Chapter 9
A/N: Domo ^^ Here's the update. Hope you'll continue supporting it. :)
~~~~
Third Person POV
(Before The Review-SS)
Umaga.
Kalalabas lang ni JR sa Dean's Office ng makita niya sina Daryll at Nami sa di kalayuan. Walang masyadong estudyante sa kinaroroonan nila ngayon dahil karamihan ay nasa klase.
"Ah. Mr. JR, kindly inform Ms. Nami tungkol sa pinag-usapan natin. Mamayang 9:00 yun ah. We'll need to talk about that event. Clear?"
Naalala niya bigla yung bilin ng Dean bago lumabas kanina sa office kaya plano niya sanang lapitan yung dalawa kaso hindi siya natuloy dahil...
"AKALA MO HINDI KO ALAM KUNG SAAN KA NAGPUNTA KAGABI HA?!" Nagtaka siya sa biglang pagsigaw ni Daryll kay Nami. Hindi pa niya kasi nakikitang sinigawan niya ng ganoon si Nami. Ngayon lang at labis ang kanyang pagtataka sa narinig niya. Nagtago siya pero medyo malapit sa kanila para marinig niya kung anong nangyayari.
"What? HINDI NGA AKO LUMABAS KAGABI!" Bakas sa mukha ni Nami ang irita habang sinasabi iyon.
Naihilamos ni Daryll ang kamay niya sa kanyang mukha at pinipilit kumalma.
"I saw it with my eyes Nami. You're with Him! You're with your EX! Now, explain that holding hands while laughing of yours habang nasa mall kayo. "
Nagulat si Nami gayundin si JR na medyo hirap na sa posisyon niya habang nakikinig. Parusa ng pagiging tsismoso. Napangiti si JR sa mga nalaman niya kahit medyo nagpakahirap siya sa pakikitsismis ay parang nakakuha siya ng magandang regalo sa lagay ng mukha niya ngayon.
Naghanda na siyang umalis at narinig pa ang huling sinabi ni Daryll.
"You can't fool me anymore Nami, please! I love you. Sabihin mo nga, mahal mo ba talaga ako?"
Maamo at malambing na pagmamakaawang tanong ni Daryll kay Nami.
Tss. Hayaan mo na yan Daryll. Break mo na lang! - sabi ng isang tinig. Tumango-tango naman si JR.
-------
"Hindi kita minahal! I just want to ruin that crazy woman who is deeply inlove with you! Duh! Ang tanga tanga mo kasi. *smirk* Oh I forgot, mahal na mahal mo pala ako diba? Silly. I don't love you. Let's end this!" Umalis agad si Nami pagkatapos sabihin ang mga salitang nagpaguho sa mundo ni Daryll. Nabato siya sa kinatatayuan niya at di alam kung ano ang gagawin.
Ilang minuto ang lumipas at di pa gumalaw si Daryll. Well, ganoon talaga kapag hindi mo inasahan na sasabihan ka nang ganoon.
"Bro!" Tawag sa kanya ni Keso at halatang may sasabihin. Napapitlag si Daryll at binulyawan ito.
"Anak ng keso naman oh! Ba't ka ba nanggugulat!?"
"To naman. High blood. Broken lang eh. REVIEW NIYO NA DAW! CONDOLENCE BRO! BYE!" At kumaripas siya ng takbo habang si Daryll ay inis na umalis papunta sa room na pagre-review'an nila.
--- Yan muna. XD Next update later. Sorry po kung lame.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top