Chapter Fifteen
Hindi ko talaga maiwasang tanungin iyon sa sarili ko. Sino ba talaga kayo? Anong kinalaman mo sa kanya Shau? Bakit ba gustong gusto nila akong paalisin dito? Hindi pa ba sila naniniwala na hindi ko kilala ng LJ at JC na yun?
"Ate Jace!"
"Hik! Ba't ka ba nanggugulat Rhynee?!" Sigaw ko sa kanya.
"Kanina ka pa nakatulala diyan sa harap ng locker mo. Wala ka bang balak na magpalit? May tatlo pa tayong subject."
"Ah Oo nga pala. Teka hintayin mo nalang ako dito"
"Correction, NIYO" ah may kasama pala si Rhynee. Hindi ko napansin si Jiyo ha.
"Oo na. Mabilis lang ako." Tapos tumakbo na ako papunta sa CR. Ba't naman kasi ako natulala hayyy.
Pagkatapos kong magbihis, dali-dali naman kaming pumunta sa classroom. Nandito na pala si Ma'am.
"Good morning Ma'am. Sorry we're late" paumanhin ko.
"Go to your sits" English class pala ngayon. Manonose bleed na naman ata ako. Sa likod ko nakaupo si Jiyo at sa harap ko naman si Rhynee. Yung style ng upuan namin mala Japan lang eh. Sosyal. Sa kanan ko si Shau na ngayon ay may band aid sa kanang pisngi. Natamaan siguro kanina hehe. Katabi niya si ZiaNGIT. Sa kaliwa ko si ano, sino nga ba to? Basta kaklase ko. Oo kaklase ko. Lol.
"Today, I want you to get a one fourth sheet of paper and spell what I am going to tell. Understand?"
"Yes Ma'am" Naglabas naman ako ng one fourth pati narin ng ballpen.
"At Jace penge ng papel" bulong ni Rhynee kaya binigyan ko naman siya agad ng papel. May kumakalabit sa braso ko kaya naman tumingin ako sa likuran ko, si Jiyo.
"Papel, penge" parang bata na sabi nito. Aba daig pa si Rhynee. Dahil naawa naman ako eh binigyan ko siya. Tumingin naman ako sa harap para makinig na. Sayang naman kapag wala akong puntos dito sa English Class ko. Recorded pa naman.
"Bakit hindi pa kayo naglalabas ng papel?" Tanong ni Ma'am. Tinignan ko naman ang nga kaklase ko at wala ng silang papel. Ballpen lang meron. Ano bang klaseng estudyante tong mga to?
"Wala po kaming papel ma'am" sagot ng isa kong kaklase sa likod. Tinignan naman ako ni Ma'am dahil ako lang ang may papel. Mauubos ata one fourth ko ngayon ha? Wala akong pagpipilian kundi ang i-alok ang papel ko. Kumuha nalang ako ng tatlo para may extra ako. Agad naman silang nag-agawan sa papel kaya sinita sila ni Ma'am.
"Let's start!" Nagikot-ikot si Ma'am sa klase
"Number one, Bologna (pronounced as balony)" na encounter ko nayang word na yan sa America noon kaya alam ko na ang spelling.
"Number Two, Colonel (kernel)" Ang astig ng accent ni Ma'am ha. Para siyang hindi Pilipino.
"Three, Jeopardy (Jeperdy)" sambit nito sabay pitik sa tenga ng isa kong kaklase na nangongopya.
"Four, Asthma (azma)" alam naman na siguro nila yan
"Five, Salmon (samin)" ang sosyal talaga ng accent ni Ma'am. Kainggit. Nakakanose bleed ngalang hayy
" Six, Pneumonia (namonia)"
"Seven, Champagne (shampain)"
"Eight, Genre (Janra)"
"Nine, Queue (Cue)" ano na nga ulit spelling nito? Hala!
"And lastly, Mortgage (mogage)" teka ma'am! Di ko pa tapos yung 9! Sayang yung ten points!
"Done?"
"Not yet ma'am!" Sigaw ko kaya naman tumingin sila sakin.
"Ate Jace, anong spelling nung number nine?" Bulong sakin ni Rhynee. Kung ganun parehas pala kami ng prinoproblema.
"Teka wala pa akong sagot" bulong ko din habang nakatingin sa papel ko. Aha! Alam ko na. It's Q u e u e.
"Pass your paper" Sabi ni ma'am at sakto naman na nag-ring yung bell. Tama kaya yung spelling ko? Hala.
"JV anong spelling nung number six and nine?" Agad na tanong sakin ni Jiyo noong nakaalis na si Ma'am.
"Yung six ay P N E U M O N I A tapos yung nine ay Q U E U E. Yun ang alam ko eh" sagot ko naman.
"Sabi mo wala ka pang sagot kanina sa nine?" Sabat naman ni Rhynee
"Bigla kong naalala kanina bago magpasa kaya nasulat ko agad." Bored na sagot ko at kinuha ang notebook ko para magdoodle. Hobby ko na ito pero mas favorite ko parin ang mag drawing.
"Ang daya! Ba't di mo sinabi?" Atungal nito sabay hila sa uniform ko
"Hoy yang damit ko suntukin kita!"
"Sige suntukin mo yan JV at nang tumahimik naman haha" gatong nitong si Jiyo kaya naman siya ngayon ang hinihila ni Rhynee.
"Aray! Ano ba Rhynee! JV oh!" Sumbong nito sakin
"Sige magpatayan kayo diyan"
Magla-last subject na pero biglang umulan. Buti nalang dinala ko yung payong ko. Maaliwalas naman kanina ha? Sabagay, tao nga nagbabago, panahon pa kaya? Ay hugot!
"Ate Jace sabay tayo umuwi ha?"
"Ayoko" alam kong walang payong tong batang to kaya lumalapit na naman sakin.
"Pasabay" sabat naman ni Jiyo
"Hoy kayong dalawa iisa lang ang payong ko! Magdala kayo ng inyo!"
"Damot" sabay nilang bigkas kaya tinignan ko sila ng masama kaya natahimik naman sila. Good.
Nandito na KAMI ngayon sa sakayan. Oo kami. Yawa di ko maisip kung paano kami nagkasya sa payong ko.
"Una na kayong umuwi" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Bakit? Sinong hihintayin mo?" Tanong ni Jiyo
"Si Kuya" nag-text kasi ako sa kanya na sunduin ako dito. Ano pang silbe na may kotse siya kung di niya gagamitin hahaha.
"Oh sige una na kami Ate Jace" paalam ni Rhynee sabay hila kay Jiyo kaya kumaway nalang ako sakto naman na dumating si Kuya.
"Buti di late si Kuya" himala ata ha?
"Sino yung mga yun?" Tanong niya nang nakapasok ako sa kotse.
"Ah classmate ko" sagot ko naman habang inaayos ang seatbelt ko.
"Oh, buti naman at may kaibigan ka? Himala"
"Tsk di naman ako masama ah"
"Pero palaaway ka"
"Atleast maganda parin"
"San banda?" Nag-uumpisa na naman si Kuya grr
"Sa mukha"
"Di ko makita"
"Kuya!" Asar na sigaw ko kaya tumawa naman siya. Paano ko ba to naging pinsan? Ah sabagay, mana lang pala ako sa kanya. Ngayon ata ang araw niya para mang-asar.
"Hahaha nakakapanibago kasi"
"Naninibago ngarin ako. Makulit naman kasi si Rhynee kaya ayan"
"Rhynee?"
"Kilala mo ba siya Kuya?" Tanong ko kasi parang may inaalala siya
"Fernandez ba ang surname niya?"
"Oo" bakit alam niya?
"Kilala mo?" Tanong ko. Curious eh!
"Oo. Private Lawyer namin ang parents niya."
"What?!" Gulat na tanong ko
"Wag ka ngang sumigaw!"
"Takteng batang yan! Mayaman pala pero palibre ng palibre sakin grrr"
"Hahaha mautak talaga sila JV" malamang. Bukas ka lang talaga sakin Rhynee makikita mo.
"Sino yung isa?" Tanong na naman ni Kuya. Malapit na pala kami.
"Si Jiyo" bakit parang interesado siya? Hmm I smell something fishy.
"Jiyo Martin Perez?" Wow alam Ang full name ha?
"Oo. Bakit kilala mo na naman Kuya? Tokang toka ka na ha. Samantalang ako di ko pa sila kilala lahat" sabay baba ko sa kotse niya at pumasok na sa bahay.
"Kabarkada ko ang Kuya niya"
"Talaga? Sana all" huling sambit ko bago ako pumunta sa kwarto ko para magbihis. Narinig ko lang yung 'sana all' sa isang estudyante noong naglalakad ako papunta sa classroom.
Tumingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan. Hindi ko maintindihan ang sarili pero kapag umuulan ay gustong-gusto ko. Mas nare-relax ako tapos nawawala yung mga agam-agam ko.
Hayy, how I love rain.
@UglyJollyMeee
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top