Partially edited.
Message me in:
sayout.me/say/uglyjollymeee
...
Maulan at mabagal ang usad ng trapiko ngayon dito sa Baguio. Dismayado rin ako dahil hindi ako masyadong makapag-enjoy ngayon. Gusto rin sanang pumunta sa mga pasyalan dito pero dahil nga umuulan ay hindi ko yun magagawa.
Bakit kung kailan pa ako pumunta sa Baguio ay ganito ang panahon?
Nabuburyo narin ako dahil sa lakas ng busina ng mga sasakyan na animoy nasa Maynila ka. Ito ang unang beses na pumunta ako dito. Sinama lang ako ni Kuya para naman daw mamahinga ang utak ko at ako. Kaya ngalang wrong timing siya kasi umuulan. At sabi pa niya magtino na raw ako kasi inilipat na naman nila ako sa ibang school. Hindi ko lang alam kung saan. Jusko, kung alam lang nila.
Habang naghahanap kami ng makakainan, mas lalo pang bumuhos ang ulan. Minsan na ngalang akong makapunta sa Baguio ganito pa ang panahon. Hate mo ako Baguio?
"Kuya sa resto nalang kaya tayo kumain?" Suhestiyon ko naman at nagbabakasakali din na pumayag tapos ilibre ako. Naiinis na din kasi ako sa traffic. Sarap pektusan.
"Libre mo?" Siya nagsama sakin tapos ako manlilibre? Galing ah! Purnada yung iniisip kong ililibre ako.
"Ikaw kaya nagsama sakin dito." Sagot ko sabay busangot.
"Ano pa nga ba? Kailan ka ba kasi nanlibre," tama nga naman. Kailan pa ako nanlibre sa kahit na sino? Wala. Kuripot ako kahit dami ko nang ipon. Pero kapag ililibre kita, baka na blackmail lang ako kung gano'n.
"Sa ikalawang araw na pala ang pasukan niyo. Ikaw nalang ang tumingin sa section mo." Ang aga ng pasok. Tinatamad pa ako.
"Wag nalang kaya ako mag-aral kuya?" Kakasabi ko palang no'n, batok agad ang sumagot sakin. Masakit yun ha! Kuryentihin kita e!
"Anong wag nang mag-aral?! Puro ka kasi gulo! Pati kaklase mo pinagtitripan mo. Magbago ka na nga!" Ayan. Nabulyawan na ako. Sila naman kasi ang nagsisimula eh. Sabi nga nila baka di raw ako babae. Sapakin ko kaya sila? Tsaka anong pinagtitripan? Ako kaya lagi ang nasa ganoong sitwasyon.
"Ayoko nga! Sila naman nagsisimula eh!" Giit ko naman.
"Kapag di ka na talaga nagtino ngayon sa bago mong school, bahala kana, ipapadala ka na raw ulit nila Papa sa Beijing." Ano?! Seryoso ba sila? Saan na ba talaga ako lulugar?
"Kuya! Naman ayaw ko doon!" Mamamatay ako dun! Teka nga, bakit ba ako nagrereklamo e alam ko naman ang ilan sa mga salita nila? Tyaka, nandoon si Shifu at doon na din naman ako nag-aral noon ng ilang buwan.
"Edi magtino ka!" Sigaw niya sakin. Nakahanap na pala siya ng paradahan. Ba't sa mall?
"Waa, Kuya! Hindi ko kaya!" Hindi ko talaga kaya lalo na't sila ang nagsisimula ng away. Mapababae man o lalaki.
"Edi kayanin mo! Ba't mo ba ako sinisigawan?" Siya kaya nagsimula. Bakit ako? Huhu hustisya!
"Ehe," pasalamat ka talaga at pinsan kita kundi-- wala, bad 'yon.
Sa Mang Inasal nalang kami kumain. Takaw kasi nitong pinsan kong to. Daig pa iyong mga matataba kung kumain.
--
Kababalik namin ni Kuya dito sa Manila. Dumiretso agad kami sa subdivision nila. Ang daming magagandang bahay, sarap nakawan hahaha. Hoy JV! Bad yan!
Pagdating sa bahay nila, binaba na ni Kuya ang gamit ko. Pinauna niya ako sa loob at sinalubong naman ako nila Tita at Tito. Si Tito pala papunta na sa trabaho niya. May company kasi sila. Mas malaki yung bahay nila Kuya Ire kompara sa bahay namin.
Sa taas ang kwarto ko na katapat ang veranda nila. Ang weird no? Malawak naman yung kwarto. May sarili ding comfort room, walk-in-closet, study table, lagayan ng libro, may TV, at may sofa. Buti nalang talaga at kulay black at red ang theme ng kwarto. My favorite color!
"Miss JV bumaba raw po dahil may sasabihin si Ma'am ltana at Sir Ire (pronounce as ayr)." biglang sulpot ng maid dito sa kwarto. Jusmiyo! Paano nalang kung may sakit ako sa puso?
"Sige. Salamat," at baka mabugbog pa kita. Syempre joke lang.
Nadatnan ko sila sa sala habang umiinom ng juice. Kulay green yun.
"Bakit po?" Ang galang ha? Magpakabait ka muna JV. Mahirap nang mapunta sa Beijing ng dis oras. Baka nandoon pa sila.
"Bukas na kasi magsisimula ang klase mo kaya gusto ka naming kausapin," sagot naman ni Tita Itana. Sa Central East School pala ako mag-aaral. 4th year na ako this school year.
"Unang araw mo bukas kaya magpakatino ka. Ang dami mo nang bad record." Oo na Kuya kainis oh! Bad record, bad record sus. Gusto ko tuloy palakpakan mga naging guro ko.
"Ikaw nalang ang maghanap ng section mo. Pero ang alam ko sa last section ka rin mapupunta dahil sa mga record mo." Paulit-ulit, Kuya? Tsaka kung makapagsabi naman ito na sa last section ako ah! At least pasado ang grades ko. Magaling din naman ako sa sports eh pero mas magaling ako sa pakikipag-away, of course.
"Oo na, obvious nga."
"Buti alam mo," malamang.
"Syempre may utak ako eh," ngekk nasabi ko ata ng malakas?
"Nagsisimula ka na naman JV ha!" Ayan nagalit na dragon. Asar na naman.
"Ehe. Wala na po ba kayong sasabihin?" Pagiiba ko ng topic. Mahirap nang mabugahan ng apoy lalo na't galing sa dragon. Dragon na walang buntot, sungay lang.
"Wala na. Pwede ka nang pumunta sa kwarto mo. Ihanda mo na din ang mga gamit mo." Sagot ni Tita sakin.
"Sige po Tita,"
Get ready for tomorrow Jace Veniz. Kailangan mong magpakabait okay? Ayaw mo sa Beijing hindi ba? Kaya magpakabait ka. Kung bakit ba naman kasi lagi nalang ako? Marami pa akong ginagawa e. Sabagay, sabi naman niya na nandito siya. Sakto din dahil hindi ko na kailangan pang lumipat na naman ng lugar. Nagiging si Dora na ako nito, nakakaloka.
Pero paano ko siya mahahanap kung sobrang ilap niya? Minsan ko pa lamang nga siyang nakikita.
"Sila kaya? Masaya kaya sila sa ginawa nila?" Bulong ko sa sarili ko at tumulala sa kisame. Sisiguraduhin ko na balang araw, lahat ng kasiyahan niyo ay mawawala. Hindi sa isang iglap kung hindi ay uuntihin ko.
Live as long as I am still in silence, bitches.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top