Ang Basagulera Ng Last Section First Quarter Ending

Thank you for supporting this story. I didn't expect everything. Everytime I imagine some scenario about this story, I write it not minding that my mother will scold me.

Because of this, I will continue to write and inspire you more. See you in my next stories. Muaps!

--

What is happiness of contentment for you? Maybe, some people is happy but they are not contented to what makes them happy. Some may be contented but not happy. Sabi nga nila, hindi nakokontento ang tao.

We have a fight that no one knows. But we should learn how be happy and contented. Once you acknowledge the contentment in your life, you'll be happy.

For me, I am contented to what I have now and that's makes me happy. Just seeing them laugh together, hugging each other, and welcoming each other gives me happiness of contentment. Wala na akong hihilingin pa kung makita lang silang masaya kasama ang bawat isa.

"Jace baba ka na jan!" Sigaw ni Kuya Lemuel dahil narito pa ako sa taas na pinapanood sila.

Sila Shau, Zia, Jiyo, at Rhynee ay nasa kusina. Sina Kuya Ire, Kuya Lemuel, Kuya Jemuel, at Nathan at nasa garden at masayang nag-uusap. Nasa sala sina Papa, Tita Itana, Tito Julius, Tita Janiz pati narin ang parents ng mga kaibigan ko na nandito. Ang saya nilang tignan. Ito na siguro ang pinakamasayang pasko sa akin.

Malapit nang mag-alas-dose kaya naman bumaba na ako. Nasulyapan ko sa kusina ang apat at nag-aagawan sila sa strawberry na pina-deliver ko kahapon. Strawberry?

"Yah!" Sigaw ko sa kanilang apat at lumapit ako sa kanila.

"Ubos na ahehe" sabi ni Rhynee at ipinakita pa ang wala nang laman na tupperware.

"Kayong apat..." Pumunta ako sa likuran nila

"Palitan niyo ang strawberry ko. Tig-dalawa bawat tao" sabi ko at lumabas na. Alam nilang sakin yun e.

Nadaanan ko pa sila Papa sa sala na masayang nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Isinawalang-bahala nila ang mga bagay na nangyari noon. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ako naging malakas at hanggang ngayon ay nakatayo parin at kasama na sila. Sila ang dahilan kung bakit laging hustisya ang nais ko sa bawat misyon ko. Sila ang dahilan ng hustisyang lagi kong hinihiling sa lipunang ito.

"Jace is a precious gem to us" rinig kong sabi ni Kuya Jemuel

"Don't let that precious gem get broken" sabi naman ni Kuya Lemuel

"Wag mong babasagin ang nag-iisang kayamanan naming lahat" dagdag pa ni Kuya Ire. Nasa gitna nilang tatlo si Nathan.

"Para namang ikakasal na ako" sabat ko sa usapan nila kaya napalingon sila sa akin.

"Binabalaan lang namin to" sabi ni Kuya Ire at tinapik ang balikat ni Nathan. Ngumiti ako sa kanila at sabay kong niyakap ang tatlo kong Kuya.

"Salamat" bulong ko sa kanila at bumitaw na.

"Oh siya, punta lang ako sa loob" sabi ni Kuya Ire at tyaka hinila ang kambal kong kapatid

"Aww diba sabi mo ikaw lang? Ba't mo kami sinasama?" Reklamo ni Kuya Lemuel

"Ouch! Yung tenga ko Ire!" Reklamo rin ni Kuya Jemuel

"Hoy! Tawagin niyo akong Kuya! Mas matanda ako sa inyo aba!" At tuluyan na silang nakapasok sa loob. Tumatawa naman ako dahil sa kakulitan nila.

"You look so happy"

"I am" at tumingin ako sa kanya.

"I am very happy just seeing y'all happy"

"I'm more than happy" sabi niya. Tumalikod ako sa kanya at lumapit sa roses na nakatanim dito sa garden namin

"Anong wish mo ngayong Christmas?" Kahit pambata ang ganito, pero gusto kong malaman kung ano ang ninanais niya

"To have you for the rest of my life" ngumiti ako at pumitas ng isang rosas. Nilagay ko yun sa tenga ko.

"Ikaw?" Tanong niya pabalik. Tumingin ako sa langit na punong-puno ng bituin. Ang liliit lang nila kung titingnan mo pero kapag pinagsama-sama sila ay isang napakalaking liwanag ang nagagawa nila dito sa mundo. Ang buwan na nagsisilbi nilang ilaw sa gabi.

"Wala" sagot ko

"Hmm" lumapit siya sa akin. Humarap ako sa kanya at ngumiti ulit.

"Wala na akong hihilingin dahil masaya at kontento na ako kung anong meron ako ngayon. Kontento na ako sa pamilyang narito ngayon sa tabi ko. Kontento na ako sa mga kaibigan na meron ako. Kontento na ako sa tatlong Kuya makahinga nakasuporta sa akin. At kontento na ako na nandito ka ngayon, kasama ko." Nakita ko siyang ngumiti at tumingin sa langit.

"You know what, isa kang blessing sa aming lahat" sambit niya

"Bakit naman?"

"Makulit ka man, basagulera, palamura, o ano pa...mula nang dumating ka sa buhay naming lahat, nagkaroon ulit ng pagsasama-sama at pagpapatawad. Nang magkaharap kayo ni Nana, nakita ko sa'yo ang pag-asa. Pag-asa na pwede pa siyang magbago. Pag-asa na pwede pa siyang bumangon ulit. Kahit na maliit lang ang pasensya mo, naging mabuti ka parin na Agent sa Second Division. Kapag may misyon ka, laging nag-aalala si Master Henri sa'yo kaya pinili niya akong magbantay sa'yo noon sa bawat misyon mo. Sa bawat misyon na ginagawa mo noon, lagi mo akong napapahanga. Hindi dahil nahuli mo sila at naipasok sa kulungan kundi dahil kung paano mo ipinakita sa kanila ang dapat nilang pagbayaran. Hindi ka naging marahas na Agent. Hindi mo kinuha ang pagkakataon na ikaw ay isang agent para ibaba ang iba. Pinili mong maging isang ordinaryong tao na tumutulong lang sa iba. Isa kang blessing Veniz. Nabago mo ang buhay ng ibang tao pati narin ako." Mahabang lintana niya.

"Lahat ng mga nahuli mo noon sa bawat misyon mo ay binibisita ko sa kulungan at ang iba sa kanila ay nagbago na. Lubos silang nagpapasalamat sa'yo Veniz dahil kung hindi dahil sa'yo ay hindi na sila magbabago pa. Ang mas sakit dun, baka mas lalo silang makagagawa ng krimen." ngumiti siya sa akin at niyakap ako.

"I'm thankful too."

"So am I" sagot ko sa kanya at niyakap siya pabalik. Napansin ko na inaayos na nila ang mga paputok sa labas kaya naman

"I have a gift for you pero mamaya nalang" sabi ko at tumakbo papunta kila Kuya. Sumunod naman siya sa akin.

"5!" Sabay-sabay naming bilang

"4!"

"3!"

"2!"

"1! Merry Christmas!!" Sigaw naming lahat at sinindihan na nila Kuya ang fireworks.

--
Kumakain na kami at ang mga matatanda naman ay busy na pagchismisan kung saan kami nagbabagong taon lahat. Excited sila mga tsong.

Lumapit ako doon sa dalawang bruha at niyakap sila.

"Merry Christmas" sabi ko sa kanila at iniabot ang regalo ko para sa kanila. Yung necklace. Suot ko na yung sakin.

"Suot niyo na dali" sabi ko at sabay naman nilang isinuot ang kwintas na bigay ko sa kanila.

"Merry Christmas Ven" sabay nilang bati sa akin at ibinigay na ang regalo rin nila sa akin. Binuksan ko agad yun at nakita kong friendship ring iyon. Nang maisuot ko na ay pinagtapat-tapat namin ang mga daliri namin at kinuhanan ng litrato.

"Salamat" sabi ko sa kanila at niyakap ulit silang dalawa.

"Salamat din Ven, dahil naging kaibigan ka namin" sabi ni Zia

"Ven, sorry sa nagawa ni Mama ha?" Naiiyak na sabi ni Shau

"Don't be sorry. Napatawad na siya ni Mama at Tita Lala, so am I" sabi ko. Ayokong umiyak ngayong pasko. Gusto ko na masaya lang kami. Na nakangiti naming ipagdiriwang ang kapanganakan ni Hesus.

"Thank you" sabi niya at kumalas na sila sa akin ng yakap. Sabay kaming tumingin ni Shau kay Zia.

"Dali na" sabi namin sa kanya. Ibibigay niya kasi ang regalo niya kay Kuya Lemuel. Nahiya pa ang bruha. Nag-uusap at tatlo kong Kuya sa gilid kaya naman buong lakas naming itinulak si Zia kay Kuya Lemuel. Muntik pa siyang napasubsob sa sahig pero nahawakan siya ni Kuya Lem sa braso. Namula naman si Zia kaya tawang-tawa kaming dalawa ni Shau.

"A-h f-or yo-you po" sabay abot niya ng box kay Kuya at tumakbo palapit sa amin. Pulang-pula naman si Zia pati narin si Kuya. Waaa! May aabangan akong loveteam!

"Ayiii" sabay naming sinundot-sundot ang bewang ni Zia kaya lalo siyang namula. Para na siyang kamatis. Maputi rin kasi siya.

"Wag nga kayong ganyan!" Saway niya sa amin. Napatingin ako sa likod ni Shau at nakita kong sumenyas sa akin si Jiyo na tumahimik. Humagikgik naman ako.

"Ay pusang gala sa kalsada!" Gulat na sigaw ni Shau nang may malaking box na biglang lumitaw sa harap niya. Hinalikan siya sa pisngi ni Jiyo kaya si Shau naman ngayon ang namumula.

"Nakakainis ka! Ba't ka ba nanggugulat?"

"Merry Christmas" sagot nalang sa kanya ni Jiyo at niyakap siya. Ay buset! Kinikilig ako yawa!

"Merry Christmas Ate Jace" sabi ni Rhynee na nasa tabi ko na pala at ibinigay ang regalo niya sa akin. Bubuksan ko nalang mamaya.

"Salamat Rhynee. Merry Christmas din" at iniabot ko rin sa kanya ng regalo niya galing sakin. Agad niya itong binuksan na parang bata.

"Woah" sabi niya nang mabuksan na niya. Ang regalo ko sa kanya ay yung nakita niya noon sa Baguio na play station. Hindi niya nabili dahil nga agad silang pumunta sa Castelo Building noon. Dahil nga pinaalis o sadyang umalis ako noon ay binili ko na.

"Thank you Ate Jace!" Sabi niya at niyakap ako.

"Walang anuman"

Sunod-sunod na kaming nagbigayan ng regalo pero pansin ko na mas marami akong natanggap. Bakit?

"Bakit ang dami kong gift?" Tanong ko. Tumingin naman sila sa akin at ngumiti

"Thankful lang kami sa'yo JV" sabi ni Tito Julius.

"Aww tats ako" sabi ko kaya naman nagtawanan kaming lahat. Nabigyan ko silang lahat ng gifts ay tatlong gift nalang ang natitira sa akin na hindi ko pa naibibigay. Yung kay Master Henri, Morana, at Jackson. Siguro ibibigay ko nalang sa kanila to bukas.

"Ahem" magkakasunod nilang ubo. May sakit ba sila?

"Ahem" sabi nila ulit at tumingin sa katabi kong tao.

"Oh?" Tanong ko kay Nathan. Ah, gets ko na.

"Tara sa labas" sabi ko nalang at hinila siya papunta sa garden. Napahagikgik naman yung dalawang bruha. Tumango naman ang tatlo kong Kuya sa kanya samantalang ang mga matatanda naman ay kinikilig na animo'y mga teenagers din. Luhh.

"Oh?" Sabi ko ulit sa kanya. Namula naman siya nang iniabot niya sa akin ang regalo niya.

"Ano to?" Tanong ko

"Buksan mo" nagkibit-balikat nalang ako at binuksan ang box.

"Hey" sabi niya nang magsimulang tumulo ang luha ko. Yawa! Bakit ako naiiyak sa regalo?

"Yawa ka!" Sabi ko sa kanya at pinahid ang luha na pumapatak sa mga mata ko. Ano ang gift niya? Isang album na siya at ako ang laman. Meron yung nasa Korea ako. Meron din habang natutulog ako. Aba! Paano niya to nakuhanan? Nang matignan ko na lahat yung picture ay napansin kong may box pa sa loob ng mas malaking box.

Naiiyak ulit ako yawang yan! Isa yung music box na babae at lalaki ang nandoon. Pinakatitigan ko iyong mabuti at napansin kong nakapang-agent ang damit nila. It is him and me.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. He is not just a boy but a boy with love. No, a man with love.

"Thank you so much" humiwalay ako sa kanya ng yakap at ngumiti.

"Do you want to see your gift too?" Tanong ko

"Yes" sagot niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Close your eyes" sabi ko na sinunod naman niya. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

"Saranghae nae sarang" bulong ko sa kanya at hinalikan ang ilong niya na siyang lagi kong ginagawa pero bigla siyang nagmulat at mabilis na hinalikan ako sa labi. Nakatulala lang ako.

"Nado saranghaeyo nae sarang"

Life is full of ups and downs. When you fall, you should learn how to stand up again. Try and try. Wala namang mawawala. Kapag hindi ka nag-try, marami talagang mawawala. It's better to take risk than wait for nothing.

And now, the risk that I take is not useless. They were the risk that gave me a very beautiful ending.

I was a transferee in Last Section. They call me 'basagulera' and now, they were one of my family.

"Jace Veniz Almoite. Officially signing off as your basagulera."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top