyari noon, pati ang Tito mo. Kung nalaman lang sana namin pero sinekreto niyo pala." Yun daw ang mas better sabi noon ni Kuya Ire sakin kasi noong mga panahong yun ay nangangamba na ang kompanya nila Tita.

"Okay lang po Tita tutal buhay pa naman ako hanggang ngayon" sabi ko

"Bata ka! Huwag ka ngang ganya mas lalo akong nakokonsensya eh!"

"Ma, huwag mo nang istorbohin yang si JV. May pasok pa yan" singit ni Kuya sa usapan namin ni Tita

"Oo na. May sinabi lang ako eh" sabay pout ni Tita. Ang kyut niya talaga. Para siyang teenager kung umasta. At yun nga lumabas na sila sa kwarto ko kaya dali-dali naman akong nagpunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos kong magritwal, choss haha, bumaba na ako para kumain ng almusal. Baka mamaya wala na naman akong makain.

Pagdating ko sa dining, nandito pala si Tito?

"Good morning po Tito, Tita, Kuya"

"Morning din JV. Kain kana bilis baka malate ka pa" sabi naman ni Tita

"A-ah...JV" tawag sakin ni Tito. Si Kuya Ire namam tahimik at nakikinig lang.

"Bakit po?"

"Pagpasensyahan mo na kami ng Tita mo ha kung wala kaming alam noong araw na yun. Bakit naman kasi di niyo sinabi samin noon?"

"Pa, baka makagulo lang kami noon sa inilalakad niyo sa Canada noon. Alam mo namang muntik nang lumubog ang kompanya diba?" Sabat naman ni Kuya

"Pero sana sinabi niyo parin samin yung nangyari Ire. Paano nalang kung dalawa kayong napahamak nung araw na yun? Talaga yang si Janiz!" Gigil na si Tito kay Mama. Di ko naman siya masisisi. Mismong kapatid niya pinapabayaan ang anak nito. Dalawa silang magkapatid ni Mama. Si Tito ang panganay.

"Huwag na po kayong maproblemahan Tito at Tita, okay na po ako ngayon at tyaka, kaya ko naman na po ang sarili ko" pagpapagaan ko sa loob nila. Ayaw ko nang mag-alala sila sakin. Buti pa sila, laging anjan para sakin, samantalang yung sarili kong nanay wala man lang pakialam sakin tsk.

"Oh sige na. Basta sa susunod magsabi na kayo sakin ha?" Sabi ni Tito

"Opo Tito" sagot ko naman

"Ire" tinignan ni Tito si Kuya. Di kasi siya sumagot.

"Hayy, okay"

"Oh sige na at baka malate pa si JV. Ihatid mo na Ire"

Pagkahatid ni Kuya Ire sakin sa school umalis din kaagad siya. May aasikasuhin daw siya sa kompanya nila. Pagdating ko sa classroom namin...

Bakit wala yung upuan ko kahapon? Bakit sakto nalang? Alam kong pakana ng mga kaklase ko ang pagkawala ng upuan ko.

"Bakit wala yung upuan ko?" Mahinahon pa ako niyan.

"Ewan ko. Baka nasa ibang section na" pabalang na sagot sakin nung malditang babaeng yun.

"Oh? So ano yun, naglakad?"

"Maybe"

"Maybe maybe, MAYBEbitayin ako kung wala pang magsasabi kung nasaan ang upuan ko!"

"Tss. Edi hanapin mo sa stock room."

"Eh kung ikaw kaya ang ilagay ko sa stock room!? Bakit? Sira na ba yung upuan ko na inilagay niyo sa stock room ha?!"

"Oo sira na" pagtataray sakin ni Maldita. Talagang ginagalit mo ako ha? Lumapit ako sa kanya, dun sa babaeng maldita. Nang makalapit na ako sa kanya--

"Ouch! What the fuck is your problem?" Sinuntok ko lang naman siya.

"Ikaw. Bakit may angal ka?" Pagtataray ko rin. Di lang ako sa suntukan magaling aba! Pati sa patarayan! Sa di ko inaasahan, bigla niya akong sinabunutan. What?! Hindi ba niya kayang manuntok? Aray! Yung buhok taenang babaeng to. Nang di ulit ako nakapag-pigil sinuntok ko ulit siya ng dalawang beses sa magkabilang pisngi niya. Yan ang way ko ng pananampal. Aba, masisisi niyo ba ako kung kulang sakin ang sampal lang?

Natumba naman agad siya pero tinulungan siya nung isang babae pa dito sa room. Akala mo naman kasi kaya niya ako. Ang yabang JV ha?

"Tama na nga yan!" Suway samin nung demonyitong lalaki na nakabanggaan ko sa Korea.

"Dalhin niyo na siya sa clinic. At ikaw!" Turo niya sakin. Ano na naman ba?

"Oh?" Tanging sagot ko sa kanya

"Hindi ka pa ba aalis ha?! Hindi ka welcome dito!" Nyenye belat mo

"Oh ano naman?"

"Umalis kana dito. Kakausapin ko ang adviser na lilipat ka sa ibang section"

"Uh? Bakit naman ako lilipat?"

"Kasi hindi ka bagay dito"

"Weh? Di nga?" Sige lang, maasar ka pa. Kala mo ah. Matapos mo akong sungitan noon tsk. At tyaka di talaga ako aalis dito kasi gusto pa kitang masuntok. Putek di ako maka move on sa ugali niya noon dun sa Korea.

"Talagang ayaw mong umalis? Bahala ka. By the way, welcome to hell" hell? Tagal na akong nandun, ngayon mo lang sinabi?

"Oh! Really? Then, thank you Mr. I appreciate it so much" sabay ngisi ko sa kanya. Yung mga kaklase naman namin tahimik lang pero nagmamasid kung may gagawin man akong masama dito sa lalaking to. Baka lider nila to dito.

"Tama na yan Jon" pagpigil sa kanya nung isang lalaki. Waw ah! May kanang kamay si Kuya. Wakobet! Pumunta nalang ako sa stock room para kunin yung upuan ko. Umagang-umaga binubwisit ako nung mga unggoy na yun. Magsama silang dalawa. Tss. Masama parin ang mood ko kaya sila ang napagbubuntunan ko.

Natapos ang klase namin ng di matiwasay. Ba't ko nasabi?

Una, laging umuuga yung upuan ko. Di ko nalang pinapansin. Gusto kong mag-aral. Ayaw kong bumalik sa Beijing.

Pangalawa, laging may tumatamang paper balls sa ulo ko at likod. Masakit kasi may bato sa loob nun. Di ko nga alam kung saan nila nakukuha yung mga bato.

Pangatlo, laging masama yung tingin sakin nung dalawang babae dito sa room. Tapos biglang may hihila sa buhok ko.

Pansin niyo ba, puro mga pambata ang ginagawa nila sakin. Wala man lang ba silang maisip na mas masasaktan ako. Mga wala ba silang isip? Buti nga at nakapag-pigil ako. Nang palabas na ako sa room saktong nag-uusap yung tatlo. Si Malditang Babae, Si Demonyitong Lalaki, at Si Tigasuway Na lalaki. Ganda ng pangalan nila eh no? Di ko naman kasi alam ang mga pangalan nila.

"Sa tingin niyo, kelan siya aalis?" Sabi nung Malditang Babae

"Sa ikalawang araw. Papahirapan pa natin siya lalo bukas." Sabi naman nung demonyitong lalaki. Sa ikalawang araw pala ha! Tignan natin.

"Parang wala namang talab sa kanya yung mga ginagawa natin kanina" sabi naman nung tagasuway na lalaki

"Eh di mas pahirapan natin bukas. Yung mararamdaman niya talaga ang impyerno" ows? Really? Aasahan ko yan pre! Bago pa man nila maituloy ang usapan nila, dumaan ako sa harap nila. Yung tingin nung Babaeng Maldita gulat na gulat. Daig pa ang tarsier nung mata niya sa gulat. Yung dalawa naman, nabigla rin at nakanganga. Di siguro nila aasahan na dadaan ako. Bahala nga kayo diyan. Makauwi na nga. Gutom na ako.

"What the hell?!" Rinig ko pang sabi nilang tatlo. Tss kung makapag-usap kasi kayo e.

••••

UglyJollyMeee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top