Chapter Eighteen
Nang magising na ako ay wala na si Shau sa kwarto kaya naman dali-dali akong bumaba. Nakita kong patapos nang kumain sila Kuya pero wala si Shau sa hapag.
"Tita nakita niyo po ba si Shau?" tanong ko sa kanila
"Ah umuwi na siya kanina. Sakin siya nagpaalam. Ang sabi niya sa school nalang daw kayo magkikita pero.." at tinignan ni Tito ang relo niya at tumingin uli sakin
"late kana" ay putiki! Hindi ko inabala pang sumagot kay Tito Ireo at dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto ko para mag-ayos ng sarili.
Nang bumaba na ulit ako ay wala na sila. Huaaa! Pano na yan? Walang maghahatid sakin. No choice ako kaya naglakad nalang ako kahit mainit na ulit. Hindi na siya umuulan.
Pagkarating ko sa classroom ay wala ni isang tao sa room namin pati narin sa ibang room. Nasaan sila? Wala naman kasing sinabi sakin si Shau. Rinig kong may parang meeting o ano sa speech hall. So there for I conclude that something is going on there. Hayaan na nga. Wala rin naman akong maitutulong at alam diyan. Hindi naman ako kawalan.
Iniwan ko nalang yung bag ko sa upuan ko at pumunta doon sa tambayan ko. Oo, inangkin ko na yung pond na may garden na may punong manga basta yung napuntahan ko noon lol.
Pagkarating ko doon ay agad akong umakyat sa puno at nanguha ng manga. Di pa ako nag-aalmusal.
Habang nagngangatngat ako ng manga ay biglang may nagsalita sa taas ko kaya naman sa gulat ko ay nahulog ako. Pisti yan oh! Pero hindi pa pala dun natatapos ang pagkakagulat ko dahil may biglang sumuntok sa sikmura ko. Aray ha! Masakit pre babae kaya ako duh!
Nang inangat ko ang ulo ko ay nakita ko na kung sino sila.
"Oh! Kayo pala? Hanggang ngayon pala mga minions parin kayo haha" dahil dun sa sinabi ko ay nasuntok pa ako ng dalawa. Hanep yan!
"Sabi ni boss wag siyang titigilan hangga't di nagmamakaawa" sambit nung isa sa kasama niya pero narinig ko naman. Bubuong pa eh naririnig naman.
"Hinding-hindi ako magmamakaawa" sambit ko kaya tinignan nila ako. Isang malakas na sipa ang natamo ang paa at braso ko kaya naman napaluhod ako. Ano ba yan. Ganito na ba ako kagutom at hindi ako makalaban? Seryoso? Isang malakas na suntok na naman ang natamo ko mula dun sa isa. Anim sila.
"Ano pa bang kailangan sakin ni Rionne at sinusundan niyo parin ako?! Takte naman! Umayaw na nga ako sa grupo eh!" sigaw ko sa kanila kahit namimilipit na ako sa sakit at nakaluhod narin ako dito sa lupa.
"Iyon na nga eh. Dahil umayaw ka ay medyo humina na ang pwersa naming lalo na sa Rogue."
"Tsk dati naman na kayong mahina" bulong ko
"Hanggang ngayon matigas parin ang ulo mo JV. Kaya eto nalang ang pambawi naming sayo dahil ayaw mong magmakaawa hahaha" tawanan nila at kinuha ang isang dos por dos na kahoy. Alam ko masakit yan dahil minsan ko naring ginawa yan sa kanila noon.
"Naaalala mo ba 'to JV?"
"Naman. Dahil diyan nagmakaawa kayo sakin" sagot ko naman at nginisian siya kaya mas lalo siyang nagngitngit sa galit. Alam kong paa ko ang pupuntiryahin niya dahil alam niyang lumalaban ako sa taekwondo. Hindi maaari. Kailangan kong lumaban.
Nang ipapalo na niya sakin yun agad akong bumangon at hinawakan ang kahoy na dapat sa paa ko tatama. Masakit sa kamay at dumugo narin pero wala akong pakialam dun basta wag ang paa ko. May narinig kaming nag-uusap na papunta dito kaya tinignan nalang nila ako ng masama bago sila nagmadaling umalis. Agad naman akong gumapang papunta sa likod ng puno dahil malaki naman ang puno nito. Masakit talaga at tumutulo narin ang dulo sa kamay ko. Sana wag nila akong makita kung sino man sila.
"Jon! Please cooperate! Mas lalo na silang nagiging agresibo!" I heard a man's voice. Boses ni LJ and what? Jon? Si Jonathan ang kasama niya? Akala ko ba magkaaway sila?
"Ayoko"
"What? So pababayaan mo nalang na may mangyaring masama sa mga kasama mo?"
"Hindi sila pwedeng madamay dito" mat tumutulo nang luha sa pisngi ko. Masakit na talaga.
"Idadamay niya parin lahat na konektado sa buhay mo at buhay ko!"
"Then what can I do about that? What—oh shit JV!" huling salita na narinig ko bago ako nawalan ng malay. Oh shit JV nga.
--
"Ano bang nangyari sa kanya Jon?"
"I don't know. Nakita nalang namin siya na bumagsak sa gilid ng puno"
"What?! Sinong kasama mo?"
"Si LJ"
"Seriously?"
"Yes. We're talking about something then we saw her."
Rinig kong may nag-uusap sa tabi ko. Ano bay an ang ingay-ingay. Hindi ba nila alam na ayoko ng maingay? Kaya naman iminulat ko na ang mga mata ko.
"Huh? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kay Jon at Shau
"Oh my God Ven! Pinag-alala mo ako!" sabay yakap nito sakin kaya naman
"Aray naman Shau. Masakit hehe" may mga pasa pala ako. Paano ako uuwi nito? Kapag nakita nila 'to paniguradong malilintikan ako. Pero bakit nga pala nandito tong mga to? Lalo na si Jon?
"Ano bang nangyari sayo?" tanong ni Shau at umupo sa side ng kama ng clinic. Ven din ang tawag niya sakin kahit na sinabing ayaw ko. Ang kulit-kulit niya pala jusko.
"Kapatid mo" yun lang ang sinabi ko kaya pati si Jon ay nagulat.
"What?! Siya ang may gawa nito?"
"May isinugo siyang alagad niya"
"Bakit 'di ka lumaban?!" kanina pa ako sinisigawan nito ha
"Ginulat nila ako eh. Ayy! Teka nga muna. Paano pala ako nakarating dito? At bakit nandito si Maldito?" pinagtaasan naman ako ng kilay ni Jon. Taray ha!
"Nakita ka daw niyang nahimatay" sagot ni Shau sakin kaya naman napatingin ako kay Jon
"Seryoso? Siya idadala ako dito sa clinic?" sabay turo ko pa sa mukha niya total nasa tabi ko naman siya na nakaupo sa upuan. Asar naman niyang inalis ang kamay ko sa mukha niya.
"Tsk. Kung ayaw mo maniwala edi wag. Siya na nga ang tinulungan." Sabi nito sabay alis
"Wag mo siyang intindihin. Kanina nga pagdating ko dito bakas pa sa mukha niya na nag-alala siya"
"Weh? Yun mag-aalala? Tsk di bale nalang" sabay abot ko ng tubig sa lamesang nasa tabi ng bed
"Okay kana ba talaga?" ang kulit ha
"Oo nga. Malayo 'to sa bitu—"
"Ate Jace!/JV!" dalawang magkasabay na boses ang narinig mula sa pinto ng clinic, sina Jiyo at Rynee
"Anong nangyari sa'yo Ate Jace? Bakit ang dami mong pasa? Bakit may bandage sa kamay mo? Sinong gumawa sa'yo nito?" sunod-sunod na tanong ni Rhynee sakin sumunod naman si Jiyo
"Sabihin mo samin JV kung sino sila at nang maresbakan! Anong karapatan nilang saktan ka!" OA?
"Teka teka! Isa-isa lang okay?" pigil ko sa kanila
"Unang-una, ganito ang itsura ko ngayon dahil nabugbog ako. Pangalawa, madami akong pasa dahil nga binugbog ako. Pangatlo, may bandage sa kamay ko dahil ayokong mapalo ang paa ko kaya itong kamay ko ang napalo ng dos por dos. Pang-apat, hindi niyo na pwedeng malaman. Panglima, huwag na. Ako nang bahala. At panghuli—" naputol ang sasabihin ko nang biglang dumating si Doc Yssy.
"Panghuli, wala kayong karapatan na sumigaw sa clinic. Get out!" natulala naman sila Jiyo at Rhynee kay Doc Yssy. Parang si Kuya lang kung magalit haha kaya vibes kami niyan eh.
Naisip ko na naman ang nangyari kanina. I need to fight them not to take revenge but I will give them a punishment they deserve. Matagal na silang hinahanap ng batas. I know that this is the only thing that I can give to them, they deserve to be in jail. Pero ang pinagtataka ko, bakit nga ba nag-alala si Jon kanina?
@UglyJollyMeee
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top